Saturday, December 19, 2009

Dasma Fiesta 2009 / Paskuhan sa Imus 2009




Dasma Town Fiesta 2009

Ganda ng parade sa dasma last Dec. 7 at Dec. 8 2009.. Hindi nakakadisappoint manuod…

Nung Dec. 7 La Torre ang pinanuod ko maaga ako gumising para lang makanuod at sakto pagdating ng dasma walang katao tao hahaha.. sinarado pala ang bayan.. kaya ayun sarap manuod konti tao.. walang sagabal kung kaya maganda pagkakavideo ko kahit CP ni jeje ang gamit ko..

4 na banda nagmarka saken nung La Torre… ang St. Jude Band, BK77, El Gobernador at Las Pinas Band… kung kayat lage ko pinpanuod s notebook… ehheehe.. enjoy… ang nakakainis nga lang.. bkt pix lang ung ginawa ko sa BK83 nung papasok na sila sa simbahan ganda pa naman ung tinutugtog nila dun talaga ako nainis.. sousa marches pa naman yata un.. malas tlga…. Nanalo sa La Torre ay Las PInas Band ska El GObernador.. katuwa nga eh.. nakita ko ung drum major ng MFBD hehehe.. ganun pala itsura nia ng malapitan di tulad kapag nagpaparada kala mong nakakatakot hahahaha… buti di niya ako kilala heeheheh..

Nung dec. 8 kasama ko si miko manuod buti at me kasama na ako ngayon di tulad nung isang taon ako lang mag isa.. bali siya ang taga video at ako ang taga pix… ehehhee.. ganda ng parade ngayon kasi 15 banda… hehehe kaya comment ako sa kanila ngayon..

CBBD – Junior yata un.. hehehe petiks lang ang marching nila…

CBBD – ui nakita ko si chleo hehehe.. ganun pla xa sa personal.. hehehe.. ayos naman….

MFBD – wao.. first tym ko lang makakita ng isang banda na onse-an… nun isang taon nga eh halos lumuwa ang mata ko dahil sampuan sila talagang sobrang dami tlaga ng MFBD malupet.. tas ang galling din sa uniform sa gitna ung checkered na black tas sa mga gilid ung khaki na lightblue.. iba talaga MFBD sa marching….

Banda 93 – ui thembasses ang tumapat saken.. hahaha.. hinahati na rin pala nila mga majorette nila katulad sa BK77…

BK77 – wow.. my fave. Marching band simula pa nung una ko silang nakita sa Rosario last 1999 or 2000.. ganda ng marching at pagkakabuka ng mga musikero.. malupet.. un nga lang iba na ata style ng tugtog nila ngayon alang tomtom.. nakita ko nga pla si Ivee.. ung sa kakaibang bida.. andun pala siya sa BK77.. hehehe.. bet ko sa marching…

BK83 – 3 stars and a sun.. love the tone quality… maganda uniform ng mga majorette.. kaso ung uniform ng mga musikero di ko nagustuhan.. kumbaga parang panget tignan sa personal /malapitan.. pero mganda tignan kapag sa youtube na…

B46 – parang nakita ko na ung uniform nila.. nirevive siguro….

St. Jude – ui.. napapansin na sila ngayon.. dati di sila kapansin pansin.. astig ng uniform nila fave. Ko!!! Iba na din style ng tugtog ala na din tomtom.. ginawa nila ulet ung 14majorette ung katulad sa tanza.. maganda pa panuodin mga majorette kesa sa mga musikero ehehehe…. nakita ko si jonmark hehehe sax pala hawak nia.. Bet ko sa marching…

SJB98 – wala lang.. alang bago sa kanila… kaya di n ko comment… nga pala late na late sila… 1.30 na eh papunta pa lang sila dun sa pag uumpisahan ng parade.. kaya siguro di sila nanalo.. disqualified na….

D Original – isa pa tong late.. 1Pm pa lang sila papunta dun sa assembly. Nakita ko jeep nila nun papunta p lng kame sa mcdo.. maayos naman pagkakaparada nila yun nga lang walang dating..

ELG – gusto ko ung tinutugtog nila at ngayon ay MP3 ko na hehehe…. Bet ko sa marching….

LPB – gusto ko din ung tinutugtog nila at MP3 ko n din… un nga lang parang walang charisma ung pagkakaparada nila kahit maayos at maganda naman… Bet ko sa marching

AZB – wow bago style ng majorette ngayon… ayos naman sila.. pero di ko sila gusto…

Sta. Cecilla – disappoint ako.. bkit babae nagdadala… at nahulog pa ang baton wenks.. di ko nagustuhan pagkakaparada nila.. petiks lang…



BSJ – my fave. Band.. love the uniform at ung tugtog nila.. ganda din ng marching tig siyam yata sila ngayon.. ang dami.. parang CBBD… hehehe… daming cute..

