Showing posts with label random thoughts. Show all posts
Showing posts with label random thoughts. Show all posts

Sunday, November 18, 2012

Random Thoughts Nov. 2012


November 19, 2012

Hay.. ang bilis ng araw.....eto matatapos na ang 2012.... eto naglalayout ako ngayon.. pero nagbablog..... hahaha nakakalorkey... di ako makaconcentrate..... nawala na ata ang aking passion sa paglalayout.....

------------------------------

until now... confused pa din ako sa bibilhin kong new CP....

xperia tipo ba? LG Optimus L3... Oplus 8.7 or Cherry Mobile Flare....

kakalokang mamile... you need to take the risk of each gadget once na nabili na... sempre ayun me possibility na masira ng bonggang bongga...... at kung san ipapagawa.....

pero mas bet ko na nga si LG Optimus L3.... kesa sa xperia tipo.... kasi nga yun nga cash out na agad.... saka suko na me sa ICS.... mag eebook na lang ako saka magmp3..... :D

-----------------------------------------------------

anyway... sa krismas... ayun bagong adventure... my cousins planned to trek the Taal Volcano den ang boat ay cost ng 1,700 so paghahatian yun sa 7... den magbabayad sa tour guide... and ayun im planning to maglakad na lang... den niresearch ko na aabot ng 45mins to 1hr. walkathon ang magaganap... to reach the crater.... so ang magagastos ko eh 500php.... GOWRABELS na ako.... hahahha.. pero sana malake ang benta ko sa december para me extra money lol..... :D once in a lifetime naman ito.... kaya game na aketch.. pero kung sakaling di matutuloy eh ayos lang saken..... pero magready na rin aketch.... pero kung di matuloy ayos lang.... magpalace in the sky na lang ako kahit super nakakasawa.....

---------------------------------------------------------------

nga pala me bago akong frend sa twitter.... wala lang.... natutuwa ako kausap siya... he's so lucky kasi yun nga daming fafa hahahaha.. inggit much ako.. hahaha pero he's kind and cool... hehehehehhe :D  and happy ako na nakatweet ko siya..... kinikilig rin ng konti chos... hahahaha.... NKKLK!!!! one of the apserye author siya... heehehe :D

Tuesday, November 13, 2012

Android Phone Chuvaloooooooo........


Sa totoo lang.... kung nasa purefoods pa ako jusko sana me android phone na ako ngayon chos!!!!! anyway highway..... Last October... ako nahumaling sa android phones... kasi yun nga usong uso siya ngayon... eh sakto that time... i have 4K na ipon sa bangko dahil dun sa backpay ko..... plus kumikita naman ako ng 1K dito sa shop kada buwan.. kahit maliit eh kayang kaya naman ang aking pang araw araw na buhay yun nga lang di nga lang maluho....

So i made a research.... ayun gumorabels ang lola nyo sa pinoyexchange.com sa technology today section.... sa phonearena.com at sa mga techieblogs... plus nagLIKE LIKE na rin ako ng mga phone sa FB... nagpunta ako sa SM rosario  para magtanong tanong..... kaso puro NOKIA ang andun.... ska bihira ang sony xperia madalas eh nokia and samsung....

and here my choices.....

First Choice:

SONY XPERIA TIPO.....


First choice ko to kaso ang mahal aabot ng 7.5K eh kung sakaling bibilhin ko to.... eh magcecredit card ako... yung credit card ni charles.... tas magdadownpayment na lang ako ng 5.5K tas down na lang ng everymonth ng 1K or 800 kada buwan hanggang february..... Ang nagustuhan ko lang naman sa tipo eh eh ano siya.. ICS.. plus yung video 640x480 plus sure na sure akong makakapagblog, twitter, ebook, nuod video, saka mp3 player.... pero parang overpriced ng konti.. 


Second Choice:

LG OPTIMUS L3



Second choice ko tong LG Optimus L3 kasi mura 5K lang kasi.... pedeng pede icash.... yun nga lang gingerbread ang OS.. di sya ICS... pero yun nga mura siya kesa sa tipo... na makakapagblog, twitter, ebook, nuod ako ng video at mp3 player.... yun nga lang yung resolution.. mas malake ang resolution nung sa tipo.... pero josko.... 2.5K ang matitipid ko kung sakaling eto bibilhin ko... kaya second choice muna......








Thursday, July 12, 2012

My Dream Birthday..... for August...


Nakakaloka... magtutwenty-six na ako sa August 10.... pero di ako magcecelebrate mismo sa bday ko.. wala kasi ako gaano money money money......... im planning it will be on Aug. 27 or 28... para feast of St. AUgustine.....

-----------------------------

sa ngayon... kahit noon pa gusto kong pumunta sa lugar na mga to.... ayun.. gusto ko makakita ng mga taong professionals..... kasi yun nga kulong lang ako dito sa probinsya ng kabite...

haayyyy ibang iba talaga ang kaligayahan ko nung march.. nung nagpunta ako ng makati haayyy breathtaking yung sa may magallanes flyover ganda pagmasdan ang mga building ng makati.... nakakita ako ng mga young professionals.... ang popogi lang... chos!!!!


di ko yun makakalimutan......

--------------------------------------------------------

1. RCBC - sa mga nababasa ko kasi sa PEX. dito daw maraming young professionals... mga pogi... lol... ayun sempre gusto ko makita to...


2. Ayala Avenue - yung parang sa simula ng my amnesia girl.... yung maraming naglalakad na mga professionals... gusto ko makakita ng mga taong mga nakakurbata, mga taong nag apply at tignan ang malalaki at matatayog na gusali na para bang ang sarap mangarap....


3. Ayala Triangle - wala lang nabasa ko lang to sa blog ni nimmy... gusto ko na rin puntahan... after maglakad lakad sa ayala...


4. Greenbelt - wala lang.... tingin sa powerbooks baka me cute... saka magrereminisce ako nung nanuod kame ng The Vinci COde nina ghen at bianca last 2006.


5. Intramuros / Fort Santiago - i want to be historical this year... saka bata pa ako nung huling punta ko... eh ngayon gusto ko ulit pumunta....

.



