Wednesday, December 29, 2010

HAPPY NEW YEAR!!!!! (mga pamahiin ko)


Bagong Taon na naman.... ang bilis ng panahon.... Lets welcome 2011!!!!!

--------------------------

Eto ang ilan sa aking nakaugalian sa tuwing sasapit ang bagong taon...

1. Maglagay ng pera sa bulsa papel at de barya... para swertihin at magkapera buong taon....

2. Maglagay ng mga 25cents sa sulok ng mga bintana para daw buong bahay eh me pera lol... at para buong taon eh di mawalan ng pera... sabi nga nila pag may itinabi may madudukot..

3. Dapat bukas ang mga bintana at pinto sa buong bahay para pumasok ang mga usok ng mga paputok at lumayas ang mga masasamang espiritu na ipinasok ng Year 2010... saka maeexpired na yung mga 2010 spirits kaya need another one naman....

4. Sa hapagkainan dapat may pagkain na mahahaba para LONG LIFE.... at dapat me pagkaing malalagkit para STRONG BOND... at dapat sempre minatamis para SWEET... at dapat 12 ang bilog na prutas na sumisimbolo sa buwan ng taon para HEALTHY every month and of course dapat me lechon, barbeque at piniritong kung ano ano para HIGH BLOOD.... oh di ba sosyal!!! kaya prepare na now na!!!! hahaha

5. Sempre pagsapit ng ganap na alas dose.. lets TALON TALON na para tumangkad!!! totoo yon pramis.. ang maniwala engot!!!! :D

6. Dapat bago salubungin ang taon dapat ihanda na ang mga speakers dahil Lets SHEMBUTAN na!!! she-shembot she-shembot....

7. Sa ganap na alas dose dapat naka MP3 ka at pinapatugtog ang THEME SONG ng magiging taon mo... sabay wish... dapat maraming wish... para marami ang matupad... totoo yan pramis... ilan sa mga wish ko eh nagkakatotoo, di ko nga ineexpect eh...

8. Wag ng magpaputok para iwas disgrasya.... magwala ka na lang para masaya.... dali sigaw lang ng sigaw yung malakas... HAAAPPPYYY NNEEEWWWW YYEEEAAARRRRRRRRRRRRRRR....


--------------------------------------

MY NEW YEAR RESOLUTION

1. Di na ako magpapalipas gutom para di na mahihilo...
2. Lalandi na ako kasi malapit na akong magtrenta... tama na ang patweetums lol...
3. Magpapakawalanghiya na ako this year... para di na maging boring lol
4. Lilimitahan na ang PagpePex
5. Magle-layout na ng madalas sa photoshop...
6. Explore ng mga ibat ibang makabuluhang bagay...
7. Titigilan na ang pakikipagchat at tweets...


----------------------------------------

MY NEW YEAR THEME SONG

1. Love Will Keep Us Alive - Eagles
2. All About Lovin You - Bon Jovi

-----------------------------------------


sa mga followers ko dito sa blog.. salamat ng marami sa inyo lalo na sa pagtitiyaga nyong pagbisita sa aking boring na blog.. salamat salamat talaga lalo na sa mga comments...

sa mga kaibigang kong pexers lalo na sa AP.. kahit di nyo alam ang blog ko.. HAPPY NEW YEAR sa inyo.. you made my 2010 super happy....

sa mga nanunuod sa youtube channel ko.. super salamat din sa mga views... at last nakaabot din ng 100K views ang account ko.... puro mga banda ba naman... lol

sa mga fb friends ko kahit super boring ang FB ko.... thanks pa din lol hahaha :D buti na lang di nyo alam ang blog ko lol...

-------------------------------------

HAPPY NEW YEAR SA LAHAT... sa lahat ng mga nakasalamuha ko cyberworld at real world....

sana maging masaya tayo sa 2011!!!!!!!!!!!



Tuesday, December 28, 2010

My Christmas 2010

Dec. 22, 2010

Christmas Party ng kuya ko... dun nga lang sa Barracks ang venue sa Camp Aguinaldo... at sa kadahilanang di pa ako nakakapunta.... ayun sumama ako.. wala lang... gala lang lol...

Inikot din namin ang grandstand kung saan doon idinadaos yung mga celebrations ng AFP... nakakatuwa kasi habang naglalakad kame ni Moneth with her baby at 2 kasama namin eh pakiramdam ko nasa malaking campus ako.. ma-puno kasi yung daraanan.. ang sarap maglakad... at maraming nagjojogging... tapos bawat Headquarters eh me mga basketball court.. haaayy kasarap sana magbasketball lol...

Nakakatuwa yung christmas party kasi ang theme eh Fiesta... tapos me nagrent sila ng clown at ice cream stand and cotton candy para sa mga bata.. parang ang dating saken eh CHRISTMAS PARTY NA FIESTA NA MAY BIRTHDAY.... lol...

at lalo akong nalerks sa clown dun sa....

BRING ME... BRING ME... WALLET NI DADDY NA ME PICTURE NI YAYA

ay josko.. akala ko me batang magbibigay kay paging clown... saka nakakatuwa din yung larong Face to Face... may 2 kasi batang lalake dun na cute.... ayun kinilig ako bromance na bromance lol... lalo na yung dikit ang ilong tapos ang kanang kamay ay nasa baywang ng kapartner habang nakataas ang isang paa....

at nung papauwi na kame.. sarap pagmasdan ang kahabaan ng EDSA ang traffic grabe.. pero namiss ko din ang mga sasakyan... kaya sarap tumunganga... nakita ang robinson galleria, ang sm megamall, ang edsa shangri-la at ang peyburit kong MRT!!!!! sarap magmuni-muni habang nasa biyahe...

DEC. 23, 2010

Habang naglalaba ako, nagulat ako kasi biglang dumating yung mga step brothers ko from Batangas magbakasyon kasi sila dito sa Cavite... ayun kwentuhan... habang naglalaba eh inaasikaso sila... haayyy ang kukulit pa rin nila.... Dito kasi sila magspend ng christmas...


DEC. 24, 2010

Nanuod ako ng Maytinis Marching Band Parade 2010 sa Kawit, Cavite... kaya meron akong picture sa harap ni Aguinaldo sa previous post ko... Ang ganda ng parada 11 ang banda tapos lahat magaganda at magagaling kung kaya't ganadong ganado ako sa aking pagvivideo para me bago akong collection na pang-DVD... at grabe first time ko makapanuod ng Dance Majorette na nakabackless my gaawwddd nakakalerks.. ang kikinis ng mga balat... at ang puputi pa.... at ang gagaling pa nila sumayaw... enjoy much ako..


