Thursday, July 12, 2012

My Dream Birthday..... for August...


Nakakaloka... magtutwenty-six na ako sa August 10.... pero di ako magcecelebrate mismo sa bday ko.. wala kasi ako gaano money money money......... im planning it will be on Aug. 27 or 28... para feast of St. AUgustine.....

-----------------------------

sa ngayon... kahit noon pa gusto kong pumunta sa lugar na mga to.... ayun.. gusto ko makakita ng mga taong professionals..... kasi yun nga kulong lang ako dito sa probinsya ng kabite...

haayyyy ibang iba talaga ang kaligayahan ko nung march.. nung nagpunta ako ng makati haayyy breathtaking yung sa may magallanes flyover ganda pagmasdan ang mga building ng makati.... nakakita ako ng mga young professionals.... ang popogi lang... chos!!!!


di ko yun makakalimutan......

--------------------------------------------------------

1. RCBC - sa mga nababasa ko kasi sa PEX. dito daw maraming young professionals... mga pogi... lol... ayun sempre gusto ko makita to...


2. Ayala Avenue - yung parang sa simula ng my amnesia girl.... yung maraming naglalakad na mga professionals... gusto ko makakita ng mga taong mga nakakurbata, mga taong nag apply at tignan ang malalaki at matatayog na gusali na para bang ang sarap mangarap....


3. Ayala Triangle - wala lang nabasa ko lang to sa blog ni nimmy... gusto ko na rin puntahan... after maglakad lakad sa ayala...


4. Greenbelt - wala lang.... tingin sa powerbooks baka me cute... saka magrereminisce ako nung nanuod kame ng The Vinci COde nina ghen at bianca last 2006.


5. Intramuros / Fort Santiago - i want to be historical this year... saka bata pa ako nung huling punta ko... eh ngayon gusto ko ulit pumunta....

.



6. Manila Cathedral - wala lang.. sikat daw to eh...


7. San Agustin Church - sempre dahil feast of St. Augustine.. magsisimba ako dito....

Monday, July 2, 2012

Ang buwan ng Tag Ulan


July na... grabe 4 na buwan na ako sa pyurpuds... i cant believe it. NKKLK.....

Day 89 (July 2) bago pumasok eh pumunta muna ako ng office. kinuha ang payslip at saka nagtanong about philhealth number tin id at pag ibig number pero sabi ni ser patrick eh sa makati office pa daw makukuha... den nakapirma na ako.... ayun sa production.... hotdog peeling walang katapusan... pero me reliever kame taga nuggets si mikmik saka yung tomboy pero si mikmik na lang ang naiwan kasi yung tomboy eh nilipat sa curing.... tas ayun petiks petiks lang kame panget kasi nung hotdog vida ba naman durog durog pa... pero natapos namin yun by 3PM tas nagbalat kame ng malakeng ham... tas ng red na ham at ordinary ham. ang kinaloka ko eh. nagbalat kame ng fiesta hamon de bola..... napaohmygad talaga ako sa excitement... nararamdaman ko na ang peak season kasi... ayun ordinaryong araw lang..... den umuwi n ako agad.. mejo naistress ako sa mga bakla.... di ko gusto mga ugali nila.... nakakainis sila... kaya ayun sa susunod di na ako sasama sa kanila.. leche sila...

Day 90 (July 3) grabe ang lakas ng ulan.. past 8 na ako nakaalis ng bahay kaya ayun pagdating dun eh muntikan na ako malate... kaloka.... ayun buti nakapirma din kaso di na ako nakakain.... ayun hotdog peeling ulit.. 4 lang kame.. si joanna, zai at francis.... vida na durog kalerki... ang hirap tuloy magbalat.... ayun tas bandang 11.30 ayun punta ako sa locker.. ngumuya ng fudgee bar.. buti na lang eh me baon ako.... ayun ang cute lang ni crisgent kahit me asawa na sya.... tas bak to hotdog peeling ulit.. normal na araw lang.. mejo nakakapagod ng onti... tas ayun nung uwian na.. pumunta kame ni bio sa office para kunin ang payslip... tas umuwi na akoooo..

