Sunday, May 29, 2011

Diary 05/29/2011 Hijas de Maria / Fiesta featuring CWE






Hellow ate charow... aym here again... magdadiaryyyy.... hehehehe :D gusto ko eh.. baket? kuha mo?!

May 27, 2011

Itong araw na to ay nakatoka ang aking pinsan sa Hijas de Maria... Ang Hijas de Maria ay ginaganap tuwing Mayo sa pagdiriwang ng ating Virgin Mary na si Birheng Maria ng mga simbahan lalo na ng mga Katoliko.... araw araw lageng may nakatoka sa pagmimisa or pagnonovena... tas mag aalay ng mga bulaklak at papaltan ng korona si Birheng Maria ng Korona na gawa sa sampaguita....


At sa kadahilanang siya ang nakatoka.. eh andun ang iyong lingkod para sumuporta.... ayun naging photographer lang naman ako nung araw na yon.... gamit ang mahiwagang lumang digicam ni tita... picture dito picture doon.... tas nagrecord na din ng marcha ng banda.... dahil banda namin ang tumugtog..... wala lang... sarap lang pakinggan para akong pumaparada.... hahahaha....

Pagdating ng simbahan ayun dasal dasal much.... den nagmisa na din... Nagwish na sana magkaroon ng bagong opportunity this year... hopefully...

tumatanda na talaga ako huhuhuhu antanda ng ichura ko diteyyy :(

------------------------------

May 29, 2011

Today... fiesta ng Pinagtipunan.. dito sa aming bayan... at sa kadahilanang tutugtog ang aming Banda ang CWE eh sempre andun ako.... hehehe walang magawa eh...

Nung una.. dun ako sa may highway... antagal ko naghintay dun.. hanggang sa naisipan kong balikan yung school ko nung High School... haayyyss daming pinagbago... pati na din yung Clubhouse kung san ako unang natutong magcomputer... Nakakamiss lang ang kabataan ko :(

High School

Clubhouse

Dahil sa inip na inip ako sa bahay ng isa ko pang Tita sa kakaantay sa banda ayun... nagpagawa ako ng mapa sa tito ko para makapunta sa bahay nina Kapitan kasi dun nakatambay yung banda.. jusme naligaw pa aketch.. :'( buti sempre pag naliligaw kelangan magtanong!!!! puro mga liko liko. daming eskinita....


tas pagdating kina kapitan.. ayun konting chika dito chika doon picture video chervaloo... tas ayun sumama ako sa parada.... picture dito picture doon.... video dito video doon..... grabeeee ang layo ng nilakad nila... napagod much ako!!! ganun pala ang pakiramdam ng pumaparada.. maglalakad ka ng malaayyoooooo...... pero enjoy naman.... at least kahit papanu nakasama ako kahit ayun sunud sunuran lang sa kanila... that made my day happpppyyyyyy................

katuwa ang batang to... grabe... ang laki ng suot niya.. :D

nakukyutan ako sa flutistang to.. wala lang.. :D

tignan u na lng sila sa videeowww....





Thursday, May 26, 2011

Walang Kwentang Random No. 8


Hay nako!!!! yun lang bow!!!!

NungMay 24.. kakatuwa kasi naka 10K pageviews ako dito sa blog.. wala lang... palage kasi akong nakatingin sa pageviews kahit ako lang ang madalas nagviview ng aking lungga... ehehhe sempre nasa akin ang susi eh.... pero thanks na rin dun sa mga dumadalaw heheheh.. amats phowwzzzzz....

Hayyy basta masaya lang ako... next year.. sana mag 20K naman to.. hehehehe.....


-------------

Kahapon May 26, 2011

Nagreply sa tweets ko si Cesar Apolinario yung sa GMA7 wala lang... nagustuhan ko siya dahil dun sa iJuander na TV Show sa GMANewsTV sa Channel 11.. puro kasi facts.. and about Pinoy Culture... eh mahilig pa naman ako sa mga ganon... tas chineck ko yung Fan Page niya.. ay grabe.. ang pogi niya pala nung 2001 chinito lang.. hanep lang.. crush ko na siya... pero ngayun panget niya.. kasi tumanda na.... heheheh pero kakatuwa.. kasi nung una parang tingin ko bading siya eh.. di naman pala.. kasi he's a father na pala... hehehe pero pramis ang gwapo niya nung 2001 un lang.. kaya napatweet ako.. sabi ko sa kanya eh...
den nagreply pala siya.. kalerkiiii....

pineyburit ko na.... hehehe plano pa ako iblack!!! juskoporudeehhh!!!!!!! buti na lang eh BLACK not BLOCKED eehhehe... wala lang... mukhang ewan lang....

-----------------------------------

sayang yung tumawag saken na Landline NO. sa phone ko... baka isa dun sa mga inapplyan ko. di ko nasagot.. parati kasi nasa bag yung fone ko eh.. haayyzzz nanghihinayang ako.. until now.. :( sana kasi nagtext na lang sila.....

-----------------------------------------

at dahil pagala gala ako sa twitterworld.... click ng click ng username den magbabasa ng tweets.. den kapag nakakakita ng something interesting... like ngayon... sempre FAVORITE!!!!

ayun nakakita lang naman ako ng interesting PORN... hehehehe... kaya save ko na dito.... yung LINK... baka mawala pa...


^
^
di naman pala porn.. haayyzzz :'( walang kwenta...

