Showing posts with label poem. Show all posts
Showing posts with label poem. Show all posts

Saturday, August 13, 2011

Luha na Walang Kwenta




Ulap ay kaysarap pagmasdan
Tila punong-puno ng kapayapaan
Ang gaan ng aking pakiramdam
Parang ako'y nasa isang kaharian

Ang sarap ng bawat ihip ng hangin
Mahinang alon sa dagat kaysarap tignan
Ang tataas ng mga naglalakihang gusali
At ang liliit naman ng mga bangka

Ako'y mag-isa lamang nakaupo sa isang sulok
Naghihintay ng oras na tumapat sa alas dos
Mabuti na lamang at mainet ang hapon
Walang masyadong tao kung kaya't ok lang maging engot

Nawa'y maenjoy ko ang bawat oras
Dito sa nakakaloka at magulong Manila
Sana'y makakita ng maraming pogi
Dahil maya-maya'y papunta na ako sa Star City




August 12, 2011
1:45PM
sa sulok ng Dencios Restaurant...


Para sa pakontest ni iyakhin
makikisali lang.. heeheh :D

About