Thursday, December 5, 2013

MISS EARTH 2013 PREDICTION....


ilan kaya ang tatama???? 

MISS EARTH 2013 - UKRAINE
MISS AIR - VENEZUELA
MISS WATER - MEXICO
MISS FIRE - PHILIPPINES

TOP 8

5. SERBIA
6. BOLIVIA
7. INDIA
8. THAILAND

TOP 16

9. AUSTRIA
10. SWEDEN
11. POLAND 
12. FRANCE
13. INDONESIA 
14. SLOVAK REPUBLIC
15. SOUTH AFRICA
16. KAZAKHSTAN

Thursday, July 25, 2013

Diary: Ibong Pipit Hahaha

Ako bilang endorser ng krispy kreme lol hahahaah

funny video with my cousin..... 

Love it!!! 


Monday, April 1, 2013

Pico de Loro Mountain Hiking Adventure with my cousins!!!!

March 30, 2013

Nagplano sina boom at bubuy na umakyat ng Pico de Loro with my pinsan na sina ate joyce with her boss na si ate rhein, si jeje, jc, macky, camille na pinsan ni bum. na umakyat ng Pico de Loro sa ternate cavite...

so ayun.... 5AM ang call time at nakarating kame ng pico de loro ng bandang 6:30AM ayun nagparegister kame sa DENR tas ayun... nakakaloka kasi forest na forest!!! tas nag umpisa kame ng 7AM tas nakarating kame ng Base 1 ng 8AM... tas pahinga ng 15mins.. den 2hours na kame naghike.. grabe nakakapagod yung paakyat... kaya minsan nagpapahinga ako ng 5mins. at nagsoundtrip ako para di ko maramdaman ang pagod.. pero grabe... hanep ang paakyat nakakapagod siya ng bonggang bongga!!!!

at narating namin ang camp base ng 10:15AM... so bali 3hours kame nagHIKE.... its not bad.....

ayun picture picture.... tas nag ultraman akez... :D

tas sinubukan namin akyatin ang peak... grabe.. ala spiderman talaga!!! di ko kinaya para akong mahuhulog sa bangin!!! nakakatakot kaya ayun di na ako nakarating ng pinakapeak.. sina bubuy at macky lang ang nakarating sa peak.. maliit lang kasi.... at walang hawakan.....

so ayun enjoy naman... heres my moment in PICO DE LORO... i love it!!!















Saturday, March 16, 2013

My BFF in Purefoods Hormel.... CAB!!!!


Nagwork ako sa Purefoods Hormel Cavite Plant last year from March to July 2012.. Im so happy and blessed na nakatagpo ako ng bagong mga kaibigan at kakilala... at sempre mga fafa!!!! lolz....

Isa na dito si Cab.. or Alb3rt C@brillas in real life.. tubong Cagayan Valley.... nakakaloka pa ang unang pagsasama namin......

sa kabilang shift na kasi ako naassign that time and mga bagong sorters ang kasama ko.... isa na dun si albert or tawagin kong CAB... kasi apelyido kasi mga tawagan namin sa planta that time.... grabe tinambakan niya ako ng bmeat that time... as in ang dame.. tas ang bilis pa magsort samantala ako eh ang bagal.....

tas naging magkaclose kame eh May na... nung napapunta ako sa linya ng mga bakla para mag unpack ng liver... eh ang mga bakla eh kumaen... so nagpaiwan ako... tas nakita nya ako mag isa lang.. tas tinulungan niya ako... kameng 2 lang!!! tas pinagbuhat ko siya ng isang sako ng may laman na liver.grabe napakabigat.. tas ako eh nagtry din magbuhat.. grabe nakakapagod ng bongga josko!!!!

simula non lage na kame magkausap magkakwentuhan magkatext at lage siya pumupunta sa linya namin chika chika... hahahahaha....

--------------------------------------------------------------

fast forward.. after 8 months nagkita ulit kameng 2. ayun nag SM Dasma.. bonding bonding.... grabe namiss ko sya that time..... and bongga na siya ngayon kasi MIS Staff na siya sa isang malaking company... kainggit muchhh.... :D

here our bonding moment.... and im happy to have a new friend like him..... na until now.. me communication pa din kame....





isa lang ang pic namin 2 nung nasa pf pa kame.. huhuhu...

Wednesday, February 27, 2013

sa Ayala with Charles and Bianca... and also Marvin

February 26, 2013

Itong araw na to ay sinamahan ko si Charles sa Makati kasi nga mag aapply siya dun sa Thakral One.. at sa kadahilanang me alam ako sa glorietta, ayala chriangle eh ako ang sinama ni bakla... para di daw siya maligaw... at i am always free naman...

Ayun nilibre nya ako ng pamasahe.. at tinawagan namin si Bianca na nagwowork lang din sa Makati dun sa Wallys Photography... so ayun kumain muna kame sa chowking den nagpraktis praktis siya den bandang 1PM ayun iniwan ko na siya malapit dun sa may 6750 Building dun kasi yung pag aapplyan niya.. and den ako sempre... dahil nacurious ako sa kwento ni Marvin about dun sa sosyalin na overpass na from Greenbelt to PBCom... pero di naman siya sosyalin pero infernes ang haba.. nakakaloka.. pero bumaba na rin ako malapit dun sa may Philippine Stock Exchange.. sempre picchur picchur...

