Wednesday, June 29, 2011

Diary 06/29/11 Sakit sa Katawan....


Hay nitong mga nakaraang araw... napapansin kong lumalake tiyan ko... pero dati rati.. nagagawa kong magsit ups.. pero minsan kinatatamaran din.. as in me times talagang nakakatamaaadddd... lalo na sa umaga.... pero kapag napapansin na lumalake eh need ulit magsit ups....

at sa kadahilanang tambay ako sa body fitness sa PEx ayun nagsearch search ng some threads na about pagpapaliit ng tiyan... at ayun me mga links na from youtube...

at eto yung mga yon...






at ayun kinagabihan after magdinner ayun warm up warm up ako sa may compound namin marcha marcha isang kanta.. den sa sunod na kanta. ayun ginawa ko na yung cardio exercise yung puro lundag ng lundag. pota.. nakakahingal.. pinagpawisan akong maige matching with hilo... na kala mong umuuga ang mundo..... jusme... after non sinubukan ko naman na mag-jumping rope potaaaaahhhhhhh.... naka-3minute lang ako suko na ako... ayun feeling ko magsusuka ako.... at ayun uminom ng malamig na tubig at derecho sa kwarto nahiga... as in nahilo ako ng bonggang bonggaaa..... lintek na cardio na yan.....

after 30minutes.. nagsit ups na lang ako mga tig tu twelve.... tas sinubukan ko yung exercise na PLANK... ay grabe nakakalokaaahhhhh... naka14seconds lang ako tagatak ang pawis ko.... tas pahinga den plank ulit... 10seconds.. den ayawan na....



pero epektib yung plank kasi parang tumitigas yung tiyan... hinihipo ko kasi after ng pagkaplank.. kaso mo puro belly fat ang tiyan ko haaayyzzzz :( nakakapagod nga lang.. kasi endurance... tatag ng braso at balance ang kelangan...

-----------

kinabukasan syeet.. ang sakit ng katawan ko... lalo na yung binti ko.... pero sit ups pa din.... den plank den lundag lundag....kahit jumping jack lang.... at ngayon... as in para na akong malulumpo napakasakit ng binti ko... haaayyyyyzzzz kalokaaaahhh....

sana mawala na tong belly fat sa tiyan ko.. wish kow laaaanngggg

Monday, June 27, 2011

Walang Kwentang Random No. 10


June 25,2011 - June 27, 2011

1. Nitong sabado Grand Finals ng PGT kaya ayun nanuod ako... at based on the performance eto mga nagustuhan ko...
* Happy Feet - gusto ko chemistry nila magkapatid.. masaya panuodin
* Freestylers - ay jusme.. nakakalokaaaaa... halos ang lalim ng paghinga nung pinanuod ko sila
* Marcelito Pomoy - yay da prayer ang kinanta niya... Oks naman...
* Rico D Magician - naloka ako ke ate... pero feeling ko me daya yung magic na yun
* Buildex - gusto ko boses niya...

at ayun nanghinayang ako ke Angel kasi parang wala lang yung act niya.. tas yung skeights wala lang.. para lang silang nasa BAR.. nakakahiya lang performance nila... tas si Jem pakyut lang walang awents.....

2. Napapadalas ako sa PinoyExchange.com ayun tumambay sa Travel and Leisure section nagbasa ng tungkol sa Baguio at nagtanong kung paano makapunta ng Star City na galing MOA buti at me sumagot naman sa tanong ko. pero nakakalokaaaa... kasi sa sasakay pa ng jeep na pabuendia at baba ng world trade center.... at ayun winikimapia ko siya.... pero mas naisip ko kung pupunta ako eh sa CCP na lang ako baba....



3. At dahil nagwikimapia ako... ayun tinignan ko yung mga dinaanan namin nung nagpunta kame ng Baguio at ayun naglurk na din about sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.. at tinignan ang Wesleyan University of the Philippines... wala lang... me kinaiinteresan lang akong tao.. ayun pati skul niya binuklat ko na din... at nagpunta sa youtube... at lurk lurk about Nueva Ecija... malaki pala siya... yun lang...


4. Sa PinoyExhange.com ayun napadpad ako sa Body and Fitness section at ayun nagbasa basa ng mga tungkol sa 3x5 bench press, deadlift, squat.. at pagdating ko sa youtube.. waaaahhh barbel pala siya.. nakakalokaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...... haayy kung mayaman lang sana ako gusto ko magGYM... at ayun nagkainteres ako sa youtube na magsearch search ng mga cardio workout at sit ups workout at dinownload tas gagayahin ko...

5. Nanuod ako kahapon ng basketball sa complex nakakaloka.. daming tao.. at ang ganda ng laro.. hanep lang.. kasi umabot hanggang overtime at dun ako sa tuktok.... ang ganda lang ng view lol... at pati yung scoreboard dito samin eh hitech na din... di na blackboard lol....