6. Manila Cathedral - wala lang.. sikat daw to eh...


7. San Agustin Church - sempre dahil feast of St. Augustine.. magsisimba ako dito....

Thursday, September 22, 2011

Walang Kwentang Random No. 16



1. I watched Miss World Philippines 2011 last Sunday.. Nakakaloka nakakaantok siya... kelangan ko pang ilipat sa Channel 2 which is Miss Universe.... at ayun sarap rumampa sa harap ng teevee.. matching with tsunami robot walk.. hahahaha.... den sabay greet ng BOA NOITE SAO PAULO... choz lang.... di ko nagustuhan ang production ng MWP... super boring... hay nako..... buti na lang anjan si Ms Shamcey Supsup....

2. Kinabukasan.. Monday.. 19 pala.... umagang umaga kinagalitan ako ni Tita.. nako galit na galit ang loka.... dahil sa load... kulang daw... samantalang sobra2x pa ang binibigay ko sa kanya... hay nako.. ayun we decide to give up na... pero naloka ako sa galit niya....

3. Pagbukas ko ng email.... waaaaa nagalit saken yung isa kong virtual friend na nakakausap ko over the phone... huhuhuhuhu :'( nahurt ako ng maige.... pero di ko na lang inisep..... ayun di na ako tinetext or tinatawagan..... pero ako naman me kasalanan... hay layp... :(

4. Me nagpaprint saken na bata... eh gusto nya sa computer ko na siya magdedesign eh di ako pumayag...... ayon nagalit siya... ang damot damot ko daw.... josko.. ang batang ire.. nakakalokaaaaahhhhhhhhh...... magpapaprint lang sya.. sa akin pa ang design.. hay nako... nag-init na ang aking ulo

5. -----

6. Me ginawa akong kalokohan nung monday..... parang gusto kong sabihin sa aking sarili na nasa akin ang huling halakhak.... hahahahaahahah.... kaya imbes na madepress ayun tumawa na lang ako ng malakas hahahahaha.....

7. Nalungkot ako dun sa balita na 2 beki nagsuicide sa SM Pampanga.... nawala tuloy ang hangover ko kay Shamcey Supsup.. ayun mega basa ako sa forums about dun sa PEX at sa Misso... pero pramis naaawa ako..... ayun nagbasa basa ako about them dun ko napagtanto na super depressed na depressed yung 13y/o.... at di na nya kinaya.... jozko... wala man lang pumigil or kumausap dun sa bata personally... talagang apektado siya based sa mga nabasa ko sa status niya sa FB..... kalungkot... usap usapan ng buong sangkabekihan forums man o sa fb.....

8. Nakarelate ako ng konti dun sa 13y/o.... kasi ako dati... nun nabaliw din ako sa college classmate ko at naobsessed ng bonggang bongga... ayun naisip ko din na magsuicide... pero imbes na yun ang ginawa ko.. sinira ko na lang ang aking career... kasi alam ko mahalaga ang buhay.... ayun tigok sa trabaho... pero pramis andun yung depression yung wala kang makausap.... yung naghahanap ka ng kalinga... yung puro isip ka lang ng isip.. at yung lalake ang iisipin mo.. yung sakit andun yung di ka makaconcentrate sa ginagawa mo.... haaayyyyyy :(

Naulit ulit yun dahil nainlab ako sa pinsan ko tas nagselos ako dun sa isang kalaro nya.... bigat na bigat ang loob ko nung panahon na yon tas walang mahanap na work.... sinira ko buhay ko dahil sa lalake.... minsan sumasagi sa isip kong magpakamatay.. pero sa totoo lang.... MASAMA ITO AT ANG BUHAY AY ISANG REGALO MULA SA DIYOS... kaya naisip ko anjan pa naman sina Tita... anjan ang mga marching bands.. at marami pa akong maeeksplor na ibang bagay.... ayun naglaro ako ng Naruto sa internet.. inubos ko ang ipon ko noon sa paglalaro.... at nag explore lang ng nag-explore.... eto hanggang ngayong buhay na buhay pa din.. siguro isa yon sa mga pinakamagandang aral na natutunan ko sa buhay ko.....

Sa totoo lang naiinlab din ako sa virtual life... pero di ko na gaano naseseryoso.. unlike nung pinakauna... ibang depression ang naramdaman ko... sa ngayon... ayos lang ako.. steady lang...

Sana naisip ni 13 y/o na marami pa siyang maeeksplor na ibang bagay.. masyadong umikot ang buhay niya sa pag-ibig... sana nag-explore siya... pero kunsabagay matinding selos.... haaayyyy... pero ang daming pumipigil sa kanya sa FB.... pero bakit wala silang nagawa... josko.... :( nakakalungkot......

too much love will kill you ika nga ni jovit.....

To Jake and Jonathan may your souls rest in peace.....

9. Lapit na Fiesta... 2 weeks na lang... yahoooo... eggzayted na ko sa magaganap na marching band parade dito sa aming bayan...... ang saya saya lang ng buhay... hehehehhe.. after 11 years at last magkakaroon din ng Marching Band Parade... super thank you kay Mayor!!!!!!



Monday, September 19, 2011

WeweW

dami galet saken ngayon.....

well......

i dont care......

-----------------------------------

hmmmpppppppppp...... hahahahaha

makatawa na nga lang ng malakas.... wahahahahahahahahaha :P

Saturday, July 16, 2011

Drama No. 15


rarandom thought lang akez ngayon.....

nakakainip....

parang gusto ko na kasi mag August... so inip much... naiisip ko kasi dami kong pedeng puntahan sa buwan na itech...

Una.. sempre magbibirthday na me.. at homaygassshhh.... im turning 25.. jusme NKKLK.... as in nakakalurkey.. ang tanda ko na.. parang nung isang araw lang 21 lang ako.... pero i need to face the reality na mag 25 na akez... mygoleeeyyyyyy............... waaahhh.... feeling ko kukulubot na aking balat....

-----------------

plano ko sa birthday ko... wala lang.. ordinary araw lang siya.... its depend baka dito lang ako sa tindahan whole day.... yun lang... or baka magjollibee ako sa tanza after sa tindahan.. pero di ko pa lam kung ano plano ko sa mismong araw ng aking birthday... mag iisip pa ng affordable na 100pesos challenge stuff chervallooooo.....