At ayun nakarating ako sa may PBCom at tinext ko si Marvin.... and voila.. nagkita na kameng 2... ayun... sayang kasi di ko dala ang ID ko ayun di tuloy ako nakapasok sa PBCOM.. haaayyy kakainis.. kaya ang ginawa namin ni Marvin eh nag ikot kame sa may ayala.. kakalokaaaaaa....... but nice meeting him... hehe after ilang years na pagtutweet.....

tas after non dahil me work pa si marvin eh pinuntahan ko naman si bianca dun sa may bel air grabe naligaw ako... ayun sinunod na lang niya ako sa may petron or tapat ng KFC.... at ayun nagpapictorial ako sa kanya sa ayala chriangle!!!! sosyaaaalll.

tas after non... ayun sinundo na namin si Charles sa 6750 building den kumain kame sa jollibee sa glorietts.. den uwian na.....

heres my moment with them.....

bianca and charles

 sa ayala chriangle

 ako and marvin sa may pbcom

 ako sa gloriettz

 sa ayala chriangle

 6750 building


me and bianca

Monday, January 28, 2013

nakakaloka.. feeling ko....

feeling ko ang sama kong tao.. omigad....

anyway... kagabi kasi.. ayun dumaan dito ung mga kachurch ng kaibigan ko... mejo nahihiya ako..and ayun todo react na talaga ako..... pero sila todo paliwanag... and ayun..

josko pinagdasal pa nila ako ng bougainvillaaaa!!! ako parang ang plastik ko lang....

ayun..... pero after that nakonsensya ako at pumunta sa isa kong tita na teacher sa isang catholic school... ayun pinaliwanag niya saken ang lahat.. na kahit kelan di ako pede sumali sa ganon.. at kung pano ang pamamalakad sa ganon. ay grabe nakakaloka.... nakakatukso.. kasi mabait sila and accomodating.....

grabe kasalanan ko to.... masyado akong curious..... omigad... pero sa susunod na punta nila dito sstraightforward ko n sila.. na di ako aanib sa org nila...

bahala na kung masaktan sila or madisappoint...

sa ngayon ang importante....

i love my family... i love my angkan!!!! i love my fellow catholic kapitbahaysss and customers..... :)

lam ko nababasa ni Lord to.. im sorry Lord... but i will stay catholic.... :) and sorry dahil di rin ako nakakapagsimbaaa.....

Sunday, January 27, 2013

worship.....

nakakakonsensya........ yan ang pakiramdam ko habang tinatype itech....

well well..... nag umpisa itech dahil kay janine tugonon 23 philippines at kay shamcey supsup 25 philippines.... mga born again kasi sila.. eh im such a follower of janine in twitter.. 

ayun plus napatweet ako na kung gusto ko ng ibang religion gusto ko maging born again but at the same time catholic pa din... aba.. bigla akong niDM ni sympaticko... kaya gulat much lang akey.. un pala Born Again pala siya.... ayun kwento kwento kame sa YM bout born again.... sempre mega curious lola nyo... 

plus si Al nakasabay ko sa jeep.. nun nagpaprint ako ng tarpaulin .. ayun chika chika kame... tas sa akin na siya nagpaprint ng mga pic.. sempre dahil ako eh madaldal.. ayun kung san san na napapunta ang usapan hanggang sa bout sa church nya dahil about sharing..... eh ako naman dahil sa mag isa lang aketch.. bigla akong nacurious.... naaalala ko kasi nung nasa PF ako... ung lage ako me kasama.. me kashare... kakwentuhan.... tas tinanong ko kung pede attend ako.. heheh try lang...

ayun after ko magdivisoria... nagbukas ako ng shop. and nung gabi di ko akalaing na bibisitahin ako ni Al at me kasama siyang babae.... ayun. ininvite nya ako...

at nitong araw na to linggo.... sempre attend ako... ayun maliit lang pala siya and me konti members... pero okay naman.... mejo weird lang dun sa kanta kanta kevoom voomm. pero ang tumatak saken eh ung The God I know is the light of the city The God I know is a refuge.. bongga... lakas maka sarah geronimo.... weird kasi pop song..... tas me sayaw sayaw pa....  naloka ako ng bonggang bongga.....

pero ang pinakanagustuhan ko eh ung HOMILY pero iba ung sa kanila.... parang nag aaral lang sila.. naloka ako kasi me baon silang bible.. at nakakaloka pa.. naglelecture din sila... seryoso lang??? parang tatakbong dean lister ang peg.. omigash.... as in gulat much ako.. pero nagustuhan ko yung homily. pinaliwanag na maige ung topic.r and they offer a prayer to me....  kaya ayun nagpasalamat ako sa kanila.... pero sa loob loob ko.. tinetest na ako ng bonggang bongga.. kasi habang nasa homily... naloloka na ko... eh kakabaclaran ko lang kahapon.. parang sabi ko sa sarili ko... baka maconvert ako ng wala sa oras.. parang tinakwil ko na din ang aking angkan... nakakalokaaaaaa..... ayun nagsabi ako kay AL.... ng hinanaing.... pero bongga.. nakita ko yung classmate ko nung first year na si Nilden Rey.. grabe ang HUNK at ang POGI.. josko.. tumangkad pa siya ngayon.. naloka ako yummmmeeeehhhhhh.... hahahaha... okay back to topic...  ayun sabi ko kay AL na im not sure... pero nag enjoy ako sa homily.... kasi pinapaliwanag nga maige.... masarap makinig...

