Wednesday, December 29, 2010

HAPPY NEW YEAR!!!!! (mga pamahiin ko)


Bagong Taon na naman.... ang bilis ng panahon.... Lets welcome 2011!!!!!

--------------------------

Eto ang ilan sa aking nakaugalian sa tuwing sasapit ang bagong taon...

1. Maglagay ng pera sa bulsa papel at de barya... para swertihin at magkapera buong taon....

2. Maglagay ng mga 25cents sa sulok ng mga bintana para daw buong bahay eh me pera lol... at para buong taon eh di mawalan ng pera... sabi nga nila pag may itinabi may madudukot..

3. Dapat bukas ang mga bintana at pinto sa buong bahay para pumasok ang mga usok ng mga paputok at lumayas ang mga masasamang espiritu na ipinasok ng Year 2010... saka maeexpired na yung mga 2010 spirits kaya need another one naman....

4. Sa hapagkainan dapat may pagkain na mahahaba para LONG LIFE.... at dapat me pagkaing malalagkit para STRONG BOND... at dapat sempre minatamis para SWEET... at dapat 12 ang bilog na prutas na sumisimbolo sa buwan ng taon para HEALTHY every month and of course dapat me lechon, barbeque at piniritong kung ano ano para HIGH BLOOD.... oh di ba sosyal!!! kaya prepare na now na!!!! hahaha

5. Sempre pagsapit ng ganap na alas dose.. lets TALON TALON na para tumangkad!!! totoo yon pramis.. ang maniwala engot!!!! :D

6. Dapat bago salubungin ang taon dapat ihanda na ang mga speakers dahil Lets SHEMBUTAN na!!! she-shembot she-shembot....

7. Sa ganap na alas dose dapat naka MP3 ka at pinapatugtog ang THEME SONG ng magiging taon mo... sabay wish... dapat maraming wish... para marami ang matupad... totoo yan pramis... ilan sa mga wish ko eh nagkakatotoo, di ko nga ineexpect eh...

8. Wag ng magpaputok para iwas disgrasya.... magwala ka na lang para masaya.... dali sigaw lang ng sigaw yung malakas... HAAAPPPYYY NNEEEWWWW YYEEEAAARRRRRRRRRRRRRRR....


--------------------------------------

MY NEW YEAR RESOLUTION

1. Di na ako magpapalipas gutom para di na mahihilo...
2. Lalandi na ako kasi malapit na akong magtrenta... tama na ang patweetums lol...
3. Magpapakawalanghiya na ako this year... para di na maging boring lol
4. Lilimitahan na ang PagpePex
5. Magle-layout na ng madalas sa photoshop...
6. Explore ng mga ibat ibang makabuluhang bagay...
7. Titigilan na ang pakikipagchat at tweets...


----------------------------------------

MY NEW YEAR THEME SONG

1. Love Will Keep Us Alive - Eagles
2. All About Lovin You - Bon Jovi

-----------------------------------------


sa mga followers ko dito sa blog.. salamat ng marami sa inyo lalo na sa pagtitiyaga nyong pagbisita sa aking boring na blog.. salamat salamat talaga lalo na sa mga comments...

sa mga kaibigang kong pexers lalo na sa AP.. kahit di nyo alam ang blog ko.. HAPPY NEW YEAR sa inyo.. you made my 2010 super happy....

sa mga nanunuod sa youtube channel ko.. super salamat din sa mga views... at last nakaabot din ng 100K views ang account ko.... puro mga banda ba naman... lol

sa mga fb friends ko kahit super boring ang FB ko.... thanks pa din lol hahaha :D buti na lang di nyo alam ang blog ko lol...

-------------------------------------

HAPPY NEW YEAR SA LAHAT... sa lahat ng mga nakasalamuha ko cyberworld at real world....

sana maging masaya tayo sa 2011!!!!!!!!!!!



Tuesday, December 28, 2010

My Christmas 2010

Dec. 22, 2010

Christmas Party ng kuya ko... dun nga lang sa Barracks ang venue sa Camp Aguinaldo... at sa kadahilanang di pa ako nakakapunta.... ayun sumama ako.. wala lang... gala lang lol...