-------

den pagsapit ng august 12 pafly na sa manila... una magmOA den kakain sa sizzling plate sempre ang paborito kong pork teriyaki... den mag eemo sa seaside.. den magtataxi den tadaaaann its star city time.. sasakay sa carousel at sa bummp car.. den itatry ung star flyer.. saka surf dance.... den pupunta sa snow world... saka dun sa dinosaur dinosaur..... den kakain den titingin ng mga pogi den sasakay na ng bus at uuwi na.... pero di pa ako sigurado... kasi kailangan ko munang maikumbinse si San Pedro na di siya magweewee sa araw na yan.. dahil kundi for sure.... panget ang mukha ko sa araw na yaneeecccchhhhh......

---------------------

tas sana sana sana every sunday ng august me band concert sa tanza... para makagala at makikinig sa mga tugtugin... kahit mukha me tanga dun.. pero ang sarap gumala dun sa lugar na walang nakakakilala sayo... iba ang pakiramdam ko.... parang ang gaan gaan na pwedeng ihagis sa river ng bonggang bongga... charot....

-------------

waaaaa.... at sempre lapit na fiesta ng Tanza.... weeeeeeee... ang kapistahan ni San Agustin... at take note magkapangalan kame jusme kalerki... ayun sempre walang katapusang marching bands... weee makikita ko ulit ang St. Augustine at Sta. Monica in their fabulous uniform and marching plus tone quality pa... kaya ayun... eggzayted looonggggg.... den bibisita na din sa simbahan at pipila para makapagdasal kay Tata Usteng...

--------

maghihintay ako kahit mabaliw pa ako sa kakahintay maging bipolar man ako or everyone would get annoyed... basta gow gow gow gow...

cant wait you August.....

13days na langgggg.... weeeeeeeeeeeeeee

Tuesday, July 5, 2011

Walang Kwentang Random No. 11


Lets drama time......

Wala lang... lolz... anyway highway kung ano ano na lang laman ng utak ko lately... daming iniisip kaya ilalabas ko siya ngayun at mangangarap...

1. Dahil sa wala na akong kachismisan tuwing hapon eh ayun pabasa basa na lang ako sa pex madalas dun sa travel and leisure at sempre sa alternative preferences mga apserye den bloghop... den pag naboring punta sa misso den pag wala na talaga.. soundtrip......

2. Napag-isip isip ko lately na yun nga iba talaga ang buhay online... yung sa computer lang siya talaga... as in computer + internet... yung enjoy enjoy lang... kaso minsan naseseryoso ko na, yung tipong umiikot na ang mundo ko sa net... nakakalimutan ko na ang ibang bagay ang maglayout at magfocus dito sa tindahan.. puro net net net.. kilig dito kilig doon... pero yun nga di mo sila makikilala or makikita talaga sa personal.... nakakatuwa na sa net marami kang makikilala.. pero yun nga sempre hanggang net lang talaga... yun ang kinalungkot ko... kaya napag isip isip ko na pag aralan ko kayang wag maattach sa net minsan... pero mahirap kasi eto lang ang hobby ko.. etong computer lang ang kausap ko maghapon.. eto lang ang bestfriend ko.... :'( im so sad....

3. Yun nga si username madalas palage ko naiisip... pero yun nga me sarili din siyang buhay... at sempre dapat irespeto ko din ang pribado niyang buhay.. pero ewan ko sa sarili ko bakit lage ko siyang iniisip eh ni hindi ko nga alam ang name niya at kung taga saan siya parang imaginary fweeenddd... at naghahanap pa ako ng clue .. pero ewan ko ba bakit interesado much ako sa kanya... parang tipong gagawin ang lahat makuha lang ang gusto ko parang thats unfair naman.. na need ko rin siya irespect.. at makuntento kung anong klaseng friendship merun kame na hanggang online friend lang... hay ewan ko ba bakit lakas ng amats ko sa kanya.. siguro nga wala na akong magawa sa buhay.. puro lalake na lang ang iniisip... haayyy laayyyppp.. baka darating ang araw.. magalit na yun ng tuluyan saken.. araw araw nilalandi ko siya... hay subukan ko nga na wag siyang itweet ng ilang araw.. para marespect ko naman siya.. hayyyyy..... kung ano ano na lang kasi iniisip ko sa kanya eh... nakakahiya.. pero napakamapilit ko... sana kayanin ko na wag muna siyang itweet..

4. Dahil sa pagala gala ako sa pex... ayun namangha ako sa Mt. Pulag.. ayyy grabeeee.. nung nakita ko yung picture.. oh my gad... parang kang nasa langit.... yung bundok eh pinapaligiran ng clouds.. haayyy eto nangangarap na someday makapunta ako don.. kaya mag iipon ipon na ako.. pedeng next year or next next year... heheheh... kahit pakonti konti.... pero kung me pagkakataon talaga gogora ako... hehehehe... kahit mag isa lang me.. ay kaso kailangan pala by group pag pupunta don... at need ko pa bumili ng bag at mga kung ano ek ek for mt. climbing... hayyy sana matupad to.. pag nanyari yun.. magiging masaya ako ng bonggang bongga with teary eyed pa.. ganda talaga ng lugar na yon... parang paraiso na papuntang langit.... at lam ko marami akong matutunan if ever na matuloy ako.. pls God help me na matupad to.... bali eto gawin kong inspiration sa ngayon... dati rati Baguio ang pinapangarap ko... at sa di inaasahan pagkakataon poof natupad siya.. kakatuwa....

5. At dahil adik sa twitter at blogging.. oh my gaawwddd napanaginipan ko ang ilan sa mga bloggers pero di ko na ipapangalan.... nakakahiya eh... at yung iba kong tropa sa twirrer di ko akalain... pero nakakainis nag eexpect ako na lalabas si username sa panaginip na yon.. pero waleeeyyyy... yung si sniper na madalas kausap ni username ang maraming ekspowsyuurrr sa aking panaginip... nakita ko kasi syang gumagalaw sa youtube.. kaya ayon.. lumabas siya sa panaginip ko.. NKKLK..... :D tas ang nakakatakot yung isang blogger nagalit saken.. huhuhu much kasi nakatulog ako tas natuluan ko pala ng laway ung unan niya.. ayun galit na galit siya.. hehehe buti na lang panaginip lang.. pero ayun di ko ineexpect na mapapanaginipan ko yon.. haayyy adik na adik na talaga ako sa online lifeee......

hayyy ang drama ko lang talagang nilalang....

