Sunday, October 31, 2010

LRT/MRT Trip


My LRT/MRT moments...

MAY 2006

Year 2006 ang pinakauna kong sakay sa MRT... Nagkayayaan kasi kame magkaibigan na manuod ng Da Vinci Code... eh hindi kasi siya showing sa mga SM Cinemas kaya no choice... fly sa Glorietta... sempre ako tuwang tuwa kasi sa wakas makakapunta na rin ako ng Makati nung panahon na yon LOL... buti na lang me kasama ako noon kaya kahit patanga-tanga eh ayos lang... Si Ghen ang bumili ng ticket at tinignan ko silang maige kung pano ipasok yung card and give some instructions then shoot!!! pumasok then lumabas yung card... aprub!!! gagamitin pa daw yung card paglabas.. then bumaba kame sa escalator para pumasok sa MRT (Taft Station) yun nga lang wala ng upuan kaya no choice nakatayo.. matching smiley smiley pa ako dat tym... first tym kasi.. tuwang tuwa naman yung kasama ko.. Pero ako para talaga akong bata lol... grabe ang sikip dat tym.. daming pasahero.. Pagdating ng Ayala ayun bumaba na kame at sabi wag na daw abangan yung card na lalabas kasi good for one ride lang daw yon... ayun.. walang lumabas na card... at paglabas ng MRT.. voila... magkakatabi lang pala yung SM Makati, Glorietta, Farmers at Greenbelt... saya ko noon.... Nung pag uwi namin nagkandaligaw ligaw kame kasi di naman mahanap yung MRT.. at grabe sobrang nerbyos ang pakiramdam ko pero at least nahanap din.. bumili ulet ng ticket then bumaba sa escalator... tas mali pala yung binabaan namin kaya balik na naman sa taas.. dun pala dapat sa kabila heheheh :D at pagdating ng Taft Station... yung taong nasa harapan ko palabas na pero lumalabas parin yung card.. kaya nagtaka ako.. kaya nung ako na.. naghintay ako kung lalabas pa yung card yun pala HINDE NA..... mejo mga ilang seconds ako naghintay.. nakakahiya dun sa likod ko... kaya tinanong ko yung kaibigan ko...

EG: Ghen, bakit yung nasa harapan ko lumabas pa din yung card..

Ghen: Eh kasi pang one month na yon eh...

EG: Ah ganon??? sosyal!!!! di na siya pipila....


at ayun naligaw na naman kame... kasi nagkamali kame ng lalabasan imbes na pababa papunta sa LRT Line 1.. kaya galit na galit ako...

EG: Ghen!!!! ano ba!!! sabing di jan ang daanan eh... ano ba!!!!!

Ghen: Egz relax lang ah... di ko alam eh..

EG: Ayaw nyo kasi sumunod saken eh.. sabing dun ang babaan eh...

Ghen: Teka egz.. san ba tayo umakyat kanina?? di ba dun?? *sabay turo sa kabilang kalsada kung saan kame unang umakyat ng MRT*

EG: Ano ka ba Ghen!!! pang entrance lang yon... di dun ang exit... ano baaaaa....

Ghen: * matching with patext text pa... * Wait ah...

EG: Oh my god... kinakabahan na ako ah... sumunod na kasi kayo.. ( pagdadabog ko... )

ayun... sumunod na sila saken.. at ayun nakababa kame.. at tawa ng tawa yung kaibigan ko kasi yun nga ang galing ko daw lolz... pero pramis kinabahan ako don...

JULY 2009

Nagpasama saken si Joy...

Joy: EG samahan mo na ko...
EG: saan ba??
Joy: sa Shaw blvd.. dun sa agency ko
EG: anooo?????? natatakot ako pumunta ng manila... probinsyano ako...
Joy: Ang arte!!! kasama mo naman ako eh...
EG: kinakabahan ako...
Joy: Mag MRT tayo
EG: o sige sama na ako... (biglang naging excited lol)

Pagdating sa MRT ayun patanga tanga ulet... at pagpasok na pagpasok ng tren.. sobra ang ngiti ko haaayyyy... namiss ko sobra... pagdating sa Shaw.. nyak.. Mall pala yung katabi ng station... StarMall ata... at nung pauwi na kame dapat mag BUS na lang sana kame... pero mapilit ako na mag MRT...

EG: Joy ayoko magbus kinakaabahan ako...MRT na lang ulet tayo dali...
Joy: Ang arte!!! nakasakay lang ng MRT tuwang tuwa na hahaha
EG: sige na pls..
Joy: oo na.. tara na...
EG: yehey!!!!!! (talon talon parang bata)
sabay hampas saken...