DEC. 25, 2010

Christmas Time!!!! Sama sama kame magkakapamilya na magspend ng christmas.. Dun kame nagsimba sa Little Sisters Church sa Tagaytay City... yun nga lang biglang buhos naman ng ulan kaya di rin kame gaano nakapakinig sa misa... kaya ayun sumilong na lang kame magkakapatid sa ilalim ng pinetrees puro harutan at kulitan... at nung natapos ang misa eh picture picture at anga ganda ng view.... wew....

Pagkatapos ng misa ay dumerecho na kame sa may picnic grove para puntahan yung nirentahan naming bahay for one day... pagkadating... super mega kain lahat.. as in lahat gutom den picture2x den nag-exchange gift na rin... Nung kinahapunan, nagpunta kame sa Picnic Grove pasyal pasyal... hayy ang daming tao... naglaro sa playground with my cousins... At nung kinagabihan pumasyal kame sa Robinsons sa may Ridge... inuman... picture2x... at bago matulog nagtwitter ako at grabe.. online sina Donnie, Adrius, Symps, MQ at iba pa.. ayun nakipagkulitan ako... sempre matching greetings ng merry christmas....

Kahit papano masaya rin ang Pasko ko....

:D

Friday, December 24, 2010

Happy Birthday Papa Jesus...


Ilang oras na lamang at Pasko na... ang araw ng kapanganakan ng ating Mahal na Papa Jesus...
kung kaya't kaliwa't kanan ang mga nochebuena.. hihihihi.... marami ang mamasko bukas.. pero kame nakapag-impake na.. ayon magtatago sa tagaytay bukas.. yahooo.... wish ko lang malamig sa tagaytay heheheh...

-------------------------

Pero kaninang hapon, galing kame ng pinsan ko sa Kawit.. nanuod ng parada ng banda... enjoy ako... kasi magaganda mga banda at first time ko lang makakita ng mga majorettes na nakasexy outfit habang nagsasayaw... kalerks ang mga katawan nila ang sesexy... liit ng bewang at nakakasilaw ang mga legs... grabeeehhh lerks na lerks ako lol..... kaso di ko pa nauupload ang mga vids.... saka na lang... lol...

--------------------

MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!!!!!! AT MALIGAYANG KAARAWAN SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO.... nawa'y maging mapayapa ang ating Kapaskuhan... enjoy everyone!!!! lets go gala...

GOD BE THE GLORY....

---------------------------------------------------






Monday, December 20, 2010

wala lang na post...

haayyy...

bago ako umuwi mejo nalulungkot ako kasi parang di ko na feel ang AP..
parang di na ako masaya sa AP/PEx na naging tambayan ko for 10months.

na di katulad ng dati nung bandang April up to September.. na sobra kong saya
na maraming nakilala...

-------------------------------------------------------------------------

Kaya ayun nasumpungan kong gumawa ng PDF ng MVP Original Thread... at nakakakalahati pa lang ako grabe.... super kinileg akong mabute.. nakangiting abot tenga... nakakagago....

sarap balikan yung mga post/comments ko... at mga post ni symps at ibang pexers... nakangiti.. kilig na kilig at ramdam ko pa rin ang excitement...

ang saya ko lang.... pag nalulungkot talaga ako... at binabasa ko ang MVP... walang humpay ang aking kasiyahan... sobra sobra.. kulang na lang eh atakihin na... sarap balikan ang nakaraan... sarap maging masaya at maging excited na katulad ng dati....

sana kiligin na lang ako forever....

sana nakangiting abot tenga ako forever....

sana lage kong binabasa ang MVP forever....

haaayyyy ang saya lang.....

nakakagago... nakakagagooo.... nakakaGAGGGGOOOOOOOOO.....



Saturday, December 18, 2010

drama mode # 4

amp... nalipasan na naman ako ng gutom ngayong araw na to... ayun inatake na naman ng matinding hilo... napagalitan pa ako.... bakit daw ba ako nagpapakamatay sa gutom eh me pagkain naman... at adek na adek daw ako sa internet....

hay buhay.. sakit din ng ulo ko... matamlay... walang kagana-gana ngayong araw na to... nakahiga lang lol..

nagdribble dribble sa labas pero hiningal din kaagad.. bilis ng tibok ng puso ko... amp lang...

pinagbawalan pa ako mag-internet... pero eto nag-iinternet... load nga lang :(

---------

hay buhay.. kamalas ko lang na tao.. di ko gusto ang araw ngayon...


lolovenatin ata ako :(


Wednesday, December 15, 2010

D@sm@ F!est@ 2010



Tuwing ikawalo ng Disyembre (Dec.8, 2010) ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Immaculada Concepcion... isa na ang siyudad ng Dasmariñas ang isa sa mga nagcecelebrate ng kapistahan ito... Taon-taon tuwing fiesta sa Dasma ay may Marching Band Competition... na isa sa mga inaabangan kong event kasi adik ako manuod ng mga banda... Pero nung 2008 ako unang nakanuod ng marching band competition sa dasma....

--------

This time... thanks at sinamahan ako ng pinsan kong si Jeje dahil wala siyang pasok... Pagpasok namin ng Dasma... wow.. daming banderitas... kulay green and yellow (peborit color) pumunta kame sa simbahan at nakita namin na nagpipictorial pa ang CBBD... at maya't maya eh nagpasayo na sila.... at gulat me.. bago ang kanilang uniform.... may goleeeyy!!!! @__@ ang ganda!!!! parang Kastila ang style kasi nakaboots mga musikero... at grabe sampuan pa... ang dami!!!! sempre vinideohan ko gamit ang digicam ni Ta Jing... at si Jeje eh pinicturan gamit ang cellphone niya...

Pagkatapos kumain kame sa 7-eleven... at pagkatapos non ay naghanap na kame ng mapupuwestuhan para manuod at videohan ang parada... mejo malayo-layo din yung napili namin kasi umiiwas ako sa mga madaming tao para wala gulo... saka para maluwag at maganda ang pagkakavideo ko... i-uupload kasi sa youtube lol....

At last dumating na rin ang parada.... sempre gusto ko din magcomment.. katulad nung ginawa ko nung isang taon.... at wish ko lang eh walang makabasa na musikero baka kuyugin ako at awayin LOL.... peace tayong lahat... comments lang to lol...