------------------

Mamaya hijas de maria ng aking pinsan.. hmmm ano kaya mangyayari.... haayyyy gagala ulit... :D


Wednesday, May 25, 2011

Drama No. 10

May 24, 2011

Hay nung araw na to... pagkabukas ko ng shop.. tananananann... sira ang monitor.. taena.. tas ung tubig umagpas kaya mejo baha baha ng konti.. ayun nagmop ng bonggang bongga... at nalungkot din ng bonggang bongga dahil wala na ung monitor. chineck ko na yung saksakan waley pa rin... kaya ayun i decided to call tita.. and ayun sabi niya kunin na lang ung natitirang monitor sa bahay... at last na monitor na yun.. (yun ang gamit ko ngayun...)

kalungkot much lang.... pero kahit papano me nagagamit pa.. kahit topakin tong monitor na to.. kasi minsan nagyeyellow... haayyzzzzz... tiis tiis na lang talaga....

--------

nakaDM ko si Username regarding dat.... ayun sinabi ko na nasira monitor ko and den pag nasira waley ng PC... den sinabi ko na din na baka sign ba to na kelangan ko ng mag apply kasi yun nga parati kong naiisp na mag apply pero di ko magawang kumilos... den advice na din siya na maganda mag apply na raw me para me pampagawa ng PC.. ayun..... naiisip ko nga din yun....

-------------------

Kagabi... kinausap ko si Tita.. na gusto ko na magwork ulet... tas sabi niya na wag na daw!!! kasi baka me makaaway lang sa work.... kasi yun nga from my previous work.. lage na lang daw ako me nakakaalitan at mabilis mang inet ang ulo... tas ayun nahahantong sa pagreresign... haayyy.. napaka SO NEGA.. talaga ni tita... imbes na suportahan ako eh against pa... sabi niya na makuntento na lang sa shop... haaayyzzzz nakakaloka talaga siya.... pero gusto ko na magwork ulit... gusto ko na kasi magkapera ulit... huhuhu.... at gumala ng gumala... puro na lang kasi ako internet.... walang katapusang internet... kakamiss din pala ang real world....

----------------------

pero ako pa rin ang masusunod... ako pa rin ang driver ng aking buhay.. mag apply pa rin ako.. nag apply ako sa jobsdb.. ewan ko kung me tatawag or magtetext sana meron.... sana meron.. ok lang kahit bagsak me ng ilang beses bsta makapag try.. malay ko... baka bukas... magbago ang aking buhayyyyy...

hopefully.. pero kung waley...

sad face na lang.....


Tuesday, May 24, 2011

Diary 05/24/11 R0s@rio F!est@ 2011




May 22, 2011

Yehey sinamahan ako ng pinsan kong si Jeje na manuod ng parada.. akala ko pa naman mag-isa akong manunuod... buti na lang..... at me naawa saken na samahan ako... ayun nilibre ko na lang siya ng pang MCDO, pamasahe, all expense..... bow!!!! sayang ang 500 ko!!!

-----------------

ayun nagMCDO muna kame.. kasi nagdedaydreaming ako na gumawa or magpicture kasama ang mcfloat at mcdo fries... kasi plano kong magDP or profile pic na I LOVE MCDO FRIES... tas ung I eh yung mcfloat tas ung heart eh ung kamay ko den ung fries eh kakagatin ko..



Kapal lang ng mukha na ibalandra yan dito sa blog.. pero ok lang... wala naman masyado bisita ang aking munting lungga... kaya pedeng pede magwala!!!!!!!!

----------------------

At ayun.. naghanap na kame ng mapupuwestuhan ang tagal namin naghintay haayyyzzzz... hanggang sa ayun... tas.. ayun nakita namin sina Mommy Tit (aunt) konting chika2x... blah blah blah.. halos isang oras din kame naghintay at sa wakas anjan na ang parada... yipee.... 11 lahat ang banda...

at 2 banda lang ang nagustuhan ko.. ang St. Augustine Band (Tanza) at Sta. Monica Band (Tanza)... tas sinundan namin ung sta. monica. kasi irerecord ko yung marcha nila... at narecord ko ang marcha nilang Washington Post at Bravura... andun kame sa likod ng banda... sarap sa tenga.... kasi dinig na dinig ko yung marcha... hayyysss feeling ko eh naparada na rin ako... super saya nung narinig ko ng LIVE ang Bravura March.. den after non.. St. Augustine naman.. yung Fairest of the Fair.. den biglang bumuhos ang malakas ng ulan.. sa kasagsagan ng parerecord ko basang basa kame ni Jeje. grabe.. sira ang aking pagrerecord.. haaayyzzzz nakakainis na panahon na yan. nagkasya kame sa isang payong.. kaloka!!!!!

Den napilitan akong bumili ng isa pang payong sa palengke... tas ayun dun na kame sa plaza... kahit malakas ang ulan.. dun sa baba ng stage.. enjoy enjoy much lang.... at tong si Jeje asar dun sa katabi namin dahil sa kanya umaagwas yung payong... kaloka.. pero ako nag enjoy pa rin.. plus nakita ko rin yung isang musikero ng Sta. Monica.. cute pala siya sa personal.. kasi sa FB ko lang siya nakikita eh... buti na lang di ko siya kilala... hmmm pero parang alam niya na ako si bigbrother sa youtube.. pero sempre dedma pa rin... heheheh... bsta napatitig na lang ako sa kanya.....

den ayun nuod lang ng nuod ng majorette exhibition.. kaloka yung baklang nag exhibition.. 3 times ko na siya nakikita sa mga piyestahan wala parin siyang kakupas kupas.... magaling pa rin si beki... sayang di ko siya navideohan.... nagtitipid na kasi ng baterya.....

den ayun nabwiset ako dahil nagloko ang camera ko.. nung favorite banda ko na ang magdidrill.. pero buti kumagat pa rin.... panalo ang SHEMBOT.. ng St. Augustine..... kakatuwa.. enjoy much ako don...



tagal pa akong makakanuod ng parada ulit.. sa August pa... haayyy.. ilan months pa ang bibilangin......

buti me natira pang pera dun sa baon kong 500..... thanks naman...

