------------------------
1. Yoko ng magtwitter.. nakakalurkeyyyy... wala lang... engot much lang... ay nako ilan ulit ko na ba tong sinabi sa sarili ko na ayowkkoohhh ng magtwitter.. pero sige.. tweet pa rin ng tweet ang kokak... kakalerki... Kakainlab kasi yung isa kong katweet dun eh isa lang naman siyang Username.. ganyan ako ka-engot.. ang cheap ko noh?? wahahaha.. kunsabagay totoo naman... ako ang pinakacheap at pinakawalang kwentang kokak sa buong earrrttthhhh..... Basta ang mahalaga nachanged pass ko na ung account na un at pati ung email nachange pass na din kaya di na mareretrieve pa... kaya yehey.. di ko na mababasa mga tweets ni Mr. Username.. di na ako maloloka!!!!! buti na lang di ko siya kilala.... un nga lang... pinirint ko mga avatars niya.. at bago matulog eh nakakatitig sa mga yun... Naiiyak... naluluha... self pity much lang.... ah basta lam ko lilipas din to... siguro di muna ngayun.. di bukas... di samakalawa di next week di next month di next year.. siguro siguro... kung kelan wala na siya sa brain ko.... un nga lang.. mamimiss ko yung uwo, lewls, fasho, bonethugz, murneng, mahinaangbentahanngepektos, juskoporudehsusmarianokaindo.. pero ayus lang kahit di ko na un mabasa.... nakatanim naman un sa aking DVD back up.... haayy yaan ko na nga.... nakakalurkey lang..... ako na ang baliw..... pinakabaliw sa buong earrttthhhhhh...... haaayyyy.. nakakahiya kay Mr. Username..... grabe lang....... ambait pa naman nun....
2. Nanuod ako ng prusisyon nitong Miyerkules Santo.... ayun wala lang.. boring much lang... pero sama sama kame buong mag-anak dito sa tindahan ko.. ayun.. tapos me balikbayan na pinsan nila.. josme!!!!! nung kinausap ako eh.... ang tinanong eh.. kung kakilala ko daw ba yung Janna... tas sabi ko inde... Yung tinutukoy pala niya eh pinsan kong kasingtanda ko na Transgender na nasa States.. ayun daw.. ang ganda ganda daw... ako naman wala pakels... ngiti lang... bow! pero sa isip2x ko.... Josme.. wag nyo naman ako ihalintulad sa isang Transgender mukha ba akong ganun.. Hellooowwwwww... ang haba2x kaya ng bigote at balbas ko.. at di po ako cross dresser.. okeeyyy?? amp nakakainis sila!!!!!!!! sa tuwing ako na lang ang nakikita nila eh parang gusto nila akong maging ganon... no way no wwaaaaayyyyy... grrrrrr.... bow!
3. Nitong Huwebes Santo pagkakain ko ng Hapunan kinausap ko si Tita eh 8:30PM na nung gabing yun....
EG: Titaaaahhhhh.... alis ako ngayun magbibisita iglesia ako... now naaahhhh..
Tita: ha? gabi na ah... di pede!!!!
EG: ay josme!!! dito lang ako sa simbahan naten noh.... jan sa plaza. helow!!!!
Tita: Gaga!!!! ang bisita iglesia yun yung dadalaw at magninilay nilay at magdadasal sa 14 na simbahan.
EG: ah ganun ba un? Jan lang ako saten.. di naman ako punta ng Tanza at Rosario nuh...
Tita: O siya.. jan lang ah...
EG: Okie babush na!!!!!!
Now ko lang nalaman na ganun pala ang bisita iglesia... akala ko kasi magdadasal lang sa simbahan un lang... anyway highway.. ayun nagpunta na lang ako mag-isa habang naglalakad naka MP3 ako... den napansin ko.. ang lungkot... dun sa dinaraanan ko... ang tahimik... wala gaanong sasakyan.. wala gaano naglalakad.... parang pakiramdam ko.. eto na yung daan na daraanan ko sa buhay ko... madilim.. walang kasiguraduhan... andun ung pag-iisa....
Pagdating ng simbahan... huwaw!!! me libreng kape at sandwich... kasi me namimigay sa may labas.. den pumasok ako sa loob ng simbahan tas napansin ko me pogi... tas kakilala ko siya.. classmate siya ng pinsan ko.... ayun nagkatitigan much kame.. pero hanggang dun lang... ang cute niya.. mejo kahawig niya si Oreo of Balangingi kaso mejo mataba siya and bulinggit hahaha. Den ayun mega dasal ang kokak!!!!! basta pinaubaya ko na kay Lord ang lahat... bow! sempre pinagdasal ko na rin si Mr. Username.... (sempre baliw na baliw eh) na sana OK lang siya sa work niya... yun lang bow!!!!!