CBBD - bago uniform hanep!!! Best in Uniform na to... kapag sinabak na sa mga labanan sa ibang bayan or marching band competiton... heheheh :) gusto ko din yung tugtog nila... un nga lang di ko alam

MFBD - umiistayl na naman ang mga majorette lahat naka-BANGS.. at ginaya pa nila yung sa St. Augustine yung nasa gilid mga flag bearer... yun nga lang luma yung uniform nila ang pagkakaalam ko eh last 2008 pa yon... pero nakakatuwa mga majorette poise kung poise talaga heheheh :)


BANDA 14 - Ok sakin ang tone quality pero yung marching di ko nagustuhan at may sinama pa talaga silang bata sa parada... saka mejo kulang sa tao... hindi close 6.

BANDA KABATAAN 77 - Nako.. kinilig ako sa tugtog nila... CAPTAIN VILLAMOR ba naman ang pambansang marcha lol este peyburit marcha ko.. ok na ok ang marching... talagang hari din ng parada... bet ko sa marching yun nga lang hanggang ngayon yung Green Gala pa din uniform nila... pero choks lang... maganda pa din!!!!


BANDA KABATAAN 83 - ganda din ng tone quality nila... biglang konti nga lang ng majorette.. pero choks lang... ganda pa din... lalo na style ng majorette :)

BANDA SAN JOSE - waaaaa.. @__@ we are the world ang tugtog malayo pa lang sila tuwang tuwa na ako... ang tikas ni Drum Major... lintek.. at sabay sabay talaga ang mga musikero at nakita ko din sa personal si *toot* haayyy ang cute nga niya sa personal.... kala ko eh hanggang FB ko lang siya makikita lol... daming pogi!!!!!!! super bet na bet ko sa marching kaso guest lang sila...

ANAK ZAPOTE BAND - Oks naman sila... so-so lang... sayang at tumigil sila sa amin... mewi ishmax na mewi ishmax ang uniform nila...

STA. CRUZ BAND - ahm... parang di sila pang-dasma.. joke!!! ang konti... basta yon.. di ko sila feel... yon lang...


EL GOBERNADOR BAND - ayos ang marching at timbre...nagustuhan ko yung eye of the tiger nilang marcha bet ko sa marching

ST. AUGUSTINE BAND - sila ang inaabangan ko ngayon... kasi nung napanuod ko yung video ng Dasma 2007 eh.. tuwang-tuwa ako sa Them Basses nila... at ayun nga kahit papano impress ako sa kanila ngayon... gusto ko yung tugtog kahit di ko alam... sayang at di sila naggwantes bet ko sa marching..


ST. JUDE BAND - yay.. animan lang sila ngayon... kasi last year pituhan sila... pero madami parin majorette... yun ang nagpapaganda sa kanila... macharisma kasi mga majorette saka siguro sa uniform din... yun nga lang.. pahinga yung tumapat samen na tugtog... sana man lang eh Leon Magno... lol

LAS PIÑAS BAND - wow bago uniform... pero mas gusto ko pa din yung black nila... yung last year.. ayos din ang marching madame dame din sila.. bet ko sa marching..

BANDA 12 - Wow.. pangdasma na pangdasma ang dating nila.. as in laban talaga sa competition... waluhan at ang dami... galing... ganda pa ng uniform.. akala ko sa Silang ko lang sila makikita.. at last nakapag-Dasma sila... bet ko sa marching...



--------------

pagkatapos ng parada.. inulet ulet namin ni Jeje ang parada at sempre video2x pero dun na lang sa mga nagustuhan ko.. dun kame lumiko sa likod ng munisipyo ng Dasma at nakarating sa lampas ng simbahan... kumain sa isang burger stand.. at saka pumunta sa simbahan para videohan yung drill... Pero namili na lang ako ng mga vivideohan na drill para tipid sa memory card at battery.... ay nako nakakangalay kasi nakatayo kame sempre... pero busog na busog naman ang tenga ko sa kakapakinig ng mga LIVE na marcha yun kasi ang gusto ko eh... Pagkatapos ng drill ay majorette exhibtion... kaso 3 lang ang navideo namen at nasa cp yon ni jeje... (na hanggang ngayon di ko pa nauupload ay nako)... at eto ang mga nanalo sa Marching Band Competition....

-------------------------

--------------------------

Best in Uniform

1st Las Piñas Band
2nd Banda Kabataan 77

Best Disciplined Band

1st Banda Kabataan 77
2nd Las Piñas Band

Best in Tone Quality

1st St. Jude Band
2nd Las Piñas Band

Majorette Exhibition

1st Banda Kabataan 77
2nd El Gobernador Band
3rd St. Augustine Band

Best Drum Major

1st Las Piñas Band
2nd St. Jude Band

Best Marching

1st Las Piñas Band
2nd St. Jude Band

---------------------------

parang 3 banda lang ang naglaban sa mga trophy kamusta naman!!!! pero yoko na magcomment at baka maging issue ek ek pa... at mabasa pa to ng mga musikero... awayin pa ako lol...

Pagkatapos ng event... naglakad kame ni jeje papunta sa highway... para mag-Robinson Dasma... pero nung nakita namin na nagpapasayo ang BK77 ayun huminto muna kame kasi magpapapicture kame... at nun pagkatapos magpapicture... me tumawag samen.. kamag-anak pala namen at niyaya kameng mamiesta sa kanila... kaya ayon... imbes na ipang-Jollibee ang natitirang pera... nakatipid!!! kasi nakapamiesta kame sa lola namen (kapatid ng lola ko) nakakahiya sempre.... pero choks lang... hihihihi :D

super enjoy nung araw na to... kaya kinagabihan... eh inupload ko na agad ang mga video... para mapanuod na ng madlang sambayanan na mahilig sa musiko... mejo sikat kasi ang account ko sa youtube... sangkatutak ba naman ng marching bands ang mga uploads ko kaya alam kung kanino mag-aabang.... at admin ako sa Cavite Marching Band Fan Page sa Facebook... sa kanila kasi ako nagtatanong about mga infos about marching bands dito sa cavite... ginawa na rin akong admin kasi nag uupload ako sa youtube....

Natouch lang ako sa message ng isang admin... at eto siya....


CAVITE MARCHING BAND lets us all thank one of our admin named E.G. Grepo dahil sa kanya npapanuod nten sa yt ang mga latest video of parades we are so proud of you EG BOY!!!!!!

