Friday, March 30, 2012

APSERYE 2012


Kung dati nung 2010 sobra akong nahook sa mga apserye dun ko natagpuan ang MVP na sobra kong kinaadikan non until now..... pati dun sa agent 143, vonspee, lightning train commuters band etc etc etc.....

tas nung 2011 eh sa truth or dare at buhay ni carlo...

at ngayong 2012.... may bagoooo....

MY EXPERIENCE

TAENANG PAG-IBIG YAN, NAUSO PA

BARISTA

Sunday, March 25, 2012

The Continuation......


Day 7 (march 22) - meatballs pa rin.. pero masaya dis time.. kasi nung me inaayos kame ni ben sa freezer warehouse biglang nagsara yung pinto... ayun di nammin alam kung papano bubuksan.. hanggang sa huminge kame ng tulong sa pamamagitan ng pagkalampag at ako eh tulong tulong tulong.. buti me nagbukas agad...... kala ko maninigas na kame... at masaya ang task na to.... sobra akong nag enjoy kina elvies at ben kahit usad pagong ako kung kumilos....

Day 8 (23) - back to sorter yung tagahiwalay ng mga frozen na karne... pero binabagalan ko lang kasi di ko keribels yung karne 5 kilos ba naman tas pipira-pirasuhin mo ng bonggang bongga... tas nung madaling araw ako na ang taga shooter. tagalagay sa drum.. bongga!! ang dali lang... hahaha kalowkah.... yun nga lang... nahalata na ng mga kasamahan ko na bekiness ang lola nyo.. ayun tawa lang sila ng tawa at niloloko na nila ako ng bonggang bongga.... babaita daw aketch... ayun masaya habang naggagawa at nagshoshooot... non stop ba naman kasi... yun nga lang kalat sa buong floor na akoy isang bekiness... kaloka mga lalake dun lolz....

Day 9 (24) - shooter ulit... tagalagay ulit ng karne sa drum.... konti lang kame pero kahit ganon naka 8drums kame in just 8hours sosyalll!!!!!!!!!!!! nakakapagod na ewan kasi non stop yung paglalagay ng karne walang pahinga..... kalowkah.. pero yun na pinili ko kesaa naman na babalibagin ko yung karne at isosort eh frozen di ko keribels.. wala akong buto buto.....

Day 10 (25) - sa nuggets ako napalagay.. packer.... ayun nakakaboring nung una.. kasi pakonti konti lang yung nuggets... pero sumama ang pakiramdam ko kaya ayun naagpasya ako umuwi buti na lang eh pinayagan ako ng supervisor...... yun nga lang parang absent na rin ang lola nyo..... walang sahod that day..... buti na lang eh sinundo ako nina tita ng 1:30AM sa waiting shed.... haayyy wala na kasing masakyan....

haayyyyy nakakaloka...

Day 11 (26) - sorter ulit.. sorter ng mga taba... kasama ko dito sina jeff na kalbo, bakulaw na lage akong niloloko, elvies at ben... ayun.. lage ako niloloko ni bakulaw.... mga green jokes... kaloka.. ayun tawa kame ng tawa sa linya.. ang saya saya lang namin... kinuwento ko rin kung sino ang crush ko sa kaso nasa curing floor.... tas me tumabi saken na cute... si gutierrez pala yung nakaksabay ko papauwi kapag 3AM... ayun... tinitigan ko.... cute lang niya.. hahaha..... kamukha ni van roxas ng PDA season 2... tas nakasabay ko pa sya sa jeep.. hanggang santiago lang pala siya... at ayun tinitigan ko sya bongga sa biyahe... ahahaha kapal lang ng aking face!!!!!!!!!!

Day 12 (27) - Nuggets.... dun ako sa conveyor ulit... pero nung bandang after breaktime eh. dun ako nilagay sa 2nd floor na me machine. taga tanggal ng scrap.... na super uber lamig... nakatagal lang naman ako dun ng 4hours at nanginig na ako ng bonggang bongga.... as in nilamig ako na parang frozen na frozen.. kaya bumaba na ulit ako.... at nag ayos na ulit sa conveyor... mejo mahigpit dito kasi todo bantay ang p.e. pero kahit papano nakalusot ako ng kain ng mentos.. gutom na gutom na kaya ako non.. wala pa naman breakkkk.. kalowkahhhhhhh.....

Day 13 (28) - Nuggets... pero dun sa packaging packer.... ayun bilang ako ng bilang ng bonggang bongga... at nilamig ako dito ng bandang 3AM up to 6AM as in nawala na ako sa sarili sa pagod... at lumipad na rin ang isip kahit papano.... kaya ang hirap magbilang.....