at sa aking pag uwi... parang nakonsensya ako dahil nagsinungaling ako na sabi ko galing ako kina charles... kahit hinde... nakonsensya ako na baka nababaliw na ako.. parang ganon ang peg.. pero i think ala naman masama sa ginawa ko.. pero parang mahal ko pa rin maging katoliko.. lalo na si St. Augustine... kaya minsan dadalaw ako sa tanza.... narealize ko na ang prayer ay kahit anong oras pwede kahit ala ka sa simbahan or di ka magsimba.... basta nasa puso mo ang pagdadasal at kausapin ang Diyos.. yung ang natutunan ko sa kanila....

buti na lang anjan sina charles... nakinig sila sa akin... and si gelyn.. dahil umaattend din pala siya ng ganon pero catholic pa rin siya..... and wala naman masama na makinig sabi nila.... at nasa tao din kung macoconvert sila.....

sa ngayon mas naappreciate ko na maging Katoliko... kahit di ako palasimba.. pero madalas naman akong nagdadasal.... siguro.. attend pa rin ako sa mga ganon klaseng mass.... maganda kasi naeexplore ko pero ang puso ko Catholic pa rin!!!! :) open din naman ako sa bible study... at least kahit papano me makakausap n ko na relihiyoso at malalayo na ko sa tukso.

oh well... I praise the Lord... and thanks because Jesus loves me and i know that.... 

Wednesday, January 9, 2013

2k13 Drama No.1 - Ang Aking Pagbabalik...


Well... back to blog ulit... mag active ako this year... tutal... ala na naman akong social life.. at ala gaanong friends.. e di papakabaliw na lang ako here in internet.... akong mag-isa.... okies lang kahit ala magcomment.. just let-out let-out let-out.....

anyway highway.... eto after ng purefoods stint ko.. back to gift/print shop ulit ang lolo nyo.. bumalik lang sa dating buhay....haayyyy.. pero nakabili ng new PC.. mabilis na siya ngayon. plus android phone... pak na pak!!! kahit pano me changes din...

--------------------

den nitong january 8 nagtry ako mag apply sa munisipyo factory worker sa taiwan.. ayun nireject ako... kasi malabo ang mata... sayang ang time.. ayun napabili na alng ako ng brown envelope at mga kung ano ano para sa tindahan.....

------------------

sa twitter... ayun.. me bago akong kaclose.. si spidermaniac... ayun kakaloka siya mabait at kalog.. at sempre discreet beki... ayun kahit papano me nakakausap... at buti anjan pa rin si marvin.... up to now close pa rin kame.. hahaha im glad dahil tanggap nila ang aking kabaliwan at tanggap nila akey....

den bumalik si donnie.... dis 2013 finollow ko but sad he didnt accept me.. sempre nasaktan ako... kasi kahit kelan di na maibabalik yung dati.. ayun.. tinanggap ko na alng... ano magagawa ko?? saka he is 2011 kahit papano marami din nagbago lalo na ung nakilala ko sina MIKE at SER JOEL... plus si ARJAY at iba ko pang mga kaworkmate sa purefoods dati.. yun na lang ang iniisip ko.. kesa kay donnie na hanggang virtual world lang.... ayun.. so i need to move on 2013 na.....

------------------



O Plus Data Connection


 One of our helpful members, Marlon Geronimo shares this info to us:

"Here is the GLOBE data connection configuration for android versions gingerbread(2.3.5-.6), honeycomb(3.0), ice cream sandwich(4.0.4), jelly bean (4.1.1 & 4.1.2)

Name: myGlobe Connect
APN: www .glo be. com.ph or internet.glo be.c om.p h (dapat walang space nilagyan ko lang para ma post)
PROXY: 203.177.042.214 OR pwede din wala kasi sakin wala.
Port: 8080
MCC: 515
MNC: 02

Try this because i'm using this on my phone and it works perfectly.

Signal indicator:
E - slow connection or no connection
H - 3g
H+ - 3.5g
H++ - 4g

The higher the better and faster. Blinking up and down arrow means connection is not stable this goes with wifi also. Take note that using DATA CONNECTION will drain your battery faster."

Monday, December 31, 2012

My Wish on 2013

2012 is a great great year for me.... kaloka lahat ng wish natupad... lalo na yung makapagwork ako sa big company... wow PUREFOODS is such an amazing experience..... grabeee.....

----------------------------

ngayong 2013 eto ang wish ko.....

1. New work, new opportunity.
2. Meet many people... katulad lang nung sa purefoods...
3. More more money this year.
4. Isang malayong getaway!!!! like Vigan, Sagada or Baguio.
5. Mega Good Health... sana di na maulit yung nangyari sa purefoods na muntik n ko magkaulcer.
6. Makapunta sa Caleruega, BGC, Intramuros.
7. New Investment....
8. Sana marami akong customer sa 2013 habang ala pang new work...
9. Maging matatag and sana maovercome ko na yung problema ko sa work na wag magresign.
10. Lageng maging masaya and crazy crazy crazy everyday...