Inikot din namin ang grandstand kung saan doon idinadaos yung mga celebrations ng AFP... nakakatuwa kasi habang naglalakad kame ni Moneth with her baby at 2 kasama namin eh pakiramdam ko nasa malaking campus ako.. ma-puno kasi yung daraanan.. ang sarap maglakad... at maraming nagjojogging... tapos bawat Headquarters eh me mga basketball court.. haaayy kasarap sana magbasketball lol...

Nakakatuwa yung christmas party kasi ang theme eh Fiesta... tapos me nagrent sila ng clown at ice cream stand and cotton candy para sa mga bata.. parang ang dating saken eh CHRISTMAS PARTY NA FIESTA NA MAY BIRTHDAY.... lol...

at lalo akong nalerks sa clown dun sa....

BRING ME... BRING ME... WALLET NI DADDY NA ME PICTURE NI YAYA

ay josko.. akala ko me batang magbibigay kay paging clown... saka nakakatuwa din yung larong Face to Face... may 2 kasi batang lalake dun na cute.... ayun kinilig ako bromance na bromance lol... lalo na yung dikit ang ilong tapos ang kanang kamay ay nasa baywang ng kapartner habang nakataas ang isang paa....

at nung papauwi na kame.. sarap pagmasdan ang kahabaan ng EDSA ang traffic grabe.. pero namiss ko din ang mga sasakyan... kaya sarap tumunganga... nakita ang robinson galleria, ang sm megamall, ang edsa shangri-la at ang peyburit kong MRT!!!!! sarap magmuni-muni habang nasa biyahe...

DEC. 23, 2010

Habang naglalaba ako, nagulat ako kasi biglang dumating yung mga step brothers ko from Batangas magbakasyon kasi sila dito sa Cavite... ayun kwentuhan... habang naglalaba eh inaasikaso sila... haayyy ang kukulit pa rin nila.... Dito kasi sila magspend ng christmas...


DEC. 24, 2010

Nanuod ako ng Maytinis Marching Band Parade 2010 sa Kawit, Cavite... kaya meron akong picture sa harap ni Aguinaldo sa previous post ko... Ang ganda ng parada 11 ang banda tapos lahat magaganda at magagaling kung kaya't ganadong ganado ako sa aking pagvivideo para me bago akong collection na pang-DVD... at grabe first time ko makapanuod ng Dance Majorette na nakabackless my gaawwddd nakakalerks.. ang kikinis ng mga balat... at ang puputi pa.... at ang gagaling pa nila sumayaw... enjoy much ako..


DEC. 25, 2010

Christmas Time!!!! Sama sama kame magkakapamilya na magspend ng christmas.. Dun kame nagsimba sa Little Sisters Church sa Tagaytay City... yun nga lang biglang buhos naman ng ulan kaya di rin kame gaano nakapakinig sa misa... kaya ayun sumilong na lang kame magkakapatid sa ilalim ng pinetrees puro harutan at kulitan... at nung natapos ang misa eh picture picture at anga ganda ng view.... wew....

Pagkatapos ng misa ay dumerecho na kame sa may picnic grove para puntahan yung nirentahan naming bahay for one day... pagkadating... super mega kain lahat.. as in lahat gutom den picture2x den nag-exchange gift na rin... Nung kinahapunan, nagpunta kame sa Picnic Grove pasyal pasyal... hayy ang daming tao... naglaro sa playground with my cousins... At nung kinagabihan pumasyal kame sa Robinsons sa may Ridge... inuman... picture2x... at bago matulog nagtwitter ako at grabe.. online sina Donnie, Adrius, Symps, MQ at iba pa.. ayun nakipagkulitan ako... sempre matching greetings ng merry christmas....

Kahit papano masaya rin ang Pasko ko....

:D

Friday, December 24, 2010

Happy Birthday Papa Jesus...


Ilang oras na lamang at Pasko na... ang araw ng kapanganakan ng ating Mahal na Papa Jesus...
kung kaya't kaliwa't kanan ang mga nochebuena.. hihihihi.... marami ang mamasko bukas.. pero kame nakapag-impake na.. ayon magtatago sa tagaytay bukas.. yahooo.... wish ko lang malamig sa tagaytay heheheh...

