Saturday, July 30, 2011

Diary 07/31/11 I Turn To You



Kagabe... after kong maloka sa panunuod ng MMK.... ayun back to depression ulit... kaya imbes na mag-emo.. eh naisipan ko na lang na matulog..... hanggang sa naisip ko yung kantang I Turn To You ni Christina Aguilera... paksyet lang kasi wala akong MP3 non.... kaya kinanta ko na lang siya habang tulog...

Hanggang sa naisip ko na magsimba kinabukasan.... para makapagdasal at ilabas sa Kanya ang nasa sa loob ko... saka 2 buwan din akong di nakakapagsimba.... kaya dapat lang na bisitahin ko Siya

Kinaumagaahan... after maglinis ng bahay... ayun... derecho sa simbahan... sa di inaasahang pagkakataon nakita ko pa yung dati kong katrabaho sa simbahan ayun kamustahan.... chika chika.... sa totoo lang sa isip ko nakakahiya... kasi sila ayun OK sa work... den ako eto nasa shop lang.. pero kung iisipin ko yun waley lang... ayun hinarap ko pa rin sila... at nakasama ko sila buong misa.... parang ang dating eh peace be on earth na.. heheheh.....

Kaya pagdating dito sa shop... nagpatugtog agad ako ng I TURN TO YOU.. sarap ng pakiramdam kasi kay God ako huminge ng tulong kahit ayun di ko siya nakikita.. nararamdaman... at least sana naririnig niya yung mga pinagsasabi ko.... gumaan ang pakiramdam sabay sa pagbuhos ng ulan... nakakasenti na ewan.. hehehe.....

at least ngayon.. dami kong ginagawa.. kakatapos ko lang magtype.. at yung pinapagawa saken... patapos na din... hehehehe... i cant wait STAR CITY naaaa.... august na bukaaaassssss.... yiheee..... ok lang kahit mag-isa lang ako sa araw na yon... basta kasama ko si Lord aprub na... basta kaya ko to.....



Diary 07/30/11 Mala-Emong Sabadowwwww....(dont read again)


July 30, 2011

Kakaemo ang araw na to.. haayyyy lakas ng ulan.... kung ano ano nasa isip ko....

yung mga kapalpakan ko sa work dati...

yung mga problemang kinikimkim ko ng bonggang bongga....

itong shop ko....

itong tanggap kong trabaho na sa August 5 ang deadline... tas konti pa lang nagagawa ko pero madali lang naman siya......

di ako makapaglayout.... kasi di ako makafocus.... hinahaunting ako ng aking nakaraan.....

binubulungan ako ng negavibes..... hayyyy negastar na talaga aketch.....

kung ano ano naiisip ko talaga... feeling ko me sakit ako sa pag-iisip talaga.... nagmula to simula nung nag OJT ako.... di makafocus sa ginagawa plus lageng apektado sa sasabihin ng ibang tao.... sana di na lang ako nag OJT dun sa photo studio na yun.... plus dinown pa ako... plus nabaliw pa sa isang classmate... haayyy layp....

di ko maintindihan bakit ganito ang sarili ko... nawawala sa ulirat minsan....

lageng isip ng isip sa nakaraan eh nakaraan na yun eh di na un babalik pero iniisip ko pa din... di ko maintindihan sarili ko....


grrr.. naiinis ako sa sarili ko talaga minsan... ewan ko ba... kung ano ano naiisip... buti na lang wala akong nakakaaway na customer.... hayyyyy....

hayyyy... kung mabaliw man ako sa future.. yaan ko na sarili ko.... di ko maintindihan.....

hay layp...

kung sino makakabasa neto... wag nyo n lng ako pansinin..... lakas topak lang talaga..... umaatake na naman...


