Monday, July 2, 2012

Ang buwan ng Tag Ulan


July na... grabe 4 na buwan na ako sa pyurpuds... i cant believe it. NKKLK.....

Day 89 (July 2) bago pumasok eh pumunta muna ako ng office. kinuha ang payslip at saka nagtanong about philhealth number tin id at pag ibig number pero sabi ni ser patrick eh sa makati office pa daw makukuha... den nakapirma na ako.... ayun sa production.... hotdog peeling walang katapusan... pero me reliever kame taga nuggets si mikmik saka yung tomboy pero si mikmik na lang ang naiwan kasi yung tomboy eh nilipat sa curing.... tas ayun petiks petiks lang kame panget kasi nung hotdog vida ba naman durog durog pa... pero natapos namin yun by 3PM tas nagbalat kame ng malakeng ham... tas ng red na ham at ordinary ham. ang kinaloka ko eh. nagbalat kame ng fiesta hamon de bola..... napaohmygad talaga ako sa excitement... nararamdaman ko na ang peak season kasi... ayun ordinaryong araw lang..... den umuwi n ako agad.. mejo naistress ako sa mga bakla.... di ko gusto mga ugali nila.... nakakainis sila... kaya ayun sa susunod di na ako sasama sa kanila.. leche sila...

Day 90 (July 3) grabe ang lakas ng ulan.. past 8 na ako nakaalis ng bahay kaya ayun pagdating dun eh muntikan na ako malate... kaloka.... ayun buti nakapirma din kaso di na ako nakakain.... ayun hotdog peeling ulit.. 4 lang kame.. si joanna, zai at francis.... vida na durog kalerki... ang hirap tuloy magbalat.... ayun tas bandang 11.30 ayun punta ako sa locker.. ngumuya ng fudgee bar.. buti na lang eh me baon ako.... ayun ang cute lang ni crisgent kahit me asawa na sya.... tas bak to hotdog peeling ulit.. normal na araw lang.. mejo nakakapagod ng onti... tas ayun nung uwian na.. pumunta kame ni bio sa office para kunin ang payslip... tas umuwi na akoooo..

Day 91 (July 4) ayun muntikan na naamn ako malate kasi ayun text ako ng text... exact 8 na ako nakaalis ng bahay kalowkah.... tas ayun text lang ako ng text sa biyahe at kumakain ng skyflakes... tas pagkadating dun.. absent pala si sir batistis at ang andun eh si sir gelo... actually di ko siyang kilalang bisor... ayun hotdog peelingggg ulit.... lage naman... sempre dun ako manning... den ayun beefies.. mga durog.. frozen pa..kalowkah..... pero me mga bagong deployed.. so punta ako sa bmeat.. tas paglabas ko ng breaktime... ayun me bagong deployed akong nakasalubong ang kyuuuttttt.. kalowkahhhh... den ayun tinitigan ko sya... tas sa locker ayun nakausap ko na agad siya.. sosyaaallll.. nilandi ko na agad... den bak to production.. ayun hotdog peeling ulit. tas mga bandang 4PM ayun lumipat sa amin yun mga bagong deployed.. tas ayun kilig kilig lang ako.. nag inarteng maige. tawa tuloy ng tawa ang mga kasamahan ko.... ayun yun nga lang me asawa na pala... nung pagkaout... ayun nagkwekkwek kame nina joanna at cab... at umuwi na ako....

Day 92 (July 5) pagkapasok ko sa purefoods aba ang mga reliever mga nakahilera lahat.. parang kame lang dati nung reliever pa ako... tas me crush ako dun.. cute kasi... tas ayun pasok na sa production.. nkakaloka.. balik na ulet kame sa likod maghotdog peeling..... ang saya saya.... namiss ko tuloy ang peelers days ko nung may yung kame 6 nina paula, ate geovie, joanna, zai at edgar... pero this time 3 lang kame.... ako, si zai at francis... den kumuha ako ng crates sa vatwash.. den pagbalik ko... waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh.... yung mga reliever nasa amin... ang dami namin.. kalowkahhhh..den ayun andun yung crush ko.. pero nilipat din sya... dun sa sorting na kala mong naghahanap ng kayamanan... den breaktime... kasama namin yung isa sa reliever.. bekiness pala si kuya kalowkahhhh... tas ayun back to production.. ayun nasa amin na ulit yung crush ko.. at nakakaloka... nakapagtrain ako kung pano magtali ng p.e. bag.. buti yung isa dun natuto agad.. ang bilis...... tas ayun niloko loko ako ng mga bakla lalo na si mandy.. dahil dun sa crush ko.. ayun mang aagaw talaga haaayyyyyy...... tas after non umuwi na ako. mejo sumakit ang hinlalaki ko dahil sa kakapisil ng mga hotdog...

Day 93 (July 6) muntik na naman ako malate kaya ayun.. pirma lang den bihis na agad den pasok na agad.. ayun nung kumuha ako ng crates eh kasama ko si penus.. yung bagong deployed.. mejo cutie cutie si kuya pero di ko type... ayun hotdog peeling... una star... den maya maya me reliever na from hotdog.... ayun umalis si penus... sa iba nilagay tas beefies naman ang binalatan namen.. ayun boring much lang.... den nung hapon. nagpabilisan kameng apat nina zai, joanna at francis tas kame ni francis ang magkakampe. ayun talo..... pero infernes pinetiks petiks ko lang ang gawa.. ayun naka 2 paleta kame.... so mga nasa 800kls. na beefies... nung umuwi na ako nagSM ako para bumile ng shoes na katulad ke furio.....