2012 Yearender songs....

1. I Wont Give Up - Jason Mraz
 - naging favorite ko last April 2012 tas lage ko tong pinapatugtog after maglunch o kaya magdinner sa midnight kapag night shift.... nakahiga sa may bench sa locker....

2. Next To You - Justin Bieber feat. Chris Brown
- nirecommend saken to ni daryll.. ayun dinownload ko and lage ko tong pinapatugtog sa biyahe kapag papasok sa planta...

3. Chasing Cars - Snow Patrol
- theme song dun sa kwento ni Symon at Gap... at dahil bet ko ang alternative. ayun nagustuhan ko at pinapatugtog ko din sa locker... 

4. Do I Make You Proud - Taylor Hicks
-  kinanta ni Symon dun sa kwento... at ayun... pinapatugtog ko din sa locker at kinanta ko nung minsan ay nagblader ako sa meatprep...

5. When I Look To The Sky - Train
- nakita ko to sa anything about most valuable player thread....  na pinost ni donnie... ayun dahil alternative... ayun mega favorite na agaddd... and ang ganda ng meaning.....

6. Back To The Lighthouse - Hallur
- nakita ko to sa thread ni wanni nung june.... ayun naging peborit ko na din.. at kinanta kanta ko din to noon sa production..

7. Love Remains The Same - Gavin Rossdale
- galing din tong kanta na to sa anything about most valuable player thread sempre galing pa rin kay donnieeee... ang ganda din... love the voicee and alternative.....

8. One Thing - One Direction
- naging favorite ko to nung august... dahil ang popogi pala ng one direction at eto ang pinakapeborit kong kanta nila...

9. Live While We're Young - One Direction
- naging favorite ko naman to nung october... nung narelease ang kantang to... ganda kasi.. groovy.... 

10. Papi - Jennifer Lopez
- theme song ng miss earth 2011... ayun naging favorite.. dahil sa miss earth 2012..... 

11. Payphone - Maroon 5 feat. Wiz Khalifa
- naging favorite ko nong september.... ganda pala

12. Call Me Maybe - Carl Rae Jepsen
- instant Hit to nung june.... pero naging favorite ko siya bandang september or october ata...




Thursday, December 27, 2012

2012 FAVORITE MOMENTS......


1. PUREFOODS HORMEL EXPERIENCE
- worked as an endline crew such an amazing experience... marami akong nakilalang mga bagong tao.. at naging part ng 2012 life ko.... ang daming fafa katulad nina mike, arjay, ser joel, rionel, limpo. nagkaroon kahit papano ng kabarkada sa piling ng aking meatprep family... ang tropang peelers na sina ate geovie, edgar, joanna, zai, francis. paula, beth.. tropang sorters bio, lumboy, cab, sison, valdivia, penus, anos, almodal, akhi, vivas, nava, yumul... tropang trimmers sina embon at suicon... tropang grinding.. sina elison, bicol, dado, kevin, furio  tropang grinding divas sina mandy, sophie, rosenda at nicole... sempre yung mga kabatchmate ko na nakasama ko nung una... sina kuya andro,ben, elvies at aguilar sina ehra at edison na nakasama ko sa meatprep sa kabilang shift...tropang stuffing... sina mike, jacom, master, ronnie, ganzon na wafu... plus sa kabilang shift na stuffing si tropa sempre ang mga nakakalokang experience sa purefoods like...

* nakulong sa big chill with ben... grabe naloka kame dun.... di ko yun makakalimutan grabeeee....... ang lamig... kala ko mafofrozen  na kame ni ben.. plus ang sarap mag meatballssss...
* yung nagsosort kame ng grind meat tas biglang nagtakbuhan lahat ng casual punta dun sa may staggard kainan kame ng hotdog.. grabe mega FIESTA!!!!
* yung lage akong may kaharutan.... grabeee i miss that so muucchhhh....
* nung nag inuman kame grabe... hanep.. nalasing aketchh.. pero ang saya non.. grabe....
* nung nagWalter kameng tropang peelers with joanna, ate geovie, cab at edgar.... not once but twicee...
* nung naglaro kame ng arcade kasama sina nava, edgar, joanna, bio, cab at francis...
* yung lage ako me kasama kumaen.... super happy na experience....









2. VICTORY LINER ADVENTURE (SAMPALOC MANILA)
- with rae bianca... na naloka kame dahil nadulas siya.... hahahaha...

3. BAGUIO FOR THE SECOND TIME AROUND 
- with tito jhun, ta jing, schan and chacha

4. APPLY MAKATI, ORIENTATION, MEDICAL AND PASSING THE REQUIREMENTS
- nung nag apply ako.. tas orientation nakilala ko si junard yung katabi ko den share ng number.... tas kwentu-kwentuhan.... plus yung sa medical... dun ko nakilala si oliver.. na naging secret crush ko hahaha... tas ayun tawanan kame sa medical... wala lang..... tas nung sa kukunin yung result sa medical... magkasabay kame ni oliver umuwi.. at ako eh kilig na kilig.. lololzzz... sa health card dun ko nakilala sina kuya andro, girlyn, roden.. tas ayun gora kame sa makati.... nagpasa ng mga requirements.... ang saya that time.... tas orientation sa planta... kame ni kuya andro magkatabi nung first day.. tas nung 2nd day si junard... ayun.. okay naman....

