Sunday, February 27, 2011

Bakit ba ako mahilig sa mga Marching Bands???


Reminiscing......

Bata pa lang ako non.... sa tuwing sasapit ang August 27 ng taon... pumupunta kame ni Lolo ko sa Tanza, Cavite para magsimba at manuod ng Parada ng Banda.... lage nila ako dinadala don para daw bumait ako.. kasi matigas daw ulo ko nung bata pa ako.. baka sakali daw magdilang anghel si Tata Usteng... dahil magkapangalan kame... pareho kameng "Augustine" at di naglaon nakasanayan ko ng pumunta ng Tanza every August 27 of the year.. wala pa akong absent yun ang pagkakaalam ko lol... nanunuod ng marching bands and dinadalaw si Tata Usteng...

------------------------

Nung Grade 6 ako.. nag-aaral ng musiko ang kuya ko at mga pinsan ko.. hawak ni Kuya eh clarinet tapos ung sa mga pinsan ko eh trumpet, tuba etc etc... di pa nila ako sinasali.. wala lang la lang ako pakels pero andun ako nanunuod ng ensayo nila...

Nung tumugtog ang banda namin "St. Francis Band" pa sila noon sa Amadeo... kasama sina Kuya at mga pinsan ko.. at kame ng Tita ko sumama na din para manuod me serbis na kasi dat tym sina Daddy Ben.. don ako unang nakapanuod ng Marching Band Competition... at naka 2nd Place lang ang St. Francis noon...

-------

Nag-aral na din yung mga iba kong pinsan ng pagmumusiko... pero ako non.. lyre ata or drum ang pinapahawak saken na instrumento... kaso ang bigat nung snare drum grabe lang eh ang payat ko pa noon di ko siya mabuhat buhat.. lol kaya ayun di rin natuloy.... Bandang 2001.. nag-aral kame ni Jeje ng clarinet kay Daddy Cito... kasama si Jemma at Memey.. 4 lang ata kameng estudyante noon summer kasi... ayun... sa kadahilanang wala akong sariling clarinet... ayun kay Kuya ako humihiram ng clarinet yun nga lang di ako nakakapagpraktis kaya pagdating sa ensayuhan salang agad... madalas napapalo ako ng stick kasi pamali mali ng notang tinutugtog... at meron dun na naka-isang buwan akong di nakaalis sa LESSON na EIGHT NOTE.. ay grabe ang hirap niya... di ko mamaster... ayun nagquit na lang ako.. di naman ako makapagpraktis sa bahay kasi walang clarinet.... plus nag-away pa kame ni Kuya dahil don :'( pero yun nga... sabi ni Daddy Cito di rin daw bagay saken ang magbanda kasi baka daw mabinge ako... mahina na kasi ang tenga ko... kaya ayun... computer na lang ang pinili ko....

pero sina Jemma at Memey ang nakapasa noon... at di naglaon nakasama sila sa mga parada.. kame ni Jeje.... wala..... wala... pero at least si Jeje nakasama sa mga karakol...

hayyyy... kaya ayun... pero everytime na me tugtog ang St. Francis Band noon.. lage kame buntot ng mga Tita ko... kasama na rin akong nanunuod kaya kung saan saan na rin nakakarating sa buong lupalop ng Cavite.. lol pero madalas sa Tanza at Rosario lang ako nanunuod ng Marching Band Parade yun lang kasi ang malapit....




ang clarinet ni Kuya.. aym not sure kung sa kanya to... last 2008 kasi to nung pinakealamanan ko.. LOL

kahit di ako marunong mag-clarinet.. kahit hanggang eight note lang natapos ko kahit do-re-mi lang ang alam ko sa music....

marunong naman ako mag-baton twirling... or baton exhibition.... wala eh... naadik na sa kakanuod ng majorette exhibition sa tuwing me Marching Band Competition na malapet LOL.... hahahaha :D

Pero ngayon... hindi na sa St. Francis ang banda ng mga pinsan ko... nagtatag ng panibago...kaya mabuhay ang Community Wind Ensemble... su-support ako sa kanila kung saan sila me tugtog na piyesta... sempre vivideohan ko at iuupload sa youtube.... para mapasama sa aking collection na puro Parada ng Banda....






11 comments:

Jinjiruks said...

baka un ang past life mo dati

buendiaboy said...

indi nga masyado halata na ang hilig mo sa band.:)

egG. said...

@jinkiruks

salamat po sa comment.. hayyy

@buendiaboy

adik eh.. eto na lang kasi nagpapasaya sa buhay ko eh... lol

salamat sa comment nyo

Sean said...

banda pala talaga frustration mo dati. uy yung pinsan ko rin magaling mag-clarinet. pero silang magkapatid magaling sa lahat ng instrument - piano, gitara, flute, clarinet. kahit na tinuruan din ako at mga kapatid ko, di umubra. walang talent. ngayon organ lang ang alam kong laruin hehe ;)

Anonymous said...

ok2 para sa tanong ko ba itong post mo..w ahehehe.. now i understand

glentot said...

Akala ko nagbibiro ka sa baton twirling ahihi

egG. said...

@sean...

nag-aral ka din pala... dont tell me mga banda din mga pinsan mo ah... anong banda? lol pareho pala taung di umubra... lol pero bute ka pa kahit organ natutugtog mo..

@kiko
parang ganon na nga po brad... hehehe

@glentot
inde.. joke lang yun... ahahaha marunong ako... pero basic lang not magaling na katulad na ginagawa ng mga majorette talaga lol

amatssss have a nice dayyyyy...

TAMBAY said...

malapit na ang pista na amadeo parekoy.. sa pagkakaalam ko eh meron bmarching bang competition doon... hala ihanda na ang video.. malapit na/./ :)

hilig mo talaga ang marching bands no?

egG. said...

@istambay

yep.. lapit na nga po fiesta ng amadeo 4th sunday of april.. yata.. kaso di ako sure kung makanuod ako jan eheheh..

marching bands na lang po kasi nagpapasaya sa aking malungkot na buhay... kaya eto adik adik lang.. hehehe...

enjoy layp lang...

Sean said...

@egg

hindi ako pwedeng banda kasi walang talent haha! siyanga pala, yung organ pala na alam kong laruin. yung buhay... haha sori bastos.

egG. said...

@sean

ay langya.... akala ko organ na piano.. pala eh organ na lumilipad.. lol... me ganon??? lolz!

About