Monday, July 25, 2011

Diary 07/26/11 Di ko inaasahan (dont read)


July 26, 2011

Di ko inaasahan ang umagang ito... Hayyyyy.... Isa sa mga classmate ko from college.. Isa sa mga crush ko.. Isa sa mga kinabaliwan ko noon... Na hanggang ngayon laman pa rin ng puso at isipan ko... na kahit kailan... hanggang dun na lang talaga....

at dahil showing ang Harry Pottah nitong nakaraan... ni-message ko siya last July 17 naaalala ko siya.. kasi naging crush ko siya dahil sa Harry Potter.... nung papashowing ang Goblet of Fire.. den ngayong umaga.. nagreply na siya.....


yun lang?? parang casual lang... parang di kame naging magkaibigan or magkaklase.... parang wala lang... I miss him for a long time.... pero ewan ko sa sarili ko bakit ganon nararamdaman ko sa kanya.. di pa rin ako nakakamove on.... siya pa rin talaga... pero alam ko di talaga pwede...

sa tuwing naiisip ko siya depressed agad... hayyyyy....


-----------------

if i were given a chaance.. gusto ko siya makita ulit.... gusto ko magsorry sa kanya.... inspite saa mga kabaliwan pinaggagawa ko sa kanya noon... pero siguro hanggang dun n lang yun.. parang strangers na lang talaga siguro....

hayyy malungkot ang aking araw.....

nasasaktan ako.... but he's part of my life pa din... malungkot.. sobrang malungkot...

--------

kung ano ano na lang tinatakbo ng isipan ko ngayon....

so emo...

----

rainy pa naman





Sunday, July 24, 2011

Diary 07/25/11 Harry Pottah / SpawngsBob / Emo / ApSerye List



July 22, 2011

Naglaba ako nung umaga... jusme napakadameng labahin..... den nagpahinga nung hapon at pagdating ng 3PM fly sa SM Rosario... ayun.... bumili agad ng ticket para sa Harry Powtaaahhhhh..... den bumile ng B2 or cheeseburger sa jobee den inupgrade sa SourandCream and Coke Float.. putchhhaaaaa ang MAHAAAALLLLL... P116 lahat... kalurkieeeeee..... pero binili ko pa din..... alangan naman kung hinde e di nakulong aketch...

-------------

Late ako ng one hour nung pumasok andun na sa pumunta sina Ron at Hermione sa chamber of secrets para kumuha nung basilisk fangs.. at nakakaloka me kissing scene.. ingget aketch... na habang kumakaen ng fries at umiinom ng coke float... yun lang... sa totoo lang habang nanunuod di ko naiintindihan ung mga pinagsasabi nila.. how i wish sana me subtitles man lang... ang naintindihan ko lang yata eh yung dialogue ni voldemort na

AVADA KEDAVRAAAAAAAAAAAAAAAAAAA....

saka

Harry Potter is Dead.. hahahahaha....

---------

anyway... about sa story ganon lang siya??? parang GOOD VS BAD lang den GOOD is the winner at iyon ay si Harry Powtahhh... kainis lang ung ahas.... dami niyang eksspowwwsshhyyuurrr sa movie....

pero kung sa lahat ng napanuod kong Harry Powtahhh.. gusto ko yung Chamber of Secrets, Prisoner of Azkaban saka Goblet of Fire....

pero inpernes ang gwapo gwapo ni Neville Longbottom aka Matthew Lewis sa tunay na layp.... dati siyang tabachingching nung Sorcerer Stone but look at him now, he's a HUNK... ayun sa kanya na lang ako nag enjoy... wafu wafu kasi....

pero nalungkot ako after the movie, kasi wala ng harry potter na aabangan......

-------------------------------

After manuod ng HP7.2 naggala ako sa SM.... ayun nagtingin tingin ng damit kasi gusto ko bumili ng damit tas ang print eh PALAKA at sa kasamaang palad waley akong nakita...... so sad..... tas me nakita akong damit na me hoodie... pero ampanget naman nung design... haayyyzzz kaya ayun i ended up na bumili ng spongebob shirt na 20% discount tas si ateng Saleslady na lang ang pinapili ko kung ano ang maganda.. at ayun nabighani ako sa kanyang ngiti nangulet aketchhh.. bute mabait siya yun lang....


eto ang aking spongebob shirt at eggzayted na ako isuot to sa August 12 pag nag Star City aketchh oh di ba pambatang pambata lolz.. hahaha lalagyan ko na yan ng pangalan para di na nakawin.... haayyy kung bakit kasi lage ako nawawalan ng damit e mga baduy naman mga damit ko.. so eggzayyyteeddd naaahhhhhh......