Tas yon.. inulet ulet namin ni miko ang parade dun sa patigil tigil na.. pero hanggang las pinas band lang kame dun.. at pumunta sa plaza at super daming tao.. wala akong makitang mapupuwestuhan wenks talaga.. pero nagvideo na din ako gamit ang CP ni jeje.. eheheh.. at tinapos na namin un hanggang awarding.. ganda ng pagkaka exhibition ni Ivee grabe hayop ala akong masabi.. ehehehe...





BEST MARCHING BAND - Champion




Paskuhan Sa Imus 2009

This time… ako lang mag isa nanuod.. 12.30 ako nakarating ng imus.. at pagdating dun. St. Augustine p lng ang nandun.. at tinext ko pa si arvid d naman nagrereply.. kaya ayun tambay lang ako sa covered court.. parang tanga at nakatulog na din..

Nun nakita ako ni arvid ipinakilala ako kay ryan (BK77) na ako ung nag uuplod ng video sa youtube.. at pati dun sa St. Augustine na nakalimutan ko na ang name basta mataba siya.. at nakilala ko na din ung tita ata ni arvid (d ko lam eh) bsta taga 93 sila… ayos naman ang parade kahit nainip na talaga ako.. nagvideo ako gamit CP ni jeje.. un nga lang gabi na nag umpisa ang drill lintek na yan ang tagal ko naghintay… buti na lang 5PM pa lang nakapwesto na ako.. at bumili na din ng sandwich sa mini stop kahit panu me pagkain… comment na ulet… tantananananana…

Banda Quanto – walang kwenta ang drill.. patapon sila…

Magdalene 17 – ui maayos ang drill habang nagdidrill me nag eexhibtion ng majorette.. maayos sila..

Banda 93 – yoko magcomment…

St Joseph – maayos ang drill ayos ang ideas.. pede na din….

St. Augustine – wow.. love the tone quality pati ung drill nila hanep nasayaw mga musikero napapasayaw na rin ako.. basta gustong gusto ko sila.. habang nagvivideo ako eh todo ngiti ako hahaha super nag enjoy ako sa drill nila… bet ko sa drill

96th – ayos naman ang drill nila maganda ang idea.. at tugtog.. grabe ang daming FANSSSSS….

El Primero – so – so lang.. pero pwede na..

BK77 – superb sila.. grabeeee.. malupet..para akong nasa States habang pinapanuod ko ung drill nila grabe ang lupet talaga.. super enjoy pa.. lalo na dun sa Poker Faceee.. grabe super bilis ng tugtog ang lupet wala akong masabi… talagang napapawow ako.. bet ko sa drill

St. Mary Magdalene – d ko na pinanuod tinamad n ako at umuwi na.. nakuntento na ko sa drill ng St. Augustine at BK77

Sta Cecilla – d ko na pinanuod tinamad n ako at umuwi na.. nakuntento na ko sa drill ng St. Augustine at BK77

Thursday, September 10, 2009

Reminiscing... Dasma Fiesta 2008

reminiscing....

december 8 2008 last year... ang saya ko... fiesta kasi sa dasma.. at me parada ng banda..

nun umagang un nagtext saken si arvid ng youtube.. kasi me parada sa dasma at andun ung BK77 kaso mo malas ko.. sira na cellphone kong walang kwenta... walang tunog kapag nagvivideo... kaya un...

bandang 11am nagpaalam na ko kay boom kasi nuod ako sa dasma ng parada... at un umalis na ko... antagal kong nag antay sa rob pala pala ng dasma bayan... tapos mega trapik pa sa may walter tas mega inet pa... bwiset.... dun ako bumaba sa may perya.. at simula perya nilakad ko hanggang mcdo grabe anlayo!!!!!! peo worth naman... kasi pagdating dun waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa nakapila na ang MFBD.. waaaaaaa abot tenga ngiti ko noon as in smile na smile parang tanga... andun lang ako sa harap ng mcdo kahit gutom na gutom eh hinintay ko silang magpasayo.. nakascarf nga lahat ng mga musikero eh... first time ko lang makita ang MFBD nun panahon na un.. kaya ang saya saya ko... tapos nung nagpasayo na sila.. luwa ang mata ko sa gulat.. SAMPUAN ba naman... waaaaaaa sarap pagmasdan ung ganun banda na sampuan... san ka makakakita nun??? sa states??? waaaaaaaa.... pagkatapos ng pasayo dahil sa gutom eh ayun pumasok na ko sa mcdo... order ako ng spaghetti, burger at mcfloat.. at sa taas ako kumain habang nakatitig sa mga musikero ng MFBD at mega ngiti abot tenga ika nga... at dahil palipat lipat ako ng upuan.. waaaaaaaaaaaaa CBBD naman ang magpapasayo kasi papunta sila sa assembly ng parada waaaaaaaaaaaaaaaa waluhan sila tapos 16 lanes.... tuwang tuwa talaga ako nun.....