Wednesday, May 18, 2011

Drama No. 9

Haayyyyzzzzzz... sayang ang baguio moments ko.. tinatamad akong i-diary.. sayang tuloy ang moments ko dun... lalo na with Jonathan... :'( wala eh kakatamad magblog...
-------------

Dinalaw ako kahapon ng HighSchool Friend ko. kasi nag-aalala na daw siya saken.. baka daw kasi nababaliw na raw ako.. kasi lage na lang computer ang kausap ko.. araw araw... at ayun dinaldalan ako ng gaga.... ayun nagkwento siya about apply apply niya... nagpunta daw siya ng Makati apply sa callcenter chorva... jusme.. ako naman kunyari affected sa kanyang kwento.. mega react2x.. pero ang kinagulat ko sa lahat eh... sa Las Piñas na ang kuhanan ng NBI CLearance.. homeyged!!!!!!! so ibig sabihin lahat ng taga cavite dun pa kukuha??? wapakzzz... ganun kalayo???? wala na raw kasi sa Imus... bali ba naman nagdadalawang isip akong mag-apply.... once na nagkapera na... kasi zero balance ako ngayun kamusta naman.... wala lang pampaalis lang ng boredom.. saka para magkaroon ng realizations sa life....

-----------

hay kahapon... nakabasa ako ng tweet na...

"Ano ang plano mo sa buhay?"
Homeyged lang.... nung nabasa ko ang tweet na yon..... sa totoo lang.. pagkagraduate ko ng Hayskul.. dun na nag umpisa ung mga katanungang.. san ba ako patutungo.. ano ba gusto kong gawin... pero waleyyy.... nagpatangay na lang ako sa agos ng buhay... ayun walang pinatunguhan....

Di ko nagamit lahat ng napag-aralan ko sa school.. waley lang... parang nakipaglaro lang... di ko sineryoso ang lahat ng bagay.... puro na lang lalake lalake lalake... landi dito landi doon.. hay ewan ko ba sa sarili ko bat iyon ang naging kasiyahan ko... :'(

hmmmm..... im turning 25 na this august.... pero eto isip bata parin... naglalaro pa rin... waaaahhhhh..... parang feeling ko eh.... mamatay na ako... haayyyysss... ewan ko ba... iniisip ko me mangyayari pa ba sa aking LIFE??? magbabago pa ba ang direksyon ko sa buhay??? puro tanong eh... kaloka..... pero ayun hanggang tanong lang.. di hinahanap ang sagot...

-----------

Alam ko anjan lang sina Tita... always there for me... yun nga lang.... alam ko i dont earn money... nakadepende lang sa kanila.. hinge dito hinge doon kapag kinakailangan.... pero naiisip ko pano pag wala na sila??? dun ako naiiyak na... kaya ko kayang mabuhay???? bali ba naman simula pagkabata ko sila na kasama ko.... lage nilang binibigay kung ano mga gusto ko... haayyyzzz.. spoiled brat talaga... pero pinapalo naman palage kapag matigas ang ulo... haayyyzzzz....

Tiis nga lang ako dito sa mumunting business kahit maliit lang ang kita... pero di ko naman alam kung papano palalakihin...... clueless talaga.... di ko alam kung ano ang darating.. parang stuck na lang dito forever.... nakakabagot sobra... pero ganun eh choice ko na din... hirap mabuhay sa earth.. na walang kainspirasyon inspirasyon..... di ko alam pano ko pagaganahin ang mumunti kong braincells... ay ewan ko ba.. naloloka akong maige....

------------------

Hayyyyzzz until now.. puro lalake na lang lage nasa isip ko.. si Username... lage na lang siya.. lage na lang lage na lang lage na lang.... palage na lang... eh Username lang naman siya... hay sarap iuntog ang sarili ko sa pader ng matauhan.....

Di ko lam kung kelan ba ako magpapakatino.... walang kaplano plano sa buhay talaga.... nawawalang direksyon sa buhay.... pero at least di ako gumagawa ng masama noh???!!! di ako pabigat kina Tita... yun nga lang pabigat ako sa sarili ko..... kasi yun nga.. nakukuntento na lang ako sa mga bagay nakakamit ko....

so emo much.. wala lang.. naloloka lang....

----------------

Fiesta ng Rosario sa sunday... makanuod na nga lang ng parada.... hmmm.. mukhang ako na namang mag isa ang manunuod.... haayy mukha na akong banda!!!! pero kunsabagay banda lang talaga ang nakakapagpasaya saken.... kaloka.... ay hinde lang pala banda... lalake!!!!! lalo na si Username.....


