Sunday, September 16, 2012

SEPTEMBER 2012 Diary Part 2


ayun half half ako ngayun.... parang kinsenas lang ang peg chos...

Sept. 16 - bday ni greekgod... ayun dahil si ta jing eh nasa hospital ayun ako ang nag-alaga sa anak niyang si schan boy. kakaloka.. ayun naglaro na lang kame dito sa laptop ng naruto sa FB... nagpapalevel ng bonggang bongga.. para di na siya lumabas labas pa.. baka kung san pa makarating.... tas nung ala una ng hapon niyaya ko sina jeje at yellie na manuod ng resident evil 5... ayun buti naman at PG13 kaya ayun pede si schan.. at ayun takot na takot lang ang bata... kakaloka... pero storywise. not good. pero ang ganda ng mga barilan at action scenes.... ayun yun lang.... tas pagkauwi laro ulit ng naruto.... so ayun di ako nagbukas ng shop.. NKKLK!!!! hahayyyy.... pero sana sana sana umabot sa quota....

Sept. 17 - boring monday.. pero kahit papano bumabalik na yung mga dati kong customer sina ronrick, kelvin, em em at wendy... ayun happy much lang... ang namimiss ko na lang na mga customer eh yung mga nagpapaprint saken ng mga santa... hayyyy nakakamiss sila..... di kasi ako nakapagpaalam na mawawala ako nung march..... ayun nagpalevel lang ako ng bonggang bongga sa Naruto Pockie Ninja.... saka binago ko ulit ang twitter name ko.. wala lang.. me dinamdam lang.. para saken eh di talaga ako pwedeng makipagkaibigan online.... kaya ayun wag na lang.. iisipin ko na lang sarili ko..... and from now on ala na lang ako pake... basta lilimitahan ko na ang pakikipagkaibigan sa virtual world.... mas maganda pala makipagkaibigan sa personal... hehhehehe.... pero kinagabihan eh nagbasa ako nung THE DREAM THAT MADE OF ni Migs.. ayun ang ganda ng story sequel kasi siya sa Love At Its Best at nahook ako ng bonggang bongga sa story....

Sept. 18 - boring much din... naglaro lang ako ng naruto pokie ninja... tinatamad ako maglayout. walang inspiration.. hayyy laypppp :(

Sept. 19 - boring much.. pero 19 ngayon kaya nag iingat aketch... kala ko mazezero ako ngayon sa awa ng diyos kahit papano me kita.. jozko... nakakaiyakkkkkk..... pero ayun wala akong ginawa ngayon pero nagDL na lang ako ng mga movies i need to save movie para gawing negosyo chos...... ayun..... tinatamad ako maglayout kasi parang nawawalan ako ng gana..... alang inspiration.... tas ayun bongga ang twitter me cover photos na din sosyaaaalllll......... and den naglaro n lang ako ng naruto pockie ninja.. kaso ayun walang ryo di ko tuloy mabili si 3rd hokage....

Sept. 23 - ayun nanuod ako ng drill ng st francis nung umaga. okay naman ang drill nila okay ang tugtog puro mga overtures.. yun nga lang mejo di pa malinis. pero overall okies naman.... ayun anyway.... nagkaallergy pa aketch....

Sept. 29 - dahil di available si jeje eh di ayun akong mag isa ang naggowrabels sa divisoria.... nakakalowkahhhhh..... nung una ayun baba ako sa baclaran.. ambon ambon pa ang effect ng weatherlaloooo... umiiyak si saint peter....


.

Wednesday, September 5, 2012

SEPTEMBER 2012 Diary

sempre itutuloy ko ang aking nakagawian. nung andun pa ako sa PF.. hehehehe... hay grabe nakakamiss ang purefoods jusko!!!!! nakakamiss ang mga hotdogs.... at ang TJ hotdog di na kasi ako nakakain ng tj hotdog di tulad dun... ang sarap kainin.. super mainit na mainit galing pang micro... hehehehe... i miss those days....

----------------------------------------------------------------------------------------------


Sept 1 - ayun laba laba day... tas me tumawag sa phone yun nga yung sa globe kasi mag iinquire ako dahil papakabit ako..... so gorabels lang

Sept. 2 - i forgot

Sept. 3 - nagbukas na ako ng shop kahit alang internet.. pero ayun nga mejo nalungkot.. bigla kong namiss ang PF!!!!!

Sept. 4 - ayun nga andun pa rin sa shop pero bongga me mga customer na agad... heheheh kaya ayun... mejo nangangapa pa ako.... naglayout na ako ng mga advertising chuva chuva... para ipost sa pintuan... yun yung taga daycare na kasamahan nina ta jing at bum... kaya ayun... kahit pano me kita....

Sept. 5 - ayun naglinis ako ng salamin.. tas pinost ko na yung mga advertising chuvachuva ko... tas ayun kahit papano me customers naman kala ko mazezero akez. heheheh pero open naman ako kung mazero hehehehe.... tas tumawag na yung globe ayun kakabitan na pero ang dami ko lang pinagtataka. kaya nakakalowkahhhh....