5. GALA GALA SA AYALA MAG-ISA

-

Tuesday, December 18, 2012

My Miss Universe 2012 Prediction



as of December 16, 2012

TOP 5

MISS UNIVERSE - SOUTH AFRICA - Melinda Bam
First Runner Up - MEXICO - Karina Gonzales
Second Runner Up - CROATIA - Elizabeta Burg
Third Runner Up - PUERTO RICO - Bodine Koehler
Fourth Runner Up - GEORGIA - Tamar Shedania

TOP 10

6. USA - Olivia Culpo
7. PHILIPPINES - Janine Tugonon
8. PARAGUAY - Egni Eckert
9. MALAYSIA - Kimberly Legett
10. VENEZUELA - Irene Esser

TOP 16

11. CZECH REPUBLIC - Tereza Chlebovska
12. GUYANA - Ruqayyah Boyer
13. AUSTRALIA - Renae Ayris
14. ECUADOR - Carolina Aguirre
15. COLOMBIA - Daniela Alvarez
16. THAILAND - Farida Waller


ilan kaya ang tatama.... 

Friday, December 7, 2012

reminiscing purefoods again


eg gr3p0 ‏@peelerboy485
masaya na nga sa work... me pera pa.. yun nga lang. mahirap yung trabaho.. hahaha. hayyy one of my most unforgettable moment this 2012...
Expand   Reply  Delete  Favorite

2m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
nakakamiss magwork.. dun ko lang naranasan yung samahan, mga tawanan, yung lage ako inaakbayan, yung biru-biruan huhuhu *sniff* :(
Expand

6m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
kamiss ang buong meatprep.... ang working area.. sayang ala akong pic ng working area.. ang lake2x pa naman.. miss ko purefoods :(
Expand

8m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
namiss ko tuloy si ser joel.. nung ginawa nya akong tagaPALA... sabi ko seryoso ser?? kalokang engineer. i miss him
Expand

9m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
hayyysss... ano pa ba di ko makakalimutan... hmmmm marunong pala akong magPALA.. hahaha langya 7kilos ang pala.. ang bigat.. panglalake
Expand

11m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
@MarkLopezIII ung fansign seryoso. hahahaha sige na papi pls.. :D papasko mo na saken :P
 View conversation

12m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
@MarkLopezIII isang kaban?? isang sako ba yon?? waaaa di ko kaya yon.. hanggang 20kilos lang ako... :D based sa experience ko :D
 View conversation

15m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
di ko rin akalaing na kabakla bakla kong tao kaya ko pa lang magbuhat ng 20kilos waaaahh ang bigattt!!!! pero kinaya!!! #grindingdivas
Expand

19m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
di ko akalaing ang landi2x at ang ingay ingay ko sa locker hahaha lalo n kpag nagccrbreak.. bago pumasok.. landi muna lol hahah
Expand

20m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
hay nakakamisssss... sana me time machine gusto ko bumalik sa april and may 2012!!!!
Expand

21m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
@MarkLopezIII oy hinde ah.. nagrereminisce lang papi... naglumandi lang sa work noon.. namimiss ko lang... :D oy fansign ko :P
 View conversation

23m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
di ko akalaing kahit papano makakaclose ko makakabiruan, makakaapiran, loko-lokohan sa locker.. kukurutin ko pisnge nya.. waaaahh i miss him
Expand

24m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
sempre di lang puro work noh. lumandi din ako dun.. waaaa miss ko na si papa mike!!!!! huhuhu :( ay grabe d ko akalaing makikilala ko siya
Expand

25m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
hahaha mga engot kasi.. ang hihina ng mga gaydar... lol hahaha.. :D magpasalamat sila sa kutsilyo...
Expand

25m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
di ko akalaing kaya ko palang makisama sa mga lalake.. na umabot pa ng isang linggo bago p nila natuklasang bakla ako haha
Expand

30m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
nagpapack.. mga tawanan.. lalo na sina bakulaw at kalbo.. tandem sa pagpapatawa.. kamiss ang 2.. miss ko tuloy sila...
Expand

31m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
kahit papano naranasan kong maging penguin habang nagpapack hahaha tigas na tigas ang katawan ko.. i miss that moment.. tas kwentuhan habang
Expand

31m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
isa pa sa pinaka di ko makakalimutan eh yung first time ko sa nuggets hahaha nakakaloka.. napakalameegg!!! 0degrees with blower... waaahh
Expand

33m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
saken si molina... pagod na pagod daw kase. josko ang bigat kaya ng karne lol.. kakaloka.. i miss that meat!!! hahaha hay layp
Expand

34m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
ang malupit yung 2nd day sorting ulit ng karne 7kilos dito talaga ako napagod ng bonggang bongga at hiningal.. haayy naalala ko tuloy naawa
Expand

36m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
plus napagod din ako noon.. magbalibag daw ba ng karne na nasa 7kilos.pero kineri ko ang 6hours na yon.. grabe first time.. sakit sa balikat
Expand

37m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
ang sakit sa kamay.. di ko makakalimutan yung namaga ang kamay ko.... after ng work... sensitive daw ba?? hayyyy
Expand

