Saturday, August 27, 2011

Diary 08/27/11 T@nz@ TowN F!est@ 2011






August 27, 2011

Nung araw na yon ang aga ko gumising.. pero im super duper booper PUYAT!!!!! alas dose na kasi ako natulog... kasi ba naman me kausap sa cellfone haayyyyzzzz kakatuwa.. kasi nun lang ako nagkaroon ng ganon kausap.. sarap... kengkoy siya... kaya sarap kausap... pogi pa ng boses... favorite ko sa expression niya eh #siraulo

---------

Heniwey.. pagkagising ko tadaaannn.. ang lakas ng ulan.. me bagyo pala.... pero ayun go pa din sa Tanza para manuod ng Marching Band Parade... taon2x eh kinagawian ko yon.. pero this time sayang at umuulan... :(

pero nagpasama na rin ako sa pinsan kong si Jeje kahit me pasok siya.... pero magpapalate ata siya... buti naman at sinamahan niya ako... at ayun nun sumakay kame ng bus at nung akmang baba na eh.. na-Miriam Quiambao ang aking pinsan.. grabe nadulas sa may hagdanan ng bus.. buti na lang nakakapit kundi eh tuloy2x na siya hanggang labas.. at pagkababa.. grabe walang humpay ang tawa ko...

nakarating kame hanggang biwas kasi sasalubungin namin yung parada wala lang.... :D at ayun nagpapicchur muna me.....

with spongebob

di nagtagumpay ang aking unang plano.. kasi plano ko eh. sasama ako sa Sta. Monica rerecord yung marcha nilang El Caballero.. pero waaahh di nila tinugtog.. binago nila ang marcha nila.. huhuhu muchhhh... :'( kaya nagpasya na lang akong magvideo na lang at wag ng magrecord..

heniwey... nun magvivideo na ako ay bumaligtad naman ang payong ko.. dahil ito ay mumurahin lamang.... hay ayun.. yung pinsan ko na lang ang nagvideo.. at naghanap na lang ako ng masisilungan at nanuod sa isang sulok..... lakas talaga ng ulan.. panira....

heniwey.. enjoy naman... lalo na yung banda ni Jon ang dumaan yung St. Jude B@nd... yun kasi ang dahilan kaya gusto ko manuod, ang makita ang bago nilang uniform..... ganda pala at ganda ng pagkakaparada nila... hanep.. mejo cute pala siya. matangkad lol waahahahahahah... :D

tas nun tapos na parada... naghiwalay na kame ni jeje kasi papasok na siya sa OJT.. kaya nilakad ko na lang ang buong umboy kahit mega lupet ang hapit ni MINA.. pero ang sarap maglakad sa bagyooooo.. feel na feel ko lang...... at naghuling hirit ako... nagvideo ulit ako sa St. Jude.. gusto ko sana pumunta ng simbahan pero mukhang di ko na kakayanin ang lakas talaga ng ulan at basang basa na ako...

tas nakita ako ni jon nung nakaparade rest sila.. ngiting ngiti lang ako... hayyyzzzz....

eto lang mga nagustuhan ko na mga banda....






----------------

August 28, 2010

At dahil di ako nakapunta nung aug 27 sa simbahan kaya naisipan ko na lang na ngayon ako pumunta... grabe ang daming tao!!!!!!!! fiestang fiesta..... ramdam na ramdam ko... daming nagtitinda...

pumila ako para humalik dun kay Tata Usteng... ang paborito kong Santo.. kasi bata pa lang ako eh deboto na ako sa kanya.. Dahil para daaw bumait ako... at lage akong present sa Tanza sa tuwing kapistahan niya.....

grabe ang daming tao sa simbahan.... haneeepppppp.... pumila pa ako dun kay tata usteng.. and its reminds me of Pinoy Big Brother audition....


sa may likod ng simbahan

sa may bukana.. pagkatapos ng gate

sa likuran pala ang napilahan ko. grabe yung sa unahan ng poon ang haba ng pilaa.... pero mas ok na yung sa likod
pila pila mowdd.. walang pogi....

sina St. Augustine at Sta. Monica

habang kumakain sa 7eleven

-----------

2 comments:

glentot said...

Kasali rin ako sa band noon kaya gusto ko rin nanonood ng ganyang parade...

egG. said...

@glen...

nakapanuod ako ng panagbenga sa youtube.. me mga banda din pala sa baguio ehehehhe... hopefully makanuod ako nun panagbenga sa personal hehehehe... :D

About