-----------------------

July 24, 2011

me handaan samen birthday ng anak ng pinsan ko.. ayun me nag iinuman.... kaya ayun kulong lang ako sa kwarto because im not a sociable person. pero nag away kame ni Tita.... kasi ung mga nakasabit na damit sa pintuan nilagay ko sa hanger ayun sabi ni tita wag daw ako mangengealam ng gamit ng may gamit ayun pumutok ang bulkan niya.. pero kebs lang aketchhh.. ayun napaload tuloy ako at derecho text sa tweetitow para maglabas ng hinanaing at baka pati ang bulkan ko eh sumabog na din.. ayun buti naman at kalmado lang siya....

yun nga lang napaemow aketchhh.... at biglang naging makata.... kaya ilalagay ko na alng dito para kahit pano me kopya ako ng kaemohan kong kaewanan.... sayang ang poem... kasi...

Nananananan....
Nakahigang nkatulala...
Malungkot ang mukha...
Di malaman qng kelan mggng masaya...
Nanananan...

Bkt gnito ang tnatahak ko.
Bkt gnito my kslanan b ako?
Bkt gnito d aq masaya?
Bkt b gnito ang aking buhay...

Puro ktanungan ang laman aking utak...
Di magawang hanapin ang ksagutan...
Nkakalito nkkbaliw kung iicpn...
Na kala mong masisiraan na ng bait..

Hay layp, kelan b lilipad...
Hay layp, may pag asa p b??
Hay layp, hanggang s pangarap n lng b?
Hay layp, buntung hininga n nga lng...

----------

..At ayun I ended up na magbasa na lang ng aking My Favorite Bromanserye of All Time ang MVP..... nakangiting abot tenga habang nagbabasa.... at hanggang Citey of Pines: Baguio lang ang nabasa ko tinamad na..... pero lakas ng ingay sa labas mga nag-iinuman kakalokaaaahhhhh..... hirap akong nakatulog.. at nakiusyoso pa sa mga chismis nila kahit nasa kwarto lang aketcchhh huhuhuhu....

---------------

List of Apserye's na nabasa ko netong 2011 as of July 25, 2011 sa mundo ng net

1. Truth or Dare - Separated (PEX) finished....
2. Buhay Ni Carlo - KarlAndrewColes (PEX) finished....
3. Courage - Kalimutan ko sino Author (Bi Out Loud) finished...
4. Chronicle of Desolate - Immaterial (PEX) finished....
5. Ang Barkada ko at si Marcius - Agkel (Hidden Stories) finished...
6. Ka-Ibigan - Jeffy (MSOB) finished....

-----

on going...

Your Guardian Angel (Antonius143)
A Very Queer Story (KarlAndrewColes)
Salamin (Jeffy)





Saturday, July 16, 2011

Drama No. 15


rarandom thought lang akez ngayon.....

nakakainip....

parang gusto ko na kasi mag August... so inip much... naiisip ko kasi dami kong pedeng puntahan sa buwan na itech...

Una.. sempre magbibirthday na me.. at homaygassshhh.... im turning 25.. jusme NKKLK.... as in nakakalurkey.. ang tanda ko na.. parang nung isang araw lang 21 lang ako.... pero i need to face the reality na mag 25 na akez... mygoleeeyyyyyy............... waaahhh.... feeling ko kukulubot na aking balat....

-----------------

plano ko sa birthday ko... wala lang.. ordinary araw lang siya.... its depend baka dito lang ako sa tindahan whole day.... yun lang... or baka magjollibee ako sa tanza after sa tindahan.. pero di ko pa lam kung ano plano ko sa mismong araw ng aking birthday... mag iisip pa ng affordable na 100pesos challenge stuff chervallooooo.....