Wednesday, May 18, 2011

Drama No. 9

Haayyyyzzzzzz... sayang ang baguio moments ko.. tinatamad akong i-diary.. sayang tuloy ang moments ko dun... lalo na with Jonathan... :'( wala eh kakatamad magblog...
-------------

Dinalaw ako kahapon ng HighSchool Friend ko. kasi nag-aalala na daw siya saken.. baka daw kasi nababaliw na raw ako.. kasi lage na lang computer ang kausap ko.. araw araw... at ayun dinaldalan ako ng gaga.... ayun nagkwento siya about apply apply niya... nagpunta daw siya ng Makati apply sa callcenter chorva... jusme.. ako naman kunyari affected sa kanyang kwento.. mega react2x.. pero ang kinagulat ko sa lahat eh... sa Las Piñas na ang kuhanan ng NBI CLearance.. homeyged!!!!!!! so ibig sabihin lahat ng taga cavite dun pa kukuha??? wapakzzz... ganun kalayo???? wala na raw kasi sa Imus... bali ba naman nagdadalawang isip akong mag-apply.... once na nagkapera na... kasi zero balance ako ngayun kamusta naman.... wala lang pampaalis lang ng boredom.. saka para magkaroon ng realizations sa life....

-----------

hay kahapon... nakabasa ako ng tweet na...

"Ano ang plano mo sa buhay?"
Homeyged lang.... nung nabasa ko ang tweet na yon..... sa totoo lang.. pagkagraduate ko ng Hayskul.. dun na nag umpisa ung mga katanungang.. san ba ako patutungo.. ano ba gusto kong gawin... pero waleyyy.... nagpatangay na lang ako sa agos ng buhay... ayun walang pinatunguhan....

Di ko nagamit lahat ng napag-aralan ko sa school.. waley lang... parang nakipaglaro lang... di ko sineryoso ang lahat ng bagay.... puro na lang lalake lalake lalake... landi dito landi doon.. hay ewan ko ba sa sarili ko bat iyon ang naging kasiyahan ko... :'(

hmmmm..... im turning 25 na this august.... pero eto isip bata parin... naglalaro pa rin... waaaahhhhh..... parang feeling ko eh.... mamatay na ako... haayyyysss... ewan ko ba... iniisip ko me mangyayari pa ba sa aking LIFE??? magbabago pa ba ang direksyon ko sa buhay??? puro tanong eh... kaloka..... pero ayun hanggang tanong lang.. di hinahanap ang sagot...

-----------

Alam ko anjan lang sina Tita... always there for me... yun nga lang.... alam ko i dont earn money... nakadepende lang sa kanila.. hinge dito hinge doon kapag kinakailangan.... pero naiisip ko pano pag wala na sila??? dun ako naiiyak na... kaya ko kayang mabuhay???? bali ba naman simula pagkabata ko sila na kasama ko.... lage nilang binibigay kung ano mga gusto ko... haayyyzzz.. spoiled brat talaga... pero pinapalo naman palage kapag matigas ang ulo... haayyyzzzz....

Tiis nga lang ako dito sa mumunting business kahit maliit lang ang kita... pero di ko naman alam kung papano palalakihin...... clueless talaga.... di ko alam kung ano ang darating.. parang stuck na lang dito forever.... nakakabagot sobra... pero ganun eh choice ko na din... hirap mabuhay sa earth.. na walang kainspirasyon inspirasyon..... di ko alam pano ko pagaganahin ang mumunti kong braincells... ay ewan ko ba.. naloloka akong maige....

------------------

Hayyyyzzz until now.. puro lalake na lang lage nasa isip ko.. si Username... lage na lang siya.. lage na lang lage na lang lage na lang.... palage na lang... eh Username lang naman siya... hay sarap iuntog ang sarili ko sa pader ng matauhan.....

Di ko lam kung kelan ba ako magpapakatino.... walang kaplano plano sa buhay talaga.... nawawalang direksyon sa buhay.... pero at least di ako gumagawa ng masama noh???!!! di ako pabigat kina Tita... yun nga lang pabigat ako sa sarili ko..... kasi yun nga.. nakukuntento na lang ako sa mga bagay nakakamit ko....

so emo much.. wala lang.. naloloka lang....

----------------

Fiesta ng Rosario sa sunday... makanuod na nga lang ng parada.... hmmm.. mukhang ako na namang mag isa ang manunuod.... haayy mukha na akong banda!!!! pero kunsabagay banda lang talaga ang nakakapagpasaya saken.... kaloka.... ay hinde lang pala banda... lalake!!!!! lalo na si Username.....


Saturday, April 30, 2011

Walang Kwentang Random No. 6

Haayyyy.. wala lang.. helow lang...

------

1. Nung week na to... mejo naadik ako sa formspring.... wolo long.. puro tanong lang kasi ng tanong eh.. den meron dun tanong na nagpabalik sa ken in da past... at bigla kong naaalala....


pareho hahahahaha.. :D naloka ako sa tanong na to.. naalala ko tuloy

-------------------------------------

Hayyyy bigla ko siyang naalala... December 2004 noon... 2 lang ang subject ko sa school pang umaga lang kasi ako noon.... Tas sa unang subject eh nakakaramdam na ako na tumataas ang balahibo ko... di sa natatakot ako.. na alam mo yung feeling na me sasabog sa katawan mo ganownn.... andun ung di ako makaconcentrate kasi mayat maya kilos ka ng kilos at pigil ng pigil at andun na din yung maimtim na nagdarasal ka... na sana matapos na ang kalbaryong ito... at ayun after ng 1st subject.... di ko na kinaya nagsabi na ako sa classmate ko na uuwi na ako... kasi ayun najejebs na ako... at ang suggestion saken dun daw ako sa CR jumebs... pero hallelrrr ayokow nga.. masilipan ako noh... kaya ayun nagpasya na lang ako umuwi.... at sa jeep jusme... ang hirap idescribe yung pakiramdam mo.. mayroon kasi akong 20minutes na biyahe para makauwi ng bahay... anjan ung utot ka ng utot... anjan ung di mo akalain ung utot pala eh ipot na... lol waaaahhhh.. at nung mejo nakababa ako ng jeep pagsakay ko ng tricycle di ko na napigilan... nahilo na ako... umikot ang mundo ko... di ko namalayan may isang kakaibang likido na pala sa pantalon ko.... hanggang sa nakauwi ako... nagpaspecial ako sa tricycle at ayun gulat na gulat ang mga tao sa bahay sa biglaan kong pag-uwi pero wala na ako pakels... derecho sa CR dun naglabas ng lagim.....