6. congrats na din kay Marcelito... kahit di ko siya bet... lol

7. Snackbox ang hapunan ko.. pasalubong ni Tita galing kasi sila SM.. at ayun naloka ako.. kasi peyburit food yon ni Username.. pero nung kinain ko na yung chicken.. nakakaumaaayyyyy... haayyyysss ayun di ko naubos... pero gusto ko yung french fries....


yun lang as of now.. walang kakwenta kwenta pinaggagawa ko.. how boring my life... :(

Friday, June 24, 2011

Diary 06/24/11 Basaan / Ulan




Pista ni San Juan Bautista ngayong araw na to... basaaannnn!!!!!!!!! kaso me bagyo :( saka friday.. ayun araw ng aking paglalaba..... wewew.... kaya waleeeyyy.....

ayun habang naglalaba pinanuod ko na lang yung mga bata na nagbabasaan sa gitna ng ulan ang saya saya lang.. at nanumbalik ulit ako sa kahapon....



2000 - first year HS ako noon sa kadahilanang me San Juan dito samen na barangay ayun namiesta ako sa klasmeyt ko at sumakay ng jeep ayun nakakalokang biyahe dahil babasain kayo sa jeep ng isang timba or water gun kaya bago ka makapunta sa paroroonan eh basa ka na... pero gandang moment yon di ko makakalimutan... Tas kasama ko pa noon na mamiesta si Puppy Love ko noong First Year ako ayun... ayun tinukso tukso ako....

2004 - after ng class namin dun sa may lobby me nakamotor na binasa yung mga klasmeyt kong nasa labas... ayun tawa kami ng tawa.. tas inaya ko yung klasmeyt ko na umuwi na kame agad para maabutan pa ang basaaan pero sadly... wala ng basaan nung umuwi na kame.. tanghali na kasi.. :'(

2010 - last year ayun tuwang tuwa ako.. kasi inutusan ako ng Tita ko sa mismong araw ng basaan lol hahaha ibig sabihin makakalabas ako ng bahay lols... ayun pumunta lang naman ako sa school ni Tita at hinatid ang tarpaulin... at ayun pagkasakay ng tricycle... tananananaan.. ang dami ng nakaantabay sa labas ayun instant basa na.. at pinasok pa ng tubig ang ilong ko ng tubig from water gun.. ayun happy na me.. lol


at ngayong 2011 wala.. naglaba lang ako.. pero kahit ganon eh binasa pa rin ako ng mga bata kahit nasa poso lang mga loko loko talaga.....

--------

after maglaba ayun naisipan kong.. MALIGO SA ULAAAAANNNNNN.... waaaaaa ang sarap ng pakiramdam grabe...... ayun takbo takbo ako sa compound namin na parang bata.. marcha marcha.. sayaw dito sayaw doon kasi wala naman katao-tao sa labas... ang sarap ng pakiramdam para akong naging bata ulit.. tas nakipaglaro ako sa mga bata ayun basaan kahit malakas ang ulan... masaya..... pero ang ginaw lang.... heheheheeh... kakatuwa... :D


eh ikaw... ano magandang moment mo kapag basaan senyo????? share naman :P


Thursday, June 23, 2011

January - June Fave. Songs 2011


Hayyyzzz walang magawa. maishutdown na nga lang ang mga peborit kong kanta this year of 2011 na ginaya ko kung kani-kanino at nagustuhan ko din sa pamamagitan ng exploring ek ek.... luma man o bagong kanta basta mga nagustuhan ko sa taong ito... :D


Habang Atin Ang Gabi - Southborder Mp3
Mp3-Codes.com

1. Habang Atin Ang Gabi - Southboarder
- truth or dare story

2. Always - Bon Jovi
- randomplaylistnilloydie

3. Ikaw Lamang - Silent Sanctuary
- donnie

4. Huwag Mo Nang Itanong - Eraserheads
- Ang Buhay Ni Carlo Story

5. Huling El Bimbo - Eraserheads
- Ang Buhay Ni Carlo Story

6. Patunayan - Silent Sanctuary
- donnie or kino (d ko na alam)

7. Brielle - Owl City
- donnie

8. Pangarap Lang Kita - Parokya Ni Edgar feat. Happee Sy
- blog ni soltero

9. Waka Waka - Shakira
- recommend ni wilkins nung december

10. Shakespeare In Love - Layla Kaylif
- blog ni kikomaxx dati niyang playlist

11. Firework - Boyce Avenue
- nakita ko sa youtube and because of Pyrolympics

12. True - Ryan Cabrera
- donnie

13. White Houses - Vanessa Carlton
- randomplaylistnilloydie

14. Dahil Ikaw - True Faith
- randomplaylistnilloydie

15. Marry Your Daughter - Brian McKnight
- ninyo

16. Bida Best sa Tag-Araw - Angeline Quinto
- sa tv

17. DJ Got Us Falling in Love - Usher
- sa isang gay pageant ko narinig

hope madagdagan pa... para sa end of the year gawa ako ng TUFF TEN... na peborit kanta kagaya ng ginawa ko nung January...