(AVATAR)
district5


gusto ko umiyak... gusto ko umiyak sa tuwa... dahil kahit pano eh me nakaappreciate at natuwa saken heehehehe....

i love marching bands... yun ang nagpapasaya saken kahit anong kamalasan ang dumating saken hihihihihihi.....

sa December 24 at February 2 naman ako susunod na manunuod... pero bawal akong maexcite at baka lalong di makapanuod hahahah :D...



Monday, December 13, 2010

Awesome Facebook Profile.. BAGONG PAUSO!!!



Pagbukas na pagbukas ko sa PEX... sa MVP thread... aba mga nagsulputan ang mga


AWESOME FACEBOOK PROFILE...

mga nakabalandra sa forums ang mga printscreen ng FB profile nila....

------

at nakakita naman ako ng instruction kung pano gawin.....

pero ang hirap gawin.. naka 2hours ako sa kakagawa... pero madali lang yung mga maliliit pero yung primary pic.. ay grabe don ako nalito na... tabinge kasi....


anyway kahit papano... nagawa ko din siya....


kaya gusto ko din magbunyi.... LOL!!!!

kung sino jan gusto magtry... magphotoshop na!!!!!! eto ang link.. nakita ko sa PinoyExchange.com forum site... share ko na din senyo....





Tuesday, December 7, 2010

Kabadtrip...


Drama Alert!!!!

Hayyy... ang lungkot ng buhay ko... walang social life... walang mga kaibigan... wala gaano kausap.... wala gaano pera... pakiramdam ko mag-isa lang ako sa mundo... hindi nag-eexist... hayyy kadrama ko talagang nilalang....

-----------------------

Birthday ng pinsan ko ngayon... me konting salu-salo pero ako mas pinili ko yung kumain mag-isa at pumunta sa bahay... kung saan mag-isa lang ako at sila lahat ay nasa labas... kwentuhan... etc. etc. etc.

Nagkulong sa kwarto nakahiga lang... iniisip ko yung parada bukas sa dasma... di ako gaano excited.. malungkot pa rin...

eh mejo iritable ako sa buhok ko kasi ang kapal at mahaba na..kaya ayon... naisipan kong magpagupit na... eh almost 9PM na...

Buti na lang meron pang bukas na salon.... kaya ayon... kung dati rati kay manong barbero ako nagpapagupit at sa kadahilanang sarado na lahat ng barberya sa aming bayan... wala ako choice sa salon ako nagpagupit... with free shampoo pala kapag ganon... kaya oks din.. gumuwapo ako... naks...

Habang naglalakad sa daan.. malungkot pa rin ako... sana... sana lalake na lang ako... yung straight... sana nagkagirlfriend ako.. sana marami ako katropa... ang hirap ng ganito... yung ayaw sayo ng ibang tao... you cant please everybody...

Malungkot pa rin ako...

Pagdating sa bahay... tumingin ako sa salamin.. kagwapo ko... sayang ang buhay ko... nasa huli talaga ang pagsisisi...

Binuksan ko na lang ang laptop.. at ayun papicture sa cam... pakyut epek... wala lang.. EMO lang...

sayang buhay ko... i dont know what to do...

sana mag-enjoy ako bukas.... sana maging masaya ako bukas... dahil mga marching bands ang nagpapasaya sa buhay ko... sana walang mangyari saken masama... hayyy puro na lang sana..


testing..


Monday, December 6, 2010

drama mode #3

*haaayyy...... sana di na lang ako naging nerbyoso...

*sayang at di ako nakanuod ng La Torre Marching Band Parade sa Dasma kanina mas priority ko kasi ang manuod bukas ng parada.. para competition heheheh

*magkoclose na ang MVP thread.. mawawalan na ako ng tambayan

*yehey... nakakita ako ng Dasma Fiesta 2008 Marching Band Parade kaso di kumpleto pero ayos lang kasi ang galing ng BSJ bigla ko tuloy namiss ang paradang iyon nung 2008 kung saan ako lang mag-isa nanuod that time at super enjoy ako.....

*excited ako bukas manuod ng parada.. sana walang mangyari saken... sana di ako mahimatay lols sa sobrang ineeettt....

*mamimiss ko si sympaticko.... ay lab him pa naman... lols!!! pero oks lang... at least naging part ako ng MVP thread niya.... kaya happy si bigbro09 yahooo...

*dahil sa post ng isang blogger.... naaalala ko tuloy yung kantang because of you ni kyla... sikat na sikat yon nung 4th year HS ako... halos lahat ng mga classmate ko gustong gusto yon.... kaya ayon bigla ako napayoutube.... at ang sarap pa rin pakinggan.....

The magic in your eyes
True love I cant deny
When you hold me
I just lost control
I want you to know
That Im never letting go
You mean so much to me
I want the world to see
Its because of you.......

Because of you my life has changed thank you for the love and the joy you bring
Because of you I feel no shame I'll tell the world its because of you...

--------------------

*sana me taong makapagpabago sa buhay ko... kung dumating siya... a big big thanks.. pero kung hinde ayos lang... ganun talaga buhay eh...

Sunday, December 5, 2010

wala lang na pop art



Hayyyy naingget ako sa avatar ni sympaticko... yung pop art.. actually year 2007 alam ko na yon.. kaso yun nga di ko siya magawa-gawa... wa epek yung teknik kong gradient map... di naman epektib....

Pero this time... salamat kay FLOJOWE ng MVP thread... kasi binigyan niya ako ng LINk for pop art tutorial...

and tadaaannn.......... kahit panget ang gawa ko... ibalandra ko na dito sa aking walang kwentang blog lolz... para remembrance.... heehhehe :D

--------------------------


di siya gaano perpek... pero ayos na rin heheheh :D

Friday, December 3, 2010

MY 2010 Life - My PEX World 1

Diary mode......

Sa kasagsagan ng laro ko ng Naruto nung February at March kapag naboboring ako pumupunta ako sa favorite tambayan site ko... ang PinoyExchange.com


Wala lang... pasyal2x sa LMTV section, Dilemma section, Buhay Pinoy section at sa Alternative Preferences section nagbabasa ng mga kung ano-ano....

Yun nga lang nahook ako sa mga BROMANCE story.... hahaha... alam na! LOLz! Una kong binasa eh yung Migz Confessions at My Lost Story... dun sa Migs Confessions naging kakulitan ko pa si Brian_Yu at Redbed.... magpanggap daw bang sina Kuya Migs, BJ at Lil Bro ni BJ lolz!