Day 14 (29) - Nuggets.... packaging packer ulit.... dis time me mga kausap na ako... at di na ako gaano nilalamig kasi nakadalawang jacket ako plus sweater uniform pa... kaso sobrang nakakapagod dahil sa lamig... saka walang break sa madaling araw... kaya ayun.. parang nakakawala ng energy... at gutom pa... haayyyy pero kinakaya..... alang alang sa pc

Day 15 (30) - nuggets dapat ako... pero me choice ang bisor... kung uuwi or papasok.. e di sempre dun ako sa uuwi. ayoko sa nuggets.. takot ako magutom at napapagod na rin....

Day 16 (31) - Nuggets ulit...- nasira ang makina ang nuggets.. ayun me choices ulit.. papasok or uuwi... e di gora ako sa uuwi... wala kasing canteen... saka hanggang umaga na rin kasi yun... ok lang kahit walang sahurin kesa naman mapagod ng bonggang bongga... isipin ko na lang kunyari part time lang to kahit full time chos.....

Thursday, March 22, 2012

My Workkkk......


yahooo... nakasurvive ako.. as of now one week na ako sa work....

hayyy... super lamig lang sa PHCI... ay sa production nga lang pala ako... pero enjoy sa work.. nahirapan nga lang ako sa una kasi nagsakitan ang mga katawan ko.... sa meat prep ako naassign. buti na lang walang o.t.2x.... dahil di ko kakayanin yun... bali ang shift ko eh 7PM up to 3AM minsan 8PM up to 4AM depende kung ano oras pumasok...

Day 1 (March 16) = sorter ng frozen meat.. ayun binabalibag yung karne para mapaghiwalayin.. nahirapan ako dito kasi frozen yung karne at napakalamig sa kamay.... buti na lang nakagloves.. pero masakit pa rin....

Day 2 (March 17) = sorter pa rin pero nahirapan ako dito kasi hiningal na ako ng bonggang bongga sa pagod..

Day 3 (March 18) = peeler / shooter tagabalat ng atay at ishoshoot sa drum.. ang bonggels lang!

Day 4 (March 19) = peeler/shooter/sorter tagabalat ng chicken breast at ishoshoot ulit sa drum hanggang sa mapuno tas tumulong na rin ako magsort ng chicken breast sa station at nakipagchikahan ako sa mgaa lalake dun.. mga puro.. Pare! Pare! Pare! kalowkahhhhh.. at dis time nalaman din nila na bekiness ako... dahil sa tanong na... "gusto mo ba ng babae?" sempre di ako sumagot.. gulat sila... kalowkah... padiscreet epek ba namaan lola nyo....

Day 5 (March 20) = nilagay kame sa packing ayun taga ayos ako ng mga packs nuggets sa conveyor at tagalagay na din.. at tumulong na rin ako sa pagpapacks ng mga nuggets sa kahon.. ang dami lang... .. grabe nakakaloka... nagbreak kame eh 10:30 to 11PM tas wala ng break break..... hanggang 9AM wala na akong kinain... as in patayan.. kalowkah... di ko kakayanin kung sakaling dun ako maaassign palage... bibigay ang katawan ko... ayun at nawala pa ang earmuffs ko.. pero nakasama ko dito si kuya andro... lage lang siya nakatawa saken.. kinikilig lang lola nyo...

Day 6 (March 21) = gumawa kame ng meatballs.. kasama ko si ben at elvies... nakakaloka wala akong marinig... buti na lang si elvies ang naglelead samen.. tas assistant na lang ako... dahil bingengot... ayun sinusunod ko na lang ang utos nya..... at kahit papano me teamwork kame... at nakakaloka muntik ng mahulog yung meatballs dun sa may freezer warehouse dahil nataranta ako sa sobrang lamig..... as in nagyeyelloooo.. jusko.... kalowkahhhh...

so far. enjoy sa work.. lalo na yung mga bekiness namin kasama kasi masasaya silang kasama.. napapatawa ako ng bonggang bongga... nakakawala ng pagod ang mga hirit nila.... tas madaming pogi sa locker... maya maya me nakabrip pa chos!!!! hahaha kalowkahhh.. basta padiscreet effect lang ang lola nyo hahaha

tiyaga tiyaga na lang siguro... para makabili ako ng new PC... kakayanin ko to..

Thursday, March 15, 2012

Orientation Day 2


March 14, 2012

Day 2 ng orientation...