no. 1 pa din sakin yung Habang Atin Ang Gabi ng southboarder.. madalas patutugtugin sa mp3.. den follow by always... hmmm me kakabog pa kayang mga bagong kanta for me.. heehehe... :D

naaalala ko tuloy taon taon gumagawa ako ng mga ganito every year... mailagay nga dito yun sa blog na ito.. pero sa respective dates nila.... :D

Monday, June 20, 2011

Diary 06/20/11 Ang Tanga Ko Pramis


Ngayong araw na to.... sempre as usual andito lang sa mumunting tindahan... sempre excited magTWWWIIITTTERRRRRRRR..... dun na lang kasi umiikot ang aking mundo sa ngayon.... inpernes ha... 8months na akong active sa pagtutwirrer... dahil sa mga kapexer ko... kaya NKKLK... wala lang... Kakatuwa kasi bago ang DP ni Username mukha lang siyang engot... pero as usual nakukyutan talaga ako sa kanya... haaayyyyzzzz.. aym so inlab with him na.. pero ayun nga.. hanggang sa pangarap ko lang siya.... ang sarap lang kumanta nung....

"mabuti pa sa lotto may pag-asang manalo
di tulad sayo imposible..
prinsipe ka akoy dukha
Sa TV lang naman kasi mangyayareee..

At kahit mahal kita... wala akong magagawa...
tanggap ko to aking sinta... PANGARAP LANG KITA...."

na nakita ko ang kantang yon sa blog ni Soltero...


At after lunch umuwi ng bahay para kumain at yun nga lang sinama ko ang 6years old kong pinsan na si Schan Boy.. wala daw kasi silang pasok at gusto magCounter Strike.... kaya ayun.. no choice isama ang bata.... kahit A-Y-O-K-O..... kaya ayun ako nakatunganga.... nagpapatugtog nung peyburit niyang Eternal Summer nakakaloka lang kasi yung kantang yon galing sa isang Gay Movie. pero gustong gusto ng bata... hay nako....

------------------------

At ayun dahil nakatunganga lang. nagpapatugtog ayun di maiwasang magdaydreaming... iniisip ko si Username... ano kaya kung ganito eksena ko with him....

Scene No.1

Nasa star city kame 2... tas ayun sumakay ng Star Flyer.... tas sigaw ako ng sigaw tas siya nakangiti siya.. haayy sarap ng feeling...

Scene No.2

Sa Star City ulit.... pumasok kame sa Haunted House tapos sa sobrang gulat ko eh sinapak ko yung mumu tas tawa siya ng tawa...

Scene No. 3

Sa MOA nanuod kame ng Fireworks.. tas nakangiti ako sa kawalan... tas bigla niya akong inakbayyyy.. haayyyy NKKLK....

Scene No. 4

Yung magpapaalam na ako sa kanya na uuwi na.. at nagpasalamat... matching with bow... tas naiyak ako bigla.. tas bigla ko siyang niyakap.... haaayyyyssss.....

----------

Haayyysss lahat yun hanggang sa pangarap lang..... nagdedaydreaming habang nagsasalin ng INK nakacontinuos kasi ang printer namin... ayun.. ang katangahan... imbes na BLUE yung nailagay ko sa color blue.. nalagyan ko ng color BLACCCKKKK... huli na ang lahat....

as in... nanghina ako bigla..... naiisip ko tuloy... pano na quality ng mga print.. waaahhh baka mawalan na ako ng mga customers na yung color blue.. magiging dark blue... haaayyzzzz....

makakaSurvive ba ako netoh... haaayy buhayyyy Nakakaloka...

ang tanga tanga ko talaga.. di ko maintindihan ang sarili ko bakit ganon na minsan nawawala ako sa sarili ko....


NKKLK!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Saturday, June 18, 2011

2010 - Favorite Bromanserye



Last year nahumaling ako sa mga bromanserye.... nagsimula ito sa PinoyExchange February noon at ayoko ng ikwento pa ang dahilan dahil andito siya sa post na to MY PEX WORLD 1 kaso di ko na itinuloy ang pagkukwento dahil tinamad ako.. kaya listing na lang ako ngayon..... pero di lang sa forums ako nagbasa pati sa mga blogs na din.. katulad ng Bi Out Loud at Michael Shades Of Blue.. wala lang kaadikan lang..... At ayun ginreydan ko na din based sa panlasa ko sa story.... :D