Sept. 6 - ayun naglinis ulit ako ng salamin... tas ayun ang dumi dumi ko lang... nakakaboring grabe...... buti me customer ako yung nagtatrabaho sa epza... at ang bait ni ate.... im so blessed.. grabe naiiyak ako... naiintindihan niya ako... grabe. tas ayun nganga lang ako... tas nung hapon bumisita saken si macky.. ayun me laptop na ang damuho... kaloka siya... hehehehe... sosyaaall nagpapaturo ng kung ano ano saka bonding... anyway... ayun dumating na yung globe at kakabitan na dapat ako.. pero i insist.. dahil nga dun sa wifi na dagdag additional 350php... tas ayun me tumawag na agent.. mejo nagkagulo gulo na ako.... ayun naloka na aketch.. ang hirap makipagnegotiation kaya pinili ko na lang eh yung landline and internet na lang.. pero plan 1mbps na rin... saka di ko naman kailangan ng wifi jusko hirap inegosyo yun hehehehe..... baka agawan pa ng internet... at nagkausap kame ni zarine.. ay grabe.. super reminiscing kameng 2 about purefoods moments... hehehehe mejo naaawa rin sya saken sa mga nangyayari saken ngayon kasi mali nga yung naging desisyon na pagreresign.... ayun nadepress na alng ako at umiyak sa shop..... pero okay na rin.... sa ngayon okay lang kahit konti lang ang kitain ko. basta always ako mag oopen... heheheheh... i miss purefoods so muchhhhh.... pero ayun nga la na ako balita.............

Sept. 7 - ayun naglaba ako nung umaga.. grabe sobra kong namimiss ang PF!!!!!!!!!! super reminisce ng bonggang bongga... ayun nakakamiss... tas bandang 2PM nagbukas ako ng shop.. oh devah late na.. buti na lang me nagpaprint na 2 customer oh ayun happy na ako kahit 2 lang sila.... lolz... tas dumating si macky nagtatanong na naman... tas ayun.. pero nakakaboring kasi alang internet... haaayyyyy.... ang globe kasi ang gulo kausap.... tas eto kausap ko si GL yung sa Oboys... kafb ko kasi siya and nung una pa lang na nakilala ko sya sa pex.. lam ko super bait neto.. buti he accept me as a friend.. naaalala ko tuloy nung july lage ko siya kachat sa fb.. hehehehe.... ayun napapost tuloy ako sa oboys. and parang gusto ko na rin ng kakulitan para makamove on sa PF..... yun nga lang nakakahiya ng konti kasi mga bongga sila... achievers kumbaga... heheheh.. kakalowkahhhh..

Sept. 8 - ayun naglaba ako nung umaga.. den ayun bandang 11:30 ayun pagsilip ko sa cp ko waaaa nagtext si edison at sinabing pumunta ako sa planta para kunin yung R1 ko... or backpay ayun gulat na gulat lang akez ayun di ko na tinapos ang paglalaba at ayun naligo gowrabels sa purefoods... tas pagdating dun sakto andun ang mga taga curing sina penus, yung si tabachoy na nagmeatprep dati, si guevarra na nakasama ko sa nuggets at meatprep dati... tas me isa pa na di ko makilala... ayun pics pics... tas niloloko ko si tabachoy... at ayun nagtanong about kung bakit ako andun sempre BACKPAY... ayun kulitan.. tas dumating sina goma at rom... ayun niloloko ko... buti mabait si goma.. naaalala ko yung dati tinuruan ko siyang magbuhol at pack dun sa P.E. Bag pati dun sa paleta... ang bilis lang niya natuto tas eto line leader na siya ng bmeat... NKKLK!!!! den ayun sabi nun sa office kakaalis lang daw.. pero gorabels daw ako sa trece... pero bago ako umalis eh nakipagharutan muna talaga ako.. sinusulit... di n ako pumasok ng planta.. dahil yun nga baka mapahiya ako saka magkagalit nga kame ni bio saka ala na rin ako gaano kakilala na..... den ayun gowrabels sa trece.. plus nakita ko pa yung CWE.. tas ayun 4 kame kumukuha ng backpay yung isa dun eh taga nuggets at kakilala ako.... dahil nakikita nya ako sa meatprep.... den yung isa pogi taga hotdog me resemblance kay mike ay grabe crush ko na si kuyaaaa.... kalowkahhhh.. heehehhe... tas gulat ako dahil 2.2K ang aking backpay... ang saya saya..... tas papaltan sana namin yun sa genstar... pero nagtext saken si ta jing na ihulog ko na alng sa bangko.. tas ayun gumora ako sa robinson kasama sina tita at chacha... di ko maiwasan mapangiti sa biyahe nung nakita ko ang planta.. kasi sobrang nakakamiss.... tas me kasabay pa akong foreigner na koreano... NKKLK lang... ayun nakauwi rin ako kasabay sina tita at chacha....