Day 91 (July 4) ayun muntikan na naamn ako malate kasi ayun text ako ng text... exact 8 na ako nakaalis ng bahay kalowkah.... tas ayun text lang ako ng text sa biyahe at kumakain ng skyflakes... tas pagkadating dun.. absent pala si sir batistis at ang andun eh si sir gelo... actually di ko siyang kilalang bisor... ayun hotdog peelingggg ulit.... lage naman... sempre dun ako manning... den ayun beefies.. mga durog.. frozen pa..kalowkah..... pero me mga bagong deployed.. so punta ako sa bmeat.. tas paglabas ko ng breaktime... ayun me bagong deployed akong nakasalubong ang kyuuuttttt.. kalowkahhhh... den ayun tinitigan ko sya... tas sa locker ayun nakausap ko na agad siya.. sosyaaallll.. nilandi ko na agad... den bak to production.. ayun hotdog peeling ulit. tas mga bandang 4PM ayun lumipat sa amin yun mga bagong deployed.. tas ayun kilig kilig lang ako.. nag inarteng maige. tawa tuloy ng tawa ang mga kasamahan ko.... ayun yun nga lang me asawa na pala... nung pagkaout... ayun nagkwekkwek kame nina joanna at cab... at umuwi na ako....

Day 92 (July 5) pagkapasok ko sa purefoods aba ang mga reliever mga nakahilera lahat.. parang kame lang dati nung reliever pa ako... tas me crush ako dun.. cute kasi... tas ayun pasok na sa production.. nkakaloka.. balik na ulet kame sa likod maghotdog peeling..... ang saya saya.... namiss ko tuloy ang peelers days ko nung may yung kame 6 nina paula, ate geovie, joanna, zai at edgar... pero this time 3 lang kame.... ako, si zai at francis... den kumuha ako ng crates sa vatwash.. den pagbalik ko... waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh.... yung mga reliever nasa amin... ang dami namin.. kalowkahhhh..den ayun andun yung crush ko.. pero nilipat din sya... dun sa sorting na kala mong naghahanap ng kayamanan... den breaktime... kasama namin yung isa sa reliever.. bekiness pala si kuya kalowkahhhh... tas ayun back to production.. ayun nasa amin na ulit yung crush ko.. at nakakaloka... nakapagtrain ako kung pano magtali ng p.e. bag.. buti yung isa dun natuto agad.. ang bilis...... tas ayun niloko loko ako ng mga bakla lalo na si mandy.. dahil dun sa crush ko.. ayun mang aagaw talaga haaayyyyyy...... tas after non umuwi na ako. mejo sumakit ang hinlalaki ko dahil sa kakapisil ng mga hotdog...

Day 93 (July 6) muntik na naman ako malate kaya ayun.. pirma lang den bihis na agad den pasok na agad.. ayun nung kumuha ako ng crates eh kasama ko si penus.. yung bagong deployed.. mejo cutie cutie si kuya pero di ko type... ayun hotdog peeling... una star... den maya maya me reliever na from hotdog.... ayun umalis si penus... sa iba nilagay tas beefies naman ang binalatan namen.. ayun boring much lang.... den nung hapon. nagpabilisan kameng apat nina zai, joanna at francis tas kame ni francis ang magkakampe. ayun talo..... pero infernes pinetiks petiks ko lang ang gawa.. ayun naka 2 paleta kame.... so mga nasa 800kls. na beefies... nung umuwi na ako nagSM ako para bumile ng shoes na katulad ke furio.....