Sumunod don... me sumulpot pang mga story na aking binasa isa don yung Toshiyori ni Creaturebox at Agent 143 ni Spidermaniac... Mejo aliw ako sa Toshiyori noon kasi kakatuwa yung bida.... yun nga lang nung dumating sa climax ng story.. mejo tinamad ako kasi matanda pala yung makakatuluyan nung bida, eh ang bet ko dun eh yung kaworkmate niya.... kaya ayon... pero inpernes at true to life story yon.... About Agent 143.. nako super marathon pa ako that time... ganda ng story ni Spidy... yun nga lang SAD ENDING.... huhuhu....

---------------------

Dahil April noon... at nagkaroon ng PBB Teen Clash Edition ayon tumambay na naman ako sa PBB Thread... at naging ganap ng fantard jowk! hinde.. nangulit dito nangulit doon.. nakihinge ng link ng livestreaming at comment dito comment doon sa thread... at ayun naging fan ako ni Tricia Santos... kasi kinakawawa siya sa loob ng bahay... pabalik balik ako maya't maya punta ako sa AP den balik sa LMTV den bisita sa Dilemma section...

---------------------

Daming nagsulputan na bagong mga APserye... isa dun ang pinaka-inadikan ko sa lahat... ang Most Valuable Player ni Sympaticko... Its all about basketball... pero sempre BROMANCE!!! grabe... kinilig ako ng mabuti noon... yun nga lang sa gabi nag-uupdates si symps at kinabukasan ko pa mababasa... kakulet ko talaga noon... me times pa nga na don na nasermunan ko siya dahil sa isang chapter ng kwento niya... wala lang... affected lang sa story lolz! at dahil sa MVP... naadik ako sa kantang LOVE WILL KEEP US ALIVE...


Ang swerte ko din noon dahil nakakausap ko sa PM si sympaticko... wala lang kwentuhan lang about MVP...

----------------------

Binasa ko din ang Three and Half Hours ni The War Zone pero dinownload ko na lang yung PDF File sa thread niya at nagmarathon ako 5 hours... from 3PM up to 8PM that time.. ang ganda ng story... my master and my soldier... kakileg lang.... para akong nanuod ng movie nung binasa ko yon.... sarap sa pakiramdam nung natapos ko... :)

Thursday, December 2, 2010

Shin Chan made my Day!!!!


Pagkabukas ko ng FB ko... napansin ko yung status ng friend ko na....

Change your facebook profile picture to a cartoon from your childhood andinvite your friends to do the same. Until Monday (Dec.6) there should be nohuman faces on facebook, but an invasion of memories. This is for VIOLENCEAGAINST CHILDREN.!!


tapos ayun... sempre pinaltan ko ang primary pic... ang pinakapeyburit kong cartoon...

si MOJACKO!!!


hanggang forums usap-usapan namin ang tungkol sa mga cartoon.. parang bumalik lang sa pagkabata... lalo na sa MVP thread... kung saan ako palage nakatambay.... ang saya lang!!!!! :D

---------------------------------------

sa aking pamamasyal sa forums.... ayun nakakita ako!!! nakakita ako ng LINK kung saan ulet mapapanood si SHIN-CHAN!!!!!

at ayon.... it made my day!!!! sumaya ang araw ko....






ANG KULET LANG!!!!!!!!!!!!!!!

Wednesday, December 1, 2010

drama mode #2

huhuhuhu....

mawawala na saken ang korona ng pagiging MVP ADIKTUS POSTER OF THE YEAR AWARDEE... huhuhu

maaabutan na ako ni airboooyyyyyyyyyy.....

ang SAAAAKKKEEEEEEEEEETTTTTTTTTTTTTTTTTTT.....

iningatan ko pa naman yung pagiging adiktus poster ko sa MVP thread from May up to now...

mamimiss ko ang MVP thread ni sympaticko... sana waaagggggggg macloseeeeeeeeeee......

yun ang nagpapasaya sa buhay ko.. sa buong 2010 life ko.....



Monday, November 29, 2010

drama mode #1

sana hindi na lang ako nanuod ng Harry Potter kung ganito lang ang mangyayari saken.. :'(

sa tuwing nagugutom ako... nahihilo na ako na parang nasusuka na masakit ang batok... parang gusto ko mahiga na lang....

maya't maya kain tuloy ako ng kain....

di ko na tuloy magagawa yung 5hours straight walang kainan.... every hour lage na lang may nginunguya...

kaasarrrrrrrrrrrrrr..... asar talaga..... kakapraning.... pakiramdam ko kapag nagutom ako ng bongga baka bigla ako mawalan ng malay....

ah ewan ko ba.. paranoid na kung paranoid... kabwiset lang... .

Sunday, November 28, 2010

About Harry Potter


Hayyy walang magawa sa araw na ito kaya ayon... buong araw naglurk ako sa HARRY POTTER AND DEATHLY HALLOWS THREAD sa Pinoy Exchange... at ayon.... ang sarap magbasa about Harry Potter.... nagustuhan ko ang Harry Potter last 2002 kasi that time si Kuya palage nag-aarkila ng video sa video city... ayun pinanood namen yung Sorcerer Stone... at tapos non... nagpabili ako ng Pirated VCD ng Chamber of Secrets nung taon na yon... at ayon lage kong pinapanuod lalo na dun sa scene na me ahas... peyburit kahit sobrang nakakatakot... tapos nung 2004 nakahiram ako ng VCD sa pinsan ko at don ko napanuod yung Prisoner of Azkaban yun nga lang di ko nagets yung movie that time... kasi ni-rewind... yung bumalik sa nakaraan sina Harry... Hanggang sa pinaliwanag saken ng pinsan ko ang tungkol sa Harry Potter kasi nakahiram siya ng book at binasa basa niya at ayun kwentuhan about HP Facts... Nung 2005.. nanuod ako ng Goblet of Fire sa sinehan ako lang mag-isa... at sobra akong nag-enjoy noon.... at nung 2007 twice ko pinanuod ang Order of the Phoenix una dun sa first day.... at nung pangalawa with friends... at itong Half Blood Prince papanoodin ko sana sa sinehan pero nagbasa muna ako ng mga feedback sa forums kung maganda nga.. eh panget ang feedback kaya di na lang ako nanuod... at nung pinadala ni Tito June yung dinownload niyang HBP eh dun ko lang napanuod... At ngayon sa sinehan ako nanuond Deathly Hallows part 1... kahit paano meron akong di naintindihan about sa movie pero nakapagbasa na ako sa wiki... buti na lang me wiki ngayon lolz....

at habang naglulurk ako... tawa ako ng tawa nung nakita ko ang mga post na to....

party in the usa ni voldie LOLZ!