38m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
NKKLK ang first day ko.. di ko gusto mga ksama ko i hate ben!! asar siya bossy much.. ayun kkpagod ang first day. ang lamig ng karne at area
Expand

42m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
deployment!!!! hahaha nkakaba to. first time ko lng magwewerk sa isang malaking co.. yun nga lang production not office.. pero keri na
Expand

42m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
ang naksama ko hanggang sa huli.. pero nagkahiwalay din kame :( pero di ko makakalimutan si kuya andro.. kalog saka mejo cute kht chubby
Expand

43m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
tas mega kwentuhan na tlga sadly nung nadeploy kame nagkahiwa hiwalay din kame. kala ko sila na yung makakasama ko.. pero si kuya andro lang
Expand

45m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
yung sa health card. one of my best moment din to.. ung kame2x nina kuya andro, alex, ehra at yung iba pa.. dun lang kame nagkakilala
Expand

47m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
buti nun panahon na yun di nya nahahalata na bekimon ako hahaha. talagang tropa2x lang lol hahaha kung asan man sya ngayon. sana buhay p sya
Expand

48m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
tas tawa kame ng tawa. parang mga tanga.. di ko yun makakalimutan. tas sabay p kme kumuha ng result magksaby s jeep tinititigan ko sya. hayy
Expand

49m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
yung sa medical.. one of my favorite moments.. hahaa crush ko yung kasabayan ko.. hahaha. NKKLK. lage kame magkasunod.. hahaha.. tas usap2x
Expand

51m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
super espesyal.. di ko akalaing ganon.. naging katabi mo lang sa orientation.. ayun magkasabay n kame kumaen... tas palitan ng numbers..
Expand

52m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
ang bigat sa dibdib.. yung eto simula nung march hanggang july... simula orientation hanggang nung nawala ako.. ung mga taong nakilala ko
Expand

54m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
purefoods haunting me again.. all the memories. eto nagrereminisce na naman.. alam mo yon... yung di mo talaga sya makakalimutan.... *sniff*
Expand

55m eg gr3p0 ‏@peelerboy485
pasintabi.... mag eemo... emo alert...

Sunday, November 25, 2012

About Miss Earth 2012

hay grabe.... sinubaybayan ko ang pageant na to simula first week of November hanggang sa nitong kasalukuyang date.... NAKAKALOWKAAAHHH!!!!!!!!!!!!

-------------------------------------------

so ayun.... nagjoin ako a prediction game...

eto ang prediction ko...


FINAL LIST

MISS EARTH - SOUTH AFRICA

------------------------------------------------------------------------
MISS AIR - TURKEY
MISS WATER - VENEZUELA
MISS FIRE -THAILAND

5 USA
6 CZECH REPUBLIC
7 GERMANY
8 PUERTO RICO

9 SWEDEN
10 US VIRGIN ISLANDS
11 NORWAY
12 COSTA RICA
13 PHILIPPINES
14 RUSSIA
15 WALES
16 MALAYSIA

------------------------------------

den ang mga nakapasok sa tuff 16 ay sina......


Russia

South Africa

Germany

Venezuela

Korea

Italy

Mexico

Nepal

Costa Rica

Poland

Japan

Czech Republic

Brazil

Philippines

USA

----------------------------------

so I got....  8 out of 16.... its not bad... hahaha

-------------

and kala ko magcocooking show na ang miss earth dahil nakapasok si STEPHANY STEFANOWITZ sa top 4.... at ayun nagdasal ako na sana wag siyang manalo... jusme... nakakahiya sempre sa ibang bansa...... 

nagdadasal ako sa twitter saka sa TPQ sa fb group na sana Czech Republic ang manalo... and pakkk.. nagkatotoo...

buti na lang GODDESS ang nanalo.... josko... i so love her!!!! her beauty is such breathtaking!!!!!!!!!!!!!!










Tuesday, November 20, 2012

Ang Nakakaiyak at Nakakamiss na Convo namin ni Paula


      Paula Zarine Geli
      hoy musta na

      18:30
      Star Beefies
      buhay pa teh
      hahaha miss u

      18:30
      Paula Zarine Geli
      ako pa ...hehehe

      18:30
      Star Beefies
      buti ka pa nakatagal ka jan

      18:30
      Paula Zarine Geli
      miss nrin kita

      18:30
      Star Beefies
      naiiyak tuloy ako

      18:31
      Paula Zarine Geli
      san nakatagal
      wala na ko pf noh
      3 months na

      18:31
      Star Beefies
      talaga
      nauna ako sayo
      nakakuha ka ba ng coe at bakpay??
      namimiss tuloy kita....

      18:32
      Paula Zarine Geli
      di ko na kinuha te.... wala na ko paki dun...
      mas miss kita ....

      18:32
      Star Beefies
      nyeeekk

      18:32
      Paula Zarine Geli
      ui wala na kme ng asawa ko

      18:32
      Star Beefies
      uu nga
      binalita saken ni cabrillas]
      nagulat nga ako eh

      18:33
      Paula Zarine Geli
      hoy di na nakakagulat un sa ginagawaa nyang pananakit sakin
      ui tumatawag parin michael saken ha

      18:34
      Star Beefies
      kaloka ka
      pano ka nagkaron ng communication sa kanya
      ayy si mike nga pala

      18:34
      Paula Zarine Geli
      oo tapos ngayon dami ko boys

      18:34
      Star Beefies
      jyung sa royal cargo
      ikaw na teh...
      teka muna asan ka ngayon..