Day 94 (July 7) 10 ang pasok namin... so bago pumasok eh kumain muna ako sempre... kasi lam ko mga nasa 2PM pa kame kakain.... so ayun usap usapan yung about sa biometrics eh hindi ko naman alam yun... so pasok na sa production.. as usual hotdog peeling.. sempre ako tagakuha ng crates.... tas usap usapan na yung biometrics kasi last day ng registration so ayun... we decided na isa isa kameng lalabas... buti na lang wala si ser ayee or ser joel... kaya ayun petiks kame ng bonggang bongga... tas 6 kame.. kame nina peralta(reliver frm. hotdog), jayjay, zai, joanna, ako at si francis... ayun ako ang unang lumabas... ayun pandalas ako ng bihis.. tas saglit lang pala yung regisration.... den ayun... back to hotdog peeling ulit.... tas breaktime kame ng alas dos.. ang sarap nung banana cake. napatake out tuloy ako.... tas balik sa locker nilandi ko yung bago na si rikki.. ayun umupo ako habang nakahiga sya.. tas biglang umindayog.. nagulat tuloy ako..... tas nung papasok na ako eh ginanon din ako ni jeric.... tas pagbalik namin sa production.. aba ob tong sina francis at jayjay.. ayun nabadtrip ako.... tas pinagtulungan namen si jayjay.. kasi yung babaeng taga hotdog eh ayaw yakapin ni jayjay.... tas ayun pinaghihinalaang naming bakla... ayun loko loko..... kakaloka.. buti natapos namin ang beefies. at nakaisang paleta pa kame ng vida... bongga.. output!!!! tas umuwi na ako agad.. kasi badtrip ako kay francis.. ob na eh petiks pa.. ako tuloy naging taga buhat... ayun derecho uwi....

Day 95 (July 9) muntik na kong malate.. buti nakahabol.... ayun nakapirma naman.. den bago pumasok eh kumain muna ako ng frootees na biscuit kasama sina cabrillas at bio... den sa production kaloka ang binalatan namin. yung tender juicy na singles... tas isa isang babalatan kalowkahhhh.. tas ayun nagkwentuhan u lit kame ni zai.. about kung pano sya nakapasa sa board exam ng criminology saka ung adventure niya sa UE... at about college life niya.. at dun ko napagtanto na matalino talaga siya.. nakakaloka talaga... di ko maisip na board passer siya.. and nakatapos ng BS Criminology... ayun kwento kwento naman kame about samar. kung san siya lumake at nag aral.. Honor Student pala sya nung elementary kaya ayun me utak talaga siya... galing ni zai... lunch magkasama kame ni zai at francis.. den derecho pasok na agad... ayun Chick and CHeese singles naman ang binalatan namen.... ayun naging 5 na kame kasi sumama sa amin si dinglasan... ayun boring much lang..... hanggang sa nag 4:45.. dahil di namin tinapos yung isang task ayun nagalit si ser joel.... 45minutes na lang daw ang breaktime....

Day 96 (July 10) ay grabe nakakaloka.. as in late ako.... buti nakapirma din.. den pasok sa production kaloka nung una 4 lang kame.. absent kasi si joanna at francis... so kame lang nina zai at jayjay tas me isang reliever... den maya maya si jayjay eh lumipat sa office.. so 3 na lang kame.... star ang binalatan namen.. den maya maya nadagdagan kame si anthony dinglasan ang dumagdag... so ayun. den 45mins lang ang breaktime kakalowkah... den ayun nilandi ko sa cr si rikki valdivia.. kasi nabasa yung pantalon.. suggest ko sa kanya na next time magshort na lang siya.. den pasok sa production.... boring much lang.. pero nagkwentuhan kame ni zai.. about samar, tacloban, cebu.. about sa mga pinuntahan niya... and ang ganda ng pakikipagsapalaran niya.. nagulat ako dahil nakapunta siya dun sa cebu institute of technology eh dun nag aral yung isang mvpers na si sniperzero... and about plano niya na kung san sya mag aapply..... basta ang sarap makinig sa mga kwento niya.... punung puno sya ng pangarap... den maaga kame pinauwi... so ayun uwi ako agad...