Tuesday, May 17, 2011

EG In Baguio (Last Day)

May 7, 2011


Last Day na namin sa Baguio at 6AM ang departure namin... este ang biyahe namin... haayyyzzz ang aga nagsigising mga kasamahan namin.. 3Am ata.. pero sa totoo lang.... nun panahon na yun inaatake na ako ng topak... dahil ayun natatakot na baka mapajebs ako sa bus.. jusme mahabagin ka... nakakahiya pag nanyari yun. nagtry pa din ako pumupu pero waley.. ayaw talaga lumabas.. kaya ayun nagbahala na si batman ang drama ko nung araw na yon....


Bandang 5AM all set na kameng lahat... ayun hinihintay na lang mag 6AM... at nun dumating ang oras na yun nagpahatid kame sa jeep hanggang sa terminal.. habang nasa biyahe.. sabi ko sa sarili ko.. ay MAMIMISS KO TO... SOBRA..... mamimiss ko baguio... ang SLU... haayyzz nakakalungkot na nakakajebs na ewan... pagdating sa terminal ayun umupo na lang ako.... tas nagbasa ng MVP chapter by chapter.... den nung nasa biyahe na.. mejo naiiyak ako.. kasi mamimiss ko talaga ang baguio.. sarap ng biyahe.. makikita ko ulet yung mga bundok... yung mga bangin.... pero focus lang ako sa pagbabasa ng MVP sa mp3 ko... hanggang sa nakarating kame sa first stop over.. sa La Union di na ako bumaba... nagbasa basa na lang talaga ng MVP.. pero mejo napapautot ng konti... at nung nasa may Pangasinan... kumakalam sikmura ko.. ayun natulog na lang ako..... at paggising ko nasa Tarlac na kame... tas ayun di ko na lang pinapansin yung pakiramdam ko.... tas sa 2nd stopover... kumain kame ng lunch.. grabe yung lunch kasi ang daming ulam.. yun ang kinabilib ko... ang dami mag-ulam sa bawat iniistop over namin.... den balik ulet sa bus... grabe yung kahabaan ng SCTEX..... napakahaba niya... jusme. kaloka.... sana eh dumaan na lang kame ng Capas at Mabalacat kesa sa expressway na yan... at nun nasa NLEX na.. ang ikinatuwa ko eh dumaan kame sa Marquee Mall at nagstopover dun.... haayy abot tengang ngiti ako dun.... naaalala ko tuloy ung naging kachatmate ko na nagkukwento saken about sa Mall na yun... wala lang... drama much lang...

Ang haba ng NLEX yun lang bow... at ayun nakarating kame ng pasay ng by 1.30PM tas nakauwi ng cavite ng 2.30PM... natunaw na mga strawberry... sayang.....

at ayun back to normal na ulet ang aking buhay........

-------------------------------------------------------------------

dont watch.... :D

Monday, May 16, 2011

EG in Baguio (Day 3)

May 6, 2011

Pagkagising... di gaano OK pakiramdam ko kasi ilang araw din ako hindi nakakajebs.. parang nakakawalang gana..... ayun lake na ng tiyan ko dat tym.. punong puno siguro ng toxic waste.... haayyy andun ung wala akong gana kumain.....

---------------------------

At ayun.. this time sa bayan lang kami ng Baguio.... at dahil nasa may Trancoville nakalocated yung dormitory.... den ayun sumakay kame ng Baguio Plaza.. sa totoo lang sarap magbiyahe.. feeling ko saulo ko na Baguio kahit ang totoo eh hinde... malapit lang pala yung SLU sa Cathedral...

------------

Baguio Cathedral

Yun ang una namin pinuntahan... akala ko malaki siya... maliit lang pala!!!! pero ganda ng structure nung simbahan... sempre... dahil ayon sa MVP sa gilid dumaan sina Mark at Kevin eh di sa gilid rin ako dumaan... nagdasal at nagthank you.... sayang wala akong picture na kasama ang Baguio Cathedral huhuhu much.. Tita kasi ayaw ng hawakan ung camera.. kabwiset.... eh nahihiya naman ako kina Jonathan at sa kapatid niya.... (arte much lang...)





Session Road

Pagkababa ng Cathedral... gulat much ako.. kasi malaking highway ang lumantad samen.. yun pala ang Session Road... naalala ko tuloy yung tweet ni Kino na ingats daw dahil maraming snatcher.. inpernes sarap maglakad lakad sa session road. dami kasing naglalakad.... tas marami din mga tinda tinda... hanep....


Burnham Park

Nilakad lang namin ang kahabaan ng Session Road.. hanggang sa makarating ng Burnham Park at tumigil dun sa nagtitinda ng mga alahas... ung sterling silver.. ayun bumili ako ng Hikaw... ang mura grabe 50pesos lang. kaya ayun.... pagkabili.. sinuot ko na agad... tas nagkayag si Jonathan na magboating ayun sumama ako... bali 5 lang kame nagboating... ako, si Jonathan, ung kapatid niyang si Jonalyn, si Jomar at di ko kilala yung isa pa... enjoy much... naka 2 ikot lang yung rower namin.... pero for me kahit boring ang saya pa din... hehehehhe.... :D


after magboat ride.. nag ikot ikot sa Burnham Park.. naiingget ako dun sa mga nagbabike kasi gusto ko din magbike.. kaso nahihiya naman ako sa mga kasama ko kaya ayun nuod na lang.. hanggang sa mapapunta kame sa isang trade fair.. ayun tingin dito tingin doon bili dito bili doon.. Bumili ako nung wacky worm na magic... grabe... kala ko totoong magic yun pala me daya.. grabe.. ang mahal pa naman...

Nagtanghalian kame sa karinderya sa Burnham Park.. tabi tabi pala mga karinderya doon.. mejo konti lang ang kinain ko kasi un nga wala akong kagana gana dahil ilang araw na akong napapajebs...