-------------------------

Pero kaninang hapon, galing kame ng pinsan ko sa Kawit.. nanuod ng parada ng banda... enjoy ako... kasi magaganda mga banda at first time ko lang makakita ng mga majorettes na nakasexy outfit habang nagsasayaw... kalerks ang mga katawan nila ang sesexy... liit ng bewang at nakakasilaw ang mga legs... grabeeehhh lerks na lerks ako lol..... kaso di ko pa nauupload ang mga vids.... saka na lang... lol...

--------------------

MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!!!!!! AT MALIGAYANG KAARAWAN SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO.... nawa'y maging mapayapa ang ating Kapaskuhan... enjoy everyone!!!! lets go gala...

GOD BE THE GLORY....

---------------------------------------------------






Monday, December 20, 2010

wala lang na post...

haayyy...

bago ako umuwi mejo nalulungkot ako kasi parang di ko na feel ang AP..
parang di na ako masaya sa AP/PEx na naging tambayan ko for 10months.

na di katulad ng dati nung bandang April up to September.. na sobra kong saya
na maraming nakilala...

-------------------------------------------------------------------------

Kaya ayun nasumpungan kong gumawa ng PDF ng MVP Original Thread... at nakakakalahati pa lang ako grabe.... super kinileg akong mabute.. nakangiting abot tenga... nakakagago....

sarap balikan yung mga post/comments ko... at mga post ni symps at ibang pexers... nakangiti.. kilig na kilig at ramdam ko pa rin ang excitement...

ang saya ko lang.... pag nalulungkot talaga ako... at binabasa ko ang MVP... walang humpay ang aking kasiyahan... sobra sobra.. kulang na lang eh atakihin na... sarap balikan ang nakaraan... sarap maging masaya at maging excited na katulad ng dati....

sana kiligin na lang ako forever....

sana nakangiting abot tenga ako forever....

sana lage kong binabasa ang MVP forever....

haaayyyy ang saya lang.....

nakakagago... nakakagagooo.... nakakaGAGGGGOOOOOOOOO.....



Saturday, December 18, 2010

drama mode # 4

amp... nalipasan na naman ako ng gutom ngayong araw na to... ayun inatake na naman ng matinding hilo... napagalitan pa ako.... bakit daw ba ako nagpapakamatay sa gutom eh me pagkain naman... at adek na adek daw ako sa internet....

hay buhay.. sakit din ng ulo ko... matamlay... walang kagana-gana ngayong araw na to... nakahiga lang lol..

nagdribble dribble sa labas pero hiningal din kaagad.. bilis ng tibok ng puso ko... amp lang...

pinagbawalan pa ako mag-internet... pero eto nag-iinternet... load nga lang :(

---------

hay buhay.. kamalas ko lang na tao.. di ko gusto ang araw ngayon...


lolovenatin ata ako :(


Wednesday, December 15, 2010

D@sm@ F!est@ 2010



Tuwing ikawalo ng Disyembre (Dec.8, 2010) ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Immaculada Concepcion... isa na ang siyudad ng Dasmariñas ang isa sa mga nagcecelebrate ng kapistahan ito... Taon-taon tuwing fiesta sa Dasma ay may Marching Band Competition... na isa sa mga inaabangan kong event kasi adik ako manuod ng mga banda... Pero nung 2008 ako unang nakanuod ng marching band competition sa dasma....

--------

This time... thanks at sinamahan ako ng pinsan kong si Jeje dahil wala siyang pasok... Pagpasok namin ng Dasma... wow.. daming banderitas... kulay green and yellow (peborit color) pumunta kame sa simbahan at nakita namin na nagpipictorial pa ang CBBD... at maya't maya eh nagpasayo na sila.... at gulat me.. bago ang kanilang uniform.... may goleeeyy!!!! @__@ ang ganda!!!! parang Kastila ang style kasi nakaboots mga musikero... at grabe sampuan pa... ang dami!!!! sempre vinideohan ko gamit ang digicam ni Ta Jing... at si Jeje eh pinicturan gamit ang cellphone niya...

Pagkatapos kumain kame sa 7-eleven... at pagkatapos non ay naghanap na kame ng mapupuwestuhan para manuod at videohan ang parada... mejo malayo-layo din yung napili namin kasi umiiwas ako sa mga madaming tao para wala gulo... saka para maluwag at maganda ang pagkakavideo ko... i-uupload kasi sa youtube lol....

