Friday, December 3, 2010

MY 2010 Life - My PEX World 1

Diary mode......

Sa kasagsagan ng laro ko ng Naruto nung February at March kapag naboboring ako pumupunta ako sa favorite tambayan site ko... ang PinoyExchange.com


Wala lang... pasyal2x sa LMTV section, Dilemma section, Buhay Pinoy section at sa Alternative Preferences section nagbabasa ng mga kung ano-ano....

Yun nga lang nahook ako sa mga BROMANCE story.... hahaha... alam na! LOLz! Una kong binasa eh yung Migz Confessions at My Lost Story... dun sa Migs Confessions naging kakulitan ko pa si Brian_Yu at Redbed.... magpanggap daw bang sina Kuya Migs, BJ at Lil Bro ni BJ lolz!

Sumunod don... me sumulpot pang mga story na aking binasa isa don yung Toshiyori ni Creaturebox at Agent 143 ni Spidermaniac... Mejo aliw ako sa Toshiyori noon kasi kakatuwa yung bida.... yun nga lang nung dumating sa climax ng story.. mejo tinamad ako kasi matanda pala yung makakatuluyan nung bida, eh ang bet ko dun eh yung kaworkmate niya.... kaya ayon... pero inpernes at true to life story yon.... About Agent 143.. nako super marathon pa ako that time... ganda ng story ni Spidy... yun nga lang SAD ENDING.... huhuhu....

---------------------

Dahil April noon... at nagkaroon ng PBB Teen Clash Edition ayon tumambay na naman ako sa PBB Thread... at naging ganap ng fantard jowk! hinde.. nangulit dito nangulit doon.. nakihinge ng link ng livestreaming at comment dito comment doon sa thread... at ayun naging fan ako ni Tricia Santos... kasi kinakawawa siya sa loob ng bahay... pabalik balik ako maya't maya punta ako sa AP den balik sa LMTV den bisita sa Dilemma section...

---------------------

Daming nagsulputan na bagong mga APserye... isa dun ang pinaka-inadikan ko sa lahat... ang Most Valuable Player ni Sympaticko... Its all about basketball... pero sempre BROMANCE!!! grabe... kinilig ako ng mabuti noon... yun nga lang sa gabi nag-uupdates si symps at kinabukasan ko pa mababasa... kakulet ko talaga noon... me times pa nga na don na nasermunan ko siya dahil sa isang chapter ng kwento niya... wala lang... affected lang sa story lolz! at dahil sa MVP... naadik ako sa kantang LOVE WILL KEEP US ALIVE...


Ang swerte ko din noon dahil nakakausap ko sa PM si sympaticko... wala lang kwentuhan lang about MVP...

----------------------

Binasa ko din ang Three and Half Hours ni The War Zone pero dinownload ko na lang yung PDF File sa thread niya at nagmarathon ako 5 hours... from 3PM up to 8PM that time.. ang ganda ng story... my master and my soldier... kakileg lang.... para akong nanuod ng movie nung binasa ko yon.... sarap sa pakiramdam nung natapos ko... :)

1 comments:

Anonymous said...

hahaha.. paborito kong kantang to.. love will keep us alive...

About