After kumain.. lakad lakad ulet at naisipang mag SM Baguio dahil tanaw na tanaw ang SM Baguio from Burnham Park.. and homeyged... naligaw pa kame... buti na lang mabait yung napagtanungan namin.. englishera pa!!! sosyal!!!!!!!!! from Burnham.. tinawid namin ang Session Road.. jusme kahit tanghaling tapat ang dami pa rin naglalakad lakad.. kaloka!!!! inet inet ba naman ayun pagkadating ng SM Baguio.. pagod na pagod ako... pero sinabi ko kay Tita na try kong magCR baka mapajebs ako... dun ako sa Upper Basement nagtry.. pero waleyyyy... ayaw lumabas nung jebs.... haayyy...... kaya ayun iba talaga ang pakiramdam ko nanghihina talaga.... ayun naupo na lang ako dun sa may Terrace view ng SM Baguio.... at naloka ako dahil me dumaang Bromance.... ang cute nila... para silang sina Mark at Kevin... napangiti ako ng bongga dun.....


After mag SM Baguio, naisipan pumunta ng Baguio Market.... ayun ginawa akong alalay ni Tita ang daming biniling gulay at stroberi... feeling ko para kameng nagDivisoria.. kaloka!!!!

Haayyyy siyudad na siyudad ang Baguio... parang Manila... pero isa to sa mga di ko makakalimutang lugar.... wala lang.... pakiramdam ko yun ang 1st and last time na makakapunta ako... pero wag naman sana...... sana me next time pa..... :D

I Love Baguio!!!!!!!!!


Sunday, May 15, 2011

EG in Baguio (Day 2)


May 5, 2011

Pasyalan time na!!!!!!!!!!

Umagang umaga dahil sa isa lang ang CR ayun isa isa silang naliligo.. pero ako sa labas ako naligo kasi me isa pang CR dun... wolo long... hahahaha...

------

anyway highway... ayun nagrent na lang kame ng jeep for whole day.. first stop...

STRAWBERRY FARM - La Trinidad, Benguet

gusto ko yung lugar... yung farm dahil ang view eh paligid ng bundok.. ganda ng view... sarap lang magfarmville... dami din tindahan ayun inisa isa namin at bumili na rin ng mga kung ano ano....

mukhang tanga lang.. hahaha


BELL TOWER - Boundary ng La Trinidad at Baguio City

Dito wala lang... chinese church ata to... hmmm okay naman.. ayun nagwish ako dun sa may parang wishing well dun... naghagis ng piso.. at picture picture at umakyat dun sa pinakamataas... tanaw na tanaw ko magandang tanawin...




Dito na rin kame kumain ng Lunch... me karinderya kasi dun sa may gate ng bell church pero di ako nasarapan sa ulam....

GROTTO OF LOURDES - Baguio City

- sa totoo lang kalahati lang ng lourdes ang naakyat ko kasi sa kalahati na dumaan yung jeep.. kaya ayun di ako napagod.. nagwish wish na rin.. nagtirik ng kandila.. mejo boring much lang.. pero me nagustuhan akong TSHirt dun na PMA pero sayang... di ko binili..... kasi nun panahon na yun excited much ako sa Mines View Park.. dahil sa MVP.... Sayang di ako nagwacky shot dito... asar lang.. bali b naman yung MVP eh me wacky shot.. haayyysss....



Philippine Military Academy - For Del Pilar, Baguio City

- kaloka dito sa lugar na to... dapat disiplinado at tumawid sa tamang tawiran... like pagsunod sa pagtawid sa pedestrian lane.. nasita kasi kame nung gwardiya dun... ganda ng lugar.. nakita ko din yung malaking field kung san nagshooting yung "Tayong Dalawa" yung kay JR at Dave... tapos yung mga PMA Student.. nagmamartsa pala kapag nasa labas.. hanep lang... ganun pala yun.... happy naman..... naalala ko tuloy ang MVP Story.. kasi nagpunta din dito sina Mark at Kevin...




The Mansion - Baguio City

- nako... asar ako dito.. di sila bumaba... kainis much. bali ba naman nasa MVP din tong lugar na to.. wala tuloy akong picture.. na me view ng the mansion huhuhu much lang.... :'( pero yun nga at least kahit pano nakababa na din.....


Mines View Park - Baguio City

- sa totoo lang.. umagang umaga pa lang... dito ako excited na excited.... pagdating dun... wiiwww.. parang honglomig... ayun bumili ako ng sweater... buti nakatawad kame.. 250 lang siya... and ayun nagpicture ako ng igorot.. kaso ang panget ko.. ampnesss.... di bagay saken maging igorot... wiw.... nung nagpunta kame ni Tita sa may view deck yung may pabilog.. ayun sakto.. nakita ko din yung location ng picture ni Mark Lopez... ayun nagpapicture ako kay tita... (sa totoo lang palpak ang kuha ni Tita) ayun.. nainis ako.. plus nalowbat pa yung cam.. ayun tinopak ako ng bonggang bongga.. sabi ko kay TIta eh.. dito muna ako sa view deck.. tawagin na lang ako kapag aalis na... haayyyyy.. ganda ng view... sarap magmuni muni... daming nagpapapicture... naiingget ako dun sa may mga kasama.. ang saya nila... ako ayun nagmumukmok... malungkot... pero sa kabilang banda yung MVP na lang ang inisip ko.. sina Mark at Kevin.... yung kahit papano.. nakapunta ako ng Baguio at napuntahan ko yung mga pinuntahan nila.... muni muni so much... nagrent din ako nung parang telescope di ko alam kung ano ang tawag... 10pesos per 5minutes.. wala lang trip ko lang... natuwa ako dun sa magjowa.. ang pogi kasi ni Kuya... kalbo kasi.. swerte naman nung GF niya.... haayyyy kaingget much... ako nakatunganga lang dun... malungkot na malungkot talaga.. hanggang sa ayun.. nagtext na si Tita... pinicturan ko din yung malaking bato... kasi kasama sa kwento ng MVP... haaayyyysss.. for short kung kanina umaga excited na excited ako.. ayun biglang disaster.. napaltan ng katopakan... haaayyyssssssssss.. pero ganun talaga... pero happy na din... kahit depressed.... haaayyyyssssssssss..... sarap lang pagmasdan yung view.... haayyysssssssssss..... pero biten.. kasi saglit lang ata kame dun.. huhuhu much.....