1. MOST VALUABLE PLAYER by Sympaticko (PEx)


Ito ang pinakakinaadikan kong BROMANSERYE sa lahat as in hanggang ngayon adik pa din ako dito.... Ito ay kwento ng 2 lalake na nagkakakilala sa isang Basketball Tournament den naging magbestfriend.... tas ayun dun na nag-umpisa ang kanilang nakakakileg na kwento... as in... naadik ako sa jollibee... kaso madalas nilang orderin eh B3 pero twice pa lang ako nakakain non... ang mahal kasi eh.... tas naadik sa Love Will Keep Us Alive... tapos nakakulitan ko pa si IDOL... dun mismo sa thread... kumbaga nakakausap mo yung author.. at ang nakakatuwa sa lahat tru2layp to.. hehehe... at kahit pano naging kaibigan ko sya with his fans... ayun barkada.... dati sa pex kame ngayon sa twitter na.... Ilang beses kong inulit ang kwentong to.. di ko talaga nipagsasawaan anjan yung nakangiti akong abot tenga love this story so much....

Favorite Characters:

Mark Lopez & Kevin Huget and Yaya Rosie...

Favorite Scene:

Yung umpisa.. kung pano sila nagkakilala... yung pano pinahiram ni Huget yung sapatos niya kay Mark... na pinag umpisahan ng kanilang magandang pagkakaibigan....

Baguio moments nina Kevin at Mark.

Roadtrip nila nilibot ang buong Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac na sobrang saya dahil sa kulitan nilang dalawa...

Favorite Soundtrack:

Love Will Keep Us Alive

Rating: 98.3




2. ANG KUYA KONG CRUSH NG BAYAN by Kuya Mike (MSOB)

Umikot ang story nito sa buhay ni Jason isang spoiled brat na sumali sa isang Volleyball group sa kanyang school tas ayun lumalaban sila sa iba pang school as tournament at dun niya nakilala si Kuya Romwel at ayun nagkaharutan na sila... Dun lumalim ang samahan nila... na parang mag"KUYA" den hanggang sa naramdaman na ni Jason na me nararamdaman na siya para ke Romwel... Andun yung sinamahan ni Romwel si Jason sa hacienda nila... andun yung kung pano tinulungan ng pamilya ni Jason si Romwel nung panahon na nasa kagipitan siya.. at maraming twist ang kwentong to.. ay grabe lang... NKKLK... pero worth reading naman kasi me nakakatawa, nakakalibog, drama, at mga lesson about pag-ibig plus me action pa.... kaya ayun gusto ko ang kwento na to.... para akong nanuod ng movie ng matapos kong basahin... Fiction lang siya... lol

Favorite Characters:

Jason, Romwel, Paul Jake

Favorite Scene:

Sa ospital yung asaran nina Jason at Shane.

Yung kapag nagsusurprise si Romwel eh sa bintana dumadaan.

Yung action scene sa huli... akala mo kasing teleserye ang dating hahaha...

Favorite Soundtrack:

Back To Me - Cueshe

Rating: 85.8


3. THREE AND A HALF HOURS by The War Zone (PEx)

Ito naman ay istorya nina Jino at Darryl.... dahil si Jino ang pinakamatalino sa klase at dahil si Darryl eh basagulero ayun nagpatutor si Darryl kay Jino na nagpabago ng lahat.... at naging sila.... ang pinakanakakakilig na part dito eh.. yung tawagan nilang My Master... at My Soldier... Nung una ko tong binasa eh 5hours straight... ayun para din akong nanuod ng movie at nakakakilig din....

Favorite Characters:
Darryl

Rating: 85.7



4. SI UTOL AT ANG CHATMATE KO - Kuya Mike (MSOB)

Kwento naman ito ni Enzo na nakipagchatmate pero Kuya Erwin niya ang ginawa niyang front dahil pogi ang kanyang Kuya.. At di naglaon nakipagmeet sila kay Zach na kachatmate ni Enzo at si Erwin ang ginawang front at ayun nagkagulo gulo na ang buhay nila.... ng maaksidente ni Erwin ang motorsiklo ni Zach na nagpabago sa sa buhay ng magkapatid na Enzo at Erwin. Nako.. ang daming sex scene. kalurkey..... pero gandang story din... parang ginaya lang din dun sa AKKCNB...

Favorite Characters:

Erwin

Favorite Scene:

Sa restaurant kung san nakipagmeet si Enzo kay Zach na nagkanda gulo gulo dahil ke Erwin na nagpanggap pa na me kakambal si Erwin...

Rating: 83.1


5. MY YOUNGER YEARS SA UNCLE KO by Justin (BOL)

Tungkol naman sa buhay ni Justin.. simula nung pagkabata niya hanggang siya eh magcollege na punong puno ng sexcapades na NKKLK!!!!! hanggang sa matagpuan ang kanyang Prince Charming... at ayun inulan sila ng pagsubok pero pinaglaban nila ang pag-ibig.... Makulay ang kanyang buhay... He has a great life.... ganda ng pagkakasulat niya kaya ako nahumaling dahil comedy siya kung magsulat kaya kahit drama eh nakakatawa pa din.. at yun nga Tru2Layp din...
Favorite Characters

Justin and his Tita, Mark, Francis and Uncle Hanz

Favorite Scene:

Davao with Mark yung nagbakasyon silang dalawa... nun naglalaba si Mark eh si Justin eh nakakita ng ahas.