what a disaster experience of my life...... buti na lang di tumulo tulo yung ano... hehehehe.... :D

2. Kahapon, ang kasal nina Prince William at Kate Middleton.. haayyyy ang ganda lang ni Kate... kakatuwa kasi habang pinapanuod ko sa livestream mga bongga suot ng mga matatandang babae mga naka-hat pa talaga.. parang si Dolores Umbridge ng HP7... kaloka.... Tas ampuge ni Prince Harry grabe ang kisig ng katawan niya.. kakaloka.. so yummmmyyyyyy..... hahahaha.... parang sarap yakapin... at ayun inabangan ko din sa GMANewsTV ung live report nila... haayyy ganda pala pagmasdan at kahit pano me nalaman din ako sa monarCHI ng UK...

3. Sa kasagsagan ng panunuod ko ng Royal Wedding... tinanong ko si Tita...

EG: tita ano ba mangyayari pag kasal na sina PRince William at Kate Middleton?
Tita: Di ko alam eh...
EG: di ba tita ganyan yan magiging prinsipe at prinsesa sila... tapos ganun di ba yung monarCHI...
Tita: oo yata...

AT habang kumukuha ako ng yema...

Tita: ano nga pala ulet yung sinabi mo?
EG: sabi ko ganun talaga siguro monarCHI sa UK... yung kina Prince WIlliam at Kate Middleton
Tita: Gaga!!!! monarKI hindi monarCHI... ok?
EG: ahhh monarki pala.... owkkieee.... di ko alam eh...


yun lang bow!!!



Saturday, April 16, 2011

Happy Summer To All

Hope mag-enjoy ako bukas family outing... nagpareserve lang naman kame ng isang private pool.. sama sama with relatives and cousins.... anyway highway....

HAPPY SUMMER TO ALL....


yun lang... haaayyy sana mag-enjoy ako bukas yun lang bow!!!! sana maging success ako sa pagvivideo kasi plano ko gumawa ng music video ahihihihi.. kakasawa na kasi ang mga pictures eh.. ehehhehe...

geh happy summer to all... ingats ang lahat....

ay di ko pa sure kung matutuloy ang family outing.. pagdasal nyo sana matuloy...ehhehehe...

dali sayaw tayo...

"damdamin moy isigaw
ang bibida ay ikaw
bida best sa tag-araw
katawan ay ihataw
ang bibida ay ikaw
bida best sa tag-araw"

da best talaga gumawa ng summer station ang ABS.. lufettt.. super favorite ko na to eh.. hehehehehe :D

Friday, April 15, 2011

naloloka ako... wolo long..

walang kwenta ang entry na to bow! okie? dali punta ka na sa ibang blogs.....

grabe tong mga nababasa ko sa internet...

si isabel granada?? patay na??? oh my gaaawwwdddd....... (affected daw?!)

si pilar pilapil critical ang kondisyon.... oh my gawd... kawawa naman si wowa!!!!!!! hope she's Ok... sana pagalingin siya ni Agua... I pray for her recovery and safety.

Nagkalat ang mga masasamang loob sa paligid.. anjan yung may naholdap at nabaril... jusme.. katakot lang...

me mumu daw sa ozone disco? totoo ba un??

ay nako.. kung ano ano naiisip ko lately dahil sa kakabasa ng mga kung ano ano...

haaaayyyyyyyy..... puro NEGA thoughts.. wolo long.. pagbukas ko ng computer nitong hapon na to eh.. yaan na agad ang mga nabasa ko kung saan2x lupalop ng internet... haayyyy....

-----

bali ba naman ganda ganda ng araw ko kanina... nakangiti ako maghapon habang naglalaba... habang nakatitig sa isang picture na wafu.. na kailanman ay isa lang siyang USERNAME.....

haaayyyyy.....

good vibes nga jan.... GV GV GV....


Friday, March 18, 2011

panaginip.....

kanina umaga nagising ako sa isang magandang panaginip.. kaya sinulat ko agad sa aking mumurahing notebookkk... dahil sabi nila 10% lang ng nasa panaginip mo ang matatandaan mo pagkagising.....

-------------

Yung setting eh high school.... ang classroom ay nasa bandang rooftop pero me bubong... me classmate ako na Koreano... "Rahoe"ang name.... ayun usap2x kame about Korea... yung kung bakit siya marunong magTagalog tapos ayun lage siya nakasmile... at mabait... at napapangiti ako kapag kausap siya...

Tapos bumaba ako pero yung hagdan ay metal na white na kinakalawang na parang sa mga lumang ospital... pero super haba ng lalakadin at maraming steps bago makababa....

Nung bumaba ako at bumili ng scramble nagulat yung Bading na Effem na dating kapitbahay namen... tapos meron dun isang bading na effem din na eksenadora den sa inis ko eh bigla ko siyang sinuntok pero gumanti siya ayun kinarate ako ayun tumba ako.... Sabay paakyat papunta sa room pero pinagtitinginan ako ng mga tao... pero wala ako pakealam basta habang papaakyat eh excited akong makita si "Rahoe" halos tumakbo takbo na ako kasi gusto ko iparomanize sa Korean writing yung real name ko...

Pero na-late ako sa klase at ayon di ko na nakatabi si Rahoe pero nakatitig pa rin ako sa kanya... at ang likot2x niya parang nagcicircus tapos me isa pang cute di ko lam ang name pero me tagyawat sa ilong tapos ung teacher eh Physics Teacher pero ang topic eh business yung magkano spend sa negosyo... tapos ang demo dun eh oblong na lobo tapos me softdrinks sa loob na kalahati... tapos sabi nung isang classmate ko eh "ahhh parang sa group report nina eg yan last year eh" agree naman ako...

ayun nagising na ako...