Pagkatapos magdasal.... nagpunta ako sa labas. inisa isa ko yung Station of the Cross kaso wala akong dalang nobena.. kaya ayun di na ako nakapagdasal... nakakaingget kasi maraming magkasing-irog sabay silang magdasal.. ako mukhang tanga lang..... haayyyyy.....
Tas meron palang seremonya dun sa Plaza parang Non Catholic... ayun nagsesermon yung Brother... tungkol sa Mahal na Araw.. di ko na pinakinggan at baka maya maya eh di na ako Katoliko... i love being Catholics kaya.. helow!!!! tas ayun umupo ako sa may gilid... malungkot.. nagpapatugtog ng Ikaw Lamang, Papatunayan at Biyahe. Mejo naiiyak ako.. kasi yun nga.. mag-isa na lang talaga ako forever..... basta sabi ko na lang sa sarili ko... kakayanin ko lahat... kahit mag-isa lang ako..... ganun talaga siguro buhay... basta si Lord na lang bahala saken.. pinauubaya ko na sa kanya lahat.... basta wag niya lang muna akong kunin.... hehehe...
Nung papauwi na... habang naglalakad ako... wala ulit katao tao.. ang tahimik ng paligid... malungkot.. mejo naluluha ako.... haayyyy eto na talaga yung daan itatahak ko habang buhay.. na ako lang mag-isa.... haayyyyyy.... :(
4. Biyernes Santo.. may kasalanan akong ginawa umaga palang.. yun ay ang magJ.O. wala di ko kinaya.. boner ako pagkagising ko kaya ayun derecho agad sa CR.. nagrelease.. tapos naglaro ng PS2.. kasama yung kalaro ng pinsan ko. mejo nilalandi ko kahit bata pa lol.. oh my gawwwdd ako na ang child abuse.. my gawwwwddddddd...... patawarin mo ko Lord... kaya ayun nung hapon natulog na lang ako... at bago pumunta ng tindahan eh bumili ako ng siopao.. at dahil mabilis ang karma, ang binili kong siopao eh.. parang bulok na.. ayun kalahati lang ang kinain ko.... den tinapon ko na.. haaayyyyyyy..... pero Lord patawarin mo ko sa ginawa ko..... basta parusahan nyo na lang me.....
5. Nagtext si Jeje sken kasi vivideohan ko yung pasayo ng CWE at ayun ang tagal tagal kong naghintay sa may FYI.. siguro mga 30minutes.. den nung naririnig ko na ung tugtog waaaaaa... BRAVVUUURAAAAAA... isa sa mga fave. band march ko.. kaya ayun kahit malayo pa eh vinideo ko na.... yun nga lang me panira... biglang umeksena naman tong St. Francis ayun sira ang bravura... talagang nagshowdown pa sila ng CWE.. nakakaloka!!!!!
sayang madilim...
6. Nung Miyerkules nga pala napatambay ako sa bioutloud.. ayun.. nanuod ako ng M2M movie yung VERSUS.. grabe nakakaloka!!!!! grabe ang sex scene.. jusme.. naloka ako!!!!! di ko kinaya... pero haylavet!!!!! hahahaha.... basta nakakaloka siyang panoorin... yun nga lang ang panget ng story.. puro sex scenes lang.. wala man lang kawholesome-wholesome... sayang parang MVP na sana kasi naglaro ng basketball yung dalawang bida....
7. At nitong Huwebes tambay ulet sa bioutloud but this time nagbasa naman ako ng Bromance Story yung Courage ang ganda ng kwento.. simple lang ung story... pero lakas ng impact.... tas me mga quotes quotes pa.. at ayun naadik na rin ako sa Kita Kits sa Mcdo....... haaayyyyyy....
8. At nitong araw na to (Black Saturday).. ang malas ko.... wala na akong cellphone.. ahuhuhu much lang... lagot ako sa tita ko netoh.. kasi last september kasi ang bili ko dun... tas eto nasira ang LCD.. bumagsak kasi... haaayyyyy.. paano na ako mag-aaapply netoh!!!!!!! eto lugmok na lugmok ako.. haaayyy bibili na naman ng another cellphone.. hay buhay!!!!! pero sa ngayun.. ayoko na muna magcellphone.. at saka na lang me mag-aapply ulet.. iibahin ko no. ko... hay kalungkot... kinakarma na talaga ako.... hay bahala na nga si Lord kung parusahan niya ako.... bahala na nga siya. kahit maging pulube ako..... basta... kung hanggang san na lang ang kakayanin ko... yun na lang siguro.. hayyy kadepressed ng bonggang bongga!!!!!!!!!!!!!
