Sunday, September 26, 2010

MOA with bianca and marcial...

Bago ako pumunta ng MOA... dumaan muna ako ng SM Bacoor... para magparefill nung INK cartridge pero pagdating don.. WALA... di daw pwede.. disposable ang cartridge.. kaya pagkatapos non dumiretso na ako ng MOA at sumakay ng aircon bus.. At sa di inaasahan na pagkakataon, paksyet!!!! makasabay ba ang pinakakinaiinisang kong katrabaho dati na si boying... buti na lang pasalamat ako at di niya ako nakita.. pero nangingibabaw ang pagkainis ko nung time na yon... kasi sinira niya career ko... kakaasar....

pagdating ng baclaran.. dumaan muna ako sa simbahan at nagtirik ng kandila at pumunta na ng MOA.. pagdating sa MOA.. kumain muna ako sa jollibee bago pumunta sa SMX para sa wedding expo.. pero sina bianca at marcial nasa biyahe pa daw sila.. kaya nauna na akong pumasok...

at WWWOOOWWWW... ang gaganda ng mga layouts!!!!! saka yung MTV style na cinema ng wedding.. kaya picture dito picture doon.. pero sa totoo lang nakakahiya.... kaya naisip ko yung mga pangalan na lang ng shop/exhibitor ang picturan... para di naman ako maeskandalo... pero ang totoo talagang pakay ko eh maghanap ng mga layouts, new trends.. wala lang for enhancement lang..

basta ang sarap maglilibot sa mga booth.. basta kapag nakakita ako ng techniques eh pinipicturan ko agad gamit ang aking sirang cellphone... at ang higit na nagpamangha saken eh dun sa INVITATION SECTION... ang lulupet ng mga ideas. as in gulat ako @_@ ibang klase yung pagkakagawa nila... napakacreative.... muntik pa akong makita ni Sir Jo... yung dati kong boss na exhibitor din.. pero di ako nagpakita.. baka lokohin na naman ako... saka nakakahiya na din... naaalala ko yung pagiging pasaway ko nung nagwowork pa ako sa kanila...

after 2 hours... saka lang dumating sina bianca.. nagpapahinga ako noon sa may labas napagod kasi ako sa kakalakad....nung dumating sila.... ayun pumasok ulet ako sa loob kasama sila... kwento dito kwento doon.... ang laki na ng tiyan ni bianca... heheeheheh... pero napagod pa rin ako kaya nauna na akong lumabas... naupo at nagpahinga...

after sa exhibit gumala kame sa moa.. nagpunta ng national bookstore at nanuod ng fireworks.. first time ko lang makapanuod ng fireworks sa MOA.. at ang ganda.. todo ngiti ako at masaya ako nung panahon na yon... kumain kame sa mcdo... nagpicture picturan... at umuwi na...

bilig ng biyahe ko 45minutes lang... heheheheh.. ala kasing trapik.. saka sa FX ako sumakay buti meron pa... pagdating sa bahay.. tinignan ko yung mga pic.. at shinutdown ang mga website ng mga exhibitors baka sakaling magamit ko kapag me pagkakataon.... :)

heres da exhibitors site.... wish ko lang walang magalit lols...

www.bobnicolas.com

www.niceprintphoto.com
www.niceprint.blogspot.com
www.niceprintphotoUSA.com
www.youtube.com/niceprintphoto
www.niceprintphoto.multiply.com

capteme.multiply.com

www.chitovecina.net
www.pixrepublik.com.ph

www.ibarraspartyvenues.com.ph

www.vignettephotography.com

www.wallygonzalesphotography.com

www.luminosistudios.com

www.studioa.com.ph

photospree.multiply.com

contactivephotography.com

www.snapitphotos.com

www.poofphotobooth.com

Sunday, September 19, 2010

Nakatabi ko sa BUS

Haayyyy.... nung pauwi kame ng tita ko nagbaby bus kame....

Hayyy ang ganda nung katabi ko sa bus... ang cute niya... artistahin ang dating.. chikababes talaga. walupet.....

sa 40minutes na yon... pasulyap sulyap ako ng tingin.. nakatingin sa phone niya.. na siya mismo ang wallpaper.. ang sexy niya dun with spaghetti top na color black...

habang nainom ako ng shake.. pasulyap sulyap ako ng tingin pinagmamasdan siya at ang paglubog ng araw.. pero sempre di ko pinapahalata... kakahiya eh.. hehehehe.. basta ang ganda niyaaa..

ngayon lang ata ako nakakita ng ganong kagandang babae hahaha hay buhay....

chinanchingan ko ang braso niya... kaso umiwas siya...

at nung pababa na kame di ko na talaga tinigilan... tinitigan ko na siya... at nung pababa n ako.. nagkatinginan kame 2..with a question mark on our heads.... lol.. di ko man lang siya nginitian.. hehehe

hanggang sa makababa ako.. nakatingin parin ako sa kanya.... hayyyy sarap pagmasdan ang isang tulad niya...