At last dumating na rin ang parada.... sempre gusto ko din magcomment.. katulad nung ginawa ko nung isang taon.... at wish ko lang eh walang makabasa na musikero baka kuyugin ako at awayin LOL.... peace tayong lahat... comments lang to lol...

CBBD - bago uniform hanep!!! Best in Uniform na to... kapag sinabak na sa mga labanan sa ibang bayan or marching band competiton... heheheh :) gusto ko din yung tugtog nila... un nga lang di ko alam

MFBD - umiistayl na naman ang mga majorette lahat naka-BANGS.. at ginaya pa nila yung sa St. Augustine yung nasa gilid mga flag bearer... yun nga lang luma yung uniform nila ang pagkakaalam ko eh last 2008 pa yon... pero nakakatuwa mga majorette poise kung poise talaga heheheh :)


BANDA 14 - Ok sakin ang tone quality pero yung marching di ko nagustuhan at may sinama pa talaga silang bata sa parada... saka mejo kulang sa tao... hindi close 6.

BANDA KABATAAN 77 - Nako.. kinilig ako sa tugtog nila... CAPTAIN VILLAMOR ba naman ang pambansang marcha lol este peyburit marcha ko.. ok na ok ang marching... talagang hari din ng parada... bet ko sa marching yun nga lang hanggang ngayon yung Green Gala pa din uniform nila... pero choks lang... maganda pa din!!!!


BANDA KABATAAN 83 - ganda din ng tone quality nila... biglang konti nga lang ng majorette.. pero choks lang... ganda pa din... lalo na style ng majorette :)

BANDA SAN JOSE - waaaaa.. @__@ we are the world ang tugtog malayo pa lang sila tuwang tuwa na ako... ang tikas ni Drum Major... lintek.. at sabay sabay talaga ang mga musikero at nakita ko din sa personal si *toot* haayyy ang cute nga niya sa personal.... kala ko eh hanggang FB ko lang siya makikita lol... daming pogi!!!!!!! super bet na bet ko sa marching kaso guest lang sila...

ANAK ZAPOTE BAND - Oks naman sila... so-so lang... sayang at tumigil sila sa amin... mewi ishmax na mewi ishmax ang uniform nila...

STA. CRUZ BAND - ahm... parang di sila pang-dasma.. joke!!! ang konti... basta yon.. di ko sila feel... yon lang...


EL GOBERNADOR BAND - ayos ang marching at timbre...nagustuhan ko yung eye of the tiger nilang marcha bet ko sa marching

ST. AUGUSTINE BAND - sila ang inaabangan ko ngayon... kasi nung napanuod ko yung video ng Dasma 2007 eh.. tuwang-tuwa ako sa Them Basses nila... at ayun nga kahit papano impress ako sa kanila ngayon... gusto ko yung tugtog kahit di ko alam... sayang at di sila naggwantes bet ko sa marching..


ST. JUDE BAND - yay.. animan lang sila ngayon... kasi last year pituhan sila... pero madami parin majorette... yun ang nagpapaganda sa kanila... macharisma kasi mga majorette saka siguro sa uniform din... yun nga lang.. pahinga yung tumapat samen na tugtog... sana man lang eh Leon Magno... lol

LAS PIÑAS BAND - wow bago uniform... pero mas gusto ko pa din yung black nila... yung last year.. ayos din ang marching madame dame din sila.. bet ko sa marching..

BANDA 12 - Wow.. pangdasma na pangdasma ang dating nila.. as in laban talaga sa competition... waluhan at ang dami... galing... ganda pa ng uniform.. akala ko sa Silang ko lang sila makikita.. at last nakapag-Dasma sila... bet ko sa marching...



--------------

pagkatapos ng parada.. inulet ulet namin ni Jeje ang parada at sempre video2x pero dun na lang sa mga nagustuhan ko.. dun kame lumiko sa likod ng munisipyo ng Dasma at nakarating sa lampas ng simbahan... kumain sa isang burger stand.. at saka pumunta sa simbahan para videohan yung drill... Pero namili na lang ako ng mga vivideohan na drill para tipid sa memory card at battery.... ay nako nakakangalay kasi nakatayo kame sempre... pero busog na busog naman ang tenga ko sa kakapakinig ng mga LIVE na marcha yun kasi ang gusto ko eh... Pagkatapos ng drill ay majorette exhibtion... kaso 3 lang ang navideo namen at nasa cp yon ni jeje... (na hanggang ngayon di ko pa nauupload ay nako)... at eto ang mga nanalo sa Marching Band Competition....