Botanical Garden - Baguio City

- bago kame nakapunta ng Botanical Garden... eh nagpunta muna kame sa Good Sheperd dahil bumili si Tita at isa niyang kaibigan ng Ube.. yung nasa garapon.. malungkot na ako that time... bakas sa mukha na pasan ko ang daigdig... hanggang sa ayun nagpunta kame sa Botanical malungkot pa din... papalubog na ang araw non... mejo maliit lang pala ang Botanical Garden... wala lang garden lang siya na mayroong matatayog na puno as in ang tatangkad ng mga puno... plus mga konting bulaklak... pero malungkot pa rin ako.. biten pa rin sa Mines View....


Tas yun balik na ulet kame sa dormitory.... dormitory kasi yung tinirhan namin.... kaya ayun.. niyaya ko na lang si Jonathan na magcomputer kame 2... hanggang sa tinawag na kame para maghapunan..... den after hapunan... kinalikot ko MP3 ko. nagbasa basa ng MVP.. nakinig ng Love Will Keep Us Alive..... den natulog na....

Den nagising ako ng madaling araw.. kasi masama pakiramdam ko.. nakalimutan ko.. 3days na akong di najejebs!!!!!!! waaahhhh... sinubukan kong magCR pero wala.. namamahay ako.. ayaw lumabas nung jebs. haayyysss.. ayun... natulog na lang ulet ako....

Friday, May 13, 2011

Walang Kwentang Random No. 7

May 13, 2011

Friday the 13th wala lang.. naglaba lang ako nung umaga.. kalurkey hong init long!!! kaya ayun nakashorts lang ako habang naglalaba... feeling hottie lang wahahaha.. habang me tumutulong pawis sa katawan... hahahaha... kaloka!!!!! at ayun nakakapagod much lang....

den nagpunta sa shop.. twitter dito twitter doon.. ka DM ko si Marvin (isang pexer) ayun chika dito chika doon... kung ano ano pinag uusapan namin na wala lang... hahahaha... basta kapag kausap ko si loka eh.. naloloka na rin ako lols wahahahah.. char!!!!!! madalas lang namin pag usapan eh about mga bromance stories na nababasa sa net.. share dito share doon... and about mga buhay buhay under the araw...

den si JB nagpagawa nung marketing plan.. jusme.. english!!! e ang purol purol na kaya ng braincells ko... pero ayun.. madali lang naman siya. naiintindihan ko den.. ang hirap kapag isusulat na... di ako makapag umpisa... ayun.. wapak!!! di ko ginawa...

buti na lang dumating si Moneth ayun nagpaprint ng JObee at picture nila ni Kuya Oman at Ecious. tenks naman at me kinita me kahit papano.. kalurkey...

den sira ang blogger... kaloka!!!!!! di makapagblog di ko na tinuloy nadiary yung Baguio moments ko...

den me nagpaburn sana den owmaypakingsyet!!!! nawawala yung Portable DVD Writer ko... kaloka... ayun... nanghina na lang ako bigla....

den tong si JB... gabi na dumating.. kakabwiset... eh di ko pa nagagawa yung pinapagawa nya ayun kung ano ano na lang ginawa ko.. ang sakit sa ulo mag english sa totoo lang.... as in di talaga ako marunong hahaayyy buhay lang....

den sinarado ko na ang shop.. at pagkadating sa bahay... biglang dumating si Ninyo.. wew.. gawin ko na daw yung ID picture... chorva ng mga basketball players... (hanggang ngayun di pa ako binabayaran..) eh di ayun balik na naman sa shop... haayyyy...

at habang nagpicpicture.. me pogi... kakaloka... wala lang.. type ko lang... wahahaha... nacutan lang ako kay kuya... este bunso pala.. kasi bata pa sila.. lol

tas me nagwala pa sa may malapit sa kinalalagyan ng tindahan ko.. jusme takot na takot ako... kala ko eh katapusan na ng earthhhhh....

May 14, 2011

Chineck ko sa bahay kung andun yung Portable DVD Writer ko. paksyet.. wala sa drawer ko.. feeling ko talaga me kumuha dito sa shop ko... haaayyyyyy.... nalungkot na lang talaga ako... sinabi ko na rin kay Tita.. ayun galit na galit... napakapabaya ko daw tao.. haayyy... tinanggap ko na lang.. kasalanan ko naman.. pero sa kabilang banda me bitter din.. kasi yung mga tao dito... yung mga kadalasang pumupunta sa shop ko eh alam mu na mga taong kanto.. haayy siguro naiisahan na nila ako.. hirap na talagang magtiwala sa tao... hayyyysss.. masyado akong naging nice.. kaya ngayun gusto ko ng maging masungit... mang-aaway na ako ngayun....