Happy Birthday Snape!!!!

IT MADE MY DAY!!! tawa ako ng tawa....

Tapos napansin ko sa movie na gumuwapo nga si Neville Longbottom... naaalala ko tuloy dun sa Sorcerer Stone.. yung minagic siya ni Harry para mawala ang malay ba yon... (forgot ko na) Kapanget panget niya noon.. chubby kasi.. pero ngayon Hunk na hunk....



-------------------------------------

Sempre di ko makakalimutan ang super naughty scene sa Deathly Hallows....

torrid kung torrid... grabeh...

------------------------------------------------------------

Hayyy mamimiss ko si Harry...






Saturday, November 27, 2010

Hell Day/Harry Potter/Hypertension

Nov. 27, 2010

Pagkagising ko... excited ako!!! excited pumunta ng SM at manuod ng Harry Pottahhh!!!! den ayun pagpunta ko sa SM Rosario which is 15minutes away from our house....

tadaaaaaannnnnnnnnnn.... ang daming tao sa movie section.. puro bata... me field trip yata!!!! oh no!!! at parang walang showing na palabas....

den nag ask ako sa lady guard kung what time ang showing ng HP at sinabi niyang 1PM... pa mag-start.. eh 10AM pa lang that time....

hahayyzz kapag minamalas nga naman..... kaya ayon lugmok!!!! kung mababaw ang kaligayahan ko sempre mababaw din ang kalungkutan lolz....

at lumabas na lang ako ng SM... nag-isip kung uuwi ba ako or punta na lang ng SM Bacoor... which is 40minutes ang biyahe away from our house and sa SM rosario...

Di pa ako nakakapagdecide.... nakasakay na pala ako ng Baby Bus... namiss ko kasi ang baby bus lolz.. nung nag aaral pa kasi ako sarap na sarap akong sumakay dun.... sarap magsenti... at mag emo.... at panoorin ang paligid habang nagbibiyahe.....

Kaya ayon nagsenti ako at inaaalala ang nakalipas.... pati na rin nung nanuod ako ng HP:Goblet of Fire last 2005 na dahilan kung bakit ako nabaliw dun sa isa kong klasmeyt kasi kamukha ni Harry Potter...

---------------

Pagdating sa SM Bacoor.... waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.... nagbago na pala ang presyohan ng sinehan.. nakakalerki lang.... 200 kapag 3D and 150 kapag standard.. tang ina langgg!!!! kala ko mga nasa 120 lang huhuhu ang tagal ko na rin kasi hindi nakapagsine kaya ayon di na rin ako naging updated kaburaot!!!! eh 200php na lang ang pera ko noon(ako na ang poor!).... huhuhu wala akong panlunch... buti na lang me baon akong C2, Bread Pan at burger MCDO.... Late ako ng one hour nung pumasok sa sinehan....

----------------------

Mga peyburit kong eksena sa movie....

1. Yung nagpanggap ang 3 na maging ibang tao para makuha nila yung necklace ni Dolores Umbridge... tawa ako ng tawa doon.. dahil kay Ron... at ang ganda ng akting nung 3 panggap!!! kabilib!!! epektib!!!

2. Mga lambingan nina Hermione at Harry... Nagselos yata si Ron... Kinilig ako dun sa sinayaw ni Harry si Hermione...

3. Yung labanan sa ending... EXPELLIARMUS!!! STUPIFY!!! tapos nilaglag ni Dobby yung chandelier para tamaan si Lestrange.. pak... ilag sila!!!!

4. Namatay si Dobby... Nakakaiyaaaakkkk.... sabi pa nga niya... "I will save Harry Potter! and Harry Potter and friends..." di ko sigurado yung saktong linya.... at sabay teleport.. yun nga lang natamaan pala siya ni Lestrange...

5. Snow scene.....

6. Yung sa umpisa.. yung pupunta sina Harry sa muggleworld sakay ng parang tricycle ba yon kasama si Hagrid.. panalo ang scene na yon...

7. Habulan scene... with da snatchers.. ang gulo ng camera don.. kakahilo!!!!!!!!!!


Hate about the movie...

1. Ahas sa umpisa super hate!!!!!!!

2. Yung ahas dun sa matanda.... di ko siya kilala lolz!!! yung sa snow ba yon na parang sa town kung saan nakalibing sina James and Lily Potter.... ayoko nung eksenang yon... mura ako ng mura sa sobrang takot sa ahas na yon lolz!!!

3. BITIN SIYA!!!!! Mag uumpisa na sana ang Battle of Hogwarts den poofffff............... huhuhu :(

----------------------------------------------

inulet ko kasi late ako ng isang oras nung pumasok ako... Nung nasa habulan scene na papuntang muggleworld ang eksena may naramdaman akong kakaiba....

takte... INAATAKE AKO!!! burger lang kasi ang pinanglunch ko.. huhuhu how poor!!! hinahypertension ako...sobrang nerbiyos ang pakiramdam ko that time... at mejo nahihilo ng konti... buti na lang di sumasakit ang batok ko.... sabi ko sa sarili ko my gaaawwwddddddd... baket inaatake na naman ako!!!! eh last January 2009 ang huling atake ko... at eto na naman... agad agad akong lumabas ng sinehan at ayun bumili ng 2 waffle at nilamon agad.. at sumakay ng baby bus....

Ayoko naman ipaalam sa bahay na inaatake ako kasi alam ko magagalet sila... at di na ako papayagang gumala pa.... hayy sila na ang sobrang higpit... pero ayos lang... dahil concern naman sila...

Habang nasa biyahe... tinext ko yung friend ko na nagwowork sa clinic and tell her na inaatake ako at kung sakaling makaabot ako sa clinic nila eh magpapaBP ako sa kanya.... Dasal ako ng dasal na sana wag akong mawalan ng malay .... at kinumpiyasa ko sa sarili ko na di ako bibigay!!!! at pinahinga ko ang sarili ko sa baby bus... sumandal.. pero andon pa rin ang takot at nerbyos....

