Monday, January 31, 2011

2011 - January - Random

JANUARY 2011

* Nagpasayo ang CWE nung New Year para dun sa blessing ng New Uniform nila.

*Pinagkalat nung isang customer ko na adik ako sa YOUPORN ayun... pinagkalat at nakinuod sila.. kamusta naman yon...

*May bago akong sinusubaybayan na APserye ang TRUTH OR DARE ni Separated.

* Umikot ang mundo ko sa twitter kasama ang mga MVPers.. araw araw tweet ng tweet...

* Nalungkot ako nung nagpaalam si Donnie sa twittahworld pero after ng ilang araw eh bumalik din... kaya happy na ulet...

*Naadik sa Baker King ang cute kasi nung batang Tak Gu...

* Lage kong iniisip si Adrius ayun napraning ako.... dinelete ko ang twitter ko... pero after ilang araw bumalik din sa twittahworld super thanks sa advice ni kuya emkyu...

* Binasa ko ulet ang 5,000 pogi points ni vonspee by kuya emkyu... kahit papano me lesson din pala ang story niya... dun ko nalaman na sa tunay na buhay lang nangyayari ang LOVE at hindi sa internet... thanks talaga kay kuya emkyu... kahit pano eh natauhan din...

*gumawa ako ng new blog para mag-ipon ng mga layout artworks na baka magamit ko kapag kailangan lol

----------

JANUARY PLAYLIST

* Habang Atin ang Gabi - Southboarder
- naging favorite ko to dahil ito ang theme song nina Jensen at Jarred sa Truth or Dare.

* Always - Bon Jovi
- nakita ko sa tweets ni Adrius.. sa tuwing pinapakinggan ko yun siya naiisip ko :)

* Ikaw Lamang - Silent Sanctuary
- nakita ko naman sa tweets ni Donnie... FTW daw.. hahaha :D pero ganda ng kantang to.. pramis..

* Patunayan - Silent Sanctuary
- nakita ko naman to sa tweets ni Airboy....

* Shakespeare in Love - Layla Kaylif
- ito naman ay sa music playlist ni KikoMax aka Batman.. ganda ng melody nung kanta..

* Waka Waka - Shakira
- nasa playlist ko na to.. pero simula nung finiteaure to sa blog ni sir mots ayun lalo kong naging peyburit at pakanta kanta ng "Tsamina mina eh eh waka waka eh eh"

* Maghihintay Sa'Yo - Jhake Vargas
- theme song ng Baker King

------

KUNG HEI FAT CHOI sa lahat!!! (kaway jan!)

Monday, January 24, 2011

100 Truths

Nakigaya lang ako sa post ni Oreo.... bigla ko tuloy namiss ang BULLETIN BOARD sa Friendster...



100 Truths About Me


WHAT WAS YOUR:

1. last beverage- pineapple juice

2. last phone call- Tita

3. last text message- Ellen

4. last song you listened to - Tabi - Paraluman

5. last time you cried - nung isang gabi...



HAVE YOU EVER:

6. dated someone twice - di pa

8. kissed someone & regretted it - hmmm. wala pa lol

9. lost someone special - wala pa din

10. been depressed - palage!!

11. been drunk and threw up - di ako gaano nag-iinom good boy ako eh lol



LIST THREE FAVORITE COLORS:

12. Yellow

13. Black

14. Green



THIS YEAR HAVE YOU:

15. Made a new friend - meron ata

16. Fallen out of love - ay nako...

17. Laughed until you cried - depende kapag nakapagbasa ng mga nakakatawang entry..

18. Met someone who changed you - hmm wala pa eh

19. Found out who your true friends were - Yep...

20. Found out someone was talking about you - i dunno... pero bahala sila.. wa ako pake..

21. Kissed anyone on your friend's list - la pa..

22. How many people on your friends list do you know in real life - siguro 100/171

23. How many kids do you want to have - kahit ilan lol

24. Do you have any pets - si bush... the azkal dog.. lol

25. Do you want to change your name - pwede... pero dagdagan na lang sana..

26. What did you do for your last birthday - nag-emo sa MOA

27. What time did you wake up - 8AM

28. What were you doing at midnight last night - tulog

29. Name something you CANNOT wait for! - :wala...

30. Last time you saw your Mother - never kong nakita ang nanay ko

31. One thing you wish you could change about your life - lahat ng nangyayari saken ngayon gusto ko mabago lol

32. What are you listening to right now - Biglaan - 6cyclemind

33. Have you ever talked to a person named Tom - nyek wala akong kakilalang tom

34. What's getting on your nerves right now - mga gwapo lol joke!!!!

35. Most visited webpage - Blog, FB, PEX



PERSONAL:

36. Whats your real name - nako panget real name ko

37. Nicknames - eg

38. Relationship status - single poreber...

39: Zodiac Sign - Leo *roaaarr*

40. Male or female - Male

41. Pre-School - DayCare

42. Primary School - GARMS

43. Secondary School - GFMNHS



MORE PERSONAL:

44. Hair color - Black

45. Long or short - Short

46. Height - 5'6

47. Eyes - Black

49. Piercings - left ear..

50. Tattoos - none

51. Righty or lefty - righty..



FIRSTS :

52. First injury - hmm nung kinder ako.. nakaapak ng pako..

53. First piercing - last year lang la lang trip lang ginagaya sina Paul Jake at Tibo yung sa PBBDU

54. 1st Best friend - wala

55. First sport you joined - baseball

56. First vacation - sa kabilang bahay lang lol

58. First pair of trainers - wala



RIGHT NOW:

59. Eating - hinde

60. Drinking - hinde

61. I'm about to – bloghop..

62. Listening to - Numb - Linkin Park

63. Waiting to - wala....



YOUR FUTURE :

64. Want kids? - bahala na si batman..

65. Get Married? - i dont know.. pag nakabuntis.. lol

66. Career? - ay nako.. sira na ang aking career ahuhuhu :'(



WHICH IS BETTER :

67. Lips or eyes - Eyes

68. Hugs or kisses - HUGGSSSSSSSSSSSS...

69. Shorter or taller - taller

70. Older or Younger - pareho..

71. Romantic or spontaneous - romantic..

72. Nice stomach or nice arms - stomachhh..

73. Sensitive or loud - sensitive

74. Hook-up or relationship - pareho lol

75. Trouble maker or hesitant – ewan... di ko gets..



HAVE YOU:

76. Kissed a stranger - di pa

77. Drank hard liquor - dati... emperador ang pinakaayoko... asar ang lasa..

78. Lost glasses/contacts - palage.. labo mata eh..

79. Sex on first date - pag nakaiskor lol hahaha

80. Broken someone's heart - wala pa

81. Had your own heart broken - palageeeee...

82. Been arrested - d pa...

83. Turned someone down - wala pa or di ko lang alam..

85. Fallen for a friend? - hmmm.. minsan..



DO YOU BELIEVE IN:

86. Yourself - nako.. wala akong self confidence

87. Miracles - minsan

88. Love at first sight - hinde... pero sa 2nd sight.. PWEEEDEEEE..

89. Heaven - yep..

90. Santa Claus - hinde...

91. Kiss on the first date - pweeddeeee

92. Angels - yep...



ANSWER TRUTHFULLY:

94. Had more than 1 girlfriend/boyfriend at a time - wala pa nga eh.. kahit isa.. :( single since born lol

95. Did you sing today? - tumula lang..

96. Ever cheated on somebody? - minsan...

97. If you could go back in time, how far would you go? - dun nung bata pa ako

98. If you could pick a day from this past year and relive it, what would it be? - schooling...

99. Are you afraid of falling in love? - hinde... try try lang yan.. pero kapag nabrokenhearted iyak na lang lol

100. Posting this as 100 truths? – sa palagay mo? bahala ka ng maniwala lol

Sunday, January 23, 2011

Kim Tak Gu - Soda Dance


Ay nako para mawala ang inet ng ulo ko eh.. sasayaw na nga lang ako...