Yung sex scandal sa loob ng kotse na nagcause ng expel ni Mark sa skul.

Yung bagyong Ondoy na sobrang nag-aalala si Uncle Hanz kay Justin pero ang Justin ayun tulog buong linggo...

Yung namatay yung asawa ni Mark tas nagpunyagi si Justin dahil siya na si Mother Earth hahaha...

Rating: 82.3


6. THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND by Hallur (PEx)

About naman to sa banda ang kwento nina Jayjay at Rodney na saksi ang LRT sa kanilang pag-iibigan dahil dun sila nagkakakilala.... Maganda pagkakasulat ni sir hallur dito dahil bawat chapter eh me soundtrack... kaya dun ako nahumaling dahil sa mga kanta plus sa mga emo emo niyang kwento.....

Favorite Characters:

Jayjay, Rodney, Apple

Favorite Scene:

Getting to know each other..yung bawat station ng LRT eh magkukwento about sa kanilang mga sarili.

Party in the USA ni Apple dun sa debut..

Nung malaman ni Apple na si Jayjay pala eh karibal din niya pala kay Rodney....

Favorite Soundtrack:

A Thousand Miles - Vanessa Carlton
Party in the USA - Miley Cyrus
Biyahe - Hallur

Rating: 80.6


7. 5,000 POGI POINTS NI VONSPEE by Malignantquiapo

Story ni Erwan na nakahanap ng lablayp tru chat at ayun nainlab ang lolo nyo.. at nung magmimeet na eh di siya sinipot at dahil dun inilabas na lang niya ang kanyang hinanaing sa mga kaibigan niya.... at lumipas ang maraming taon... yung nakachat niya eh nakita niya in person.. pero di siya ang tunay niyang kachat kasi poser lang pala. at ayun naging magkaibigan sila.. M.U. at yung poser e ayun nagmumukmok.. nako mahirap idescribe ang kwento... NKKLK kasi magsulat si Malignantquiapo masyadong matalinhaga paiikutin pa ang braincells lol pero nagustuhan ko yung kwento kasi ayun me halong comedy at lesson na din....

Favorite Characters:

Erwan, Doyzkie, Lady Godiva and Nova

Favorite Scene:

Samahan nina Erwan, Lady Godiva at Nova sa skul.

Mga chat nina Erwan at Jetter na meron pang baby eeyeebugzzz at maayong bonethuggzzzz

Rating: 80.1



8. AGENT 143 by Spidermaniac (PEx)

About kay Dan at kay Matteo na una kong binasa Apserye sa PEX... Si Dan na isang insurance agent at nakilala si Matteo thru his classmate Sharleen na nagpa-insured. At ayun dun na sila simula naging mas close....

Favorite Characters:

Dan, Sharleen

Rating: 77.2



9. LET MY HEART BE YOUR DANCEFLOOR by Lyts07

About sa 5 magkakaibigan at later on naging 6. At ayun yung 2 nagkagusto kay Lyts yung sina Tristan at Justine.. at ayun puro asaran.... pero yun nga mas pinili ni Lyts eh babae... nakakatuwang story. kasi about friendship naman.... plus yung groove tunes pa... at naging kakulitan ko pa sa thread si Kuya Lyts... ayun....

Favorite Characters:

Lyts, Justine and Tristan

Favorite Soundtrack:

All About Lovin You - Bon Jovi
Say Something Anyway - Bellefire

Rating: 76.5



----------------------------------

nilagay ko na dito para me back up ako hehehehe... haayyyy i love bromance stories talaga.... kahit ayun nga di na yun mangyayari saken kahit kailan....

yung kahit sa kwento lang maramdaman ko yung kilig.. aprub na sakin yun....

pero sana sana sana.... kahit isang araw noh? maramdaman ko yun.. hehehehe...


how i wishhh.....



Tuesday, June 14, 2011

Drama No. 10


Lapit na birthday ko... 2 months na lang.. at kung ano ano na mga naiisip ko...... Kapag kasi birthday ko gumagala lang kasi ako mag-isa. Minsan boring lang na araw na akala mong wala lang.... naaalala ko kapag birthday ko papasok lang ako sa school... simpleng greet ng mga classmate.. yun lang... nothing special....

Pero siguro ang pinaka di ko makakalimutang celebration ng bday ko e nung nag-"18" ako... hahaha debut wahahahaah... kalurkeyyy..lols 2004 noon, ayun nagpahanda si Lola den ayun inimbitahan ko mga classmates ko kainan.. tas inuman... dun lang ako nag-inom ng GIN.. na hinaluan ng grapes... at ayun nalasing ang may birthday... napakadaldal ko daw nung mga panahon na yon sabi ng pinsan ko na kala mo daw eh walang katapusang kakachika...

at simula nun di na ulit ako naghanda.....