Ayun di ko na lang inintindi... buti na lang me nadiscover akong bagong tambayan... ang HIDDEN STORIES actually... matagal na ako sa group na to.. simula 2008 pa.. sa Friendster Forums pa noon... kaso umalis din ako ng year na yun... at hindi na nakapag internet pang muli.... at sa kadahilanang mawawala na ang friendster.. bumalik ako sa group na yun.. at sakto.. gumawa sila ng site para iback up yung mga stories.. kakatuwa.... gumawa pa sila ng effort para dun.. kaya kudos ako... ayun binalikan ko yung mga stories na nabasa ko noon. ang sarap lang balikan.. kakatuwa... plus dami pang bagong mababasa.... pero sa totoo lang.. para siyang Kwentong Kalibugan... yun lang.. hahaha... pero masaya kasi me mga games.. haayyy naaalala ko tuloy ang Friendster Memories ko...


May 15, 2011

Wala na talaga ang Portable DVD Writer.. haayyy kung sino man ang kumuha non... karma na lang sa kanya.. nalulungkot talaga ako.. wala eh.. maraming malilikot ang kamay ngayun haayyy..... sira tuloy ang plano ko... plano ko pa naman eh yung pera ko eh ipang-aapply ko.. eh mukhang mapupunta sa ipunan para makabili ng bagong DVD Writer or new CPU na lang siguro... haayy buhayyy....

Plus ngayun pa lang iniisip ko na birthday ko.. pero baka magMOA na lang ako.. dun me sa seaside magmumukmok......

haayyyy tumatanda na talaga ako...









Monday, May 9, 2011

HAPPY 1ST BLOGSARY TO ME!!!!!!


May 10, 2011

HAPPY 1ST BLOGSARY TO ME!!!!!!!


------------

Parang kailan lang.... nung nag-umpisa ako magblog... kakatapos lang kasi nun ng Fiesta ng Bacoor (2010) tas kinabukasan eh Automated Election.... e dahil sa haba ng pila sa presinto naisipan ko na pumunta na lang muna sa shop at ayun kung dati sa multiply ako nagbablog eh dahil sa ayaw gumana ng embed sa kanya, ayun sinubukan ko ang blogger... den ayun.. sakto... gumana...

gamatatsu09.blogspot.com - ang unang name ko non... den napaltan ng

wenksanglayp.blogspot.com at dahil sa tinopak ako last month.. pinaltan ko ulet ang url ng

illusionchain.blogspot.com <---- eto ang recent URL ko.. di ko lam kung kelan mababago... pero bahala na kung kelan.. kapag tinopak ulit.....

--------------------------------
STATS

Post = 121/147 yung iba mga nakasaved as a draft...

Comments = 524 siguro yung kalahati nun galing saken...

Pageviews = 9623 (sayang di umabot ng 10K pero ayus lang..) 3/4 ng views galing saken....

sa ngayun i have 42 followers... salamat sa mga nagfollow sa walang kwenta kong blog...


salamat din sa mga nagcomments saken.... hongdomi nyo di ko na kayo iisahin pa... basta tenk yu beri much sa pagbisita sa munti kong lungga.... ingats kayu yun lang bow!!!!!!!

Love lots,


Diary 05/9/11 B@coor F!esta 2011



May 8, 2011

Haayyyy mag isa lang ako nanuod unlike nung 2009 at 2010 kasama ko ang pinsan kong si Jeje... kung nuon 2009 at 2010 eh mainet.. ngayun naman.. me bagyo... kapraning mucchhh... pero sempre gow pa din.. yun nga lang sabi ko sa sarili ko baka parada lang ang panuodin ko...

----------

aga kong nakarating sa bacoor siguro before 12.. nagpunta ako muna ako dun sa may st. peregrine... wala gaanong katao tao pa... kaya pinicturan ko na muna yung tarp... den naghanap ng computer shop.. mejo malayo layo din yung nilakad ko... ayun nagrent 1hr. after naghintay ng parada sa may brgy. hall.. at ayun dumating din ang parada ng by 1.45PM sa lugar ko...

hayyy excited much lang.... eto ang mga nagustuhan ko sa parada.....

Banda Kabataan 77 - Bailen


El Gobernador Band - Bacoor


96 Band - Bacoor


MFBD - Dasma


Banda 85 - Sta. Maria, Bulacan


St. Augustine Band - Tanza


-------------------

ay nako nung nalowbat camera ko nung 96 band na... dun na ako nainis haayyyy.. tas ayaw pang gumana nung bago kong biling batterya.. :( tinotopak na talaga ang camera.. haayyyysss :(

kaya ayun yung mga importanteng banda na lang kinuha ko... yung St. Francis because of Tita Aileen saka MFBD at St. Augustine dahil mga favorite ko... buti kumagat pa.... at ayun pinicturan ko si TIto Ford siya pala ang nagdadala sa St. Francis at ayun inutusan pa akong bumile ng mineral water... musta naman..... kakaawa lang sila... layo pa naman ng nilakad nila lol.....

nagpicture picture na din ako....


si Jolo Revilla.... pagala gala... lols...


hanep ang parade rest.. poise kung poise.. lufet ng mga payong lol




96 band.. ganda ng shot ko dito.. cute ni kuyang drum major.. ganda ng mata lol


Si Tita Ford na nag-utos saken na bumile ng mineral water hahaha.... gawin daw ba akong water boy... pero nakakaawa siya... uhaw na uhaw daw siya...