tapos nun nakita ko si sir kevin at huminge ng sorry at syempre greet din ng merry xmas buti at napatawad naman ako.. at nun paglabas ko ng mcdo humanap na ako ng mapupuwestuhan.. mukhang malayo ung napuntahan ko.. malapit dun sa may Iglesia at dun na ko naghintay na mejo matagal tagal din....

habang naghihintay naingget ako dun sa bata... me mp5 kasi vivideohan ung parada.. tapos ako cellphone lang?? sira pa... walang tunog.... peo kahit ganun eh vinideohan ko pa din..hanggang at last eto na ang parada......

first....

MFBD - sampuan tlga... GQ march ung tumapat saken na tugtog peo that time di ko alam un... basta un natatandaan ko.. galing ng MFBD.. eheheh. nakascarf lahat ng musikero tas andami pa..

CBBD - nag eexcuse me pa ung majorette.. waluhan parang YMCA yata yung tinugtog nila peo di ko na matandaan... grabe ang dami nila as in mega.. waluhan ba naman tapos 16 lanes... parang 8 x 16.

BSJ - gulat ako.. kasi di sila guest ngeun at laban sila sa competition eh lam ko eh hall of fame na sila sa dasma... peo magaling tlga sila eh.. sila bet ko ng best marching that time...

SJB98 - pituhan... ayus lang.. ginaya na nila ung style kapag nagdidikit ang BK77.

BK83 - eto ang isa sa mga inabangan ko talaga.. first time ko lang kasi sila makita.. at impress nga ako sa style ng marching / tugtog nila ung mejo mabagal maglakad at ska mabagal ung tugtog... madami dami nga din sila...

46 Carmona - cant remember...

BK77 - naexcite ako nung sila na... peo animan lang sila... peo OK na din...

93 - cant remember peo banda to ni arvid...

46 Amadeo - limahan lang..

St. Jude - tagal ko din silang di nakita.... peo ayos naman sila..

ELG - bet ko din sa marching... ayos sila.. pituhan...

LPB - bet ko din... pituhan... first time ko lang makita that time...

AZB - cant remember....

pagkatapos nung anak zapote eh di sumama na ko sa parada at sumiksik tlga ako gilid... hanggang sa unahan ng Las Pinas Band.. sarap nga habang naglalakad kasi dinig na dinig ko yung marcha (peo di ko naman alam kung ano ung tugtog) .. parang nasa heaven..... tapos me nilikuan ako kalye... dun sa may mangubat st. at andun ung MFBD... at yon nagpicture picture na lang ako... nagpicture ako simula MFBD hanggang 46Carmona tapos video ulet kahit wala tunog...

tapos sakto pagdating ko sa simbahan BK77 na ang bandang papasok... at nagdrill sila dun ung itaktak mo saka kagat labi... kakatuwa... tas nung El Gob na.. pumasok ako sa simbahan para sempre magthank you kasi binigyan ko ng chance ng makapanuod sa dasma.. kahit mag isa lang ako... tapos nung Las Pinas Band na ayun.. nuod ako ng drill nila... tapos un... me labanan ng exhibition ng majorette kaso di ko naman kita kasi ang layo ko.. kaya nakinig na lang ako sa mga tugtog...

at nun awarding gulat ako kasi me hakot ang BK77.. ToneQuality at Uniform... pero di na ko nagulat na naging Best Marching ang BSJ.. kasi magaling tlga sila. at yun umuwi na ako.. sumabay ako sa mga naglalakad na LPB at BSJ sumabit pa yata ang bag ko sa drums ng LPB eh buti natanggal ko agad... habang naglalakad ako nasa likod ko BSJ nagpapasayo.. kasunod ang SJB 98 pasayo din.. at nung nasa jeep ako katext ko si arvid about dun sa mga nanalo..

haayyzzz sana makapanuod ulet ako sa dasma sa darating na december 8. kakaiba talaga ang parada ng banda dun to the NEXT LEVEL ika nga
well, ilang days na lang ba????

About