Friday, July 13, 2012

Drama No. 21 - About Work and Sick Leave

4 na buwan na ako sa purefoods.... di ko akalaing tatagal ako.. ay grabe di ko makakalimutan yung first day ko na nagbaklas ako ng mga buffalo meat.. na sobra akong hiningal at napagod... namaga pa ang kamay ko that time.. pero nakakasurvive.... haayyyyy... ang bigat pa naman nun at dun ko lang naranasan ang magtrabaho ng mabibigat.. para sa PC.... para makabili ng new PC....

eto ang drama ko...

nung april.... dun ako napapunta sa hotdog peeling... di ko akalaing magiging kaclose ko yung makakasama ko dun... yung sina edgar.. si joanna.... zai.. at ate geovie...

nung una ko silang nakasama... yung una ko silang nakasamang kumaen sa canteen... yung tumutulong ako palage sa kanila.. at naging part na ako ng team nila.... haayyyy di ko yun makakalimutan...

hanggang sa nakasama ko sila sa galaan memorable saken yung nagpuregold kame at walter.. kasama sina cab at nava... yung after ng work eh nasa may labasan kame nagkukwentuhan muna bago umuwi.....

yung sa work.. sa likod.. yung tawanan kame ng tawanan... mga kabaliwan namen.... nung naglaro kame ng pinoy henyo.....

si edgar... siya yung masipag samen tagaset up... pero tumutulong din ako. at saka pag alam niyang nahihirapan ako eh siya na ang nyaagtatake over... sya n ang madalas na pumapasok sa case minsan ako.. ang di ko makakalimutan sa kanya eh yung 3 kame nina joanna.. tas ayun puro siya halik kay joanna nakakakileg.... basta masaya yung gabi na yun.....

si joanna.... isa sa mabilis na peeler... at magjowa sila ni edgar.. nakakaloka... pero topakin din minsan kasi gusto nya palage kasama si edgar.. mabait sya kasama....

si zai.. siya ang pinakapeborit ko sa linya namin na punung puno ng pangarap... super napakabait at concern siya saken... at siya eh super malayo ang narating for me.. kasi biruin mo nakapasa sa board exam at ang ganda ng pakikipagsapalaran niya dito sa manila.. siya ang pinakanaging kaclose ko sa mga peelers na di ko makakalimutan.....

si ate geovie ang nanay namin.. at tagapagtanggol namin kapag naaapi kame.. mejo praning din kaya masarap kasama....


lahat sila.. endo na... ako na ang naiwan sa linya.. :( haaayyyy pero hinding hindi ko sila makakalimutan...... kahit saglit ko lang sila nakasama eh naging part sila ng 2012 ko.....

---------------------------

sick leave....

nakakalungkot dahil sa kakabuhat ng hotdog... eto injured.. kala ko nga eh.. appendicitis na nga eh. dahil madalas pumapasok ako ng production ng busog plus nagbubuhat pa.... kaya masakit sa tiyan minsan.... pero sabi ng doktor... under observation pa.. baka daw me nasaging buto sa may ribs..

hope sana gumaling na.. ayoko maoperahan... sayang ang perang pinag ipunan ko kung sakaling maoospital ako huhuhuhuhu...

wag naman sana......

0 comments:

About