hay buhay.......

sayang wala akong picture.... remembrance sana.... :(

Wednesday, September 15, 2010

Walang Magawa


1.wat age k ngstart mgelem?
** 6

2.natatandaan m p b ung unang teacher
nyo?
** d ko matandaan

3. anong natatandaan mong kalokohan n
ngawa
mo?
** makipag away sa titser at sa mga klasmeyt.. saka yung tinago ko yung bag ni Jefferson

4.barkada mo nung elem? kung meron?
** jade, jc, jefferson

5.mahilig ba kayo maglaro ng chinese garter?
** oo

6.hanggang saan ang kaya mong tira?
** leeg at tenga

7. naglalaro ba kayo ng jackstone?
** oo

8.cno crush mo nung elem?
** sheila, princess

9.my nadisgracia na ba sa inyo sa sobrang
kakulitan?
** d ko matandaan

10.my kaibigan ka bang high school nung
elem ka?
** wala

11.sikat ka ba sa mga teacher?
** oo yata kasi nang aaway ako ng titser

12.pasikat?
** tahimik ako

13.hanggang anong grade ka nagbabaon ng
food?
** d ko matandaan di naman kasi ako mahilig magbaon

14.magkano baon mo nung: Grade 1-6
** Grade 3 - 4 = 15php/ Grade 5 - 6 = 15 sa umaga 10 sa hapon

15.may kaaway ka ba nung elem?
** madami

16.nagka cellphone ka na ba nung elem?
**di pa uso cellphone noon

17.wat unit?
** --

18.umiyak ka ba nung grad nyo nung gr.6?
** indi

19.bkt?
** malay ko

20.cno bestfriend mo nung elem?
** wala

21.ano mdalas mong baon?
** d ata ako nagbabaon non

22. nagstroller bag ka ba?
** oo

23.anong grade?
** 4

24.naisulat ka na ba sa noisy ng mga
clasmate
mong kupal?
** palagi!!!!

25.standing?
** oo

26.most behave?
** hindi

27.nawarningan ka na ba?
** oo yata

28.memorable level mo sa elem?
** grade 4 5 and 6

29.long lost friend mo nung elem?
** wala

30.if ever,gusto mo bang bumalik sa
pagkabata?
** yep gusto ko bumalik...

Tuesday, September 14, 2010

Wala akong maisip ngayon!!!!!!!!!

Nako.. sa tagal tagal ko ng di naglelayout. eto need ko na maglayout ulet.. kaso nasaan na ang utak ko???

WAAALLLAAAA NAAAA!!!!!!!!!!!!!

-------------------------------------------------------------

wala tuloy akong maisip na layout ngayon.. gulong gulo ang isip ko... kaya eto... kung ano ano ginagawa ko.. nuod ng nuod ng marching bands...

hirap ng walang inspirasyon sa buhay... amp na buhay na to....

-------------------

siguro GUTOM lang to.. heheheh.....

kain muna ako lunch...

---------------------------------------

walang maisip na layout for campaigning... siguro wala ako sa mood ngayun...

namimiss ko siguro si Kuya Lyts... si Sympaticko... si Troy...

mga nagpasaya saken this year.... hahaha..

ika nga.. LYTSYMPATROY!!! (LIGHTS CAMERA ACTION)

haaayyy ang lungkot ko talaga... :(

buti na lang anjan si Kuya EMKYU... kachat ko maghapon at sumali sa trippings niya sa PEX...

Sunday, September 12, 2010

New Layout Ideas ala Twitter/Tumblr Style



I found some web layouts.. nakakapanibago kasi Twitter/Tumblr Style ang usong layout ngayun.. na di ko alam kung ano ang tawag...

basta at least nakakita ako ng ideas na magagamit ko for the future... baka maging layout artist ulet ako kapag pinagpala ulet eeheheh kaya igrab ko na sila.... hhehehe

credits to the owner of this layouts...


Saturday, September 11, 2010

JOB FEST AND CAREER 2010 @ MOA



makasugod nga sa Job Fair na to. baka sakali me audition ng mga kung ano ano.. Kasi kasama ang ABS sa company. and then bahala na si batman.. basta makapasok ako ng SMX convention center aprub na.. di pa kasi ako nakakapasok don eh.. maihanda ko na lang ang aking maraming resume at plantsahin ang aking English.. panigurado magcocomedy na naman ako sa interview dahil sa bilis ba naman ng mga english ng mga HR assistants. pero bahala na pa rin.. basta enjoy ko to... sana magising ako ng maaga.... :)

Friday, September 10, 2010

Whats on my mind???

JOBLESS

yey.. hanggang ngayun. walang magandang work.. sayang talaga yung compshop... sana di na lang ako nag give up dat time.. pero it already happened.. kaya no regrets.. its my choice naman.. dito lang ako sa tindahan maghapon internet.. malungkot... pero ganun talaga siguro buhay... di ko rin alam kung san ako patutungo.. puro na lang bahala na.... pero Ok lang kasi kahit papanu naging masaya naman ako kahit wala gaanong pera....