Loser Mode...

Ako ang pinakaLOSER na tao sa buong earth yahoooo.... hmp...

ay nako bwiset lang... mainet ang aking ulo.. as in uber HOT... ampatuan na buhay na to... sumasapi saken si Ampatuan... hmp...

ay ewan ko ba.... nababaliw na ako.... kung ano ano na lang ang mga iniisip ko...

BLOGHOPPING >>> PEX >>> FB >>> BAKER KING >>> TWITTER >>> BROMANCE STORIES >>> ADRIUS >>> ILUSYON MODE >>> BANDA >>> TINATAMAD MAGPHOTOSHOP >>> BORING >>> SOUNDTRIP >>> TUNGANGA MODE >>> FIESTA NG TANAY >>> EXCITED SA FIESTA NG SILANG...

ay nako.... basta naiinis lang ako sa sarili ko... wala lang... trip ko lang... may sayad na yata ako... puro ilusyon na lang ng ilusyon sa mga nakikilala ko sa net... grrrrr... eh mga imposible naman mangyari at kahit kelan eh di ko naman makikilala... hayyyy.. ako na ang tanga at puro daydreaming at mga lalake ang nasa isip.... hmp... na buhay...

ayun dinelete ko na lang ang aking twitter ayoko na mabasa mga tweets ni adrius.. grrrrr lang... lage na lang siya nasa isip ko at laman ng panaginip ko... at para di ko na siya maisip eh dinelete ko na lang ang aking twitter.... para iwas chismoso mode... hahaha...

yun nga lang, di na ako nakapagpaalam sa kanila... pero OKs lang di naman ako kawalan dun...

hmmmppp.. AKO NA ANG LOSER sa buong earttthhhhhhh...... ang pinaka sa mga pinaka... yahooo.... :D

kainis lang... sarap magwala.... hay buhay.... ako na ang TANGA ang mega tanga....

baliw na kung baliw... kabwiset lang...

Thursday, January 20, 2011

Ganon?!

I write like
Kurt Vonnegut

I Write Like by Mémoires, journal software. Analyze your writing!


me ganon? weh di nga??? hehehehe :D

-----------------

so far, naeenjoy ko ang BLOG.... sarap tumambay at magbasa ng magbasa sa blog ng ibang tao about mga buhay buhay... wuhooo...

enjoy much lang lol....

wish ko lang eh magtagal pa ako sa mundong to.... boring na kasi sa PEX.... pero kahit paminsan-minsan nabisita pa din ako lol.....


hmmmm... sana marami pa ako madiskubreng mga nakakatuwa at makabuluhang bagay bagay....


kahit boring ang buhay ko eh.. ansaya pa din... :D

Wednesday, January 19, 2011

The Baker King - GMA7




Yehey... me bago na naman akong kahuhumalingan na ASIANOVELA...

Nung monday ko lang siya natipuhan panuodin kasi di pa ako inaantok... at grabe ang galing nung young TAK GU cute pa.. pati na din yung young MATTHEW... hmmm di ko pa alam kung ano story, pero isa lang alam ko tungkol siya sa mga tinapay... Naalala ko tuloy yung cartoon na tungkol sa tinapay forgot ko na ang title....

Anyway, cute ang bida kahit nung malaki na sila... ehem.. basta subaybayan ko na lang to sa TV and sempre need ko din bumili ng DVD sa bangketa lol.... ah basta yun na yun hehehe...





Sunday, January 16, 2011

Failed...

palpak ang banner ko... amp.... kung kelan ko natipuhan gumawa.... amp(atuan)...

pahelp naman po... pede... kung pano gagawing center? lol.. or i-fifit...

thanks ng madami :)

Diary 01-15-11 (Gutom)

WARNING: Walang kwenta ang entry na to. Thanks.