-------

den pagsapit ng august 12 pafly na sa manila... una magmOA den kakain sa sizzling plate sempre ang paborito kong pork teriyaki... den mag eemo sa seaside.. den magtataxi den tadaaaann its star city time.. sasakay sa carousel at sa bummp car.. den itatry ung star flyer.. saka surf dance.... den pupunta sa snow world... saka dun sa dinosaur dinosaur..... den kakain den titingin ng mga pogi den sasakay na ng bus at uuwi na.... pero di pa ako sigurado... kasi kailangan ko munang maikumbinse si San Pedro na di siya magweewee sa araw na yan.. dahil kundi for sure.... panget ang mukha ko sa araw na yaneeecccchhhhh......

---------------------

tas sana sana sana every sunday ng august me band concert sa tanza... para makagala at makikinig sa mga tugtugin... kahit mukha me tanga dun.. pero ang sarap gumala dun sa lugar na walang nakakakilala sayo... iba ang pakiramdam ko.... parang ang gaan gaan na pwedeng ihagis sa river ng bonggang bongga... charot....

-------------

waaaaa.... at sempre lapit na fiesta ng Tanza.... weeeeeeee... ang kapistahan ni San Agustin... at take note magkapangalan kame jusme kalerki... ayun sempre walang katapusang marching bands... weee makikita ko ulit ang St. Augustine at Sta. Monica in their fabulous uniform and marching plus tone quality pa... kaya ayun... eggzayted looonggggg.... den bibisita na din sa simbahan at pipila para makapagdasal kay Tata Usteng...

--------

maghihintay ako kahit mabaliw pa ako sa kakahintay maging bipolar man ako or everyone would get annoyed... basta gow gow gow gow...

cant wait you August.....

13days na langgggg.... weeeeeeeeeeeeeee

Drama No. 14: Nakakasawa na... Naloloka na aketch....


Haaaayyyyy........

Naloloka na ako.. hayyy bahay - tindahan - bahay - tindahan... I feel like im in a jail... eto parati kausap ko ang bespren kong KOMMMPPPYYYYUUUUTTTTTTEERRRRRRRRRRRR.... internet dito internet doon... explore dito explore doon...

hayyy nakakasawa din pala..... sa totoo lang hayyyy....

ngayong araw na to... bali ba naman luluwas dapat kame ng Manila.. pero ayun di tuloy... hay layp...

-------------

wala naman akong choice... kundi tumambay dito sa tindahan alangan naman sa bahay eh di najombag ako ni Tita... kaya eto mega internet ang kowkak.. hay nako simula kanina umaga tambay sa Misso... tas nanuod sa youtube ng Ms. Universe Swimsuit Competition at Ms. World na din... ayun.. maghapon nakatitig lang sa computer.. bloghop.... pex... lurk sa FB.... puro kompyuter... twitter.... mejo nawawalan na rin ako ng interes kay Username... kasi parang tanggap ko na.. ayun.. never ever in my life na makilala sya at isa lang siyang imaginary friend and virtual friend at hanggang dun lang yun.. kaya ayun... mejo parang nawalan ako ng gana... ung kumbaga ako eh interesadong interesado sa kanya pero siya hindi naman... parang naisip ko sa sarili ko na ay dapat tigilan ko na rin siya... kasi wala rin naman ako mapapala ako din ang kawawa... kaya ayun unti unti n kong nawawalan ng interes sa kanya yun nga lang maepal pa rin ako.... hmmm...hay layp....

siguro kaya ganito ako ngayon... kasi wala na ako makajamming... makachika... makasama... makausap sa personal... yung loner talaga ako na bonggang bongga.. na feeling ko mag isa lang ako sa earrrrthhhhhhh..... ang routine ko lang araw araw eh.. pagkagising tutbras den walis ng bahay den jogging sa labas den sit ups den ligo den punta sa tindahan up to 7PM den bahay ulit kain hapunan den lakad lakad sa may compound mag isa lang... nakatingin sa kawalan... walang kausap... at kausap ang sarili... nakakaloka... feeling ko balang araw mababaliw ako ng bonggang bongga.... pero wala eh yun ang layp ko.. yun ang choice ko... :(

ewaan ko ba kung meron pang darating na mga tao sa buhay ko... kung mayroon man.. malaking bagay saken.. pero kung wala.. eh di wala... sarili ko naman ang kakampi ko sa buhay eh...

hay nakakalungkot lang... or ewan ko ba...

naiinip na tuloy ako na mag Star Citeeeyyyyyy next month.. as in sa isang buwan pa ako makakagala.... sana me makilala ako sa star city... na someone... pero kung wala.. siguro destiny na talaga sa buhay ko na mag isa lang ako....

hay layp... naloloka lang.. so emotional.. but thats me....

