reminiscing....
december 8 2008 last year... ang saya ko... fiesta kasi sa dasma.. at me parada ng banda..
nun umagang un nagtext saken si arvid ng youtube.. kasi me parada sa dasma at andun ung BK77 kaso mo malas ko.. sira na cellphone kong walang kwenta... walang tunog kapag nagvivideo... kaya un...
bandang 11am nagpaalam na ko kay boom kasi nuod ako sa dasma ng parada... at un umalis na ko... antagal kong nag antay sa rob pala pala ng dasma bayan... tapos mega trapik pa sa may walter tas mega inet pa... bwiset.... dun ako bumaba sa may perya.. at simula perya nilakad ko hanggang mcdo grabe anlayo!!!!!! peo worth naman... kasi pagdating dun waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa nakapila na ang MFBD.. waaaaaaa abot tenga ngiti ko noon as in smile na smile parang tanga... andun lang ako sa harap ng mcdo kahit gutom na gutom eh hinintay ko silang magpasayo.. nakascarf nga lahat ng mga musikero eh... first time ko lang makita ang MFBD nun panahon na un.. kaya ang saya saya ko... tapos nung nagpasayo na sila.. luwa ang mata ko sa gulat.. SAMPUAN ba naman... waaaaaaa sarap pagmasdan ung ganun banda na sampuan... san ka makakakita nun??? sa states??? waaaaaaaa.... pagkatapos ng pasayo dahil sa gutom eh ayun pumasok na ko sa mcdo... order ako ng spaghetti, burger at mcfloat.. at sa taas ako kumain habang nakatitig sa mga musikero ng MFBD at mega ngiti abot tenga ika nga... at dahil palipat lipat ako ng upuan.. waaaaaaaaaaaaa CBBD naman ang magpapasayo kasi papunta sila sa assembly ng parada waaaaaaaaaaaaaaaa waluhan sila tapos 16 lanes.... tuwang tuwa talaga ako nun.....
tapos nun nakita ko si sir kevin at huminge ng sorry at syempre greet din ng merry xmas buti at napatawad naman ako.. at nun paglabas ko ng mcdo humanap na ako ng mapupuwestuhan.. mukhang malayo ung napuntahan ko.. malapit dun sa may Iglesia at dun na ko naghintay na mejo matagal tagal din....
habang naghihintay naingget ako dun sa bata... me mp5 kasi vivideohan ung parada.. tapos ako cellphone lang?? sira pa... walang tunog.... peo kahit ganun eh vinideohan ko pa din..hanggang at last eto na ang parada......
first....
MFBD - sampuan tlga... GQ march ung tumapat saken na tugtog peo that time di ko alam un... basta un natatandaan ko.. galing ng MFBD.. eheheh. nakascarf lahat ng musikero tas andami pa..
CBBD - nag eexcuse me pa ung majorette.. waluhan parang YMCA yata yung tinugtog nila peo di ko na matandaan... grabe ang dami nila as in mega.. waluhan ba naman tapos 16 lanes... parang 8 x 16.
BSJ - gulat ako.. kasi di sila guest ngeun at laban sila sa competition eh lam ko eh hall of fame na sila sa dasma... peo magaling tlga sila eh.. sila bet ko ng best marching that time...
SJB98 - pituhan... ayus lang.. ginaya na nila ung style kapag nagdidikit ang BK77.
BK83 - eto ang isa sa mga inabangan ko talaga.. first time ko lang kasi sila makita.. at impress nga ako sa style ng marching / tugtog nila ung mejo mabagal maglakad at ska mabagal ung tugtog... madami dami nga din sila...
46 Carmona - cant remember...
BK77 - naexcite ako nung sila na... peo animan lang sila... peo OK na din...
93 - cant remember peo banda to ni arvid...
46 Amadeo - limahan lang..
St. Jude - tagal ko din silang di nakita.... peo ayos naman sila..
ELG - bet ko din sa marching... ayos sila.. pituhan...
LPB - bet ko din... pituhan... first time ko lang makita that time...
AZB - cant remember....
pagkatapos nung anak zapote eh di sumama na ko sa parada at sumiksik tlga ako gilid... hanggang sa unahan ng Las Pinas Band.. sarap nga habang naglalakad kasi dinig na dinig ko yung marcha (peo di ko naman alam kung ano ung tugtog) .. parang nasa heaven..... tapos me nilikuan ako kalye... dun sa may mangubat st. at andun ung MFBD... at yon nagpicture picture na lang ako... nagpicture ako simula MFBD hanggang 46Carmona tapos video ulet kahit wala tunog...
tapos sakto pagdating ko sa simbahan BK77 na ang bandang papasok... at nagdrill sila dun ung itaktak mo saka kagat labi... kakatuwa... tas nung El Gob na.. pumasok ako sa simbahan para sempre magthank you kasi binigyan ko ng chance ng makapanuod sa dasma.. kahit mag isa lang ako... tapos nung Las Pinas Band na ayun.. nuod ako ng drill nila... tapos un... me labanan ng exhibition ng majorette kaso di ko naman kita kasi ang layo ko.. kaya nakinig na lang ako sa mga tugtog...
at nun awarding gulat ako kasi me hakot ang BK77.. ToneQuality at Uniform... pero di na ko nagulat na naging Best Marching ang BSJ.. kasi magaling tlga sila. at yun umuwi na ako.. sumabay ako sa mga naglalakad na LPB at BSJ sumabit pa yata ang bag ko sa drums ng LPB eh buti natanggal ko agad... habang naglalakad ako nasa likod ko BSJ nagpapasayo.. kasunod ang SJB 98 pasayo din.. at nung nasa jeep ako katext ko si arvid about dun sa mga nanalo..
haayyzzz sana makapanuod ulet ako sa dasma sa darating na december 8. kakaiba talaga ang parada ng banda dun to the NEXT LEVEL ika nga
well, ilang days na lang ba????