-----------------------------------------

napag-isip isip ko ano kaya ibig sabihin ng panaginip na to.... haayyyy

makapag research nga......

high school - To dream about high school, refers to the bonds and friendships that you made while you were in high school. What spiritual lessons have you learned? The dream may also be telling you that you need to start preparing for the real world.

To dream that you have to repeat high school, suggests that you are doubting your accomplishments and the goals that you have already completed. You feel that you may not be measuring up to the expectation of others. The dream may occur because some recent situation may have awakened old anxieties and insecurities.

rooftop - wala

building - To see a building in your dream, represents the self and the body. How high you are in the building indicates a rising level of understanding, awareness or success. If you are in the lower levels of the building, then it refers to more primal attitudes and/or sexuality.

cute guy - If you are an adult male and dream that you see or are a boy, then it suggests your playful, innocent, childlike nature. Alternatively, it can symbolize the immature aspects of yourself that still needs to grow. Your inner child may be trying to draw your attention to parts of yourself that you need to recognize and acknowledge.

stairs - To dream that you are walking up a flight of stairs, indicate that you are achieving a higher level of understanding. You are making progress into your spiritual, emotional or material journey. The dream is also analogous to material and thoughts that are coming to the surface.

To dream that you are walking down a flight of stairs, represents your repressed thoughts. You are regressing back into your unconscious. It also refers to the setbacks that you are experiencing in your life. If you are afraid of going down the stairs, then it means that you are afraid to confront your repressed emotions and thoughts. Is there something from your past that you are not acknowledging?

fighting - To dream that you are in a fight, indicates inner turmoil. Some aspect of yourself is in conflict with another aspect of yourself. Perhaps an unresolved or unacknowledged part is fighting for its right to be heard. It may also parallel a fight or struggle that you are going through in your waking life. If you are fighting to the death, then it refers to your refusal to acknowledge some waking conflict or inner turmoil. You are unwilling to change your oldattitudes and habits.

running - To dream that you are running alone, refers to your determination and motivation in the pursuit of your goals. You will find success and rise above those around you. Alternatively, the dream may mean that you need to hurry up in making a decision.

teacher - To see your teacher (past or present) in your dream, suggests that you are seeking some advice, guidance, or knowledge. You are heading into a new path in life and are ready to learn by example or from a past experience. Consider your own personal experiences with that particular teacher. What subject was taught? Alternatively, a teacher relates to issues with authority and seeking approval. You may be going through a situation in your waking life where you feel that you are being treated like a student or in which you feel you are being put to a test.

balloon - To see balloons in your dream, indicate declining hopes and disappointments in your search for love. A situation in your life will take a turn downward. Balloons also represent arrogance and an inflated opinion of yourself.

softdrinks - To drink soda in your dream, indicates that you need to be more bubbly or vivacious. Liven up! Alternatively, the dream suggests that you need to be refreshed or rejuvenated.

haayyyy ano kaya ibig sabihin ng panaginip koooo....

-----

http://dreammoods.com

Wednesday, March 9, 2011

Walang Kwentang Random No. 1


(March 9, 2011)

Di ko na kaya to... wala lang....

1. Nung kamakalawa ng gabi (March 8, 2011) ang ganda ng bituin sa langit na aking pinagmamasdan habang naglalakad sa labas... nakangiti ako nung gabing iyon sabay isip sa fireworks...

2. Paggising ko Firework ni Katy Perry ang nasa isip ko.. kaso wala akong mp3 non.. kaya pagkadating sa munti kong tindahan eh patugtog agad ako sa youtube.. kaso di ko gusto ung version ni Katy Perry...

3. Naadik ako sa Firework ng Boyce Avenue ilan beses kong pinatugtog at ayun dinawnload ko na... den pag chorus na...

"baby youre a firework oh oh oh make em go oh oh oh blah blah blah boom boom boom"


4. Pagbisita ko sa FB... ayun si pinsan nagpapagawa ng music video para sa project nila sa kadahilanang di daw siya marunong... hay katamaran nga naman... pero pagbisita ko sa wall niya sinubukan kong buksan ung kay Marcelito Po Moy ung sa PGT... at ako ay na-goosebumps jusmiyo... homaygoley ang talent ng mokong.... my gawd....


galing galing galing talaga at dahil jan me winner na ang PGT... heheheh :D

5. Yun pinagawa ng pinsan kong video eh about confession basta sa sacrament ay nako jusko mahabagin ka... me kasalanan kasi akong nagawa last Sunday... parang pasapul saken ung topic.. at kailangan kong mangumpisal... pero wala eh... lapitin talaga ako ng tukso... haayyyy buhayyyy...... pero Lord sorry po.... :( kahit anong parusa tanggapin ko na lang po... ash wednesday pa naman kahapon....

6. Kagabi, walang magawa.. naglakad-lakad ulet sa labas at habang naglalakad eh nagdudumbbell ung tig 1.5kilos.. marcha marcha... den nung mapagod tinabi na ang dumbbells at napansin kong wow.. parang lumalaki ang braso ko... waaaaa for the first time ever in my lifeeee ngayun lang nagkamuscle ang isang payatot na katulad ko..... waaaaaaa... ayun pinakita ko kay Tita na parang bata... poise ng poise den pinicturan pa... pero si Tita tawa ng tawa den biglang bumanat....

Tita: Feeling mo naman lalaking lalaki ka?! (taray ng pagkakasabi)

BAAAASSAAAGGGGG si egboi!!!!!! tsk tsk tsk....

ayaw ba nila akong maging lalake???? haaayyyy buhayyyyyyy :( hay tatanda na talaga akong binata netoh... *deep sigh*

ayun tinulog ko na lang.....

---------------------------------------------

ang muscle kong walang kakwenta kwenta.. pero proud me!!! kasi ngayun lang ako nagkamuscle...


* neks taym 6packs naman kaso sobrang tamad ko talaga magsit ups sa umaga.. ang saket sa batok... haayyy laki pa naman ng tiyan ko ngayun...... so bahala na si batman... pero ung pagdudumbbell gabi gabi ko na gagawin.... sarap pala magkamuscle.. para akong si Hulk Hogan o kaya si Ultimate Warrior o kaya si Bret Hart (pa-feeling lang).... mga favorite kong wrestlers noong bata pa ako.... pagbigyan nyo na me... minsan lang ako maging masaya...

baby youre a firework
oh oh oh oh
make em go oh oh oh oh
boom boom boom
moon moon moon....

