pumunta ako sa malapit na compshop... para maglabas ng thoughts kaso punuan pala mga compshop kapag Sunday.. kaya ayun... naglakad-lakad na lang sa labas... paikot-ikot.. sinusulit ang haplos ng malamig na hangin... pero bakas pa din saken ang kalungkutan... at maraming iniisip... at kahit sa panaginip eh di pa rin ako pinalamapas ng lungkot.. kaya ilabas ko na siya ngayun ng matapos na.. hay nako
Nakakamiss kasi yung mga dati kong ginagawa na di ko na nagagawa ngayon....
Nakakamiss....
*mag SM buwan2x... yung mag-isa lang ako madalas sa SM Dasma lang.
*kumain ng Pork Teriyaki sa Sizzling Plate na super duper favorite ko
*umorder ng McFloat araw araw
*tumingin-tingin ng mga bagong album sa Odyssey
*manuod ng sine mag-isa
*sermon ng mga bossing...
*ang buong bayan ng dasma
*ang picnic grove/palace in the sky
*ang magbiyahe ng magbiyahe sa umaga at kapal ng usok sa pala-pala
*mag SM Dasma/ Rob Dasma araw-araw pagkatapos ng work
*mag7 eleven, mcdo at jollibee sa dasma
*yung kinakainan kong carinderia sa likod ng munisipyo ng dasma
*yung simbahan ng dasma na kapag di ko na kaya ang problema eh dun ako pumupunta para umiyak.
*magwork kahit maliit lang ang sweldo
*magcodes sa visual basic kahit pang beginner lang ang kaya kong gawin na system
*magshopping kapag SALE...
*yung buwan2x nakakadeposit ako sa bangko
*yung araw araw me kausap ako at kaharutan
*magxerox ng magxerox maghapon
*mga gala with former klasmeyts
*mga kaworkmate kahit minsan e di nagkakaunawaan at chismis ng chismis
*mangarap....
namimiss ko ang dati kong buhay kahit simple lang... na di ko na nagagawa ngayun...kasi yun nga wala masyadong peraaaa at kelangan din mag-ipon... at eto kulong lang sa aking mumunting shop....
hirap pala minsan kapag wala kang makausap... kahit kachikahan lang... hirap ng mag-isa lang.. pero kinakaya ko... sinasamahan na lang ako ng aking mumunting MP3.. buti na lang eh gabi gabi eh malamig ang simoy ng hangin.. nakatambay lang sa labas.. nakaupo...ewan ko ba sa sarili ko.... hirap ng ganito yung nasa mundo ka ng 3rd sex na yung ibang tao ayaw sayo... kukutyain ka.... tutuksuhin.... idadown... babastusin.... na para bang pakiramdam ko wala na akong image.. super negative sa paningin ng iba...... sana di na lang ako naging ganito.. akala ko nung una masaya.. pero hinde... habang tumatagal lalo ka lang masasaktan... para walang kadireksyon direksyon ang buhay... masakit... pero ganun talaga... iyon ang naging choice ko... at di na mababawi pa...
-------------------
buti pa ang panaginip walang batas na sinasanto kung saan malaya ka kung ano man ang iyong gustuhin.....
---------------------
nakakainis pa tong si Korina Sanchez... dun sa quotes niya sa Rated K...
"quitters never win and winner never quits"
kung susuko ka ba or lalaban sa laban ng buhay.... para bang nasa iyong mga kamay ang desisyon ng iyong kapalaran....
pero ayun.. ilang beses na rin ako sumuko kaya ayun.. walang narating...
kung mayroon lang sana libreng course na
Diploma in Wise Decision Making or Bachelor of Science in Wise Decision Making eh gusto ko mag-enrol....pero wala... isa lang yan sa mga iniimagine ko na di naman magkakatotoo.
Hayyy aasenso pa ba ako?? kelan ba ako magtitino at lalaban... hayyy buhayyy...
ang sagot...
di ko alam.........
6 comments:
we all have our own fair share of problems... buti pa nga ikaw dami mong oras para mag-isip-isip sa sarili mo, perspective lang yan... but at least you have your blog para ilabas yan sa dibdib mo...
Kaya yan!
May bukas pa... lol
Uyst Egg! Nandito ako! Tara at mag-usap tayo para may makausap ka paminsan minsan! Tara chikahan tayo.,. pwede mo sabihin lahat sa kin.. pwede mo rin akong lait-laitin kung wala ka magawa.. tapos tatawa ka.. tatawa ako.. tas parang wala lang na nilait mo ko...
add mo ko sa fb, sa twitter tas magkwentuhan tayo buong araw.. i-shashare ko mga walang kwentang nangyari sa buhay ko ishashare mo din mga walang kwentang nangyari sa buhay mo..
hahahahahahah.. kung gusto mo lang naman..di kita pinipilit.
gusto ko lang sana saluhan ang kalungkutan mo... gawa ka ng bucket list mo..
may reason siguro kaya nanjan ka sa state ng life mo na yan.. tara... gusto mo ba makipag friends? ako gusto ko... gusto mo ba? gusto mo ba? gusto mo ba? kaso minsan lang akong hyper na ganito.. minsan boring din ako kausap.. pero pag pasensyahan mo na..
kung gusto mo lang naman... :)
@arjee
nilabas ko lang dito.. eto na lang kasi ang outlet ko eh... di kasi maaalis alis sa isipan ko kaya eto.. burst out...
@kamila
windang ako sa comment mo.. salamat ah... i followed u on twitter na... kulitan tayu minsan dun ehehehhe... :D nalungkot lang talaga ako kagabi... un nga boring.. saka wala din makausap sa amin.... nakatunganga lang ako... at naglalakad and pahangin... boring kasi ako eh...
salamat kamila... :)
ang dami mong na missed ah... hehe! kwento din tau para nalilibang ka..
aasenso ka din..
dasal lang lagi kuya. magiging okay din ang lahat :)
@mommy razz...
hello i follow you on twitter na din mommy.... salamat phow
@nimmy
uyyy tenk yu nimmy... :D salamat po sa pagdaan.. :)
Post a Comment