Day 7 (march 22) - meatballs pa rin.. pero masaya dis time.. kasi nung me inaayos kame ni ben sa freezer warehouse biglang nagsara yung pinto... ayun di nammin alam kung papano bubuksan.. hanggang sa huminge kame ng tulong sa pamamagitan ng pagkalampag at ako eh tulong tulong tulong.. buti me nagbukas agad...... kala ko maninigas na kame... at masaya ang task na to.... sobra akong nag enjoy kina elvies at ben kahit usad pagong ako kung kumilos....
Day 8 (23) - back to sorter yung tagahiwalay ng mga frozen na karne... pero binabagalan ko lang kasi di ko keribels yung karne 5 kilos ba naman tas pipira-pirasuhin mo ng bonggang bongga... tas nung madaling araw ako na ang taga shooter. tagalagay sa drum.. bongga!! ang dali lang... hahaha kalowkah.... yun nga lang... nahalata na ng mga kasamahan ko na bekiness ang lola nyo.. ayun tawa lang sila ng tawa at niloloko na nila ako ng bonggang bongga.... babaita daw aketch... ayun masaya habang naggagawa at nagshoshooot... non stop ba naman kasi... yun nga lang kalat sa buong floor na akoy isang bekiness... kaloka mga lalake dun lolz....
Day 9 (24) - shooter ulit... tagalagay ulit ng karne sa drum.... konti lang kame pero kahit ganon naka 8drums kame in just 8hours sosyalll!!!!!!!!!!!! nakakapagod na ewan kasi non stop yung paglalagay ng karne walang pahinga..... kalowkah.. pero yun na pinili ko kesaa naman na babalibagin ko yung karne at isosort eh frozen di ko keribels.. wala akong buto buto.....
Day 10 (25) - sa nuggets ako napalagay.. packer.... ayun nakakaboring nung una.. kasi pakonti konti lang yung nuggets... pero sumama ang pakiramdam ko kaya ayun naagpasya ako umuwi buti na lang eh pinayagan ako ng supervisor...... yun nga lang parang absent na rin ang lola nyo..... walang sahod that day..... buti na lang eh sinundo ako nina tita ng 1:30AM sa waiting shed.... haayyy wala na kasing masakyan....
haayyyyy nakakaloka...
Day 11 (26) - sorter ulit.. sorter ng mga taba... kasama ko dito sina jeff na kalbo, bakulaw na lage akong niloloko, elvies at ben... ayun.. lage ako niloloko ni bakulaw.... mga green jokes... kaloka.. ayun tawa kame ng tawa sa linya.. ang saya saya lang namin... kinuwento ko rin kung sino ang crush ko sa kaso nasa curing floor.... tas me tumabi saken na cute... si gutierrez pala yung nakaksabay ko papauwi kapag 3AM... ayun... tinitigan ko.... cute lang niya.. hahaha..... kamukha ni van roxas ng PDA season 2... tas nakasabay ko pa sya sa jeep.. hanggang santiago lang pala siya... at ayun tinitigan ko sya bongga sa biyahe... ahahaha kapal lang ng aking face!!!!!!!!!!
Day 12 (27) - Nuggets.... dun ako sa conveyor ulit... pero nung bandang after breaktime eh. dun ako nilagay sa 2nd floor na me machine. taga tanggal ng scrap.... na super uber lamig... nakatagal lang naman ako dun ng 4hours at nanginig na ako ng bonggang bongga.... as in nilamig ako na parang frozen na frozen.. kaya bumaba na ulit ako.... at nag ayos na ulit sa conveyor... mejo mahigpit dito kasi todo bantay ang p.e. pero kahit papano nakalusot ako ng kain ng mentos.. gutom na gutom na kaya ako non.. wala pa naman breakkkk.. kalowkahhhhhhh.....
Day 13 (28) - Nuggets... pero dun sa packaging packer.... ayun bilang ako ng bilang ng bonggang bongga... at nilamig ako dito ng bandang 3AM up to 6AM as in nawala na ako sa sarili sa pagod... at lumipad na rin ang isip kahit papano.... kaya ang hirap magbilang.....
Day 14 (29) - Nuggets.... packaging packer ulit.... dis time me mga kausap na ako... at di na ako gaano nilalamig kasi nakadalawang jacket ako plus sweater uniform pa... kaso sobrang nakakapagod dahil sa lamig... saka walang break sa madaling araw... kaya ayun.. parang nakakawala ng energy... at gutom pa... haayyyy pero kinakaya..... alang alang sa pc
Day 15 (30) - nuggets dapat ako... pero me choice ang bisor... kung uuwi or papasok.. e di sempre dun ako sa uuwi. ayoko sa nuggets.. takot ako magutom at napapagod na rin....
Day 16 (31) - Nuggets ulit...- nasira ang makina ang nuggets.. ayun me choices ulit.. papasok or uuwi... e di gora ako sa uuwi... wala kasing canteen... saka hanggang umaga na rin kasi yun... ok lang kahit walang sahurin kesa naman mapagod ng bonggang bongga... isipin ko na lang kunyari part time lang to kahit full time chos.....
0 comments:
Post a Comment