      18:35
      Paula Zarine Geli
      oo .... hinintay nya kong mag online ...kinuha no.ko
      sa fairview

      18:35
      Star Beefies
      wala k na pala dito..
      nabalitaan mo ba yung nanyari samen.. sa linya namin??

      18:36
      Paula Zarine Geli
      oo ..... new me n ko ...mas wild kesa dati ...wala na asawa eh ....free na
      oo nmn .....

      18:36
      Star Beefies
      aayyyy!!!! ikaw naaahhh baka majuntis ha

      18:36
      Paula Zarine Geli
      hoy .... di na un mauulit

      18:36
      Star Beefies
      so september ka nawala? sana kinuha mo kahit coe..

      18:37
      Paula Zarine Geli
      pwede pa ba

      18:37
      Star Beefies
      uu naman

      18:38
      Paula Zarine Geli
      san ko kukunin

      18:38
      Star Beefies
      magpaclearance ka lang.. o kaya ganito...
      punta ka sa office.. present mo ID mo
      tas sabihin mo... mam kukuha po ng coe
      tas itatanong kung kelan ang huling pasok mo

      18:38
      Paula Zarine Geli
      wag na babalik pa ko pf ...yko ng magpakita dun

      18:38
      Star Beefies
      tas ayun print out naa
      sa makati ka na pumunta
      sabihin mo nagpaclearance ka na.. and nagbigay ng resignation letter
      bigla ka bang umalis???

      18:39
      Paula Zarine Geli
      oo ....
      as in nawala bigla

      18:40
      Star Beefies
      nakakaloka... pero mas nakakaloka yung saken.. nagdrama drama pa ako sa harap ni ser batistis.. den poof... wala na...
      naapektuhan kasi ako sa nanyari. sa amen nina francis, mandy saka yung sa bago..

      18:41
      Paula Zarine Geli
      oh ..... pasaway kase kayo ....
      tago.tago rin kse

      18:41
      Star Beefies
      hahaha.. kakainis kasi si ser KT
      killjoy.. parang hotdog lang..
      e kamusta kayo ni ser patrik

      18:42
      Paula Zarine Geli
      un na nga hotdog lang nagpahuli pa kayo
      wala na ...... just a months lang

      18:42
      Star Beefies
      pero me nanyari senyo??
      hahaha.. saka si mike na royal cargo. musta kayo
      pano yan. san ka na wowork teh?

      18:44
      Paula Zarine Geli
      wala nangyari samen ni pat ...... ok nmn kme ...dami ko kseng jowa ngayon

      18:45
      Star Beefies
      hahhah kalerky ka... bigyan mo kameng 2 ni cab

      18:45
      Paula Zarine Geli
      hoy ...mag.aaral ako nxt yr
      wag na .... mga may itsura jowa ko ....10 sila

      18:45
      Star Beefies
      bongga...
      so lahat sila.. natuhog ka na?? ang luwag mo na teh!!!!!

      18:46
      Paula Zarine Geli
      syempre ...karamihan ..... foreigner

      18:46
      Star Beefies
      kaloka...... kawawa naman yang keps mo teh.. hahaha ingats baka majontis
      san ka mag aaral?? magpursige ka teh... tama na ang boys.. chos

      18:46
      Paula Zarine Geli
      hoy walang nangyayari text tska chat lang

      18:47
      Star Beefies
      wehh... pero dito sa PF... kay mike lang bigay na bigay ang lola ko

      18:47
      Paula Zarine Geli
      sa pup ako mg aaral

      18:47
      Star Beefies
      pede na rin... tapusin mo na lang... para instant sosyal pag nakagrad :))
      marami ka naman naipon... nagnuggets eh

      18:47
      Paula Zarine Geli
      oo nmn ....baka mabuking si mijke lang marunong mag tago

      18:48
      Star Beefies
      hehehehe.... nakakamiss purefoods noh... minsan nananaginip pa rin ako about dun.. hehehe

      18:48
      Paula Zarine Geli
      about boys>>>>>>>>>>>>kaw talaga

      18:49
      Star Beefies
      namaan!!!!! wala na ako kalandian eh... hahaha...
      naaalala ko tuloy nung gabi na magkasabay tayo umuwi kasama si jomar

      18:49
      Paula Zarine Geli
      hanap ka ...marami ka namn dyan db?
      oo nga noh ... nkkmiss

      18:50
      Star Beefies
      waleeeyyy teh.... yung bota ko di ko na naiuwi... pero ang remembrance ko sempre... eh yung earmuff uniform saka facemask...
      minsan sinusuot ko pa din yung facemask

      18:52
      Paula Zarine Geli
      gago ka ... walang pagka moveon pati facemask di pinalagpas

      18:52
      Star Beefies
      hahaha... naman.... lalo na nung unang buwan n nawala ako.. lage ako nakatingin sa orasan

      18:53
      Paula Zarine Geli
      bakit

      18:53
      Star Beefies
      pag 7PM pasukan na.. pag 11PM breaktime.. pag 3Am uwiaan naaa hahaha

      18:53
      Paula Zarine Geli
      grabe ....... alam mo kahit mahirap dun sobrang saya nmn noh

      18:53
      Star Beefies
      uu sobra
      hinding hindi ko makakalimutan yung experience
      lalo na yung samahan....