Kahapon, me nagparush tarp saken... at 6PM ko kukunin sa Salinas eh 4PM na that time... tapos isang biscuit ng ButterCream Crackers lang kinain ko sa pagitan ng 4-5PM buti naman pumayag yung pinagpiprintan ko na 6 makukuha... den poof biglang naging busy ng isang oras... buti natapos ko agad... den 5PM na... konting bloghopping... den 5.30 na.. sinarado ko na ang aking munting tindahan....

Pagkasakay ng jeep bwiset... di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.. nahihilo ako na nasusuka na nagugutom na kumakalam ang sikmura.. Gusto ko magback-out as in hilong hilo na ako na paranoid... daming bumagabag sa aking isipan amp(atuan)...

Sabi ni kanang utak...

"Baba ka na ng jeep, umuwi muna den kain ng hapunan baka atakihin ka na naman.... "

Sabi ni kaliwang utak...

"Nako bahala ka... pag nagsuka ka jan at nawalan ng malay eh lagot ka.... "

Sabi naman ni sentrong utak...

"Ganito gawin naten, pagkababa ng SM tumakbo ka agad den bumili ng 2 waffles pantawid gutom lang... "

so sinunod ko si sentrong utak... at tiniis ko ang lahat.. den pagkababa ng SM rosario.. bili agad ng waffles... nilamuntakan agad.... at ayun.. nawala na hilo ko....

Nakuha ko naman ang tarp sa awa ng Diyos at umuwi na rin.... di na ako nakagala.... :(

pero Okie na yon at least safe.... pero ayoko na talagang mangyari yung inatake ako sa jeep last 2009.... feeling ko mamatay na ako non panahon na yon...... buti eh matibay ako kaya nakayanan ko.... haaayyyyy :(

-------------------------------------------------

Asar si Paging twitter.... naglalagers in paris... hindi tuloy ako makapagbasa ng mga tweets lalo na mga tweets nina Adrius at Donnie huhuhuhuhu :'(

asar talaga... pero pag blog at pex at fb at youtube di naman naglalag haaayyyy bwiset talaga.... kakainesss!!!!!!!

siguro kaya ganon... naiinlove na siguro ako sa 2 yon... lol.. makielam daw ba si twitter sa aking lablayppp hay bwiset... saka na nga lang...

Monday, January 10, 2011

May naalala lang.....

Guys mejo madrama to.. sensya na lol...

----------------------------------------------------------

Hay ewan ko ba kung anong klaseng pag-iisip meron ako noon... Nung panahon na nagwowork ako 5years ago... pero isang business establishment lang naman yon... photo studio... layout artist ako... 2 kameng OJT noon.. pero ako.. wala sa sarili palage... ayun di nagfocus... hanggang sa nagtuloy-tuloy ako don... lahat ng layouts ko reject... masakit... pero kinakaya ko kahit mabigat sa pakiramdam ika nga my favorite hobby is to be depressed.... Yun nga lang naka 2 buwan lang ako.. di ko na kinaya... stress daw ang tawag don... noon ko lang nalaman..

Nagtry ng panibago ganon pa din... nakatagal kahit papano.... kaso mahina pa din ako.. isang sumbat pa lang iyak na.... ah ewan ko ba bakit ako ganon... palaging malungkot... pero tinitiis... naka-ilang buwan lang den ayawan na.... ako pa rin yung taong madamdamin at super sensitive... Ang hirap ng ganito yung naiiba ka sa lahat... buti pa yung iba normal lang sila.. pero ako normal nga ba? hmp! sakit isipin na me diperensya din....

-----------------------------------

Ang tanga tanga ko.. nagpauto pa ako... ayun naging taga bantay ng compshop for 2years... :( siguro naawa sila saken.. kaya yun na lang ang binigay ng mga tita ko... ako naman uto-uto sige lang... siguro dahil sa matinding lungkot kamamatay lang kasi ni lola dat time and malungkot din sa work... kaya ayun computer shop na lang...