Sept. 9 ayun sunday sa bahay lang nung umaga den nung tanghali ayun pumunta ako ng ilaya para kunin yung high chair.... ayun nakipagchikahan ako kina moneth at kuya oman... tas binisita sina daddy at tinignan yung bahay.... tas chika kay tita ruby hanggang sa nakuha ko na yung high chair... tas derecho dito sa arnaldo una kong customer eh si zarine!!! ayun mega kwentuhan kame.. nakaklaoka.... tas ayun malungkot lang ako dito... walang internet sa shop.... tas nagsimba ako at nag7eleven....

Sept. 10 - ayun umagang umaga me customer ako si yellie!!!!! diniscount ko na lang siya.... tas ayun kinabitan na ako ng internet.... sosyal...... nakakaloka pa... biglang umalis yung nagkakabit un pala eh tinesting lang.. hanggang sa ayun.... nagkaroon and voila me internet na akez... at ang bilis pa. nakapaguplod ako sa youtube ng bonggang bongga!!!!!

Sept. 11 - pagkabukas ko ng shop. ayun me customer ulit nagpatype.... den ayun tunganga mode lang ako nung natapos... di ko kasi lam ang gagawin ko.. tas ayun nung naglunch ako eh ayun nagpahinga.. tas pumunta ng bangko dineposit ko yung cheque ng aking backpay... bongga 4K na ulit ang pera ko.. pero mababawasan din yun kasi magiging 2K din yun sa october dahil bibili aketch ng monitor... para magpaparent ako kahit isang PC lang muna... den ayun pumunta ako ng palengke para magtanong about sa envelope para sa invitation sadly walang mabilhan... kaya ayun nganga... nagbukas na lang ako ng shop... naglinis... tumambay sa pex... buti na lang nung bandang hapon na eh me dumating na customer yung mga dati kong customer lang... sina rollane, ranzel at chinchin... plus si macky tinuruan ko magNERO tas me nagparush ID.. ayun... hanggang sa eto nanunuod na naman ako ng banda sa youtube.. hehehehe....

Sept. 12 - ayun si ate pam ang una kong customer.. ayun naglinis linis lang ako nung umaga saka naglurk sa pex.... tas nung tanghali nagresearch research..... about mga designs designs habang nagpepex.... nagbabasa kasi ako nung always be my baby ni extract.... ayun nawili na ako sa mundo ng net kung ano ano na ginawa kong walang kwenta.... den nung hapon me customer buti kahit papano si ate nene... nagpaprint tas nung gabi sina rollane ulit at si ranzel ang masugid kong customer... hehehe kakatuwa.... kaya me gift sila saken sa christmas.... hehehehe.... thats my plan.... ayun boring much lang.... tas ayun chika saken ni tita aileen na me parada ulit ng banda dito sa aking bayan.. NKKLK!!! eh wala naman kagayak gayak man lang.. jozkow... hehehehe..... pero sana matuloy at sana maging masaya ang fiesta.... wag sana umulan..... so excited na aketch na manuod sa bacoor.....

Sept. 13 - late na ako nagbukas. kasi nagbunot pa ako ng bigote at balbas.. bunot den ahit.... ang sakit.... ayun andun lang ako... nakatunganga.... ayun naglaro ako ng naruto pocket ninja sa fb.... tas si daddy reigh una kong customer saka yung nag eepza... tas sina ninyo, jb.. tas me nagpayphone.... tas tumambay sina nellie...saka yung katulong nila... habang ako eh sinusuklayan ko si nellie... tas ayun nung nagsara na ako eh pagdaan ko sa may tulay eh me prusisyon.. ayun sumama ako sa prusisyon kasi andun din sina tita... nakakaloka... prusisyon tas ang tugtog eh karakol... naloka ako.... first time ko lang kasi makakita ng ganon....

Sept. 14 - ayun naglaba lang ako maghapon.. fromm 9AM up to 6PM grabe ang dami kong nilabhan... at sobra akong napagod... tas nagpagawa si boom nung sketch....

Sept. 15 - ayun boring much lang sa tindahan... nakatunganga much.... pero nakakagulat ang news.. dahil nag3rd runner up ang Philippines sa Miss Supranational. ayun todo punta ako sa TPQ at sa Misso lahat nagcocongrats kay Elaine Kay Moll... bongga siya.... 1st runner up lang siya sa bb.pilipinas.. den paaakkk nag3rd runner up sa international competition... den ayun kwentuhan kame ni zarine nung hapon tungkol sa purefoods at sa business ko.... ayun... boring much alng..... tas ayun nagresearch ako kung pano maggawa ng envelope.. jusko madali lang pala siya.. para di n ako bibili ng envelope sa divisoria.....

About