At sa awa ng Diyos.... nakarating ako ng clinic ng matiwasay.... at nagpa BP... ayun 140/90.. stress lang daw sabi ng friend ko... Nako kung alam niya lang... wala akong LUNCH!!!! at she tell me na susunod kung gagala daw ako eh wag daw yung nag iisa at maghanap ng makakasama.... Haayyyyy.... nahiya namana ko bigla.. lol...

At ayun pagkauwi ng bahay pinahinga ko ang sarili ko.. Kumain ng konti... at uminom ng pineapple juice.... at natulog...

Den pagkagising.... nagpaBP ako 90/70... hay sa wakas at bumaba na....

Haaayyyyyyyyyyy buhay................








Friday, November 26, 2010

MY 2010 Life - February/March


REAL WORLD

Yehey... thanks kay tita at pinakabitan ako ng internet lolz!!! tuwang tuwa lang ako... wala lang... adek internet ako eh.. lolz!

Last February 2.. Nanuod kame ni Mikko ng Parada ng Marching Bands sa Silang, Cavite super enjoy ako that time.. kasi peyburit na peyburit ko ang manuod ng marching bands kapag me piyestahan.. Yun ang nagpapasaya saken sa buhay ko....

Here's the link of my post about Silang Town Fiesta 2010...


VIRTUAL WORLD

At dahil me internet na ako... Sa virtual world na umiikot ang mundo ko simula nung pakabitan ako hanggang ngayon....

Hayyyzzzz.....

Naglalaro pa rin ako ng Naruto noon... walang katapusan... araw araw... KILL NG KILL.... namimiss ko tuloy yung katagang....

Your total attack strength of 34838 was enough against Wakoo's total defense strength of 19702
You WON the fight, taking 9 damage and dealing 9 damage to the enemy Ninja. You gained $0 Ryo and 2 Experience.
You took out the opponent!

ganito ang structure niya....

Tapos non... naging member ako ng HLV SH!NIGAM! ATT@CK FORCE (SAF) ... ay grabe.. NOSEBLEED ako sa game.. kasi english ang salitaan dahil ang mga kalaro mo eh around the world... pero masaya!!!! kahit barok ako sa kakaenglish noon... NEVER yun naging issue sa kanila bagkus they're so much understanding...

Sa SAF... dati every 11AM(Philippine Time) ang time para sa SABAYANG ATTACK.. nakalimutan ko na ang english/tawag don bastta i-bubully ang target... pero later on napasok ng mga SPIES ang SAF dun sa Xat.Com

Kaya gumawa ng bagong Headquarters yun ang Police Force Harbingers of De@th.. (HOD) at binago na din ang time kung dati 11AM ay ginawa ng 4PM...

The Best Harbingers Ever

Nung panahon na yon... ang saya... (naiiyak ako amp..) Lage kong kachika sa PM sina Robert, Abe, Andrew at Albert... mga trip trip.. tapos TAG-TEAM.... kung naka TOOK OUT/nakapatay daw ba... basta ang saya lang... :) i miss them...

Tapos kapag di naman oras ng Harbingers... gumawa si Lara Sensei ng Thread sa inbox... at sinali ako sa PFT1... magkasama kame nina Andrew, Abe at Robert.. doon nagrereport about kung sino sino ang mga napatay na target.. at kung ilan deaths ang binigay namin....

HLV Police Force Team 1 Harbingers Inbox Thread

Isa rin sa mga di ko malilimutan eksena ay ang pagsiklab ng HLV VS. WSC.. yung leader kasi ng WSC na si Quaker ay binigyan kame ng 3K losses.... grabe.. bwiset na bwiset ako noon kasi nasira ang record ko!!!! dumagdag pa siya kay Lord Vanz!!! kung kaya't lahat ng mga members niya sa WSC eh pinagpapatay namen... sempre gumanti lolz!!!!

Isa rin si Kuya John na importante saken sa game.. kasi siya ang nagturo saken about AUTO RELOAD sa Opera Browser... yung automatic umaattack... nagchat kame sa YM at grabe ang hirap pala noon kasi parang nagcocodes... pero maganda kasi automatic attack na siya di na pipindot ng pindot lolz.... mejo kinileg na rin ako lolz....

Basta ang saya ko sa game na yon..... its not too much personal.... basta just enjoying the game... Hinding hindi ko makakalimutan..... sobra ko naenjoy ang game na yon... kaya nakakamiss din..



Monday, November 22, 2010

My 2010 Life - Gusto Kong Magdrama Today!

super boring ang buhay ko... im all alone... lahat WALA saken.... pero kahit ganon kung titignan ko positively eh im lucky naman... Nakakain 3 x a day... have a supportive family... and maghapon na internet... di katulad ng iba na walang makain... at palaboy laboy sa daan....

kahit wala akong MONEY, LOVE and SEX (isama daw ba ang sex lolz) eh im happy... i dont know why!!!

iba ang 2010 sa buhay ko.. di ko iniexpect yung mga nangyari.... masaya... dami kong nakilala at naexplore na ibang bagay... at kahit pano may nagbago sa daily routine kong pamumuhay...

swerte ko kahit malungkot ako sa REAL WORLD.... eh sobrang masaya naman sa VIRTUAL WORLD... yay! 2 pala ang mundo ko lolz...

well sabi nga nila.... sa buhay ng tao may saya at may lungkot... parang gulong paikot-ikot lang...

lapit ng magtapos ang taong 2010... mamimiss ko sobra ang taon na to.... kung kaya't gagawa na ako ng year-ender para sa taon na to... para di ko makalimutan.... sana eh nakastore pa to sa aking utak... lahat ng mga taong nakilala ko sa virtual world, mga tinambayan ko sa internet, mga kalokohan ko.. mga gala ko.... etcetera2x as in lahat!!!!!

at ito ay mag uumpisa SOON!!!!!!!!!!

Saturday, November 20, 2010

Aubrey Miles FTW!!!


Itong si Aubrey Miles isa sa mga castaway ng Survivor Philippines Celebrity Showdown grabe ang babaeng to... ang galing ng strategy sa game. Kahit di siya strong physically eh nagawa niyang paikutin at ilaglag ang mga dapat ilaglag para makasurvive sa laro... grabe ang tandem nila ni Ervic... parang kinatatakutan... at walang makabasag sa alliance nila... kaya ayon yung iba sunud-sunuran lang....

Parvati style ang strategy niya (sayang nga lang at di ko nasubaybayan ang Heroes and Villains) pero napanuod ko si Parvati sa Micronesia Fans Vs. Favorites...

