May 6, 2011
---------------------------
At ayun.. this time sa bayan lang kami ng Baguio.... at dahil nasa may Trancoville nakalocated yung dormitory.... den ayun sumakay kame ng Baguio Plaza.. sa totoo lang sarap magbiyahe.. feeling ko saulo ko na Baguio kahit ang totoo eh hinde... malapit lang pala yung SLU sa Cathedral...
------------
Baguio Cathedral
Yun ang una namin pinuntahan... akala ko malaki siya... maliit lang pala!!!! pero ganda ng structure nung simbahan... sempre... dahil ayon sa MVP sa gilid dumaan sina Mark at Kevin eh di sa gilid rin ako dumaan... nagdasal at nagthank you.... sayang wala akong picture na kasama ang Baguio Cathedral huhuhu much.. Tita kasi ayaw ng hawakan ung camera.. kabwiset.... eh nahihiya naman ako kina Jonathan at sa kapatid niya.... (arte much lang...)
Session Road
Pagkababa ng Cathedral... gulat much ako.. kasi malaking highway ang lumantad samen.. yun pala ang Session Road... naalala ko tuloy yung tweet ni Kino na ingats daw dahil maraming snatcher.. inpernes sarap maglakad lakad sa session road. dami kasing naglalakad.... tas marami din mga tinda tinda... hanep....
Burnham Park
Nilakad lang namin ang kahabaan ng Session Road.. hanggang sa makarating ng Burnham Park at tumigil dun sa nagtitinda ng mga alahas... ung sterling silver.. ayun bumili ako ng Hikaw... ang mura grabe 50pesos lang. kaya ayun.... pagkabili.. sinuot ko na agad... tas nagkayag si Jonathan na magboating ayun sumama ako... bali 5 lang kame nagboating... ako, si Jonathan, ung kapatid niyang si Jonalyn, si Jomar at di ko kilala yung isa pa... enjoy much... naka 2 ikot lang yung rower namin.... pero for me kahit boring ang saya pa din... hehehehhe.... :D

after magboat ride.. nag ikot ikot sa Burnham Park.. naiingget ako dun sa mga nagbabike kasi gusto ko din magbike.. kaso nahihiya naman ako sa mga kasama ko kaya ayun nuod na lang.. hanggang sa mapapunta kame sa isang trade fair.. ayun tingin dito tingin doon bili dito bili doon.. Bumili ako nung wacky worm na magic... grabe... kala ko totoong magic yun pala me daya.. grabe.. ang mahal pa naman...
Nagtanghalian kame sa karinderya sa Burnham Park.. tabi tabi pala mga karinderya doon.. mejo konti lang ang kinain ko kasi un nga wala akong kagana gana dahil ilang araw na akong napapajebs...
After kumain.. lakad lakad ulet at naisipang mag SM Baguio dahil tanaw na tanaw ang SM Baguio from Burnham Park.. and homeyged... naligaw pa kame... buti na lang mabait yung napagtanungan namin.. englishera pa!!! sosyal!!!!!!!!! from Burnham.. tinawid namin ang Session Road.. jusme kahit tanghaling tapat ang dami pa rin naglalakad lakad.. kaloka!!!! inet inet ba naman ayun pagkadating ng SM Baguio.. pagod na pagod ako... pero sinabi ko kay Tita na try kong magCR baka mapajebs ako... dun ako sa Upper Basement nagtry.. pero waleyyyy... ayaw lumabas nung jebs.... haayyy...... kaya ayun iba talaga ang pakiramdam ko nanghihina talaga.... ayun naupo na lang ako dun sa may Terrace view ng SM Baguio.... at naloka ako dahil me dumaang Bromance.... ang cute nila... para silang sina Mark at Kevin... napangiti ako ng bongga dun.....

After mag SM Baguio, naisipan pumunta ng Baguio Market.... ayun ginawa akong alalay ni Tita ang daming biniling gulay at stroberi... feeling ko para kameng nagDivisoria.. kaloka!!!!
Haayyyy siyudad na siyudad ang Baguio... parang Manila... pero isa to sa mga di ko makakalimutang lugar.... wala lang.... pakiramdam ko yun ang 1st and last time na makakapunta ako... pero wag naman sana...... sana me next time pa..... :D
I Love Baguio!!!!!!!!!
3 comments:
hindi ba kayo nag-abot ni AXL dyan? LOL. Sabay pa kayong nagpost.
Nakakamiss din pala yung Baguio.
miss ko na ang baguio. marami bang gwapo? hahaha.
@sirmoks
mas una ako ke AXL kasi first week of May po ako nagpunta eh.. hehehehe
@sean
ay sinabi mo pa.. ANG DAMING GWAPO sa baguio.. jusme.. lalo na kapag napapadaan kame sa SLU.. tinatalasan ko talaga ang aking mga mata.... plus sa SM Baguio ang dami... sayang walang pics.. kasi di ako makasimple eh... heheheh :D
Post a Comment