Saturday, May 7, 2011

EG in Baguio (Day 1)


May 4, 2011

Sinama ako ni Tita na magBaguio... homaygawd lang.. kasi finally makakapunta na rin ako ng Baguio.... kasi dati rati sa panaginip at ilusyon ko lang nakikita ang Baguio eh... at ngayun heto na heto na dubidooo dubidoooo....

-------

6AM kame umalis ng Pasay kasama ni Tita mga kaibigan niyang Teachers with their pamangkins /anak...

-----------

bandang 8AM habang binabagtas ang NLEX napangiti ako nun mapadaan kame sa San Fernando at Angeles... wolo long.. naalala ko tuloy yung kachatmate ko na madalas kinukwento niya saken ang tungkol sa SM San Fernando at Marquee Mall kung san siya palage nakatambay.... haayyyss ngiting abot tenga ako dun...

Clash of the Towns going Baguio

Mabalacat, Pampanga - ok siya umuunlad na bayan sa Pampanga maganda palengke nung napadaan kame dun.

Capas, Tarlac - Naalala ko tuloy yung tulay kasi kasali yun sa kwento ni bx35 (kapexer ko) sa kwento nyang Untitled at maganda ang bayan nila dahil me Jollibee basta nung napadaan kame dun, naisip ko wow OK ang capas ah....

Tarlac City - Dito ako pinanganak at eto din ang pinakamalayo kong lugar na napuntahan (pero Baguio na ngayun). Nakakatuwa kasi ang dami ng pinagbago simula nung huli kong punta.. masasabi kong commercialized na ang siyudad na to.. Stop over din kame dito at nung jumingle ako eh umatras ang pagweewee ko haayyyy

Gerona, Tarlac - Hay boring ang lugar na to puro bukid lang...

Paniqui, Tarlac - Tulog ako nun napadaan kame dito

Moncada, Tarlac - nung napadaan kame sa bayang ito wow me class kahit papano kaso waa akong matandaan kung me Jollibee pero maganda naman at ayun mejo mejo biyahilo ako dito...

Villasis, Pangasinan - wow lang ang bayan nila. I love their SM Rosales & yung plaza auditorium na katapat lang ng munisipyo pero sa bayan na to halatang probinsiyang probinsiya talaga daming bukirin biyahilo pa rin ako dito di kasi ako makatulog sa bus.

Urdaneta City, Pangasinan - siyudad na siyudad per andun pa rin yung aurang probinsiya walang SM pero CB Mall yung nakita ko hmmm so so lang pero commercialized naman...

Binalonan, Pangasinan - ay jusme, probinsyang probinsiya to puro bukid tas kapag nakakita ako ng school parang nung 80s pa ang ichura musta naman pati yung lugar.. so so province talaga.

Pozzorubio, Pangasinan - Ito din probinsiya din ganon din parang Binalonan din.

Rosario, La Union - stopover kami dito for lunch dito tanaw ko na ang bulubundukin ng Cordillera. Nagtry din ako sa jumingle dito waley atras din.. kaya ayun nagcornetto na lang ako...

Pugo, La Union - homaygawd, zigzag ang daanan me mga bangin na pero ang ganda ng view rural na rural ang pamumuhay...

1PM na ng narating namin ang Baguio. Haayyyy nung unang kita ko hmmm parang Tagaytay lang.. at nung papunta na kame sa tinutuluyan namin natuwa ako kasi nakita ko ang St. Louis University gate 4 at gate 3.. hayyy daming estudyante na cute.. Ang nakakaloka isa lang ang CR huhuhu much lang.. Nagjingle din ako pero atras pa din....

Nag SM Baguio kame.. at dun sa biyahe homaygawd.. me sumakay na estudyante taga SLU ang hot lang.. ang yummy lang.. gusto ko kainin grabe.... at pagdating ng SM baguio ang daming gwapo grabe.. busog na busog ang mga mata ko.. ayun picture2x.. naaalala ko tuloy yung MVP story.. ayun nagpatugtog ako ng Love Will Keep Us Alive.. ganda ng view dun sa 4th Floor.



Pauwi na kammi nung biglang umulan tapos ang ganda ng scene nung papauwi na kame ganda ng lights parang bundok na punong puno ng lights.....

sa susunod na entry mga pasyalan naman..... :D

3 comments:

Rap said...

wow... buti kapa...
tulad ng pangarap mo dati, pangarap ko din yan.. never pa akong nakapunta jan... never pa kaming nag out of town...

haayyyy

Sean said...

malamig pa rin ba kahit summer na?

egG. said...

@leon

e di pag me pera u.. punta u ng baguio eheheheh :D tas libre mu buong family mu para masaya...

@sean
sa araw mainet... pero sa umaga at gabi malamig.. parang december lang.. heheheh :D saka sa SM baguio malamig... kahit open air..

About