Thursday, July 14, 2011

Alyssa Campanella, 21, USA



Hayyyy......

Pag nababagot ako dito sa world wide web.. kung san san na lang ako gumagala... lurking.. basa basa ng mga kung ano ano... exploring...

madalas kapag sawa na ako magtwitter or kapag wala si UN eh magpepex den pag nagsawa sa kakabasa pupunta ng Misso....

at ayun ako na nahumaling sa mga magagandang dilag... at malapit na pala ang MISS UNIVERSE... so eggzayteeeeddddd.. loooooooong ang kowkak.......

basa basa ako ng mga topics dun.. kadalasan daming nag-aaway... bash dito bash doon.. tas mga hot picks hot picks den mga bets nila.. ayun.. di ko maiwasan ang mahumaling sa mga maglalaban sa Brazil sa darating na September 12 (ang tagal paaaaaaaaa)

pero ngayon pa lang me bet na ako....

siya si.. ALYSSA CAMPANELLA, 21, USA... itataga ko sa bato siya ang magiging MISS UNIVERSSSSEEEEEEEEEEEEEE......


so gorgeous and very queenly... kaya aabangan ko ang adventure niya pagtapak ng bwazzzilllll.. at mag-aantabay ng updates sa Misso..... hay maadik daw ba sa mga byuti faygenttt.. musta nemen..... :D





pero kahit ganon nga malakas din ang pambato ng CHINA.. nakakalorrkeeeeyyyyy... bet ko din si ate... NKKLK... bali sila ang TOP 2 ko.. den saka na ako gagawa ng Hot Picks kapag umpisa na ng laban nila sa Bwaaaazzziiiilll... at makikisali sa mga forumers kahit di ako gaano marunong mag engliissshhhh....



about sa kapalaran ni miss pelepenz shamci sufsuf... mukhang mahihirapan siyang makapasok sa tuff 15 dahil maraming magagandang kandidata all around da world ang sasali... kaya isang malaking good luck sa kanya.... pero kung ipinamana sana ni venus raaajjjj.. ang kanyang katawan ke ate shamci eym shor.. fasok siya sa banga.... oh well good luck na lang talaga... it just an entertainment lang naman siguro...

antabayanan ko naa lang ang seftember twelb.. :D


Wednesday, July 13, 2011

Ang Ganda Mo

Restricted 18 mga tsong, day, teh, boss



-------------------------

me nagrecommend lang saken ng kantang to.. NKKLK siya... wahahahaahaha... love the beat at yung lyrics na din wahahahaha... kabastos lang lolz....

natatawa ako sa rap lalo at napapasabay na rin sa chorus lolz....

hay kalokohan nga naman lolz....

Monday, July 11, 2011

Diary 07/12/11 Face Dance

Nung isang gabi... July 10 naglaro kame ng mga pinsan kong bulinggit na sina cha cha na 2yrsold at schan boy na 6yrsold ng face dance... tas pipicturan.... kaya ayun natuwa naman ako... pauso daw kasi sa showtime....

------------------------------

at kagabe.. walang magawa.. as in mababaliw na ako... kaya ayun naisipan kong maglaro na lang ng face dance mag-isa.... naeengot na eh... eh ayaw naman nung dalawa... e di ako na lang...

----



mukhang tanga lang.... (with eyeglasses)

mukhang ostrich (without eyeglasses)


pero mamimiss ko pagmumukha kong ito pag tumanda na ko for sure....





pero kung ako tatanungin gusto ko yung FACE DANCE ni Mang RICO the MAGICIAN...
panalo mga face structures nya... :D


Friday, July 8, 2011

Drama No. 12







soundtrip na nga lang.... ganda nung vanishing away sa blog ni Glentot...

