Wednesday, December 15, 2010

D@sm@ F!est@ 2010



Tuwing ikawalo ng Disyembre (Dec.8, 2010) ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Immaculada Concepcion... isa na ang siyudad ng Dasmariñas ang isa sa mga nagcecelebrate ng kapistahan ito... Taon-taon tuwing fiesta sa Dasma ay may Marching Band Competition... na isa sa mga inaabangan kong event kasi adik ako manuod ng mga banda... Pero nung 2008 ako unang nakanuod ng marching band competition sa dasma....

--------

This time... thanks at sinamahan ako ng pinsan kong si Jeje dahil wala siyang pasok... Pagpasok namin ng Dasma... wow.. daming banderitas... kulay green and yellow (peborit color) pumunta kame sa simbahan at nakita namin na nagpipictorial pa ang CBBD... at maya't maya eh nagpasayo na sila.... at gulat me.. bago ang kanilang uniform.... may goleeeyy!!!! @__@ ang ganda!!!! parang Kastila ang style kasi nakaboots mga musikero... at grabe sampuan pa... ang dami!!!! sempre vinideohan ko gamit ang digicam ni Ta Jing... at si Jeje eh pinicturan gamit ang cellphone niya...

Pagkatapos kumain kame sa 7-eleven... at pagkatapos non ay naghanap na kame ng mapupuwestuhan para manuod at videohan ang parada... mejo malayo-layo din yung napili namin kasi umiiwas ako sa mga madaming tao para wala gulo... saka para maluwag at maganda ang pagkakavideo ko... i-uupload kasi sa youtube lol....

At last dumating na rin ang parada.... sempre gusto ko din magcomment.. katulad nung ginawa ko nung isang taon.... at wish ko lang eh walang makabasa na musikero baka kuyugin ako at awayin LOL.... peace tayong lahat... comments lang to lol...

CBBD - bago uniform hanep!!! Best in Uniform na to... kapag sinabak na sa mga labanan sa ibang bayan or marching band competiton... heheheh :) gusto ko din yung tugtog nila... un nga lang di ko alam

MFBD - umiistayl na naman ang mga majorette lahat naka-BANGS.. at ginaya pa nila yung sa St. Augustine yung nasa gilid mga flag bearer... yun nga lang luma yung uniform nila ang pagkakaalam ko eh last 2008 pa yon... pero nakakatuwa mga majorette poise kung poise talaga heheheh :)


BANDA 14 - Ok sakin ang tone quality pero yung marching di ko nagustuhan at may sinama pa talaga silang bata sa parada... saka mejo kulang sa tao... hindi close 6.

BANDA KABATAAN 77 - Nako.. kinilig ako sa tugtog nila... CAPTAIN VILLAMOR ba naman ang pambansang marcha lol este peyburit marcha ko.. ok na ok ang marching... talagang hari din ng parada... bet ko sa marching yun nga lang hanggang ngayon yung Green Gala pa din uniform nila... pero choks lang... maganda pa din!!!!


BANDA KABATAAN 83 - ganda din ng tone quality nila... biglang konti nga lang ng majorette.. pero choks lang... ganda pa din... lalo na style ng majorette :)

BANDA SAN JOSE - waaaaa.. @__@ we are the world ang tugtog malayo pa lang sila tuwang tuwa na ako... ang tikas ni Drum Major... lintek.. at sabay sabay talaga ang mga musikero at nakita ko din sa personal si *toot* haayyy ang cute nga niya sa personal.... kala ko eh hanggang FB ko lang siya makikita lol... daming pogi!!!!!!! super bet na bet ko sa marching kaso guest lang sila...

ANAK ZAPOTE BAND - Oks naman sila... so-so lang... sayang at tumigil sila sa amin... mewi ishmax na mewi ishmax ang uniform nila...

STA. CRUZ BAND - ahm... parang di sila pang-dasma.. joke!!! ang konti... basta yon.. di ko sila feel... yon lang...


EL GOBERNADOR BAND - ayos ang marching at timbre...nagustuhan ko yung eye of the tiger nilang marcha bet ko sa marching

ST. AUGUSTINE BAND - sila ang inaabangan ko ngayon... kasi nung napanuod ko yung video ng Dasma 2007 eh.. tuwang-tuwa ako sa Them Basses nila... at ayun nga kahit papano impress ako sa kanila ngayon... gusto ko yung tugtog kahit di ko alam... sayang at di sila naggwantes bet ko sa marching..


