Monday, February 14, 2011

Diary 02/14/11 (Walang Wentang Balemtayms)

Pagkagising.. wala lang ordinaryong araw lang...

Den pumunta ng tindahan... paksyeeettt.. beki pa ang una kong customer.. tingin ng tingin saken... nung una bwiset na bwiset ako... pero kinontrol ko lang sarili ko.. pakenkoy mode... di pa makapaniwala na 24 na ako.. mukha daw akong dose anyos... wew siya... pero kalma lang sempre....

Den umuwi ako ng bahay para kumain habang naglalakad tadaaannnn... napigtal (nasira) ang aking isang taong islander na tsinelas... huhuhu... ayun naglakad akong nakayapak..... kapag sinuswerte nga naman....

Den bago bumalik ng tindahan... nagbihis at nagsapatos ako mukhang tanga lang...

Tita: mukhang anak mayaman ah...
EG: nako.. isa akong HAMPASLUPA okie??? baka gusto mo maawa saken? pambili lang ng Islander tsinelas..
Tita: *dedma*
EG: basta di muna ako uuwi mmaya mag SM ako...
Tita: ok oh ayan ok na yan...
EG: nye.. 200 lang? hmm geh pede na....

Pagbalik ng tindahan andun lang ako nakatunganga habang si Schan Boy (my 6 yr. old cousin) eh busyng busy sa kakacounter strike... hay adik talaga ang loko sa counter strike...

At dahil sa sobrang gutom umuwi muna ako ng bahay para kumain ng dinner bago mag SM.. at pagsakay ng jeep... wew... sa unahan ako ng jeep sumakay den.. napansin ko sa glass rear (salamin sa gilid) na cute pala yung katabi ko chinito.... ay grabe... ayun nakakatitig lang ako... pero pag nagtatama ang mga mata namin sa salamin umiiwas ako.. at ginaya ko yung sa entry ni fox pero wa epek!!!! hanggang sa bumaba ako... wala talaga epek!!!! di ata alam lol hahaha.... pero ganda ng mata niya hayy chinitong chinito...

Malungkot akong pumasok ng SM daming pogi kasama mga GF nila at derecho sa Men shoes section para bumile ng Islander slipper paksyet pag nga naman minamalas ka.. walang size 8 huhuhuhu :'( pero inpernes kay Kuyang Chinitong Salesman.. ang cute cute niya... nakasmile pa habang nag-aassist... kulang na lang eh picturan ko na pero di ko kayang gawin lol... hayyy Kuyang Chinitong Salesman thank you sayow..... napa-smile ako don... kaya ayun size 7 na lang binili ko kahit biten.... nainlab sa charm ni Kuyang Chinitong Salesman lol... hayyy

Den umuwi na ako pagsakay ko ng jeep.. mejo cutie cutie yung nasa katapat ko sa jeep.. haayyyy nakatitig lang ako na suplado mode... buti pa siya masaya kasama niya barkada niya... buong commute pasulyap sulyap lang ako... hayyy.. at ginagawa yung entry ni fox... pero wala epek talaga...

siguro sa Manila lang abeylabol yung teknik na yun..

hanggang tingin na lang talaga ako.. pero OK lang.. at least nakagala lol...

pero lungkot pa din :'(

bago matulog... naglakad lakad sa labas.. super ilusyon mode... sarap pagmasdan ang mga bituin na kumikislap sa kalangitan... parang mas masarap siyang pagmasdan kung may kasama ka... hayy siguro ganito na lang buhay ko... hayyy enjoy ko na nga lang.... :'(

---------------------------------------

pero masaya ako kasi kasama ko sa twittahworld ang mga MVPers!!!!! mabasa ko lang mga tweets ni dfdsffds happy na ako.... :D plus pagala gala dito sa blogosphere....

ilusyon mode na lang ako foreverrrrrr......


17 comments:

Anonymous said...

hahaha... awareness day din pala sa buhay mo..w ahehhe

TAMBAY said...

sana nagkita tayo sa sm ehehehe.. kumain sa chowking. .tapos gumala lang at umuwi.. teka teka.. hindi kaya ikaw ang titig ng titig sakin hahaha.. joke lang parekoy.. hindi ako nagcocomute hehehe.. naka singel always ako.. (nagpaliwanag eh..)

happy balentayms kahit late na

Sean said...

ang emo hahaha! happy balentayms eg! eh di feeling cinderella ka nung sinusukat ni chinitong salesman yung glass slipper sa yo. sana kumandong ka na sa kaniya at nagpauwi sa palasyo. joke! sana tinanong mo anong oras off niya ;)

egG. said...

@kiko
naman!!! di ba halata na single awareness din ang aking balemtayms??? LOL

@istambay
ay!! ikaw ba yun tinitigan ko? lol sana nagpakilala ka... lol joke!!!! sosyal mo naman di ka nagcocommute lol

@sean
hagalpak ako ng kakatawa sa comment mo.. cinderellang cinderella nga ang pangyayari.. kaso mo ang sikip nung tsinelas na binigay saken pero keri na din hahaha.. di ko natanong kung ano oras off niya eh... mag -aalas dose na yata kasi that time magiging kalabasa na yung sinasakyan kong jeep joke!!!!!

thanks sa mga comment nyo.. kakatuwa kayo sobra... :)

happy valentines na belated lol!!!!

Lone wolf Milch said...

pareho pala kayo ni soltero na mahilig sa chinito hehehhehe

well at least nagenjoy ka naman sa shopping kahit walang kadate

iya_khin said...

nakisulyap po kay mamang chinito! lol

Pong said...

chinito talga uso ngaun hehehe.. ^_^,

ok lng yan sarap naman maging sinlge, harot harot lang hahahah :D

Pong said...
This comment has been removed by the author.
egG. said...

@hard2get
nako.. nabusog lang ang aking mga mata sa mga pogi sa SM... dami ngang chinito.... yun din pala ang type ni papa solts lol... pareho lang ng taste lol...

@iyakhin
asan si mamang chinito??? asannn????

@pong
ganon?? harot harot lang? minsan nakakasawa din humarot lol wahahahaha :D thanks sa comment.... :) CHINITO FTW!!!!

sayang niremove nung isa yung comment niya.. di ko tuloy nabasa :'( pero thanks pa din sa pagbisita niya sa walang kwenta kong blog lol

glentot said...

Hindi naman importante na may ka-jerjer pag valentines so ok lang yan

egG. said...

salamat glentot.. happi v-day sayo ng belated... heheeh :D

Pong said...

@egg,: naulit lang po yung comment... hehe sorry medyo OC, haha ^^

Desperate Houseboy said...

look on the bright side of life na lang bebe. :)

egG. said...

@pong

ah ganon ba.... hehehe OK lang yun... hehehe

@houseboy
salamat sayow. at talagang me bebe pa eh.. lol parang tatak lang ng pambabaeng damit lol :D

salamat phoowwzzzzz.. :D

David said...

I'll just greet now, I think it's not too late. Maybe you have to date a stripper for you not to be aware of the day's celebration and a night stand with a whore. maybe it will do

Happy friday folk.

Follow my blog here:
http://arandomshit.blogspot.com/

egG. said...

@denase

stripper??? whore?? grabe ka kuya! wholesome ang need ko lol... peace tayo... hehehe :j

salamat po sa comment :j

ingats phows keyowz.. :j

Anonymous said...

hello!!!!!! nice to meet you..:)

About