9. Hanggang ngayun di ko pa natatapos gawin yung pinapagawang music video ng pinsan ko.. Nakakatamad kasing gawin.. Nakakaloka na kasi ang buhay.. hay nako....
10. Nitong kaninang umaga... haayyy. napa-haaayyyysss ako sa entry ni Fafa Dhouseboy na Happiness josme.. tama nga siya.... minsan lage ko kinakausap ang sarili ko na maging makuntento na lang sa buhay na mayroon ako ngayun... yung simple lang.. tama siya... di lang pakikipagrelasyon ang kukumpleto sa pagkatao naten... haayy pero ako naiisip ko na di ko maiwasang mangarap.. ung ano kaya kung me karelasyon ako ano kaya pakiramdam? pero un nga di naman un ibibigay saken talaga.... Buti na lang anjan family ko.. always there for me.. sina Tita... na love na love ako... kahit di nila binibigay yung gusto ko eh anjan sila... masasarap yung mga pagkaing nakahain sa umaga, tanghali at gabi..... swerte ko talaga sa kanila. hehehe.. tapos anjan ang mga Marching Bands na sa tuwing me parada.. present ako kasi vinivideo ko ang parada kahit Digicam lang ang gamit at inuupload sa youtube.. Natutuwa ako kapag nababasa ko mga comments nila sa youtube... natutuwa ako sa mga mararaming views.... haaayyyyysss..... plus di ako nagkakasakit.... as in di ko pa nararanasana ang maconfine sa ospital.... siguro kung may dumating na lang talaga na babago sa estado ng buhay ko.. eh super malaking bagay yun... pero kung wala.. siguro makuntento na lang talaga ako.. haayyy ganun talaga siguro buhay eh... Naalala ko tuloy yung sagot ni DocCed sa Formspring... Nagtanong kasi ako na "Do you believe that life is unfair?" tas ang sagot niya eh.... "it is unfair. but that's the challenge right? to fight for it and survive.".... haaaaayyyyyyyyyyyy...
NAKAKALOKAAAAAAA.......
11. Iniisip ko tuloy.. ngayung wala na ako cellphone.. pano ako mag-aapply netoh? haaayyyyy. mukhang stay na muna ako dito sa aking mumunting tindahan.. at magloloka-lokahan... haayyyy ako na ang baliw....
8 comments:
ano bah???? bkit ka umalis sa twitter??? paano na ko?.. hehe! seriously speaking, lamo minsan my mga twit talaga na nkaka hurt as in nkaka HURT pero hnd lang naman c username fren mo don eh, nand2 us na mga kablogs mo, dapat e-ignore mo pag my nkikita kang gnon..dapat malakas ang loob mong harapin yon..para mging strong ka.. cge balik ka na sa twitter, isa ka sa nagpapaligaya sa akin don..
e-unfollow mo na lang c username.. try mo..
sorry mommy :'(
cge ok lang, kong saan ka maligaya suportahan kita.. dto n lang tau magchickahan.. hehe ^__^
1. tinatamad akong magtwitter... ni hindi ko sya binubuksan... hehe
2. ano ung J.O.?.. ahmm.. wala me alam sa mga cronym na ganyan! ahahaha.... bawal bang sabihin kaya acronym un?... clueless ako.. lol
3. never akong nagbisita iglesia.. diko nga alam kung katoliko pa ako eh.. ahaha... basat tambay lang me sa bahay...
4. ano pa ba?... un lng mga gusto kong sabihin.. hehehe...
pssst..di ako nagbasa..later na lang..aalis na kase ako eh.. ligo muna.
Hahaha!! Natawa ako sa number1. Inlababo ka sa isang katweet mo. hay.. actually, andaling mahulog ang loob sa mga social networks.. lalo na yung facebooka t twitter. Kahit face lang.. at twit, parang nakakainlab na ano.. lalo na pag medyo sweet rin.. hehe.. pero bakit naman umalis ka ng twitter? unfollow mo lang sya para hindi mo na makita... then follow mo mga bloggers. andami sa twitter eh, isa na ako. haha..
about the Holy week.. wala akong ginawa kundi magmukmok sa bahay. Walang pinntahan.. Visita IGlesia, hindi rin. Bahay lang talaga ako. tsk.
Nasira ang cp.. meron naman internet. hehehe.. Oh see.. balik ka na sa Twitter. :)
hey di ko maaccess bog mo yun pala nagpalit ka ng url. happy easter sa iyo eg. wag nang nega ha :)
sensya na senyo ah.. pero salamat pa rin...
mejo.. me topak lang po recently....
eh ayun.. hope u understand ehehhe.. salamat po.. :)
Post a Comment