Nung una masaya... bagong mundo.... bagong mukha... bagong mga kakilala at bagong mga discoveries... masaya pala sa internet world.. maraming magagawa.... pero ayun kapag sinisiraan naman ako napipikon agad masyadong paapekto... hanggang sa nagdamdam... tinamad... ayawan na naman.... in da end im a LOSER!

Hayyss ang hina ko talagang tao...

---------------------------------

Isang taon tumambay sa bahay... wala ng tumanggap... amp... hirap pala mabuhay dito sa earth... inubos ang mga ipon.... waldas waldas waldas... amp

--------------------------------

Pero si Tita mabait pa rin saken... binigyan ako ng bago... at hanggang ngayon sa awa ng diyos... steady pa.. OK pa... pero malungkot pa rin ako minsan... umaasa na lang ako sa internet na nagpapasaya saken.. sa internet at computer na bestfriend ko...

sinayang ko talaga... kung di sana ako nagpakahina, kung di sana ako nagpakaduwag, kung lumaban sana ako..... siguro iba takbo ng buhay ko....

naiinggit ako sa mga kaibigan ko magaganda mga kinabukasan nila... maganda mga buhay nila.. pero wala eh.. ako ang may gawa nito eh... kaya tanggapin na lang...


amp... ang emo ko sa post na to... naaalala ko lang... basta i-enjoy ko na lang kung ano ang meron ko ngayon.. kung ano ang nagpapasaya saken....

pero sana balang araw.... balang araw... makamit ko din ang tagumpay....



Sunday, January 9, 2011

drama no. 5

Hayyysss... sinalubong ko ang bagong taon na binati ko kayo sa twitter... kung alam nyo lang, kayo ang nagpapasaya sa buong araw ko... mabasa ko lang mga tweets nyo mga kulitan nyo ngiting abot tenga na ako... Halos ilang buwan ko na kayo nakasama simula pa nung sa sa MVP thread sa pex na close na... simula nun, lage ako excited na magbukas ng PC at nakakalimutan maglinis muna... at derecho internet agad at excited mabasa ang mga comments at tweets...

sana matagal ko pa kayong makasama sa cyberworld... ang saya lang... swerte ko nakilala ko kayo sa net.. kahit di ko kayo kilala sa personal na buhay.... kayo ang pinakaCOOL sa lahat na kaibigan na nakilala ko.. mga gwapo pa lol jowk!!!! sarap kausap, sarap kakulitan, sarap kaasaran, sarap i-seating on a tree MQ mode at kung ano ano pa....

love ko kayong lahat... sobra!!!!!!!!!!!!

kung wala kayo... di ako masaya.... thanks kay Lordy talaga... im thankful...

:)


Wednesday, January 5, 2011

Sikretong Malipet...

nyek... :D







MY 2010 SONGS

, mMga kantang tumatatak sa 2010 life ko...

1. LOVE WILL KEEP US ALIVE -Eagles


- theme song ng MVP... nina Mark and Kevin... hayys ilang buwan ko din tong inaadikan at hanggang ngayon adik pa din... isa to sa mga New Year Theme Song ko... sinalubong ko ang new year sa saliw ng kantang to... astig... sempre naaalala ko ang MVP at si Sympaticko sa kantang ito.. at mapapangiti na lang ako na abot tenga.... :D


2. ALL ABOUT LOVIN' YOU - Bon Jovi


- theme song sa kwento ni Lyts na Let My Heart Be Your Dancefloor... simula nung mapakinggan ko ayun na-LSS ko na... tapos sa tuwing nagchachat kame... palage ko kinakanta sa chatbox lol... hayy bigla ko tuloy namiss si Kuya Lyts.. kasi sa tuwing napapakinggan ko to siya ang unang naiisip ko...

3. BACK TO ME - Cueshe


- Theme song sa kwento ni Kuya Mike na Ang Kuya Kong Crush ng Bayan.. na nirecommend saken ni Troyee... na naging kachatmate ko nung August at September... at siya ang naaalala ko sa kantang yan.. sempre pati na din ang love story nina Romwel at Jayson na sobrang nakakatuwa...