Dun sa may gate.. andun si Oliver... at sabi nya na sabay na kame.. pero sabi ko eh me hinihintay pa ako... yun nga si kuya andro.. pero late siya.. kaya pumasok na lang ako mag isa.. dun ako sa pangalawa sa unahan umupo katabi ko junard yung katabi ko sa orientation sa makati..... buti mabait siya... yun lang bow...


den ang sungit nung speaker namin. yun pala eh Q.A. chuva chuva.. pero great speaker siya kasi buhay ang lahat.... parang hayskul lang ang peg.. hmmmm kalevel ni mam valdez... ayun nakapasa naman ako sa exam...

den kapag nakakasalubong ko si oliver papunta sa cr eh hinaharangan ko sya... haayyyyy....

den ayun.... nakapasa naman ako sa exam.. perfect!!!! madali lang kasi.. and im taking notes...

-----------------

tas sa pangalawang speaker... ayun okay naman....

den naghahire sila ng Q.A. sampler.. ayun nagpasa ako ng papel... at me interview after ng orientation...

----------------------

den nun dumating na si ser patrick.. binigay na ang skedyul... naloka ako kasi.. NIGHT SHIFT ako.... jusko.... sa sobrang gulat eh.. parang gusto ko magtweet that time chos!!!!

ayun tinanong ko rin kung pwede ang hearing aid sa loob ng production.. buti pumayag si bisor...

----------------------------------

ang nakakaloka.. KASHIFT ko si Oliver... waaahhhhh... parang nakakatuwa lang lolz.... kinikilig lang.. hahahaha... pero ewan ko rin baka magkaiba kameng department.... haayyy pati sina kuya andro, alex, girlyn...... kame kasi yung magkakasabay na pumunta ng makati....

i miss that time.... di ko yun makakalimutan....

-----------------

haayyyy naiinlab na ata ako.. lolz....

-----------------------

pero hangga't maaari sana wag kameng magkadepartment ni oliver... di ko siya kakayanin na kasama.... maiinlove ako talaga.... baka magcramming at daydreaming na naman ako.. eh bawal magworry at daydreaming dun...

dapat eh malakas ang loob at alert.....


basta kayanin ko na lang ang lahat....

--------------------------------------------

ang daming nag apply ng Q.A. sampler.. pero dahil sa kahiluan ayun umuwi na lang ako.... kasi di ko na kaya ang gutom..... saka natakot ako sa kwento ni Vic (engineer) kasi baka mapaaway daw ako....

ayun....

-------------

bumaba ako sa sunnybrooke.. bumile ng hotdog sa mini stop....

den umuwi naaahhhhh........

---------------------

grabe 6hours kang walang kain... NAKASURVIVE AKO!!!!!!!!



Tuesday, March 13, 2012

Orientation Day 1


5:45AM ako nakarating ng puuurreefffooodsssss.... ayun nakita ko dun si Dennis... tas.. yung mga kasabayan ko na nag apply sa makati.. yung sina Andro..

Si Andro katabi ko sa orientation... ayun todo hearing aid lang ako and listen2x...

Nung nagpakilala ako eh pinagtawanan ako.. ayun tumawa na rin lang ako... be a good sport lang ang drama...

tas hinati kame on 8 groups.... Group 3 ako.... buti na lang me magaling sa group ko. yung nagwork sa call center... kasi mas bet ko yung nasa group 5 matalino kasi yung katabi ni andro....

yun nga lang 5points lang ang score namin sa unang exam....

nung tanghalian na... ayun sumabay ako kina girlyn, andro, alex at yung iba pang mga babae na kasama ni girlyn kumain sa canteen...

tas pagbalik ng orientation room... ayun pinabisita kame sa planta at tinignan ang mga ginagawa ng hotdog...

naloka ako sa mga nakita ko... jusko.. parang di ko kakayanin yung sa hotdog section dahil ang daming machine.... eh takot pa naman ako sa machine lalo na dun sa mga pinakitang machine na napuputol ang daliri.. jusko......

tas another discussion chuvaloooo....

den group exam ulit...

ayun naging quiz bee.... buti na lang matalino yung tagasulat namin.. tas kame eh tagahanap na lang ng sagot....

ayun 2nd to the highest kame.... kalowkah lang... ang saya.... hahahahah

-----------------

pagkauwi ayun.. sumabay ako kay andro... sana makasama ko siya sa department para me kasama ako...

anyway.. kinakabahan na rin...

-------------

namimiss ko rin ang internet....

nakakamiss hahaha... pero okay lang.. for a change.. and need mag ipon ng pera..

kayanin ko na lang to.... basta konting tiyaga and tiis....

mamimiss ko to....

------------

miss ko na rin ang mvp.. pero di na maibabalik ang nakaraan.. hanggang dun na lang siguro.. si donnie... namimiss ko....

---------

pero me bago akong kinahuhumalingan ngayon lolz....

haayyyyy si oliver...

sana makasama ko siya sa department.. hoping....

pero kung hinde.... :'( na lang....

About