Tuesday, May 24, 2011

Diary 05/24/11 R0s@rio F!est@ 2011




May 22, 2011

Yehey sinamahan ako ng pinsan kong si Jeje na manuod ng parada.. akala ko pa naman mag-isa akong manunuod... buti na lang..... at me naawa saken na samahan ako... ayun nilibre ko na lang siya ng pang MCDO, pamasahe, all expense..... bow!!!! sayang ang 500 ko!!!

-----------------

ayun nagMCDO muna kame.. kasi nagdedaydreaming ako na gumawa or magpicture kasama ang mcfloat at mcdo fries... kasi plano kong magDP or profile pic na I LOVE MCDO FRIES... tas ung I eh yung mcfloat tas ung heart eh ung kamay ko den ung fries eh kakagatin ko..



Kapal lang ng mukha na ibalandra yan dito sa blog.. pero ok lang... wala naman masyado bisita ang aking munting lungga... kaya pedeng pede magwala!!!!!!!!

----------------------

At ayun.. naghanap na kame ng mapupuwestuhan ang tagal namin naghintay haayyyzzzz... hanggang sa ayun... tas.. ayun nakita namin sina Mommy Tit (aunt) konting chika2x... blah blah blah.. halos isang oras din kame naghintay at sa wakas anjan na ang parada... yipee.... 11 lahat ang banda...

at 2 banda lang ang nagustuhan ko.. ang St. Augustine Band (Tanza) at Sta. Monica Band (Tanza)... tas sinundan namin ung sta. monica. kasi irerecord ko yung marcha nila... at narecord ko ang marcha nilang Washington Post at Bravura... andun kame sa likod ng banda... sarap sa tenga.... kasi dinig na dinig ko yung marcha... hayyysss feeling ko eh naparada na rin ako... super saya nung narinig ko ng LIVE ang Bravura March.. den after non.. St. Augustine naman.. yung Fairest of the Fair.. den biglang bumuhos ang malakas ng ulan.. sa kasagsagan ng parerecord ko basang basa kame ni Jeje. grabe.. sira ang aking pagrerecord.. haaayyzzzz nakakainis na panahon na yan. nagkasya kame sa isang payong.. kaloka!!!!!

Den napilitan akong bumili ng isa pang payong sa palengke... tas ayun dun na kame sa plaza... kahit malakas ang ulan.. dun sa baba ng stage.. enjoy enjoy much lang.... at tong si Jeje asar dun sa katabi namin dahil sa kanya umaagwas yung payong... kaloka.. pero ako nag enjoy pa rin.. plus nakita ko rin yung isang musikero ng Sta. Monica.. cute pala siya sa personal.. kasi sa FB ko lang siya nakikita eh... buti na lang di ko siya kilala... hmmm pero parang alam niya na ako si bigbrother sa youtube.. pero sempre dedma pa rin... heheheh... bsta napatitig na lang ako sa kanya.....

den ayun nuod lang ng nuod ng majorette exhibition.. kaloka yung baklang nag exhibition.. 3 times ko na siya nakikita sa mga piyestahan wala parin siyang kakupas kupas.... magaling pa rin si beki... sayang di ko siya navideohan.... nagtitipid na kasi ng baterya.....

den ayun nabwiset ako dahil nagloko ang camera ko.. nung favorite banda ko na ang magdidrill.. pero buti kumagat pa rin.... panalo ang SHEMBOT.. ng St. Augustine..... kakatuwa.. enjoy much ako don...



tagal pa akong makakanuod ng parada ulit.. sa August pa... haayyy.. ilan months pa ang bibilangin......

buti me natira pang pera dun sa baon kong 500..... thanks naman...

4 comments:

EngrMoks said...

nagutom ako sa fries ng mcdo...saka yung mcfloat...Hilig mo talaga sa mga banda pare.

Anonymous said...

so kabadtrip yan nasa gitna kayo ng panonood biglang umulan. anyways I love the rain ryt now, kasi hindi ako naiinitan gaano.hehehe namimiss kong manuod ng parada at kung ano man fiesta kasi ang tagal ko ng di nakakapanood, wala na akong time,badtrip ang buhay ko. haha

zeke said...

oo nga. ang weird nga panahon ngayon talaga. haha, natawa naman ako sa panlilibre mo, keber na kung 500 ang dala.. natatawa ako kasi kuripot ako. wahaha :D

Anonymous said...

dito ka pala nagwawala ah.. hahaha! nagutom ako sa fries.. pahingi..

ang sarap manood ng parada.. :)

About