--------------------------

4. SAY SOMETHING ANYWAY - Bellefire
- isa sa mga theme song ng Let My Heart Be Your Dancefloor ni Kuya Lyts.. ganda ng melody.. hanggang ngayon di parin ako nagsasawa...

5. A THOUSAND MILES - Vanessa Carlton
-isa din to sa naging chapter sa kwentong The Lightning Train Commuters Band ni Hallur.. nung eto ang lumabas na chapter hay bigla akong napayoutube at naadik ulet sa kantang to.. kasi isa to sa mga top favorite yearender songs ko nung 2002. Kaya ayun adik pa din..

6. PARTY IN THE USA - Miley Cyrus
- isang episode mula naman sa kwento ni Hallur na The Lightning Train Commuters Band.. at dahil sa kantang to... nauso ang PAPUCHINO LIKE YEAAHHHH... sa thread niya... na-LSS din ako kasi sa episode na to ganda ng takbo ng TLTCB...

7. NOTHIN' ON YOU - Urbangermany Cover
- wala lang favorite ng pinsan ko at ang ganda nga ng boses ni Urbangermany josko.. malamig at masarap sa tenga...

8. JUST THE WAY YOU ARE - Urbangermany Cover
- isa pa tong favorite ko..... thanks sa aking pinsan lol...

9. DROPS OF JUPITER - Train
- Nung July mejo parang naglielow ang thread ang symps at kame2x lang ang andon... tapos puro trippings ng mga kanta.. at naging favorite to ni sympaticko.. kaya nakigaya na rin ako ayun favorite ko na din at ang ganda nga ng kanta...

10. BABY - Justin Bieber
- dahil favorite ni chachaboom maya't maya gusto magpatugtog ng BABY OHHHH... den sayaw sayaw na....

-

Sunday, January 2, 2011

MY NEW YEAR 2011



Ang Aking Pagsalubong sa Taong 2011....

* Napagpasyahan ko na mag-New Year sa mga tita ko sa kabilang barangay kasi ang daming nagpapaputok sa amin, di ako makalabas ng bahay.. at sa kadahilanang nakaduty si Kuya ko sa kampo ayun dun muna ako matutulog sa kanila with his wife and baby...

* For the pers taym... TUMULA ako sa videoke ng Love Will Keep Us Alive at Wake Me Up When September Ends... muntik ng bumagyo grabeeeee....

* Sarap ng mga pagkain.... nomnomnom...

* Naglagay na ako ng mga pera sa bulsa wala lang... sinusunod ang aking mga pamahiin lol

* Nung malapit ng mag-alas dose napansin kong walang masyadong nakahain sa lamesa sa bahay ng kuya ayun... dali dali akong pumunta sa tita ko at kumuha ng 6 na ubas at 6 na little ponkan yung 12 bilog bilog.... at kumuha na rin ako ng pagkain ko na kakainin ko after ng alas dose at ayun inilapag sa hapag-kainan nila...

* Nagulat kame biglang dumating ang Kuya ko... malapit ng mag-alas dose nung time na yon.. nakahabol pa ang loko.....

* Nung alas dose na HAPPY NEW YEAR na... talon ako ng talon at nakakatitig sa napakaraming fireworks... grabe busog na busog ang mga mata ko sa mga fireworks kabilaan ba naman... meron sa harap sa kaliwa sa kanan at sa likod iikot ka na lang para makita ng buo.. ang saya!!!!

* Naglusis lusis kame ng mga pinsan ko and picturan....


Kinaumagahan..

* Nagpasayo ang CWE sa bayan dahil sa kanilang bagong New Uniform na MP Uniform... (Manny Pacquiao Inspired Uniform)

*Ganda ng uniform nila.... pauso lol!!! ayun vinideohan/pnicturan ko na din at inupload....






About