At ng makabili na kame ng ticket... bumaba ng escalator.. sabi ko dun kame sa konti... pero...

Guard: Ah sir dun po kayo kasi babae lang po yung sa unahan...
EG: hala... hiwalay ang babae at lalake!!!! wag mo kong iwan joy... wag mo kong iwan...
Joy: Gaga ka talaga.. di kita iiwan noh.... Lagot pa ako sa tita mo kapag me nanyari sayo hahaha
EG: Talaga!!!!!

at ayun... nung nakasakay kame ang sikip.. pero magkaharap kame para kita namin ang isa't isa..

SEPTEMBER 2009

Nagpunta kame ng Sta. Mesa.. Sumama ako kay Ta Jing, sempre para makapunta ng Manila lolz.. dahil wala lang.. gusto ko lang makarating ng Sta. Mesa... at nagyaya si Tita Jane (hipag ni Ta Jing) na mag-Gateway.. kaya ayon.. sumama ako... Pagdating sa Station.... Pureza Station.. wow!!! ang linis ng station saka bago makakuha ng ticket eh maghuhulog ng barya2x... pagsakay ng MRT... napa WOW AKO!!! kasi ang luwag.. di katulad sa MRT... na sobrang sikip... kakatuwa magmasid.. kasi nakita ko ang CEU @ Broadway.. yun nga lang kung pagmamasdan mo sa taas ang panget kasi karamihan sa mga bubong eh kalawangin... Bumaba kame sa Araneta Station.. magkadikit pala yung station na yon sa Gateway Mall... ganon din ang pag-uwi.. hulog hulog ng barya den kuha ticket den akyat ng escalator den sakay na ng TWENTOOTTOOT.. sabi ng pinsan kong si Schan Boi... so far eto ang pinakagusto kong TRAIN.. ang LRT2 kasi maluwag at di hassle...

OCTOBER 2010

Punta kasi kame dun sa binibilhan ni Kuya Macky ng photopaper eh sa Doroteo Jose daw yon.. Kaya nung nagkita kita na kame nina Tita Jane, ako, Jeje, Ta Jing at Schanboi.. nagLRT kame.. bali Line 1.. dun kame unang sumakay sa Gil Puyat Station....

Sa totoo lang... sobra akong EXCITED.... kasi yun nga eto makakasakay ako ng LRT.. kasi yun nga nababasa ko lang tong LRT sa nobela ni kuya Hallur.. sabi ko sa sarili ko.. sa wakas... makakasakay na din ako sa LRT kung saan nagtagpo sina Rodney at Jayjay... hehehehe...

Kaya ayon... matching with papicture picture pa.. parang tanga lang... First time kasi... kasi ang huling sakay ko ng LRT eh nung ako'y bata pa... de COINS pa yata ang LRT noon.. di tulad ngayon na de CARD na....

Pagdating sa taas.. tinignan ko agad ang mapa...


At nung nakabili na ng card si Ta Jiing.. ayon... its my time to enter....


At nung lumabas yung card...papicture ulet lolz...



Sayang at wala akong picture sa loob ng LRT.. kasi ang daming tao.... kakatuwa magmasid kasi nakita ko ang buong kahabaan ng U-Belt... nakita ko ang mga pinakamagagandang eskwelahan sa kahabaan ng Taft Avenue... ang La Salle, UP, PWU, PCU, PNU.... Ang city hall at ang ilog Pasig... sabi ni Jeje para daw akong tanga... kasi todo ngiti daw ako... hahahaha... kung alam lang nila... minsan lang ako makasakay ng LRT kaya pagbigyan na.... lolz...

Pagdating ng Doroteo Jose.... tuwang tuwa ako.... papicture ulet... at don ko nalaman na sa Doroteo Jose pala nakaconnect yung LRT Line 2... hmmm sa wakas... at least me nalaman ako....



Pag uwi namin.. sa UN avenue station kame sumakay... ayun ako parang tanga lang... picture2x lolz... basta para saken masaya... kasi bihira lang naman ako makasakay ng tren sa himpapawid lolz..... dugong probinsiyano talaga ako... hahahahaa....



