August 12, 2011
Matagal ko ng planong mag Star City simula nun madiscover ko to sa FB last May... pero naisip ko na sa bday ko na lang ng sumaya saya naman ang bday ko... pero dahil Wednesday ang bday ko at Fri/Sat/Sun lang bukas ang Star City... kaya August 12 na lang.. haayyyy bago pa dumating ang araw na to... sangkaterbang kaemohan pa ang mga naganap haaayy laayyyypppp..........
----
Katuwa sa biyahe.. ayun soundtrip lang ako at nakatunganga sa bintana... emo emo tas sa Cavitex dumaan hay nako maiksi lang pala yun... at ayun 45minutes lang ang biyahe instant nasa Baclaran na agad.... sempre dasal2x dun nagtirik ng kandila at nagpasalamat at bumili ng rosary kasi wala pa pala akong rosary...

Den sumakay ulit ng bus na pa-Lawton... pucha kasi yung bus dun pala lumiliko sa may papuntang Gil Puyat kung kaya't bumaba na agad ako at naglakad hanggang sa makarating ng CCP mejo malayo-layo rin ang aking nilakad siguro 1K ang haba... ang inettt.. yun marcha ng marcha sa gilid ng kalsada mukhang tanga lang....
Pagdating ng CCP haaayyyy..... tahimik... kitang kita ko ang mga naglalakihang gusali ng Manila... mainet... summer na summer... tanghaling tapat.... derecho na ako sa Harbour Square at pagdating dun ang reaksyon ko.... "waaaahhhhh ito lang yun?????? " maliit lang pala... mas ok pa dun sa seaside sa MOA... ayun I decide na magJollibee... pero take out na lang at dun ko na lang kinain sa may sulok ng Dencios Restaurant gusto ko eh, habang kumakain eh nakatitig ako sa kalangitan... buti na lang wala masydong tao.. kaya oks lang..... Dun na rin ako gumawa ng tula para sa pakontes kay iyakhin... hayy layp... di naging emo ang tula ko.... parang wala lang.....


Nung mag-alas dos na ayun fly na sa Star City... katuwa kasi mag oopen pa lang... ayun me mga mascots na sumasayaw ng baby at 2012... gusto ko yung steps dun sa 2012... at ang una kong sinakyan walang iba kundi ang Pirates Adventure... kala ko mala-Rio Grande siya.. hindi pala... wala lang.. parang museum lang na puro pirates pero inpernes ang tagal ko sa loob.... ayun masid-masid lang... den nagbump car ako... pucha di ako marunong magdrive.. pero ang kyut nung Hottie Kano.. sayang ala ako picchur niya... :( den after non sumakay sa Blizzard... i love the feeling lalo na yung pababa..... sarap.... 2 ikot pa.... hehehehe.... after non sa Viking.. yung parang Anchors Away ng EK.... nun una wala lang.. dedma lang... aba.. nung tumaas na.. waaaahhh para akong mapapasuka.... kaya sumigaw na lang ako.... pero sarap.. at matagal din kahit papano.... Tas paikot ikot ako dun pati pambatang rides sinakyan ko na din katulad ng WackyWorm at nung Dragon tas pumaasok sa mga museum... dun sa Time Tunnel mag isa lang akong pumasok.. buti di siya nakakakot wala lang... naglakad lang ako sa madilim na lugar.. pero sa Dungeon... waaahhh.. buti na lang sumabay ako dun sa nasa grupo ko sa unahan.. pero nakakatakot siya... kakagulat... eehhehe... me maze pa... muntik n kong maligaw... after non... naisip kong sumakay dun sa jumping start yung parang EKstreme ng EK.. pero maliit lang siya.. tas taas baba lang na kala mong nagjajakol... kala ko nakakatakot ang sarap pala... heheehhe.. di siya nakakagulat.... oks lang.... at pumunta din ako sa Winter Funland.. ngeekkk... maliit lang pala yon... pero sempre nagslide na din.... at naglaro ng snow... na yelo lang pala sa freezer... saglit lang ako dun.. boring kasi...
Nung pahapon na..... sa wakas binuksan din nila yung Surf Dance... eggzayted na eggzayted kasi ako sumakay dun.... ayun nagtatakbo ako... kakaloka sa First Try... Hottie Kano (siguro mga nasa twentys lang siya.. nakasabay ko din siya sa bump car) ang nakatabi ko sa Surf Dance.. sa loob2x ko tuwang tuwa ako hahahaha.. sayang di siya nagtatagalog.... pero ang isa sa mga natandaan kong sinabi niya eh.. "One More" haayyyyzzzzzzzz... Dahil biten ako sa first try... pumila ulit ako pagkatapos 2nd try naman.. this time wala akong katabi huhuhu pero ang kyut naman nung magjowa sa likod ko.. ang kyut ni kuya.. sweet nila ng GI-EP niya... ang lakas makasigaw... pero ang sarap ng 2nd try kasi lumambitin sa taas siguro mga 3seconds nagstop... kakalokaaaaa... love the surf danceeee..... den pasyal pasyal..... pumasok ulit sa Winter Funland nagpapicchur.. 100php bayad.. pero nung pagkakuha ko panget ng pagkakaprint pero OKs lang kaisa-isa kong souvenier kasi.... Tas sumakay ulit ako sa Blizzard for the second time around dun naman ako sa unahan..... sarap.... tas sa Surf Dance ulit for the 3rd time.. at sa dulo ako pumuwesto.. at maganda sa dulo... hehehehe napapatayo ako sa upuan..... kapag patarik.... sarap sumigaw ng sumigaw... at dahil sa gutom kumain sa may Pirates... mag-isa lang.... heheheh pero masaya ako... at bago umuwi ayun sumakay ako ng Carousel.. wala lang.. para sulit ang pagpapakabata....