-------------------------

--------------------------

Best in Uniform

1st Las Piñas Band
2nd Banda Kabataan 77

Best Disciplined Band

1st Banda Kabataan 77
2nd Las Piñas Band

Best in Tone Quality

1st St. Jude Band
2nd Las Piñas Band

Majorette Exhibition

1st Banda Kabataan 77
2nd El Gobernador Band
3rd St. Augustine Band

Best Drum Major

1st Las Piñas Band
2nd St. Jude Band

Best Marching

1st Las Piñas Band
2nd St. Jude Band

---------------------------

parang 3 banda lang ang naglaban sa mga trophy kamusta naman!!!! pero yoko na magcomment at baka maging issue ek ek pa... at mabasa pa to ng mga musikero... awayin pa ako lol...

Pagkatapos ng event... naglakad kame ni jeje papunta sa highway... para mag-Robinson Dasma... pero nung nakita namin na nagpapasayo ang BK77 ayun huminto muna kame kasi magpapapicture kame... at nun pagkatapos magpapicture... me tumawag samen.. kamag-anak pala namen at niyaya kameng mamiesta sa kanila... kaya ayon... imbes na ipang-Jollibee ang natitirang pera... nakatipid!!! kasi nakapamiesta kame sa lola namen (kapatid ng lola ko) nakakahiya sempre.... pero choks lang... hihihihi :D

super enjoy nung araw na to... kaya kinagabihan... eh inupload ko na agad ang mga video... para mapanuod na ng madlang sambayanan na mahilig sa musiko... mejo sikat kasi ang account ko sa youtube... sangkatutak ba naman ng marching bands ang mga uploads ko kaya alam kung kanino mag-aabang.... at admin ako sa Cavite Marching Band Fan Page sa Facebook... sa kanila kasi ako nagtatanong about mga infos about marching bands dito sa cavite... ginawa na rin akong admin kasi nag uupload ako sa youtube....

Natouch lang ako sa message ng isang admin... at eto siya....


CAVITE MARCHING BAND lets us all thank one of our admin named E.G. Grepo dahil sa kanya npapanuod nten sa yt ang mga latest video of parades we are so proud of you EG BOY!!!!!!

(AVATAR)
district5


gusto ko umiyak... gusto ko umiyak sa tuwa... dahil kahit pano eh me nakaappreciate at natuwa saken heehehehe....

i love marching bands... yun ang nagpapasaya saken kahit anong kamalasan ang dumating saken hihihihihihi.....

sa December 24 at February 2 naman ako susunod na manunuod... pero bawal akong maexcite at baka lalong di makapanuod hahahah :D...



Monday, December 13, 2010

Awesome Facebook Profile.. BAGONG PAUSO!!!



Pagbukas na pagbukas ko sa PEX... sa MVP thread... aba mga nagsulputan ang mga


AWESOME FACEBOOK PROFILE...

mga nakabalandra sa forums ang mga printscreen ng FB profile nila....

------

at nakakita naman ako ng instruction kung pano gawin.....

pero ang hirap gawin.. naka 2hours ako sa kakagawa... pero madali lang yung mga maliliit pero yung primary pic.. ay grabe don ako nalito na... tabinge kasi....


anyway kahit papano... nagawa ko din siya....


kaya gusto ko din magbunyi.... LOL!!!!

kung sino jan gusto magtry... magphotoshop na!!!!!! eto ang link.. nakita ko sa PinoyExchange.com forum site... share ko na din senyo....





Tuesday, December 7, 2010

Kabadtrip...


Drama Alert!!!!

Hayyy... ang lungkot ng buhay ko... walang social life... walang mga kaibigan... wala gaano kausap.... wala gaano pera... pakiramdam ko mag-isa lang ako sa mundo... hindi nag-eexist... hayyy kadrama ko talagang nilalang....

-----------------------

Birthday ng pinsan ko ngayon... me konting salu-salo pero ako mas pinili ko yung kumain mag-isa at pumunta sa bahay... kung saan mag-isa lang ako at sila lahat ay nasa labas... kwentuhan... etc. etc. etc.