Sa wakas kahit papano naranasan ko din ang maupo hahahaha :D


Napag isip2x ko... next time try ko all around.... mag LRT Line 1 ako... hanggang Doroteo Jose tapos mag LRT Line 2 sa Recto papunta sa Araneta Station at sa pag uwi mag MRT naman ako mula Cubao hanggang Taft Station... pero mukhang sa panaginip na lang yon mangyayari... Takot ako sa Manila eh... hahahaha :D basta kahit papano nakasakay din ng LRT1 and 2 saka MRT... sayang wala sa Pilipinas na subway di katulad sa HongKOng na nakakalito ang mga subway... hehehehe :D





Saturday, October 30, 2010

UNITED STATES brand new Miss World 2010


UNITED STATES... new brand MISS WORLD 2010.. October 30, 2010 held at Sanya, China.. Alexandra Mills beats 110 contestant from all over the world... She also place 1st runner up in Beach Beauty and 2nd runner up in Top Model Fast Track event.

Botswana came up 2nd place and Venezuela 3rd place...

ANG CUTE CUTE NIYA....

Pansin ko lang mga nanalo sa Miss World mga cutiepie ang dating... hehehe... mga younger fresh beauty... lolz.... ganda pagmasdan mga mukha nila nung nanuod ako sa streaming... Sayang at di pinalad ang Pilipinas sa patimpalak na ito....

KAKAKILABOT..... amp (Halloween Special)

Walang magawa ngayong araw nato... pagpunta ko sa blog ni mokong... hala MGB!!! nakakamiss din.. pero nagtapang tapangan ako... pinanuod ko sa youtube.....

TANG INAAAAAA.....

kinikilabutan ako!!!! aatakihin ako neto sa takot eh... lol......

sayang nga lang walang embed yung pinanuod ko.... kaya link na lang lolz


asar yung pangalawang kwento... kinilabutan ako dun sa professor na namatay... as in nagtaasan ang balahibo ko matching with paharang harang kamay ko sa mata ko... lolz...

TAKUTAN NAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!! waaaaaaaaa.... wish ko lang makatulog ako mamayang gabi...

ang hirap talaga maging matatakutin!!!!! LOLZ...


Wednesday, October 27, 2010

di ako makapaglayout!!!!!!

asar... di ako makapaglayout.... binabalutan ako ng lungkot.....
tila ang isip eh nasa himpapawid... at ang mga mata'y nakasteady sa isang tabi..
i dont know what to do next... help me help me plessss...
hay buhay... kailangan ng inpirasyon... para magawa ko na to...
kailangan na to next week...pero wala pa ako naisusubmit....
bahala na si batman, spiderman, superman... kung ano sunod na mangyari mamaya

kabwiset.... ewan ko ba.. kung bakit ang blog mo ang laman ng aking isip
eh dinelete mo nga aking pagbati kagabi...
simpleng happy halloween lang...dinelete mo na....
ang sakit.. ang sakit..... pero wala naman ako magagawa
kaya tumunganga na lang ang mabisang paraan
upang ako'y bumalik sa normal na katauhan....

buti na lang at may natagpuan akong blog
nakakabaliw nakakaaliw at nakakahunghang
karamihan sa mga post niya puro katatawanan
walang humpay na kasiyahan aking nararamdaman
sa harap ng kompyuter kay sarap humalakhak
tawa dito tawa doon.. parang tanga lang....

Sunday, October 24, 2010

Nakaboto ka na ba? VOTE NA!!!

October 25, 2010

Brgy. and SK Elections....

Ayos walang kahassle hassle ang pagboto ko ngayon.. maaliwalas... di katulad nung

may bilog may bilog na hugis itlog... nung mayo na sobrang haba ang pila at mga isang oras kang naghihintay.....

Buti na lang at alam ko ang Precinct ko.. dahil sa aking voters ID na kaisa isa kong ID lol...

Pumasok sa loob ng presinto... at sinabi ang numero at pangalan ko na nasa listahan ng mga botante.. at pinapirma na ako... thumb mark... at binigay ang balota..

3 lang naman ang binoto ko... isa sa Brgy. Captain at 2 sa Brgy. Kagawad.. den gud lak na lang kung mapasama ang aking boto sa bilangan....

Siguro naka 15minutes lang ako sa school na yon... umalis na ako kaagad.. lol.. sayang ala picture nakalimutan kong dalhin cp ko... remembrance sana eheheheh :)

Wednesday, October 20, 2010

Eternal Summer (2006)




"I cannot lose anyone of you" - Shane Yu
^ kakaiyak ang lines na to para saken.... :(

--------@_@_@_@_@_@_@_@--------------------

Itong movie na to ang nagpadepressed saken ngayong taon na to..

Tambay kasi ako sa MVP thread... eh me nagpost ng tungkol sa Eternal Summer dahil kahalintulad sa MVP.. about BestFriends ng 2 guys... pero me involved nga lang na babae.. ayun nagkainteres agad ako.... ginoogle ko den poof. downlod agad sa torrent... after 3days.. ayun complete na den POOOFFF.....

