Sunday, January 27, 2013

worship.....

nakakakonsensya........ yan ang pakiramdam ko habang tinatype itech....

well well..... nag umpisa itech dahil kay janine tugonon 23 philippines at kay shamcey supsup 25 philippines.... mga born again kasi sila.. eh im such a follower of janine in twitter.. 

ayun plus napatweet ako na kung gusto ko ng ibang religion gusto ko maging born again but at the same time catholic pa din... aba.. bigla akong niDM ni sympaticko... kaya gulat much lang akey.. un pala Born Again pala siya.... ayun kwento kwento kame sa YM bout born again.... sempre mega curious lola nyo... 

plus si Al nakasabay ko sa jeep.. nun nagpaprint ako ng tarpaulin .. ayun chika chika kame... tas sa akin na siya nagpaprint ng mga pic.. sempre dahil ako eh madaldal.. ayun kung san san na napapunta ang usapan hanggang sa bout sa church nya dahil about sharing..... eh ako naman dahil sa mag isa lang aketch.. bigla akong nacurious.... naaalala ko kasi nung nasa PF ako... ung lage ako me kasama.. me kashare... kakwentuhan.... tas tinanong ko kung pede attend ako.. heheh try lang...

ayun after ko magdivisoria... nagbukas ako ng shop. and nung gabi di ko akalaing na bibisitahin ako ni Al at me kasama siyang babae.... ayun. ininvite nya ako...

at nitong araw na to linggo.... sempre attend ako... ayun maliit lang pala siya and me konti members... pero okay naman.... mejo weird lang dun sa kanta kanta kevoom voomm. pero ang tumatak saken eh ung The God I know is the light of the city The God I know is a refuge.. bongga... lakas maka sarah geronimo.... weird kasi pop song..... tas me sayaw sayaw pa....  naloka ako ng bonggang bongga.....

pero ang pinakanagustuhan ko eh ung HOMILY pero iba ung sa kanila.... parang nag aaral lang sila.. naloka ako kasi me baon silang bible.. at nakakaloka pa.. naglelecture din sila... seryoso lang??? parang tatakbong dean lister ang peg.. omigash.... as in gulat much ako.. pero nagustuhan ko yung homily. pinaliwanag na maige ung topic.r and they offer a prayer to me....  kaya ayun nagpasalamat ako sa kanila.... pero sa loob loob ko.. tinetest na ako ng bonggang bongga.. kasi habang nasa homily... naloloka na ko... eh kakabaclaran ko lang kahapon.. parang sabi ko sa sarili ko... baka maconvert ako ng wala sa oras.. parang tinakwil ko na din ang aking angkan... nakakalokaaaaaa..... ayun nagsabi ako kay AL.... ng hinanaing.... pero bongga.. nakita ko yung classmate ko nung first year na si Nilden Rey.. grabe ang HUNK at ang POGI.. josko.. tumangkad pa siya ngayon.. naloka ako yummmmeeeehhhhhh.... hahahaha... okay back to topic...  ayun sabi ko kay AL na im not sure... pero nag enjoy ako sa homily.... kasi pinapaliwanag nga maige.... masarap makinig...

at sa aking pag uwi... parang nakonsensya ako dahil nagsinungaling ako na sabi ko galing ako kina charles... kahit hinde... nakonsensya ako na baka nababaliw na ako.. parang ganon ang peg.. pero i think ala naman masama sa ginawa ko.. pero parang mahal ko pa rin maging katoliko.. lalo na si St. Augustine... kaya minsan dadalaw ako sa tanza.... narealize ko na ang prayer ay kahit anong oras pwede kahit ala ka sa simbahan or di ka magsimba.... basta nasa puso mo ang pagdadasal at kausapin ang Diyos.. yung ang natutunan ko sa kanila....

buti na lang anjan sina charles... nakinig sila sa akin... and si gelyn.. dahil umaattend din pala siya ng ganon pero catholic pa rin siya..... and wala naman masama na makinig sabi nila.... at nasa tao din kung macoconvert sila.....

sa ngayon mas naappreciate ko na maging Katoliko... kahit di ako palasimba.. pero madalas naman akong nagdadasal.... siguro.. attend pa rin ako sa mga ganon klaseng mass.... maganda kasi naeexplore ko pero ang puso ko Catholic pa rin!!!! :) open din naman ako sa bible study... at least kahit papano me makakausap n ko na relihiyoso at malalayo na ko sa tukso.

oh well... I praise the Lord... and thanks because Jesus loves me and i know that.... 

0 comments:

About