July 11 - absent
July 12 - absent ulit.

July 12.. pero nagpunta rin ako ng purefoods para makapagfile ng leave at binigay ang Medical Certificate... ayun niloko loko pa ako ni ser javar na baka ooperahan na daw ako ganon2x..... tas ayun sakto lumabas na sina zai..... namiss ko si zai grabe... haaayyyyy ayun nakipagkwentuhan ako habang kumakain sila.. at niyakap ko sina zai at joanna... kasi yun nga pagbalik ko ng purefoods wala na sila.. endo na sila.... :( tas umalis na rin ako.... tas si cab ang landi2x.. me papa sa cellphone niya. ang landi lang ng bakla.... lol tas umalis na rin ako... at umuwi na..mejo ang sakit lang sa biyahe.. kumikirot kirot ang tiyan ko... haaayyy :(

SICK LEAVE..... from July 13 to 15....

---------------------

Friday, June 22, 2012

SHUFFLIN' - apserye 2012


Etong kwentong SHUFFLIN ay nakita ko dun sa OBOYS thread... dahil sa post ni coitus_pogi kasi nacurious ako.. dahil yun ang status ni greenlover nakalagay eh SHUFFLIN.. at ang post nya eh lageng me shufflin shufflin shufflin... ayun binigay niya saken yung LINK....

hanggang sa ayun... kinopy paste ko at nilagay sa phone... at di ko akalaing magugustuhan ko.. grabe....

ang kwento???

Tungkol sa isang college friendship.. ulit.... nagkainlaban... nakakaloka.. and sempre about music.. mala TLTCB ni hallur....

Favorite Songs in the Series...

1. Chasing Cars - Snow patrol
2. Do I Make You Proud - Taylor Hicks

Favorite Characters

1. Darrel
2. Gap
3. Jeric
4. James

Favorite Happenings...

1. Yung una.. yung nagsign up si Symon sa org ni Darrel tas kilig na kilig siya...

2. Yung mga awayan nina symon at gap...

3. Yung tambay ni Symon sa PJs kasama si Darrel

4. Ang nakaraan nina James at Darrel at yung nagsleepover si Darrel kina James

5. Conflict between Darrel - Symon at James na nagpaganda sa story.....

6. Yung play nina Symon na nakakaloka.....

7. Yung paano nagkaayos sina Gap at Symon

isipin ko pa yung iba....

Thursday, June 21, 2012

2012 songs. batch 3


1. Chasing Cars - Snow Patrol
eto ay favorite ni Kuya Darrel (Character sa kwentong SHUFFLIN) kaya ayun naging favorite ko na din... kasi alternative... and maganda pakinggan...


2. Do I Make You Proud - Taylor Hicks
eto naman ay sa SHUFFLIN din... yung finale song ni Symon sa isang competition.. nagustuhan ko kasi malatagumpay song din... at mala breakaway....


3. Back to The Lighthouse - Hallur



4. Come Clean - Hillary Duff



5. So Yesterday - Hillary Duff


6. Wake Up - Hillary Duff


7. When I Look To The Sky - Train

Monday, June 4, 2012

Pasukan na daw!!!!

ang pagpapatuloy ng aking pakikipagsapalaran sa planta ng mga hotdog......

----------------

Day 64 (June 1) nagtext saken si ate geovie sabi eh walang pasok... ayun ang saya saya. pero pumunta na rin ako ng purefoods... ayun pagkadating ko dun... nakipagchikahan ako sa lung center dun sa kabatch kong sina escaro at perciana... ayun namiss ko ang 2 bakla grabe... magkakasama kasi kame simula nung una pa lang... pero nagkahiwa-hiwalay din... ayun chika chika. den nagpaalam na ako para kunin yung bota sa locker kasi fogging... den ayun si paula agad ang nakausap ko.. at kinausap din ako ni ser javar dahil nga kay zai... den after non pumunta na ako ng SM bumile ng earphones at memory card.... at umuwi ng matiwasay....