WTF!!!!!!!!! walang ENG SUBS yung nadownload ko... ampness!!!!!

pero pinanuod ko pa din kahit walang eng subs.. bahala na kung ano ang maintindihan ko... pero wala akong naintindihan talaga.... pero ang pagkakaintindi ko sa kwento nagkatuluyan sina bangs at kalbo...

pero nitong araw na to... sinubukan kong manuod sa VEOH buti naman at me ENG SUBS... sempre yung ending agad ang pinanuod ko.... hindi pala sila nagkatuluyan huhuhuhu :'(

pero ang ganda talaga ng movie na yon... hehehehe nadala ako sa emotions... :) at least naging malinaw saken ang lahat...

nakakatuwa kasi kahit umamin si Jonathan kay Shane eh sinabi pa rin ni Shane na "You really are my bestfriend"

den BITEN!!!!! tapos na...

-----------------
as a viewer.. pakiramdam ko they remain bestfriends... kasi yun nga meron nga relationship si Shane dun kay Carrie...







FLIPTOP


Kahapon. October 19...
Dinalaw ako ni Tatuy and Ovey with kung sino sino....

ayun pafacebook daw at payoutube.... nagpaedit pa sa Adobe ang mga loko...

tapos yun FLIPTOP yung niresearch sa youtube....

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

TANNNNGGGGG IINNNNAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA....


ang lupet nung fliptop ni loonie...... grabe kung makabanat... as in napapa wow ako... parang okrayan pero sa rap idinaan...



ang favorite ko sa sinabi niya eh...

"tatay mo pala si apl de ap na asawa ni aling dionisia"

saka yung...

"champion ka pala lately ko lang nalaman yun naman pala grade 3 lang ang kalaban"

at ang da best

"habang hininga koy apoy habang hininga moy amoy BOY BAWANG"

laughtrip talaga!!!!! hehehehehe.....

---------------------------------------------------------------------------------------------

at nadala ko sa MVP thread ang FLIPTOP..... tinanong kasi ako ni sympatickow... kung ano drama ko.. ayun nagreply ako na nanunuod ako ng FLIPTOP...

aba!! ang reply ng loko.... biglang nagfliptop....

kaya nagreply din ako via flip top style din... pero nagbabye na ako kasi pauwi na ako non...


abot tenga ngiti ulet hahahaha :D

nakakagagow!!!!!





Saturday, October 16, 2010

My Favorite Band Marches... [playlist]

Sa tuwing nalulungkot ako... eto ang madalas kong gawin ang makinig ng mga marcha... mapa MP3 or youtube.....

Bukod sa Captain Villamor. eto pa ang ilan sa mga marchang gusto ko.....

1. Semper Paratus
2. Bravura
3. YMCA
4. Them Basses
5. El Caballero

kaya once na mapakinggan ko yan.. solve na ako!!!!!! heheheheh.. tapos ang kalungkutan lolz...

kaya gagawa ako ng playlist.. para dito na lang ako makikinig at manunuod... lol

1. SEMPER PARATUS







2. BRAVURA






3. YMCA






4. THEM BASSES




5. EL CABALLERO



Sunday, October 10, 2010

OCTOBER MUSIC PLAYLIST

NOTHIN ON YOU - URBANGERMANY



JUST THE WAY YOU ARE - URBANGERMANY


WAITING FOR THE END - LINKIN PARK


BILLIONAIRE/IM YOURS/ HEY SOUL SISTER - UrbanGermany

Saturday, October 9, 2010

GREATKID's BLOG

hanep tong blog na nadiscover ko kahapon... oct. 9 2010... wala na kasi ako makausap sa YM kung kaya winiwili ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga kung ano ano... yung pampaalis ng lungkot...

pero pano ko nga pala nadiscover ang blog ni greatkid.. nako.. napakahabang proseso....

MOKONG BLOG - madalas kasi ako magbasa sa blog niya... wala lang. cute eh lol
v
MAGINOONG BULAKENYO BLOG - me nabasa kasi ako sa blog ni mokong na nag uusap sila at dun napansin kong PLU pala tong si maginoong bulakenyo... kaya ayun nagbasa basa ng konti...
v
SOLTERO BLOG - nako ang dami palang nakafollow kay maginoong bulakenyo pero isa ito sa mga maswerteng napindot ko... ayun pagbukas ko waaaaa ENGLISH!!!!!!! di ko kaya..... tapos sa blog ni soltero nagbasa basa ako ng mga comments... at pagclick ko sa nagcocomment ayun.... POOF!!!

nakarating din ako sa blogosphere ni GREATKID!!!!!

unang tapak ko lang sa blog niya... wow simple lang... pero pagbasa ko sa mga archive niya.. AS IN WWWWOOOOOOOWWWWWWW... ang sarap magbasa!!!! super comedy!!! halos tawa ako ng tawa..... super favorite ko sa mga nabasa kong post niya eh yung.....