2006 - bday ko.. ang siyang pinakamalungkot sa lahat... ay grabe lang..... naaalala ko tuloy... nun panahon na yun kasi dat tym baliw na baliw ako ke Siegmond (a classmate) tas ayun bumalik sa school... pero di ko siya nakita. ayun nagcomputer na lang.... parang wala lang nag-aksaya lang ako ng oras sa Salinas.... pero ni-greet naman niya ako sa text 5days after my bday... jusme.. late greet....

2007 - ordinaryong araw lang... nagbabantay ng compshop.. wala lang

2008 - nag-Tagaytay akong mag-isa... ayun first time kong kumain ng pizza sa Yellow Cab.. ang mahal nung pizza at ako lang mag-isa ang kumaen.. tumambay sa Leslie.... at first time din magStarbucks... daming tao sa starbucks nun panahon na yun tas ang binili ko pang frap eh yung strawberry.. pero di ako nasarapan.. parang me syrup lang kasi.....

2009 - may sakit ako sa araw mismo ng aking birthday nilalagnat... ayun.. di man lang ako pinaghanda ni tita... hmmppp....

2010 - nagMOA ako mag isa.... pero isa rin ito sa mga di ko makakalimutan.... yun nga first time kong tumambay sa seaside ng moa.. dati kasi pag nagmoMOA ako di ako gaano napapapunta sa seaside.... kaya ayun.. nilanghap ko ang hangin ng umagang iyon... nagpatugtog ng Love Will Keep Us Alive at All About Lovin You sa cellphone... tas nakatanggap ng greet from Kuya Lyts at Sympaticko at ayun nigreet nila ako ng Happy Birthday na nagpasaya sa araw ko.... den kumain sa Jollibee as usual B3... ang paboritong jobee food ng MVP..... at bago umuwi sempre bumili na rin ako ng cake for me.... :D

at ngayong 2011.......

june pa lang pinaghahandaan ko na kung san maganda magbirthday... haayyy ngayun palang yun na ang naiisip ko sa budget na 1.5K sempre ako lang naman ang gagastos at magpapakalonerrr....

PLAN A. Star City - at sa kadahilanang friday, saturday at sunday lang ang Star City.. eh baka August 12 which is Friday ako makapunta dito.. at okei dahil me bubong.... kaya in case na umulan eh ayun pede pang gumala.... yun nga lang.. mag-isa lang me..... pero masaya sana kung me makakabangga ako dito.... tas ayun instant enjoy wala lang daydreaming lang.... hahahahah.... at magdadasal na sana maraming fafa sa araw na yan.... para busog ang mata.... hmmm... di ko pa rin sigurado...

PLAN B. LRT 1/LRT 2/ MRT Trip plus MOA - after magbaclaran ayun magLRT den baba sa Doroteo Jose den LRT 2 baba sa Araneta Station den gala sa Gateway.. den gala sa may Araneta Coliseum den pag nagsawa na MRT hanggang Taft den sakay ng bus hanggang Blue Wave den lakad hanggang makarating ng MOA.. nuod ng sunset at kakain kung saan2x.... pero risky... di ko pa nararanasan magLRT ng mag-isa baka madukutan ako eh tatanga-tanga pa naman ako.... hmmm pag-iisipan kong maigeee....

PLAN C. Tagaytay - ayun tagaytay ulit... punta ng Palace in da Sky at Picnic Grove at punta ulit dun sa may Ridge at lakad lakad kung saan saan makapunta... hmmm di kaya boring... lols..... bahala naa....

PLAN D. Twitter at Facebook - sa twitter at FB na lang ako magcecelebrate... parang dito lang ulit sa tindahan.... parang di nakagala.... parang panget.. pero bahala na.....

PLAN E.. Di na lang ako magcecelebrate... iiyak na lang ako maghapon sa bahay......

hmmmm.. ano kaya magandang option..... pero pramis gusto ko sana Date... kaso imposible naman un.. saka nakakatakot.. heheheheh.... :D pero bahala na..... magresearch at mag-isip akong mabotehhhhhh.......

Sunday, June 12, 2011

Diary 06/12/2011 Araw Ng Kalayaan





June 12, 2011

Araw ng Kalayaan ngayon.. pagkagising... ayun ligo at bihis at hinanda ang sarili para makipagcelebrate ng Independence Day sa Kawit, Cavite. pero ang totoong pakay ko eh mag-apply sa Job Fair dun.. kasi nabasa ko sa internet....

------------


Pagdating sa Kawit tapos na ang programa.. kaya ayun picture picture ako.... pero andun ung mga estudyante ng NCST - Dasma...
----

Tas ayun derecho na ako sa Smart Job and Negosyo Fair isang event ng Smart na job fair... ayun buti na lang wala masyadong pila nung nagregister ako... kaya ayun.. gow gow gow lang.....