MFBD ang champion sa event... ganda ng kuha ko dito.. super nice shot.. sumama kasi ako sa parada sa may unahan nila.. wolo long... pumifeeling lang hahahaha...


Nung nasa drill place na ako ay jusme daming tao.. puro mga payong... lakas ng ulan... ayun nakita ko si Madam Renee Salud puro smile lang ang lola nyo.. kamusta naman.... hahahaah.... pero dahil sa nililipad ang payong ko... ayun napagpasyahan ko na lang na wag na lang manuod ng drill kasi basang basa na talaga ako... mejo giniginaw at nagugutom na din.. wala pa naman akong kasama.... kaya ayun umuwi na lang me baka masnatch pa ako sa sobrang dami ng tao.... kawawa camera namin...

saka kuntento na rin ako sa parada.. kasi sumama me sa MFBD kahit sa unahan lang hahahahaha.. ganda talaga ng pagkakaparada nila.. madisiplina... neks taym ulit ako nuod...

Saturday, May 7, 2011

EG in Baguio (Day 1)


May 4, 2011

Sinama ako ni Tita na magBaguio... homaygawd lang.. kasi finally makakapunta na rin ako ng Baguio.... kasi dati rati sa panaginip at ilusyon ko lang nakikita ang Baguio eh... at ngayun heto na heto na dubidooo dubidoooo....

-------

6AM kame umalis ng Pasay kasama ni Tita mga kaibigan niyang Teachers with their pamangkins /anak...

-----------

bandang 8AM habang binabagtas ang NLEX napangiti ako nun mapadaan kame sa San Fernando at Angeles... wolo long.. naalala ko tuloy yung kachatmate ko na madalas kinukwento niya saken ang tungkol sa SM San Fernando at Marquee Mall kung san siya palage nakatambay.... haayyyss ngiting abot tenga ako dun...

Clash of the Towns going Baguio

Mabalacat, Pampanga - ok siya umuunlad na bayan sa Pampanga maganda palengke nung napadaan kame dun.

Capas, Tarlac - Naalala ko tuloy yung tulay kasi kasali yun sa kwento ni bx35 (kapexer ko) sa kwento nyang Untitled at maganda ang bayan nila dahil me Jollibee basta nung napadaan kame dun, naisip ko wow OK ang capas ah....

Tarlac City - Dito ako pinanganak at eto din ang pinakamalayo kong lugar na napuntahan (pero Baguio na ngayun). Nakakatuwa kasi ang dami ng pinagbago simula nung huli kong punta.. masasabi kong commercialized na ang siyudad na to.. Stop over din kame dito at nung jumingle ako eh umatras ang pagweewee ko haayyyy

Gerona, Tarlac - Hay boring ang lugar na to puro bukid lang...

Paniqui, Tarlac - Tulog ako nun napadaan kame dito

Moncada, Tarlac - nung napadaan kame sa bayang ito wow me class kahit papano kaso waa akong matandaan kung me Jollibee pero maganda naman at ayun mejo mejo biyahilo ako dito...

Villasis, Pangasinan - wow lang ang bayan nila. I love their SM Rosales & yung plaza auditorium na katapat lang ng munisipyo pero sa bayan na to halatang probinsiyang probinsiya talaga daming bukirin biyahilo pa rin ako dito di kasi ako makatulog sa bus.

Urdaneta City, Pangasinan - siyudad na siyudad per andun pa rin yung aurang probinsiya walang SM pero CB Mall yung nakita ko hmmm so so lang pero commercialized naman...

Binalonan, Pangasinan - ay jusme, probinsyang probinsiya to puro bukid tas kapag nakakita ako ng school parang nung 80s pa ang ichura musta naman pati yung lugar.. so so province talaga.

Pozzorubio, Pangasinan - Ito din probinsiya din ganon din parang Binalonan din.

Rosario, La Union - stopover kami dito for lunch dito tanaw ko na ang bulubundukin ng Cordillera. Nagtry din ako sa jumingle dito waley atras din.. kaya ayun nagcornetto na lang ako...

Pugo, La Union - homaygawd, zigzag ang daanan me mga bangin na pero ang ganda ng view rural na rural ang pamumuhay...

1PM na ng narating namin ang Baguio. Haayyyy nung unang kita ko hmmm parang Tagaytay lang.. at nung papunta na kame sa tinutuluyan namin natuwa ako kasi nakita ko ang St. Louis University gate 4 at gate 3.. hayyy daming estudyante na cute.. Ang nakakaloka isa lang ang CR huhuhu much lang.. Nagjingle din ako pero atras pa din....

Nag SM Baguio kame.. at dun sa biyahe homaygawd.. me sumakay na estudyante taga SLU ang hot lang.. ang yummy lang.. gusto ko kainin grabe.... at pagdating ng SM baguio ang daming gwapo grabe.. busog na busog ang mga mata ko.. ayun picture2x.. naaalala ko tuloy yung MVP story.. ayun nagpatugtog ako ng Love Will Keep Us Alive.. ganda ng view dun sa 4th Floor.



Pauwi na kammi nung biglang umulan tapos ang ganda ng scene nung papauwi na kame ganda ng lights parang bundok na punong puno ng lights.....

sa susunod na entry mga pasyalan naman..... :D

About