-----------

yaan ko na nga lang... siguro talaga natatanga na ako... saka kahit kelan di ko yun mararanasan masakit OO.. pero ganun talaga siguro ang aking kapalaran....

minsan nakakasawa na rin daily routine ko... pero wala naman ako magagawa...

siguro balang araw... mapapapunta din ako sa bagong mundo....

siguro sa ngayon.. kayanin at tiisin ko na lang muna to... sana makaya ko...

wala eh... ordinaryo lang akong tao... isang simpleng mamamayan.....

hay layp....


Tuesday, July 5, 2011

Walang Kwentang Random No. 11


Lets drama time......

Wala lang... lolz... anyway highway kung ano ano na lang laman ng utak ko lately... daming iniisip kaya ilalabas ko siya ngayun at mangangarap...

1. Dahil sa wala na akong kachismisan tuwing hapon eh ayun pabasa basa na lang ako sa pex madalas dun sa travel and leisure at sempre sa alternative preferences mga apserye den bloghop... den pag naboring punta sa misso den pag wala na talaga.. soundtrip......

2. Napag-isip isip ko lately na yun nga iba talaga ang buhay online... yung sa computer lang siya talaga... as in computer + internet... yung enjoy enjoy lang... kaso minsan naseseryoso ko na, yung tipong umiikot na ang mundo ko sa net... nakakalimutan ko na ang ibang bagay ang maglayout at magfocus dito sa tindahan.. puro net net net.. kilig dito kilig doon... pero yun nga di mo sila makikilala or makikita talaga sa personal.... nakakatuwa na sa net marami kang makikilala.. pero yun nga sempre hanggang net lang talaga... yun ang kinalungkot ko... kaya napag isip isip ko na pag aralan ko kayang wag maattach sa net minsan... pero mahirap kasi eto lang ang hobby ko.. etong computer lang ang kausap ko maghapon.. eto lang ang bestfriend ko.... :'( im so sad....

3. Yun nga si username madalas palage ko naiisip... pero yun nga me sarili din siyang buhay... at sempre dapat irespeto ko din ang pribado niyang buhay.. pero ewan ko sa sarili ko bakit lage ko siyang iniisip eh ni hindi ko nga alam ang name niya at kung taga saan siya parang imaginary fweeenddd... at naghahanap pa ako ng clue .. pero ewan ko ba bakit interesado much ako sa kanya... parang tipong gagawin ang lahat makuha lang ang gusto ko parang thats unfair naman.. na need ko rin siya irespect.. at makuntento kung anong klaseng friendship merun kame na hanggang online friend lang... hay ewan ko ba bakit lakas ng amats ko sa kanya.. siguro nga wala na akong magawa sa buhay.. puro lalake na lang ang iniisip... haayyy laayyyppp.. baka darating ang araw.. magalit na yun ng tuluyan saken.. araw araw nilalandi ko siya... hay subukan ko nga na wag siyang itweet ng ilang araw.. para marespect ko naman siya.. hayyyyy..... kung ano ano na lang kasi iniisip ko sa kanya eh... nakakahiya.. pero napakamapilit ko... sana kayanin ko na wag muna siyang itweet..

4. Dahil sa pagala gala ako sa pex... ayun namangha ako sa Mt. Pulag.. ayyy grabeeee.. nung nakita ko yung picture.. oh my gad... parang kang nasa langit.... yung bundok eh pinapaligiran ng clouds.. haayyy eto nangangarap na someday makapunta ako don.. kaya mag iipon ipon na ako.. pedeng next year or next next year... heheheh... kahit pakonti konti.... pero kung me pagkakataon talaga gogora ako... hehehehe... kahit mag isa lang me.. ay kaso kailangan pala by group pag pupunta don... at need ko pa bumili ng bag at mga kung ano ek ek for mt. climbing... hayyy sana matupad to.. pag nanyari yun.. magiging masaya ako ng bonggang bongga with teary eyed pa.. ganda talaga ng lugar na yon... parang paraiso na papuntang langit.... at lam ko marami akong matutunan if ever na matuloy ako.. pls God help me na matupad to.... bali eto gawin kong inspiration sa ngayon... dati rati Baguio ang pinapangarap ko... at sa di inaasahan pagkakataon poof natupad siya.. kakatuwa....