-------------------------

Yun nga lang... puro abroad ang mga hiring... at puro mga agency... pero jusko.. gusto ko yung mga position... yun nga lang ala akong passport.... :( lalo na yung Graphic Designer.. haayyyzzz eh wala naman ako passport.. kaya di rin qualified sa interview....




as in gusto ko itry... kung papano yung proseso.. mga ganon2x....
-------

anyway ang mga inapplyan ko eh.. Data Encoder.. sabi tatawagan na lang daw... tas meron dun Office Staff... den nung ako e ininterbyu ayun gulat ko na lang na kapag natanggap daw eh... eh merong 350 PHP na training fee chervalloooo.... tas ayun appointment na agad... na parang feeling ko eh scam chervallooo to.... kasi yung booth nila... walang background ng company basta ang nakalagay dun eh.... Hiring: OFFICE STAFF.. pero agency sila..... hmmmm.. iniisip ko kung sisipot ako sa wednesday para dun...

tas meron din dun agency for abroad.. at napagkamalan pa ako ni Ate na 20yrs old... pero sabi ko ate.. 24 na po ako... ayun... nag-apply ako... sana tawagan ako.. kasi gusto ko maranasan yung interview na ganon.. kaso abroad din.. wala ako passport...

in the end.. puro abroad talaga... at puro tatawagan na lang.... sana me tumawag.. sana sana sana.... dahil gusto ko makapagtry...

-----------------------------------

Buti na lang me NBI BOOTH.. at buti na lang dala ko palage ang NBI Clearance ko sa tuwing me mga job fair... at ayun nakapagparenew ako ng hassle free.... wala pang 5minutes nakuha ko na agad ang NBI ko.... yahooooo.. di na ako pupunta ng Las Pinas para don... lols... heheheeh :D yun ang ikinatuwa ko.....

at nun naubos na resume ko... ayun umuwi na ako.... ano kaya magiging kahihinatnan ng resume ko.....

Friday, June 10, 2011

Diary 06/10/2011 Sunduan


June 10, 2011

NKKLK..... me Sagala kasi dito sa Barangay namin.... sempre... me mga pogi... :D
ayun picture dito picture doon.. wapakels ang drama ko.....
at kasali sempre ang maganda kong pinsan..... at di na sempre ako magkukwento idadaan ko na lang sa pictureeeee......

ang aking magandang pinsan...


isang katropa.... cute niya... dati kasi taba taba niya... ang chaka ng partner niya...


best in gown para saken


Tas ayun dahil sa may pogi.. ayun pinag-initan kong kunan ng picture.... saka di naman niya ako kilala.. kaya pic lang ng pic... hahahaha kaya welcome sa aking blog mga pogi... sayang puro mga stolen mga kuha ko :(







kagwapo lang nilang tatlo... at ang gaganda ng mga kapartner... pero bet na bet ko talaga yung 2 naka-amerikana.. wala... pinag-initan ko talaga.. ayun puro stolen shot... nahihiya kasi ako makipagpic eh... ako na ang mahiyain...

me video ako nito pero saka ko na lang iuuplowwwddddd..... bagal kasi ng Globe haayyysss...


inpernes masaya ang araw ko... makakita lang cute... happy na... busog ang mata :D

--------

anyway akala nyo hanggang jan lang yan ha. pwes eto ang pinakamaganda at dyosa na nagSAGALA....

KALOKA!!!! bwahahaahaha.... joke lang.. di siya ang pinakamaganda... siya ang pinakachaka sa lahat... grabe.. ang lakas ng loob na magSAGALA....


Thursday, June 9, 2011

Walang Kwentang Random No. 9




The Biggest Loser Pinoy Edition ang pinakainaabangan kong TV Program sa ngayun.... katuwa nga eh.. kasi yung Camp pala e dito lang sa bayan namin.. kaso malayo sa kinalalagyan ko.... pero at least ka-town din..... lols.. kaya ayun..

at ang favorite kong contestant ay walang iba kundi si......

Eboy Bautista... hanep lang ang weight niya. tumataginting lang na 481 lbs.

---------------------------------

Habang nagtutwitter me nabasa ako sa timeline yung tungkol sa Korea Got Talent yung kay Sung Bong Choi.. at sempre pinanuod ko.. haayyyy naiyak ako sa life story niya... at ang ganda ng pagkakanta.. hope he wins....


--------------------

At sa twitter ulit.... nanunuod kasi si Username ng XMen sa net.. ayun tinanong ko siya kung san siya nanunuod ayun.. ni-DM niya ako.... at binigay yung LINK.. pero di xmen ang pinanuod ko.. kundi KUNG FU PANDA 2.....