Wednesday, March 2, 2011

Do or Die

Hay bahala na kung ano ang mangyari bukas...

Valid I.D. ba ang Voters ID??? basta bahala na.... wala naman mangyayari kung susubukan basta try ko na lang... kung wala akong mapala eh di wala.... at least nagtry....

tagal2x ko tong ginusto at pinangarap basta di ko na lang palalampasin ang pagkakataon... basta kahit ano mangyari saken eh go ako.... basta sumubok ako... kaya kahit ano maging resulta.. masakit man o hinde.. no regrets.... me blog naman ako na magiging outlet ko lolz! kaya anytime pedeng magdrama....

pero gawa na din ako ng Plan A, Plan B at Plan C.. wala lang kaartehan lang...

Plan A...

Kapag tinanggap ang aking Voters ID... waaaaaaaa... ako na ang masaya bukas.... at for sure.. nakangiti akong abot tenga..... basta lalakasan ko na lang ang aking loob... dahil un lang talaga ang pinunta ko at di na aasa pa.... basta maranasan ko lang yun once a lifetime.... masaya na akoooo....

Plan B...

Kapag nareject ang aking Voters ID... sempre babagsak ang mundo ko.. pero try ko pa din ipilit dun sa nasa registration pero kung wala talaga... wala na ako magagawa.... basta iiyak na lang ako dun sa seaside... habang pinagmamasdan ang hampas ng alon gaano man katirik ang araw me payong naman.... basta.... and den kakain ng krispy kreme doughnut... para matikman ko na siya... wish ko lang mura lang siya.. at bibili ng battery ng hearing aid... at sempre magpapatugtog ng Captain Villamor gamit ang sirang CP... marcha marcha sa MOA.... baliw na kung baliw....

Plan C....

Kapag tinanghali ako ng gising... mag-oopen na lang ako ng tindahan....

------------

hay san ba ako pupunta???

dito......


good luck to me... bago naman pumunta magdasal muna ako sa Baclaran Church...

Tomorrow gonna be a big day for me... basta enjoy ko na lang whatever happens....




Sunday, February 27, 2011

Bakit ba ako mahilig sa mga Marching Bands???


Reminiscing......

Bata pa lang ako non.... sa tuwing sasapit ang August 27 ng taon... pumupunta kame ni Lolo ko sa Tanza, Cavite para magsimba at manuod ng Parada ng Banda.... lage nila ako dinadala don para daw bumait ako.. kasi matigas daw ulo ko nung bata pa ako.. baka sakali daw magdilang anghel si Tata Usteng... dahil magkapangalan kame... pareho kameng "Augustine" at di naglaon nakasanayan ko ng pumunta ng Tanza every August 27 of the year.. wala pa akong absent yun ang pagkakaalam ko lol... nanunuod ng marching bands and dinadalaw si Tata Usteng...

------------------------

Nung Grade 6 ako.. nag-aaral ng musiko ang kuya ko at mga pinsan ko.. hawak ni Kuya eh clarinet tapos ung sa mga pinsan ko eh trumpet, tuba etc etc... di pa nila ako sinasali.. wala lang la lang ako pakels pero andun ako nanunuod ng ensayo nila...

Nung tumugtog ang banda namin "St. Francis Band" pa sila noon sa Amadeo... kasama sina Kuya at mga pinsan ko.. at kame ng Tita ko sumama na din para manuod me serbis na kasi dat tym sina Daddy Ben.. don ako unang nakapanuod ng Marching Band Competition... at naka 2nd Place lang ang St. Francis noon...

-------

Nag-aral na din yung mga iba kong pinsan ng pagmumusiko... pero ako non.. lyre ata or drum ang pinapahawak saken na instrumento... kaso ang bigat nung snare drum grabe lang eh ang payat ko pa noon di ko siya mabuhat buhat.. lol kaya ayun di rin natuloy.... Bandang 2001.. nag-aral kame ni Jeje ng clarinet kay Daddy Cito... kasama si Jemma at Memey.. 4 lang ata kameng estudyante noon summer kasi... ayun... sa kadahilanang wala akong sariling clarinet... ayun kay Kuya ako humihiram ng clarinet yun nga lang di ako nakakapagpraktis kaya pagdating sa ensayuhan salang agad... madalas napapalo ako ng stick kasi pamali mali ng notang tinutugtog... at meron dun na naka-isang buwan akong di nakaalis sa LESSON na EIGHT NOTE.. ay grabe ang hirap niya... di ko mamaster... ayun nagquit na lang ako.. di naman ako makapagpraktis sa bahay kasi walang clarinet.... plus nag-away pa kame ni Kuya dahil don :'( pero yun nga... sabi ni Daddy Cito di rin daw bagay saken ang magbanda kasi baka daw mabinge ako... mahina na kasi ang tenga ko... kaya ayun... computer na lang ang pinili ko....

pero sina Jemma at Memey ang nakapasa noon... at di naglaon nakasama sila sa mga parada.. kame ni Jeje.... wala..... wala... pero at least si Jeje nakasama sa mga karakol...

hayyyy... kaya ayun... pero everytime na me tugtog ang St. Francis Band noon.. lage kame buntot ng mga Tita ko... kasama na rin akong nanunuod kaya kung saan saan na rin nakakarating sa buong lupalop ng Cavite.. lol pero madalas sa Tanza at Rosario lang ako nanunuod ng Marching Band Parade yun lang kasi ang malapit....




ang clarinet ni Kuya.. aym not sure kung sa kanya to... last 2008 kasi to nung pinakealamanan ko.. LOL

kahit di ako marunong mag-clarinet.. kahit hanggang eight note lang natapos ko kahit do-re-mi lang ang alam ko sa music....

marunong naman ako mag-baton twirling... or baton exhibition.... wala eh... naadik na sa kakanuod ng majorette exhibition sa tuwing me Marching Band Competition na malapet LOL.... hahahaha :D

Pero ngayon... hindi na sa St. Francis ang banda ng mga pinsan ko... nagtatag ng panibago...kaya mabuhay ang Community Wind Ensemble... su-support ako sa kanila kung saan sila me tugtog na piyesta... sempre vivideohan ko at iuupload sa youtube.... para mapasama sa aking collection na puro Parada ng Banda....