Nagkulong sa kwarto nakahiga lang... iniisip ko yung parada bukas sa dasma... di ako gaano excited.. malungkot pa rin...

eh mejo iritable ako sa buhok ko kasi ang kapal at mahaba na..kaya ayon... naisipan kong magpagupit na... eh almost 9PM na...

Buti na lang meron pang bukas na salon.... kaya ayon... kung dati rati kay manong barbero ako nagpapagupit at sa kadahilanang sarado na lahat ng barberya sa aming bayan... wala ako choice sa salon ako nagpagupit... with free shampoo pala kapag ganon... kaya oks din.. gumuwapo ako... naks...

Habang naglalakad sa daan.. malungkot pa rin ako... sana... sana lalake na lang ako... yung straight... sana nagkagirlfriend ako.. sana marami ako katropa... ang hirap ng ganito... yung ayaw sayo ng ibang tao... you cant please everybody...

Malungkot pa rin ako...

Pagdating sa bahay... tumingin ako sa salamin.. kagwapo ko... sayang ang buhay ko... nasa huli talaga ang pagsisisi...

Binuksan ko na lang ang laptop.. at ayun papicture sa cam... pakyut epek... wala lang.. EMO lang...

sayang buhay ko... i dont know what to do...

sana mag-enjoy ako bukas.... sana maging masaya ako bukas... dahil mga marching bands ang nagpapasaya sa buhay ko... sana walang mangyari saken masama... hayyy puro na lang sana..


testing..


Monday, December 6, 2010

drama mode #3

*haaayyy...... sana di na lang ako naging nerbyoso...

*sayang at di ako nakanuod ng La Torre Marching Band Parade sa Dasma kanina mas priority ko kasi ang manuod bukas ng parada.. para competition heheheh

*magkoclose na ang MVP thread.. mawawalan na ako ng tambayan

*yehey... nakakita ako ng Dasma Fiesta 2008 Marching Band Parade kaso di kumpleto pero ayos lang kasi ang galing ng BSJ bigla ko tuloy namiss ang paradang iyon nung 2008 kung saan ako lang mag-isa nanuod that time at super enjoy ako.....

*excited ako bukas manuod ng parada.. sana walang mangyari saken... sana di ako mahimatay lols sa sobrang ineeettt....

*mamimiss ko si sympaticko.... ay lab him pa naman... lols!!! pero oks lang... at least naging part ako ng MVP thread niya.... kaya happy si bigbro09 yahooo...

*dahil sa post ng isang blogger.... naaalala ko tuloy yung kantang because of you ni kyla... sikat na sikat yon nung 4th year HS ako... halos lahat ng mga classmate ko gustong gusto yon.... kaya ayon bigla ako napayoutube.... at ang sarap pa rin pakinggan.....

The magic in your eyes
True love I cant deny
When you hold me
I just lost control
I want you to know
That Im never letting go
You mean so much to me
I want the world to see
Its because of you.......

Because of you my life has changed thank you for the love and the joy you bring
Because of you I feel no shame I'll tell the world its because of you...

--------------------

*sana me taong makapagpabago sa buhay ko... kung dumating siya... a big big thanks.. pero kung hinde ayos lang... ganun talaga buhay eh...

Sunday, December 5, 2010

wala lang na pop art



Hayyyy naingget ako sa avatar ni sympaticko... yung pop art.. actually year 2007 alam ko na yon.. kaso yun nga di ko siya magawa-gawa... wa epek yung teknik kong gradient map... di naman epektib....

Pero this time... salamat kay FLOJOWE ng MVP thread... kasi binigyan niya ako ng LINk for pop art tutorial...

and tadaaannn.......... kahit panget ang gawa ko... ibalandra ko na dito sa aking walang kwentang blog lolz... para remembrance.... heehhehe :D

--------------------------


di siya gaano perpek... pero ayos na rin heheheh :D

Friday, December 3, 2010

MY 2010 Life - My PEX World 1

Diary mode......

Sa kasagsagan ng laro ko ng Naruto nung February at March kapag naboboring ako pumupunta ako sa favorite tambayan site ko... ang PinoyExchange.com


Wala lang... pasyal2x sa LMTV section, Dilemma section, Buhay Pinoy section at sa Alternative Preferences section nagbabasa ng mga kung ano-ano....