ST. JUDE BAND - yay.. animan lang sila ngayon... kasi last year pituhan sila... pero madami parin majorette... yun ang nagpapaganda sa kanila... macharisma kasi mga majorette saka siguro sa uniform din... yun nga lang.. pahinga yung tumapat samen na tugtog... sana man lang eh Leon Magno... lol

LAS PIÑAS BAND - wow bago uniform... pero mas gusto ko pa din yung black nila... yung last year.. ayos din ang marching madame dame din sila.. bet ko sa marching..

BANDA 12 - Wow.. pangdasma na pangdasma ang dating nila.. as in laban talaga sa competition... waluhan at ang dami... galing... ganda pa ng uniform.. akala ko sa Silang ko lang sila makikita.. at last nakapag-Dasma sila... bet ko sa marching...



--------------

pagkatapos ng parada.. inulet ulet namin ni Jeje ang parada at sempre video2x pero dun na lang sa mga nagustuhan ko.. dun kame lumiko sa likod ng munisipyo ng Dasma at nakarating sa lampas ng simbahan... kumain sa isang burger stand.. at saka pumunta sa simbahan para videohan yung drill... Pero namili na lang ako ng mga vivideohan na drill para tipid sa memory card at battery.... ay nako nakakangalay kasi nakatayo kame sempre... pero busog na busog naman ang tenga ko sa kakapakinig ng mga LIVE na marcha yun kasi ang gusto ko eh... Pagkatapos ng drill ay majorette exhibtion... kaso 3 lang ang navideo namen at nasa cp yon ni jeje... (na hanggang ngayon di ko pa nauupload ay nako)... at eto ang mga nanalo sa Marching Band Competition....

-------------------------

--------------------------

Best in Uniform

1st Las Piñas Band
2nd Banda Kabataan 77

Best Disciplined Band

1st Banda Kabataan 77
2nd Las Piñas Band

Best in Tone Quality

1st St. Jude Band
2nd Las Piñas Band

Majorette Exhibition

1st Banda Kabataan 77
2nd El Gobernador Band
3rd St. Augustine Band

Best Drum Major

1st Las Piñas Band
2nd St. Jude Band

Best Marching

1st Las Piñas Band
2nd St. Jude Band

---------------------------

parang 3 banda lang ang naglaban sa mga trophy kamusta naman!!!! pero yoko na magcomment at baka maging issue ek ek pa... at mabasa pa to ng mga musikero... awayin pa ako lol...

Pagkatapos ng event... naglakad kame ni jeje papunta sa highway... para mag-Robinson Dasma... pero nung nakita namin na nagpapasayo ang BK77 ayun huminto muna kame kasi magpapapicture kame... at nun pagkatapos magpapicture... me tumawag samen.. kamag-anak pala namen at niyaya kameng mamiesta sa kanila... kaya ayon... imbes na ipang-Jollibee ang natitirang pera... nakatipid!!! kasi nakapamiesta kame sa lola namen (kapatid ng lola ko) nakakahiya sempre.... pero choks lang... hihihihi :D

super enjoy nung araw na to... kaya kinagabihan... eh inupload ko na agad ang mga video... para mapanuod na ng madlang sambayanan na mahilig sa musiko... mejo sikat kasi ang account ko sa youtube... sangkatutak ba naman ng marching bands ang mga uploads ko kaya alam kung kanino mag-aabang.... at admin ako sa Cavite Marching Band Fan Page sa Facebook... sa kanila kasi ako nagtatanong about mga infos about marching bands dito sa cavite... ginawa na rin akong admin kasi nag uupload ako sa youtube....

Natouch lang ako sa message ng isang admin... at eto siya....


CAVITE MARCHING BAND lets us all thank one of our admin named E.G. Grepo dahil sa kanya npapanuod nten sa yt ang mga latest video of parades we are so proud of you EG BOY!!!!!!

(AVATAR)
district5


gusto ko umiyak... gusto ko umiyak sa tuwa... dahil kahit pano eh me nakaappreciate at natuwa saken heehehehe....

i love marching bands... yun ang nagpapasaya saken kahit anong kamalasan ang dumating saken hihihihihihi.....

sa December 24 at February 2 naman ako susunod na manunuod... pero bawal akong maexcite at baka lalong di makapanuod hahahah :D...



3 comments:

Anonymous said...

hahaha di halatang inabangan mo talaga to..w ahehehe

TAMBAY said...

sayang tol, maaga ako umuwi galing dasma, may binili lang kasi ako dun ahahaha...

egG. said...

salamat!!! LOL... nako kiko january pa lang excited na ako dito LOL...

sayang istambay sana eh di ka muna umuwi LOL... hahaha

About