Day 94 (July 7) 10 ang pasok namin... so bago pumasok eh kumain muna ako sempre... kasi lam ko mga nasa 2PM pa kame kakain.... so ayun usap usapan yung about sa biometrics eh hindi ko naman alam yun... so pasok na sa production.. as usual hotdog peeling.. sempre ako tagakuha ng crates.... tas usap usapan na yung biometrics kasi last day ng registration so ayun... we decided na isa isa kameng lalabas... buti na lang wala si ser ayee or ser joel... kaya ayun petiks kame ng bonggang bongga... tas 6 kame.. kame nina peralta(reliver frm. hotdog), jayjay, zai, joanna, ako at si francis... ayun ako ang unang lumabas... ayun pandalas ako ng bihis.. tas saglit lang pala yung regisration.... den ayun... back to hotdog peeling ulit.... tas breaktime kame ng alas dos.. ang sarap nung banana cake. napatake out tuloy ako.... tas balik sa locker nilandi ko yung bago na si rikki.. ayun umupo ako habang nakahiga sya.. tas biglang umindayog.. nagulat tuloy ako..... tas nung papasok na ako eh ginanon din ako ni jeric.... tas pagbalik namin sa production.. aba ob tong sina francis at jayjay.. ayun nabadtrip ako.... tas pinagtulungan namen si jayjay.. kasi yung babaeng taga hotdog eh ayaw yakapin ni jayjay.... tas ayun pinaghihinalaang naming bakla... ayun loko loko..... kakaloka.. buti natapos namin ang beefies. at nakaisang paleta pa kame ng vida... bongga.. output!!!! tas umuwi na ako agad.. kasi badtrip ako kay francis.. ob na eh petiks pa.. ako tuloy naging taga buhat... ayun derecho uwi....

Day 95 (July 9) muntik na kong malate.. buti nakahabol.... ayun nakapirma naman.. den bago pumasok eh kumain muna ako ng frootees na biscuit kasama sina cabrillas at bio... den sa production kaloka ang binalatan namin. yung tender juicy na singles... tas isa isang babalatan kalowkahhhh.. tas ayun nagkwentuhan u lit kame ni zai.. about kung pano sya nakapasa sa board exam ng criminology saka ung adventure niya sa UE... at about college life niya.. at dun ko napagtanto na matalino talaga siya.. nakakaloka talaga... di ko maisip na board passer siya.. and nakatapos ng BS Criminology... ayun kwento kwento naman kame about samar. kung san siya lumake at nag aral.. Honor Student pala sya nung elementary kaya ayun me utak talaga siya... galing ni zai... lunch magkasama kame ni zai at francis.. den derecho pasok na agad... ayun Chick and CHeese singles naman ang binalatan namen.... ayun naging 5 na kame kasi sumama sa amin si dinglasan... ayun boring much lang..... hanggang sa nag 4:45.. dahil di namin tinapos yung isang task ayun nagalit si ser joel.... 45minutes na lang daw ang breaktime....

Day 96 (July 10) ay grabe nakakaloka.. as in late ako.... buti nakapirma din.. den pasok sa production kaloka nung una 4 lang kame.. absent kasi si joanna at francis... so kame lang nina zai at jayjay tas me isang reliever... den maya maya si jayjay eh lumipat sa office.. so 3 na lang kame.... star ang binalatan namen.. den maya maya nadagdagan kame si anthony dinglasan ang dumagdag... so ayun. den 45mins lang ang breaktime kakalowkah... den ayun nilandi ko sa cr si rikki valdivia.. kasi nabasa yung pantalon.. suggest ko sa kanya na next time magshort na lang siya.. den pasok sa production.... boring much lang.. pero nagkwentuhan kame ni zai.. about samar, tacloban, cebu.. about sa mga pinuntahan niya... and ang ganda ng pakikipagsapalaran niya.. nagulat ako dahil nakapunta siya dun sa cebu institute of technology eh dun nag aral yung isang mvpers na si sniperzero... and about plano niya na kung san sya mag aapply..... basta ang sarap makinig sa mga kwento niya.... punung puno sya ng pangarap... den maaga kame pinauwi... so ayun uwi ako agad...

July 11 - absent
July 12 - absent ulit.

July 12.. pero nagpunta rin ako ng purefoods para makapagfile ng leave at binigay ang Medical Certificate... ayun niloko loko pa ako ni ser javar na baka ooperahan na daw ako ganon2x..... tas ayun sakto lumabas na sina zai..... namiss ko si zai grabe... haaayyyyy ayun nakipagkwentuhan ako habang kumakain sila.. at niyakap ko sina zai at joanna... kasi yun nga pagbalik ko ng purefoods wala na sila.. endo na sila.... :( tas umalis na rin ako.... tas si cab ang landi2x.. me papa sa cellphone niya. ang landi lang ng bakla.... lol tas umalis na rin ako... at umuwi na..mejo ang sakit lang sa biyahe.. kumikirot kirot ang tiyan ko... haaayyy :(

SICK LEAVE..... from July 13 to 15....

---------------------

0 comments:

About