Tuesday, December 7, 2010

Kabadtrip...


Drama Alert!!!!

Hayyy... ang lungkot ng buhay ko... walang social life... walang mga kaibigan... wala gaano kausap.... wala gaano pera... pakiramdam ko mag-isa lang ako sa mundo... hindi nag-eexist... hayyy kadrama ko talagang nilalang....

-----------------------

Birthday ng pinsan ko ngayon... me konting salu-salo pero ako mas pinili ko yung kumain mag-isa at pumunta sa bahay... kung saan mag-isa lang ako at sila lahat ay nasa labas... kwentuhan... etc. etc. etc.

Nagkulong sa kwarto nakahiga lang... iniisip ko yung parada bukas sa dasma... di ako gaano excited.. malungkot pa rin...

eh mejo iritable ako sa buhok ko kasi ang kapal at mahaba na..kaya ayon... naisipan kong magpagupit na... eh almost 9PM na...

Buti na lang meron pang bukas na salon.... kaya ayon... kung dati rati kay manong barbero ako nagpapagupit at sa kadahilanang sarado na lahat ng barberya sa aming bayan... wala ako choice sa salon ako nagpagupit... with free shampoo pala kapag ganon... kaya oks din.. gumuwapo ako... naks...

Habang naglalakad sa daan.. malungkot pa rin ako... sana... sana lalake na lang ako... yung straight... sana nagkagirlfriend ako.. sana marami ako katropa... ang hirap ng ganito... yung ayaw sayo ng ibang tao... you cant please everybody...

Malungkot pa rin ako...

Pagdating sa bahay... tumingin ako sa salamin.. kagwapo ko... sayang ang buhay ko... nasa huli talaga ang pagsisisi...

Binuksan ko na lang ang laptop.. at ayun papicture sa cam... pakyut epek... wala lang.. EMO lang...

sayang buhay ko... i dont know what to do...

sana mag-enjoy ako bukas.... sana maging masaya ako bukas... dahil mga marching bands ang nagpapasaya sa buhay ko... sana walang mangyari saken masama... hayyy puro na lang sana..


testing..


5 comments:

Anonymous said...

hahaha... ang emo naman... choks lang yan.. hahha

Pong said...

emo nga, naku ok lang yan.. mkakahanap ka din ng mga taong magiging totoo sayo, just be urself.. ^_^

di mo naman kailangan iplease lahat ng tao eh, at di lahat ng
str8 masaya me mga problems din yun
(actually wala din kinalaman ung gender chverness..^^)

just olways look at the positive side ^_^

buendiaboy said...

chill ka lang dapat,try mo pa ring maghanap ng bagong friends or bakit di mo kontakin yung mga old friends mo.xlink tayo kung ok lang :)

TAMBAY said...

pre isipin mo na lang.. kung malas ka, pano pa kaya ang iba diba? minsan dumadaan sa buhay ng tao ang mag isip ng ganyan, malulungkot ka.. pero ang importante, ayan o enjoy mo pa din ang life..

egG. said...

uyyy salamat sa pagdamay nyo saken... salamat sa comments....

salamat talaga :)

About