Ulap ay kaysarap pagmasdan
Tila punong-puno ng kapayapaan
Ang gaan ng aking pakiramdam
Parang ako'y nasa isang kaharian
Ang sarap ng bawat ihip ng hangin
Mahinang alon sa dagat kaysarap tignan
Ang tataas ng mga naglalakihang gusali
At ang liliit naman ng mga bangka
Ako'y mag-isa lamang nakaupo sa isang sulok
Naghihintay ng oras na tumapat sa alas dos
Mabuti na lamang at mainet ang hapon
Walang masyadong tao kung kaya't ok lang maging engot
Nawa'y maenjoy ko ang bawat oras
Dito sa nakakaloka at magulong Manila
Sana'y makakita ng maraming pogi
Dahil maya-maya'y papunta na ako sa Star City
August 12, 2011
1:45PM
sa sulok ng Dencios Restaurant...
Para sa pakontest ni iyakhin
makikisali lang.. heeheh :D
2 comments:
Lol random?! Hahaha
Salamat sa pagsali mo.
uu nga eh random na random ang dating.. kala ko kasi mkakapag emo ako.. pero napaltan ng excitemment lol :D
salamt iya.. :)
Post a Comment