Favorites Scene

* Nalaman ni PO na ampon lang siya nung Pato.... haaayyyssss... nakakaloka ha... magkakaanak ba ng panda ang isang pato kaloka... obvious lang....

* Habulan scene with yung lobo.. kasi magyakapan daw ba sa ere... kaloka mucchhhh

* Yung nasa dragon sina Po... tas kinain yung wolf tas lumabas na parang tae lang... kaloka...

ang nakakalungkot... di ko natapos yung movie... huhuhuhuhu.. di ko naman maskip... ewan ko ba dun sa site na binigay saken ni Fafa Username......

at ayun nagpramis ako kay Username na papanuodin ko yung XMEN pero di ko pa siya napapanuod until nowwwww... waaaahhhh need ko panuodin yun.. para sa kanya ako magtatanong kapag merun akong di naintindihan sa movie......

--------------------


Favorite song ni Username.... kaya peborit ko na din..... :D pero iniisip ko. bakit kaya Sabihin Mo Na??? di kaya merun siyang pinaparinggan... pero asa pa akong AKO yun.....

Ang saya saya ko lang neh.. kapag nakakatweet si Username.... siguro kung wala siya.. malungkot ako... pero sempre.... twirrer lang talaga... :D


Diary 06/09/2011 Bwiset na Eyeglasses


June 4, 2011

Naisipan kong magpachangeframe kasi sira na yung eyeglasses ko... pero dito lang samin.. sa isang cheap na eyeglasses store (di ko alam sa tagalog). Ayun napagkasunduan na sa Monday makukuha.. eh matanda na yung doktora....

June 6, 2011

Keclaim ko na sana pero ayun nawawala daw.... tas pinaghintay pa ako ng matagal.. tas sabi papaltan na lang daw.. tas yung grado eh 500 eh di ko naman kagrado... grabe.... ayun sa sobrang inis ko.. nagalit ako... nagwalkout tas pinaringgan ko na nakakainis kayo.. tas pagbalik nagpasama ako sa tita ko.. kasi inis na inis ako.. at ayun papaltan na lang at by thursday kukunin.. at sabi ko na wala ng additional bayad.. kasi bayad na...

June 9, 2011

Nakuha ko na ang bwiset na eyeglasses... haayyy kakainis talaga.... yun lang bow.. ako na tangengot at poorita avila... huhuhu muchhhh....

Saturday, June 4, 2011

Diary 06/04/2011 Buti na lang....



June 4, 2011

Buti na lang... di ko natuloy ang pagrereformat sa bulok kong PC.... buti na lang eh REPAIR ang pinili ko kesa sa reformat.... Hayyy tenks.. yun nga lang.. buong araw akong walang kommppyuutterrr... pero oks na sa ngayun buti naman... at sana eh di na ulet magloko... haayyss bakit kasi pag nagbabrownout eh minsan nasisira ang mga files... haayyy buhayyy.... pero nagback up na rin ako....



-----------------------------------

Hayyyy... naloloka na ako maige kay Username.... jusko... gabi gabi... nakatingin sa mga pinirint kong mga pics niya... tas ayun mega ilusyon ng bonggang bongga... haayyysss

"sana sa panaginip na lang ako nabubuhay, yung fair ang lahat ng bagay bagay sa mundo"

parang ang sarap non... tas kasama ko lage si username sa panaginip... kung saan saan nagpupunta... yung tipong malafairy tale..... wahahahahahaha... mukhang tanga lang... musta nemen..... pero yun ang feeling ko ngayung araw na to.... basta ang sarap lang managinip about love.... sayang kahit kelan di ko yun mararanasan sa tunay na buhay....

ayun mega tweet tweet ko siya.... as in araw araw... buti di pa napupuno ang mokong.. buti naman eh mapagpasensya hahahaha.. grabe lang ang paglalandi ko sa kanya.. di ko mapigilan... haayyyssss.... nakakahiya na nga eh sa totoo lang.... pero waley.. kiyeber pa din ang palaka... pero yun nga lang.. hanggang twitter lang talaga.. di ko siya makikita kahit kailan... pero sana bigyan ako ng chance ni Lord na makita siya.. kahit konting oras lang... sana sana sana... yun ang birthday wish ko....

------------------------------

kanina me karakol... wala lang.. boring much lang... pero kakatuwa kasi nung umaga nagpasayo ang ST. Francis Band.. den ang tugtog Captain Villamor wala lang... napangiti lang ako ng bonggang bongga.... peborit marcha ko yun eh...

------------------

Nanuod kame ng karakol or mas tinatawag na street dancing... nakakaloka lang ang mga costume.. jusme... hehehehe :D dito lang kasi yun sa Barangay na kinatatayuan ng aking mumunting tindahan.... bawat Barangay kasi dito sa aming bayan nagdadaos ng ganoon.. aywan ko kung bakit... basta taon2x na yun... :)




nakakalokaaaaa!!!!!!!! JUSMIYO LANG....

About