Sayang di available yung Star Flyer saka yung Wild River... under maintenance at construction ahuhuhuhu :'(
at ang natatangi kong remembrance sa Star Citeyyy...


Pagkauwi.. ayun standing sa bus.. buti na lang mabilis lang ang biyahe....... pero kinabahan ako kasi ang daming nag-aabang ng bus.... grabe...... buti at nakauwi namana ko ng matiwasay.. yun nga lang... pagkauwi ko.... bigla akong nalungkot..... pero ok lang.... ganon talaga.. siguro neks taym ulit ako magstar city.... hayyy layyypppp.....
14 comments:
haha, ayos! favorite ko rin ang surf dance, yung classmate ko na straight natatakot siya dun. lol. as in namutla siya after..
belated happy birthday egG!!
nakapunta ako star city pero wala man lang akong sinakyan, nanood kami sa aliw theater.. nandon pa rin aliw theater? hehe panahon ata ni magellan yon..:P
dehins pa ako nakakapunta ng star citeeeey. balak kong makapunta dito atlist once.
huwawww naman..ayos at mukhang enjoy ka nga..
may parang ekstreme na din pala jan sa star city...di ko sya napansijn before...
belated hpy bday egg!
di pa ko nakakapunta diyan. ang saya! wag nang malungkot eg.
kainis! d ako makapunta....nasa malayong country ako eh.
@green
yep sobrang sarap ng surf danceeeeee!!!!!!!! super nag enjoy ako dun.... 3 beses sumakay...
@mommy razz
yep meron pang aliw theater. magkatabi laang sila ng star citteeeeyyyy...
@khanto
punta ka khanto malapit ka lang naman....
@jay
mejo enjoy din.. ginawa kong playground eh.. sakay ng sakay sa mga rides hehehe parang bata lang lol... yep yung ekstreme eh maliit lang.....
@sean
punta ka.. isama mo asawa mo.. tas sa gabi dun kyo sa harbour square kumain... habang tinitignan ang mga building ng maynila
@kaswak
e di pagka-uwi punta kayo hehehe.. tenchu po...
tnx po senyo :)
hahah kala ko narinig mo lang siya sa love radio.. hehehe
Akala ko pa naman nag-enjoy ka, mag-eenjoy rin sana ako kaso yung huli nalungkot ka na naman hahahaha.
@kiko
bakit madalas bang patalastas sa love radio ang star citeeyyy???
@glentot
heheheh.... nabitin kasi aako eh... kaya ayun.. pero nag enjoy ako lalo na sa surf dance at blizzard... :D
tenchu mwah
nagpunta ka ng magisa mo egG?sana nagsama ka ng kaibigan para mas enjoy. sabagay nagenjoy ka din naman ok na. wag na lungkot, alam mo pinapahirapan mo sarili mo kung nalulungkot ka, do what you want, ibahin mo ang daily routine mo, baguhin mo siya, live life to the fullest, kung san ka sa tingin mo sasaya, gawin mo. and last but not the least, ang paborito kong gawin, ang maging banidoso at conscious sa sarili.hahahaha..
@mark
walang mayaya.. saka gusto ko na rin mapag-isa. yung parang hinahanap ang sarili... ayun nag enjoy naman ako kahit papano.. kaya lang naman ako nalungkot dahil parang biten ako sa star city.. kasi nag enjoy ako talaga.. ginawa kong playground lol... :D
salamat sa kowment :)
omg!!!
ikaw palang ang nakilala ko na ganyan,
nag starcity mag isa..??!
lol! grabe ka bossing! sana tinext moko ng nasamahan kita! hihihi!
haaaaaaayyss!! sad ako sa story mo.kaso nag enjoy ka naman sabi mo. kaya smile nalang!
bilib ako sayo! IDOL!
@leonard
wala akong mayaya that time eh... saka wala din panglibre kaya mag isa na lang akong nagfly sa star city... ok lang sanay na naman ako ng nag-iisa ehheheeeh.. saka di pa tayo magkakilala... hahahahha... :D heniwey nag enjoy naman ako.. masayang sumakay sa mga rides.. tenchuu.. :)
Post a Comment