      18:55
      Paula Zarine Geli
      oo ...
      ako din .....humps up aako sa sinabi mo

      18:56
      Star Beefies
      pag nga napapadaan ako sa PF.. napapangiti ako.. di ako makapaniwalang nakapagtrabaho ako dun.... tas ang saya pala..
      tas eto kahit hiwa hiwalay na tayo.. pag napapatingin ako sa mga picchur.. sila yung mga taong naging part ng 2012 na hinding hindi ko makakalimutan

      18:57
      Paula Zarine Geli
      now we know pag nagka work ulit tyo ...kylangan na nating gawin yung tama

      18:57
      Star Beefies
      yessss!!!!!
      kakaiba talaga sa PF
      lahat ng kabulastugan matutunan mo heheeh

      18:58
      Paula Zarine Geli
      wow ...thank you teh

      18:58
      Star Beefies
      si cab nga pala
      maganda ang trabaho.. nasa office na siya ngayon...
      ikamusta kita sa kanya pag nakachat ko bukas... hehehehe

      19:00
      Paula Zarine Geli
      ok ...... dmi non boys ha

      19:00
      Star Beefies
      mga chaka daw.. sabi saken... di daw siya makaawra

      19:00
      Paula Zarine Geli
      ganun.... may nangyayari ba

      19:01
      Star Beefies
      kakapasok nya pa lang eh... magkukwento din saken yun hehehehe
      lam mo paula... natutuwa din ako sa sinabi mo na
      na pag nagkawork tayo ulit....
      gagawin na yung tama
      kasi yung saken.. naattached ako sa mga peelers.... tas nung nawala sila... parang ako nakawawa....
      di ko napaghandaan ang sarili ko...
      tas yun nga.. di inaasahan yung nangyari hulihan... naloka na aketch

      19:03
      Paula Zarine Geli
      dami ng ngbago noh ..... ang bilis ng panahon ....
      kung kayya lang natin ibalik ...gagawin na ntin yung best natin

      19:04
      Star Beefies
      tama.. pero kahit ganon. we're friends pa din.. buti me FB!!!! nagkakausap pa tayo
      naaalala ko tuloy nung una kitang nakilala yung sa nuggets.... kasama sina bakulaw...
      yung lamig na lamig ako na parang penguin hahaha

      19:04
      Paula Zarine Geli
      miss na kita girl ...nkakaiyak

      19:05
      Star Beefies
      naiiyak din ako dito.. pero happy ako na nakilala kita.. mwaaahhhh

      19:07
      Paula Zarine Geli
      me too ... thankful ako sa mga nakilala ko kse .... wer true friends

      19:08
      Star Beefies
      eh yung mga taga nuggets mong friend
      yung morena
      nakasama ko yun eh...
      sa nuggets dati eh.. sa autopack..

      19:08
      Paula Zarine Geli
      mga back fighter n

      19:08
      Star Beefies
      ayyyy!!!!
      panget naman non

      19:09
      Paula Zarine Geli
      oo ...wala sa mga met prep ....
      nakkaloka

      19:09
      Star Beefies
      kame kame kasi nina cab, zairyn, joanna, francis nagkakausap pa rin kame...
      sa text minsan dito nakakchat ko
      mga mababait mga taga meatprep
      mga mayroong butihing puso
      charmos!!!! hahahah

      19:10
      Paula Zarine Geli
      ui nagtetext dti skin si francis ....kaya lang binago ko yung sim ko
      oo nmn walang duda

      19:10
      Star Beefies
      friend mo naman ata yun dito sa fb eh

      19:11
      Paula Zarine Geli
      hindi

      19:11
      Star Beefies
      sana magkita pa tayo teh.. in the future... :P
      add mo siya

      19:11
      Paula Zarine Geli
      ano????????????????

      19:11
      Star Beefies
      http://www.facebook.com/franb24?fref=ts
      tignan mo cover photos nya... kameng 2 ni zai

      19:12
      Paula Zarine Geli
      i love it
      bakit kayo

      19:13
      Star Beefies
      sempre.. baka di pa nakakamove on
      katulad ko lang hahha.. tignan mo STAR BEEFIES name ko..
      sempre love ko mga HOTDOGS

      19:14
      Paula Zarine Geli
      di nga halata

      19:14
      Star Beefies
      HAHAHA.. miss ko nga din si ser joel eh
      siya lang naman crush na crush kong PE
      di man lang ksi ako nakapagpaaalam

      19:15
      Paula Zarine Geli
      ganun ...lumandi

      19:16
      Star Beefies
      hahaha.. lage kaya ako inaakbayan non
      ngayon ala ng lalakeng nag aakbay saken... sa PF lang meron non

      19:17
      Paula Zarine Geli
      edi bumalik ka

      19:17
      Star Beefies
      hahaha... yoko nakakhiya
      chos...
      nakakamiss din mga pagkain don
      di n ko nakakain ng drummets at sempre tender juicy

      19:19
      Paula Zarine Geli
      naku ...bumili ka nlang

      19:19
      Star Beefies
      haha ang mahal teh. chos
      di tulad doon LIBRE

About