LOVE NEVER LOVED ME

haayy buhay.. kelan ko ba mararamdaman to? kaya siguro ako tamad na tamad sa buhay eh walang inspiration... 2 times na rin ako naging sawi.. kay Siegmond at kay Ninyo... pero siguro part na yun ng buhay ko.. me natutunan naman ako doon... pero tanga talaga ako eh... sobrang nasaktan... sobrang paapekto... lately... ang dami kong nababasang mga BI-stories.. nakakaingget lalo na yung kay Sympaticko.... saka kay Justin.. hay buti pa sila... naranasan nila yon... kakaingget sobra... pero sa ngayon... di na ako umaasa na mararamdaman ko pa ang LOVE.. wala eh... 24 na ako.. tanda na... plus wala pang matinong trabaho... siguro pang mayaman lang ang LOVE... lalo na yung LOVE na gusto ko... haayy suko na ako.. kahit masakit sa part ko... ang sakit sakit... hanggang sa pangarap at panaginip na lang talaga siguro...


WHAT WILL HAPPEN NEXT?

Eto ang di ko alam... tuliro ang isip ko.. una, nasira ang phone ko.. tapos me jobfair sa SM Molino sa September 25 plano kong sumugod nakaready na naman ang aking resume. pinoproblema ko na lang talaga ang phone.. kung magwithdraw ba ako o hinde.. ayaw kasi nila ako ibili ng phone eh huhuhuhu :'( naalalala ko tuloy yung sinabi ni Justin sa story niya..

"If you can hurdle it by your strength you can face it with a winning smile, its a matter of survival"

na palage nakatanim sa utak ko...

"Wag na wag papaapekto sa ibang tao" na sinabi naman saken ni Kuya Lyts...

siguro baka sumugod na nga ako this time... pero lage na lang akong bahala na... kaya di ako umaasenso eh...

Dinelete ko pa si Pareng FB ko... dahil "wala lang".... oh well.. pero me isa pa naman ako FB.. siguro di bagay saken ang FB... nagiging usisero ako eh...

Thursday, September 9, 2010

T@nz@ Town Fiesta 2010

Tuwing August 27-28....

Ang Pagdiriwang ng Kapiyestahan ni Tata Usteng.. (San Agustin) sa Tanza, Cavite.



Nanuod ako ng parada dun kasama sina Katlin at Miko.. Nung una kame magkakasama... at dun nagkita kita na rin kame nina Kuya George at Justine.

ayos naman ang parada pero walang BK77.... pero ang maganda lang ay ang St. @ugustine at St@. Monica... nag enjoy ako manuod... at sa wakas narinig ko na din ang El Caballero March ng LIVE...

St. @ugustine Band Assn.


Banda St@. M0nica



enjoy naman ako... kahit walang BK77... siguro abangan ko na lang talaga yung parada sa Dasma sa December... panigurado mahigpit na labanan na naman don...


Tuesday, September 7, 2010

Justin (a story review)

isa sa mga da best na BI-serye na nabasa ko....

super boring ako nung August kung kaya't lage ako nagbabasa ng mga bi-serye.. isa na dun yung AKKCNB (Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan) na nirecommend saken ni White at ni Troy. tapos me nakachat ako na nirecommend yung kwento ni JUSTIN....

nung una... napapangitan ako sa writing style pero pinagtiyagaan ko talaga kasi nagkainteres agad ako sa kwento lalo na dun kay Uncle Hans.. hahahaha kala ko matandang uncle yun pala bata pa pala... hahahaha..

kaya ayun nahook na ako... ganda ng buhay niya.. nang dahil sa tita at lola niya.. ayun nakapasok siya ng college at dun niya nakilala si Mark.

Nako.... sa dami ng pinagdaanan nila ni Mark.. saludo ako sa mga experience niya lalo na sa lovelife nila ni mark... talagang dumaan sila sa matitinding pagsubok.. pero kahit ganon me halong comedy pa din... kaya ang sarap basahin nung kwento..

mga di ko makakalimutang eksena sa kwento....

yung namatay si Gw3n.. at talagang pinagbunyi talaga ni Just!n ang pagkamatay ng asawa ni M@rk.. at sinabi pa talaga niya na...

"sa wakas kumampi na saken ang earth ako na ang mother earth!!!!"

hagalpak ako ng tawa nung nabasa ko yon.....

yung nagbakasyon si Just!n sa Canada... yung convo nila ni JM yung anak ni Mark it makes my heart melts.. nakakaiyakkk.....

"Tito, im good boy in our school and in our house, but yaya push me when I play my toys in the garage"

"Tito dad….tito dad, where are you tito dad, ?"

"daddy daddy Justin, here is my drawing,, I got 5 star,, here is you daddy Justin, here is daddy mark and me here"

"Daddy Justin, I want you to stay here,, please, I want you to take care of me, both of you daddy,,,"


About