Tuesday, May 17, 2011

EG In Baguio (Last Day)

May 7, 2011


Last Day na namin sa Baguio at 6AM ang departure namin... este ang biyahe namin... haayyyzzz ang aga nagsigising mga kasamahan namin.. 3Am ata.. pero sa totoo lang.... nun panahon na yun inaatake na ako ng topak... dahil ayun natatakot na baka mapajebs ako sa bus.. jusme mahabagin ka... nakakahiya pag nanyari yun. nagtry pa din ako pumupu pero waley.. ayaw talaga lumabas.. kaya ayun nagbahala na si batman ang drama ko nung araw na yon....


Bandang 5AM all set na kameng lahat... ayun hinihintay na lang mag 6AM... at nun dumating ang oras na yun nagpahatid kame sa jeep hanggang sa terminal.. habang nasa biyahe.. sabi ko sa sarili ko.. ay MAMIMISS KO TO... SOBRA..... mamimiss ko baguio... ang SLU... haayyzz nakakalungkot na nakakajebs na ewan... pagdating sa terminal ayun umupo na lang ako.... tas nagbasa ng MVP chapter by chapter.... den nung nasa biyahe na.. mejo naiiyak ako.. kasi mamimiss ko talaga ang baguio.. sarap ng biyahe.. makikita ko ulet yung mga bundok... yung mga bangin.... pero focus lang ako sa pagbabasa ng MVP sa mp3 ko... hanggang sa nakarating kame sa first stop over.. sa La Union di na ako bumaba... nagbasa basa na lang talaga ng MVP.. pero mejo napapautot ng konti... at nung nasa may Pangasinan... kumakalam sikmura ko.. ayun natulog na lang ako..... at paggising ko nasa Tarlac na kame... tas ayun di ko na lang pinapansin yung pakiramdam ko.... tas sa 2nd stopover... kumain kame ng lunch.. grabe yung lunch kasi ang daming ulam.. yun ang kinabilib ko... ang dami mag-ulam sa bawat iniistop over namin.... den balik ulet sa bus... grabe yung kahabaan ng SCTEX..... napakahaba niya... jusme. kaloka.... sana eh dumaan na lang kame ng Capas at Mabalacat kesa sa expressway na yan... at nun nasa NLEX na.. ang ikinatuwa ko eh dumaan kame sa Marquee Mall at nagstopover dun.... haayy abot tengang ngiti ako dun.... naaalala ko tuloy ung naging kachatmate ko na nagkukwento saken about sa Mall na yun... wala lang... drama much lang...

Ang haba ng NLEX yun lang bow... at ayun nakarating kame ng pasay ng by 1.30PM tas nakauwi ng cavite ng 2.30PM... natunaw na mga strawberry... sayang.....

at ayun back to normal na ulet ang aking buhay........

-------------------------------------------------------------------

dont watch.... :D

0 comments:

About