Yun nga lang nahook ako sa mga BROMANCE story.... hahaha... alam na! LOLz! Una kong binasa eh yung Migz Confessions at My Lost Story... dun sa Migs Confessions naging kakulitan ko pa si Brian_Yu at Redbed.... magpanggap daw bang sina Kuya Migs, BJ at Lil Bro ni BJ lolz!

Sumunod don... me sumulpot pang mga story na aking binasa isa don yung Toshiyori ni Creaturebox at Agent 143 ni Spidermaniac... Mejo aliw ako sa Toshiyori noon kasi kakatuwa yung bida.... yun nga lang nung dumating sa climax ng story.. mejo tinamad ako kasi matanda pala yung makakatuluyan nung bida, eh ang bet ko dun eh yung kaworkmate niya.... kaya ayon... pero inpernes at true to life story yon.... About Agent 143.. nako super marathon pa ako that time... ganda ng story ni Spidy... yun nga lang SAD ENDING.... huhuhu....

---------------------

Dahil April noon... at nagkaroon ng PBB Teen Clash Edition ayon tumambay na naman ako sa PBB Thread... at naging ganap ng fantard jowk! hinde.. nangulit dito nangulit doon.. nakihinge ng link ng livestreaming at comment dito comment doon sa thread... at ayun naging fan ako ni Tricia Santos... kasi kinakawawa siya sa loob ng bahay... pabalik balik ako maya't maya punta ako sa AP den balik sa LMTV den bisita sa Dilemma section...

---------------------

Daming nagsulputan na bagong mga APserye... isa dun ang pinaka-inadikan ko sa lahat... ang Most Valuable Player ni Sympaticko... Its all about basketball... pero sempre BROMANCE!!! grabe... kinilig ako ng mabuti noon... yun nga lang sa gabi nag-uupdates si symps at kinabukasan ko pa mababasa... kakulet ko talaga noon... me times pa nga na don na nasermunan ko siya dahil sa isang chapter ng kwento niya... wala lang... affected lang sa story lolz! at dahil sa MVP... naadik ako sa kantang LOVE WILL KEEP US ALIVE...


Ang swerte ko din noon dahil nakakausap ko sa PM si sympaticko... wala lang kwentuhan lang about MVP...

----------------------

Binasa ko din ang Three and Half Hours ni The War Zone pero dinownload ko na lang yung PDF File sa thread niya at nagmarathon ako 5 hours... from 3PM up to 8PM that time.. ang ganda ng story... my master and my soldier... kakileg lang.... para akong nanuod ng movie nung binasa ko yon.... sarap sa pakiramdam nung natapos ko... :)

Thursday, December 2, 2010

Shin Chan made my Day!!!!


Pagkabukas ko ng FB ko... napansin ko yung status ng friend ko na....

Change your facebook profile picture to a cartoon from your childhood andinvite your friends to do the same. Until Monday (Dec.6) there should be nohuman faces on facebook, but an invasion of memories. This is for VIOLENCEAGAINST CHILDREN.!!


tapos ayun... sempre pinaltan ko ang primary pic... ang pinakapeyburit kong cartoon...

si MOJACKO!!!


hanggang forums usap-usapan namin ang tungkol sa mga cartoon.. parang bumalik lang sa pagkabata... lalo na sa MVP thread... kung saan ako palage nakatambay.... ang saya lang!!!!! :D

---------------------------------------

sa aking pamamasyal sa forums.... ayun nakakita ako!!! nakakita ako ng LINK kung saan ulet mapapanood si SHIN-CHAN!!!!!

at ayon.... it made my day!!!! sumaya ang araw ko....






ANG KULET LANG!!!!!!!!!!!!!!!

Wednesday, December 1, 2010

drama mode #2

huhuhuhu....

mawawala na saken ang korona ng pagiging MVP ADIKTUS POSTER OF THE YEAR AWARDEE... huhuhu

maaabutan na ako ni airboooyyyyyyyyyy.....

ang SAAAAKKKEEEEEEEEEETTTTTTTTTTTTTTTTTTT.....

iningatan ko pa naman yung pagiging adiktus poster ko sa MVP thread from May up to now...

mamimiss ko ang MVP thread ni sympaticko... sana waaagggggggg macloseeeeeeeeeee......

yun ang nagpapasaya sa buhay ko.. sa buong 2010 life ko.....



About