Kung kaya't nagtweet ako kay @RealAubreyMiles

eto ang sabi ko.....

@realaubreymiles i want you to win in survivor hanep ang strategy mo ang galing mong magpamanipula ng tao kahit di ka malakas physically

Friday, November 19, 2010

Sumpa ng # 19....

Asar... every 19th of the month lage na lang ako minamalas...

sumpa yata!!!! pero nitong september and october di tumalab ang kamalasan... pero nung nagdaang buwan eh sangkaterba talaga...

Hayyy... pagkatapos kong maglaba ay dumerecho na ako sa munti kong shop lolz.. ayun nag-internet saglit den poof!!! namatay ang monitor, nagbrownout ng isang segundo... den pagrestart ko.. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh.. restart na lang siya ng restart need to repair the PC.. wala naman akong CD ng Windows XP.. need ko pa ipagawa sa pinsan ko.. pero di ngayon... di bukas di next week kundi kung kelan siya abeylabol.. haaayyyy wala akong PC huhuhu :(

Kaya ayon nagpunta na lang ako sa pinsan ko para kuhanin na yung hiniram niyang DVD burner saken... den yung isa kong pinsan ayun ang daming kachat na pogi... samantala ako isa lang ang nagtitiyagang pogi na nakikipagchat saken.. sa totoo lang naingget ako... pero ganon talaga ang buhay... life is unfair.... so ayun pag uwi ko tulala ako... malungkot... siguro di talaga ibibigay hahayyy buhay......

Nagpunta ako sa kabilang bayan para magpaprint ng tarpaulin buti na lang di ako eengot engot kahit malungkot na malungkot at malalim ang iniisip.....

And den naggala ako sa SM... gusto ko sana manuod ng Harry Potter Deathly Hallows... kaso wala akong pera huhuhu :'( isa talaga akong poor boy huhuhuhu....... pero bahala na kapag nakadukot ako sa tita ko manunuod ako neto next week tutal 120 lang naman ang movie ticket kaya carry na lolz..... magbabaon na lang ako ng pagkain.. para ticket at pamasahe na lang gastusin ko lolz....

Den naattract ako sa bagong mini-store sa SM yung Fried Ice Cream... 25 pesos lang sana ang bilhin ko pero sabi nung nagtitinda 35 na lang daw. eh di pumayag ako... kasi naeenganyo ako kung paano ang paggawa ng fried ice cream.. piniprito kasi nila... tapos TENENEEN... ice cream na siya... pero DI SIYA MASARAP!!!!!!! sayang ang 35pesos ko... kung ICE CRAZE NG JOLLIBEE sana ang binili ko nag enjoy pa sana ako... hahahayyyyyzzz ang malas talaga :'(

Ngayon2x lang... kakatapos ko lang magdribble ng basketball ball... Libangan ko na kasi na bago matulog eh nagdidribble ako ng bola para wala lang... Physical activity lang... para gumalaw galaw ang katawan ko di yung nakaharap lang sa PC maghapon... ayun kahit mukhang tanga dribble dito dribble doon... kakatuwa kasi nagagawa ko na yung cross over dribble.... yun nga lang wala akong RING.. kaya shinushoot ko sa pader.... eng eng lang lolz... den maglay up sana ako den poof... tumalbog sa mukha ko ang bola at nakagat ko ang labi ko... POOF... instant dugo... nagdugo ang labi ko.... anssaakkeettt..... kaya ayon.... wala na... another kamalasan na naman...

i hate no. 19 talaga.... hay buhay.... ano bang meron sa numerong 19 kumbakit niyang ginagawang miserable ang buhay kow... haaaayyyyy.....

kalungkot.... :'( pero ayos lang.. lapit na december... lapit na ko magingmasaya... excited n ko manuod ng parada sa dasma yaaahhooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Wednesday, November 17, 2010

Saxophone Covers

Ang sarap makinig ng mga saxophone covers lalo na yung sa youtube... plus nung isang araw yung pinsan ko nag FB sa PC ko tas me pinatugtog siya.... yun pala Flute at Sax Cover ng Lucky... napahanga ako... kasi yun nga mahilig ako sa mga banda kaya nasanay na din ang tenga ko na napapakinggan eh mga tunog ng sax, flute, trumpet, clarinet, trombone etc etc etc....

plus nauso nga ngayon yung mga sax covers tas yung kinocover nila eh mga sikat na kanta... kakatuwa sa tenga....

kaya gawa ako ngayon ng playlist.. para dito na lang ako makikinig ng cover nila...

LUCKY - Jason Mraz and Colbie Caillat (Sax and Flute Cover Duet)

ang cute nila pareho... hehehe :D

NOTHIN' ON YOU - B.O.B. feat Bruno Mars (Saxophone Cover)

super favorite!!!! ayun dinownload ko na...

IF I AIN'T GOT YOU - Alicia Keys (Saxophone Cover)


BILLIONAIRE - Travis Mcoy (Saxophone Cover)

galing neto.. paksyett!!!

ASJ 8th Foundation Day


Last Sunday (November 14, 2010)....

8th Foundation Day ng ASJ kung san napasok ang 2 pinsan kong sina Gem at Schan Boi.. kakatuwa kasi sa tuwing foundation day ng ASJ eh ang gaganda ng activities... kasi last 2006 eh about Philippine Celebrations/Occassions nung 2008 ay about Other Countries cultures and ngayon eh about Philippine Festivals....

sempre nanuod na rin ako para makita ang mga naggagandahang costumes.... kasi yung kina schan eh ati-atihan festival at yung kina Gem eh Aswang festival... Eto ang ilan sa mga nagustuhan ko sa parada nila....

Kung sa Best Parade... mas gusto ko yung Aswang Festival





ganda ng pinsan ko lolz bampirang bampira


At sa Best Costume... gusto ko eto... di ko lam kung anong grade...


Tapos sina Schan ay nakasakay sa parang truck ba yon.... kasi yun nga mga kindergarten pa at naghahagis sila ng kendi...


at sa best float eto ang aking mga nagustuhan...

kakatuwa yung bata dito yung naka Sto. Niño kasi di siya gumagalaw lolz

natutuwa ako sa float na to kasi buong kotse talaga... hanep!!! creative..

Nag enjoy ako kasi yun nga mahilig ako sa mga events... yun nga lang di na ako nakanuod ng mass demo kasi naulan sa school nila...

hay... excited na ako sa fiesta ng dasma... wuhoooo ilang weeks na lang!!! :D

About