5. At dahil adik sa twitter at blogging.. oh my gaawwddd napanaginipan ko ang ilan sa mga bloggers pero di ko na ipapangalan.... nakakahiya eh... at yung iba kong tropa sa twirrer di ko akalain... pero nakakainis nag eexpect ako na lalabas si username sa panaginip na yon.. pero waleeeyyyy... yung si sniper na madalas kausap ni username ang maraming ekspowsyuurrr sa aking panaginip... nakita ko kasi syang gumagalaw sa youtube.. kaya ayon.. lumabas siya sa panaginip ko.. NKKLK..... :D tas ang nakakatakot yung isang blogger nagalit saken.. huhuhu much kasi nakatulog ako tas natuluan ko pala ng laway ung unan niya.. ayun galit na galit siya.. hehehe buti na lang panaginip lang.. pero ayun di ko ineexpect na mapapanaginipan ko yon.. haayyy adik na adik na talaga ako sa online lifeee......

hayyy ang drama ko lang talagang nilalang....

Sunday, July 3, 2011

Diary 07/3/11 Twanzformer sa SM Rosario



July 2, 2011

Kahapon, ayun excited kame ni schan boy na manuod ng twansformerzzz.. sempre peborit namin dalawa si Optimus Priiimmmmeeeee... lolz...

Ayun pagkadating sa SM Rosario waahh 1.30PM pa ang next screening.. kaya ayun.. naghintay pa kame.. at ayun bumili si Ta Jing ng B3 at B1 Go Large.. wala lang.. naalala ko lang ang MVP.. at ang aking peborit na nakakabusog na B3... (Yum with TLC)...

at ang nakakapanibago lang.. madalas kasi ako manuod ng sine eh sa SM Bacoor at SM Dasma.. this is the first time na manuod sa SM Rosario.. tas me specific time.. dati rati kasi anytime pwede kang pumasok ng sinehan.. pero ngayon isang upuan na lang per screening.. naalala ko dati.. pagkatapos ng 1st screening inuulit ko ulit... haaayyzzz...

Dun kame sa pinakatuktok... mejo maganda naman kasi malinis.. as in super linis... :D parang mga sine sa Greenbelt.. kaso wala nga lang mga number number yung upuan.... at nung movie na ng twanzformers ang lumabas.. tadaaannn.... panty ni Carly ang tumambad after the intro of the title NKKLK!!!!!!!!!

ayun habang nanunuod eh di ko naiintindihan yung daloy ng story... kaya mega titig na lang kay Sam witwicky... :D

Favorite Scenes

* sa CR with VP Jerry Wang ang nakakalokang beki.. hahaha tawa ako ng tawa sa CR scene love it....

* yung habulan scene na me slomo slomo na magtatransform si bumble bee.. tawa ako ng tawa dun sa lalakeng kasama ni Sam kasi hinagis sa ere... lolz...

* "Thats my car" nung gusto ko pumasok ni Sam sa headquarters ng army b un.. eh ayaw siyang papasukin ng mga gwardiya ayun nakipagbubugan tas dumating si Bumblebee den sinabing "thats my car"

* Building scene... yung muntik ng makita si Carly nung si Shockwave yata.. na kala mong parang jurassic park.. na si TRex eh nasa likod lang.. NKKLK....

* Yung nagslide sa building sina Sam and company sa glass na building....

* Starscream and Sam battle fight scene...

* Yung muntik ng mamatay si bumble bee buti na lang dumating mga iba pang autobots...

* si Sam dungis na dungis during giyera scene pero yung GF niya. grabe ang linis pa din kaloka...

--------------

ayun thank you at di nagtagumpay si Sentinel Prime na sakupin ang eartttthhhhh...

ayun lang.. pero gusto ko yung mga sounds.. lalo na yung mga barilan at pasabog scene sarap sa tenga... :D


thanks kay wikipedia dahil ang totoo nyan di ko naintindihan yung movie habang nanunuod ako kaya after manuod nagwikipedia agad.. at ayun.. dun ko nalaman ang buong storyyy....

About