Tuesday, February 22, 2011

Pa-help pwede pls....

Hey guys.... pede bang mag-apply ng SSS I.D. kahit self emloyed??? yung parang walang work na din.. yung nasa Business....

or

yung T.I.N. ID.. pede din ba mag-apply dun? kahit un nga self employed???

siguro naman madali lang po makuha yon di ba po????

ay grabe.. nababaliw ako......

kelangan ko ng I.D. before Marchhhh......

kung sino po mabait jan... baka pwede po makahinge ng info.. pls.... pls... pls.....

salamat po ng marami....


Sunday, February 13, 2011

HAPPY V-DAY!!!!! :D


HAPPY BALEMTAYMS!!!!!!

sana i-greet nyo ko... pls... nagmamakaawa ako!!!! hahaha :D

dali comment na... para paggising ko bukas ng umaga

nakangiti ako ng abot-tenga... LOL


Monday, January 24, 2011

100 Truths

Nakigaya lang ako sa post ni Oreo.... bigla ko tuloy namiss ang BULLETIN BOARD sa Friendster...



100 Truths About Me


WHAT WAS YOUR:

1. last beverage- pineapple juice

2. last phone call- Tita

3. last text message- Ellen

4. last song you listened to - Tabi - Paraluman

5. last time you cried - nung isang gabi...



HAVE YOU EVER:

6. dated someone twice - di pa

8. kissed someone & regretted it - hmmm. wala pa lol

9. lost someone special - wala pa din

10. been depressed - palage!!

11. been drunk and threw up - di ako gaano nag-iinom good boy ako eh lol



LIST THREE FAVORITE COLORS:

12. Yellow

13. Black

14. Green



THIS YEAR HAVE YOU:

15. Made a new friend - meron ata

16. Fallen out of love - ay nako...

17. Laughed until you cried - depende kapag nakapagbasa ng mga nakakatawang entry..

18. Met someone who changed you - hmm wala pa eh

19. Found out who your true friends were - Yep...

20. Found out someone was talking about you - i dunno... pero bahala sila.. wa ako pake..

21. Kissed anyone on your friend's list - la pa..

22. How many people on your friends list do you know in real life - siguro 100/171

23. How many kids do you want to have - kahit ilan lol

24. Do you have any pets - si bush... the azkal dog.. lol

25. Do you want to change your name - pwede... pero dagdagan na lang sana..

26. What did you do for your last birthday - nag-emo sa MOA

27. What time did you wake up - 8AM

28. What were you doing at midnight last night - tulog

29. Name something you CANNOT wait for! - :wala...

30. Last time you saw your Mother - never kong nakita ang nanay ko

31. One thing you wish you could change about your life - lahat ng nangyayari saken ngayon gusto ko mabago lol

32. What are you listening to right now - Biglaan - 6cyclemind

33. Have you ever talked to a person named Tom - nyek wala akong kakilalang tom

34. What's getting on your nerves right now - mga gwapo lol joke!!!!

35. Most visited webpage - Blog, FB, PEX



PERSONAL:

36. Whats your real name - nako panget real name ko

37. Nicknames - eg

38. Relationship status - single poreber...

39: Zodiac Sign - Leo *roaaarr*

40. Male or female - Male

41. Pre-School - DayCare

42. Primary School - GARMS

43. Secondary School - GFMNHS



MORE PERSONAL:

44. Hair color - Black

45. Long or short - Short

46. Height - 5'6

47. Eyes - Black

49. Piercings - left ear..

50. Tattoos - none

51. Righty or lefty - righty..



FIRSTS :

52. First injury - hmm nung kinder ako.. nakaapak ng pako..

53. First piercing - last year lang la lang trip lang ginagaya sina Paul Jake at Tibo yung sa PBBDU

54. 1st Best friend - wala

55. First sport you joined - baseball

56. First vacation - sa kabilang bahay lang lol

58. First pair of trainers - wala



RIGHT NOW:

59. Eating - hinde

60. Drinking - hinde

61. I'm about to – bloghop..

62. Listening to - Numb - Linkin Park

63. Waiting to - wala....



YOUR FUTURE :

64. Want kids? - bahala na si batman..

65. Get Married? - i dont know.. pag nakabuntis.. lol

66. Career? - ay nako.. sira na ang aking career ahuhuhu :'(



WHICH IS BETTER :

67. Lips or eyes - Eyes

68. Hugs or kisses - HUGGSSSSSSSSSSSS...

69. Shorter or taller - taller

70. Older or Younger - pareho..

71. Romantic or spontaneous - romantic..

72. Nice stomach or nice arms - stomachhh..

73. Sensitive or loud - sensitive

74. Hook-up or relationship - pareho lol

75. Trouble maker or hesitant – ewan... di ko gets..



HAVE YOU:

76. Kissed a stranger - di pa

77. Drank hard liquor - dati... emperador ang pinakaayoko... asar ang lasa..

78. Lost glasses/contacts - palage.. labo mata eh..

79. Sex on first date - pag nakaiskor lol hahaha

80. Broken someone's heart - wala pa

81. Had your own heart broken - palageeeee...

82. Been arrested - d pa...

83. Turned someone down - wala pa or di ko lang alam..

85. Fallen for a friend? - hmmm.. minsan..



DO YOU BELIEVE IN:

86. Yourself - nako.. wala akong self confidence

87. Miracles - minsan

88. Love at first sight - hinde... pero sa 2nd sight.. PWEEEDEEEE..

89. Heaven - yep..

90. Santa Claus - hinde...

91. Kiss on the first date - pweeddeeee

92. Angels - yep...



ANSWER TRUTHFULLY:

94. Had more than 1 girlfriend/boyfriend at a time - wala pa nga eh.. kahit isa.. :( single since born lol

95. Did you sing today? - tumula lang..

96. Ever cheated on somebody? - minsan...

97. If you could go back in time, how far would you go? - dun nung bata pa ako

98. If you could pick a day from this past year and relive it, what would it be? - schooling...

99. Are you afraid of falling in love? - hinde... try try lang yan.. pero kapag nabrokenhearted iyak na lang lol

100. Posting this as 100 truths? – sa palagay mo? bahala ka ng maniwala lol

About