OH MAN! I really love my MOM! but oh oh I am in TROUBLE - HOW DO I BLOCK MY MOM WITHOUT DELETING? J/K hahaha Pero I will be shocked pag itong blog na ito madidiscover nya kasi malalaman nya na ang kanyang gwapo at simpatiko (pagbigyan nyo na, blog ko to) na bunso ay isang palang DARNA! nyahahaha

ayun hagalpak ako ng kakatawa!!!!!! grabe ang ngiti ko sobrang abot tenga!!!! para akong tanga na nakangiti habang nagbabasa..... super LAUGHTRIP talaga!!!!!!!

ang gwapo pa ni greatkid... ganda ng katawan.. walupet.... kalungkot nga lang isa pa lang DARNA!!! hahahaha :D

Friday, October 8, 2010

walang katapusang pagbabasa.....

daily routine ko na ang magbasa ng magbasa sa mundo ng internet...

pagkapunta ko ng tindahan.... sempre on ng PC muna ang ginagawa ko...


magLOG IN sa YM....
- pag me nakaonline na kaclose ko.. chat dito chat doon hanggang sa magkasawaaan...

magLOG IN sa FB...
- basa2x sa newsfeed baka me makabuluhan na mabasa at makiusyoso sa kung kani-kanino pero sempre di ako nagcocomment... pero minsan LIKE.... heheheh... minsan natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi nila sa mga status nila.. minsan mga nag eemotera... minsan pinapangalandakan pa kung ano ang ginagawa nila habang nagfafacebook....

magLOG IN sa PEX
-my favorite forums... lage ako tambay dito... nagbabasa ng mga APserye... at magrandom thought... me mga naging kaibigan din ako dito.... magcomment sa mga bawat chapter ng mga binabasa kong mga APserye... magkaway kaway sa thread ni MVP... at ang favorite ko ngayon yung RANDOM THOUGHT....

magLOG IN sa BLOG
- mejo alone pa ako ngayon sa blogosphere... wala pang masyadong kakilala.. pero masaya din pala ang magblog!!! parang pwede mo ditong ilabas ang gusto mong ilabas na hinanakit basta ba eh wag lang ipagkakalat ang blog lols.... so far nag eenjoy ako dito sa mundo ng blog kahit baguhan pa lang.... ang sarap kasi talaga magbasa ng mga kung ano ano lols


Tuesday, October 5, 2010

FIESTA 2010


Oct. 1, 2010

Karakol nanuod kame sa Arnaldo.... pero inpernes... andito ang D Original Band ng Bacoor.. wala lang... at least nakadayo sila matching with uniform pa yung 2007 Gala nila dun ako natuwa... hahahah :D enjoy naman ang karakol kahit wala ako gaano hileg... sayang di ko napicturan ang banda kasi naiwan ko cellphone koooo.... at late ng dumating sina Ta Jing at cp niya muna ang ginamit ko...



Oct. 3, 2010

Pag-uwi ko galing ng tindahan... waaaaaaaa... bago na ang TV namen!!!! LCD na FLATSCREEN na.. napa OH MY GOD ako.... kakatuwa na ewan..... parang monitor lang na flatscreen... pero ayos kasi ang laki ng screen ehehehheeh.





Oct. 4, 2010

Fiesta.. nako parang ordinaryong araw lang saken ang fiestang ito.. wala lang.. di naman ako gumala eh... basta kumain lang ako.... pininyahang baboy, lumpiang ubod, fruit salad, fried chicken at coke...

basta hindi ako nag enjoy!!!!! pero ayos lang.. kasi sama sama naman kame pamilya... na kapag me occasion eh sama sama kame nagdidiwang.....

RANDOM THOUGHT

Nakakainggit dun sa ibang bayan dito sa Cavite... kasi meron Marching Band Parade samantala dito sa bayan namen di man lang pinagkakagastusan ang mga fiesta... kakaingget lang.... :(

nako.. basta sa december 8 kahit ano mangyari manunuod ako ng parada ng banda sa dasma...

excited na excited na ako dooonnnnn.....

About