Day 65 (June 4) umagang umaga ang lakas ng ulan kakalowkahhhh... ayun basang basa lang ako pagkadating ng purefoods... tas andun sa waiting shed sina edgar at joanna nagdedate.. kalowkah pero infairness ha.. mamimiss ko si edgar kasi nga ayun endo na siya... den sa production ang lamigggggg...... 5 lang kame.. si francis, paula, ako si zai at joanna.. si francis ang bago samen.. buti masipag siya.... siya na ang tagabuhat namin.. ang bilis ng oras grabe..... tas nung lunchbreak... kasabay ko sempre ang tropang peelers pero 4 lang kame... si francis, joanna at zai... tas pumunta ako ng locker para kunin ang eggnog den pagbalik ko bigla akong hinila ni calimlim haayyyyy kinilig ako ng bonggang bongga kasi kung dati eh hanggang tingin lang ako sa kanya.. ngayon eh nakakabiruan ko na sya. ayun hinawakan pa kamay ko pero pawrestling nga lang... tas nung uwian na... niloko na naman ako ng mga taga stuffing... yung tropa nina bouffard.... naaalala ko dati eh tropa nina mike yung nanloloko saken.. pero wala na si mike... endo na.. kaya mejo nakakalungkot....

Day 66 (June 6) pagkapasok ng umaga... wala langgg.... den ayun sumabay akong kumain kina paula, ate geovie at joanna... den pagpasok ng production hotdog peeling ulit nung una beefies.. pero pinaiba. ayun naging starrr..... den nung breaktime.. nakita ko si arjay calimlim na natutulog sempre ayun pinagmasdan ko sya ng bonggang bongga....tas nagising.. gulat na gulat... kalowkah... den ayun napagtripan na naman ako ng mga tropa nina bouffard... kalowkah sila.... ang babastos.... jusme.... tas kinilig ako nung hinawakan ko tiyan ni arjay.. ohmygadddd di ko akalaing.. waaaaa pede ko na siyang kabiruan.. hahahaah.... den ayun.. after ng out sa production nung uwian... sabi nung mga taga stuffing na si mike eh nasa labas... den nung pagsauli ko ng uniform eh nagkasabay kami ni paula.... tas ayun bumalik kame sa locker den paaaakk si mikeeee!!!!!!!!!! ayun todo habol ako sa kanya. na sabi ko eh miss na miss ko sya..... ayun hinabol ko pa talaga kamay niya..... den hanggang sa labasan dun sa puno ng balete.. ayun sinundan ko si mike. naghabulan pa kame.... tas landi landi.... pingot ng pingot sa pisnge nya.. niyakap ko siya... at kinulit ng kinulit.. at nilibre ko tropa nya ng marlboro lights buti na lang eh mura lang..... hanggang sa umuwi na kame ni paula..... yun nga lang mamimiss ko si mike ng bongga.. yung kahit sa huling pagkikita namin eh nakajamming ko sya at nakakulitan.. buti nayakap ko sya... haaayyy sobra ko syang mamimiss........

Day 67 (June 7) wala lang na araw... pero wag kaaa... kasi hotdog peeling kame ngayon... kakaboring kasi ang panget ng hotdog vida na durog durog asar... ang hirap tuloy balatan.... den nagcrbreak ako ng 12PM sakto andun si arjay calimlim... ayun kinausap ko sabi ko na ang cute cute niya.... tas hinawakan ko ang braso niya.. sabi nya eh "ang lamiggggg" tas after kong kumain eh natutulog sya.. nung nilapitan ko eh biglang bumangon.... tas pinicturan ko sya.. den ayun nakakausap ko na talaga sya. di ako makapaniwala..... den nung 3PM nagCRbreak ako.. waaaaaa si calimlim ulit..... ayun nagbibihis na sya... tas sabi ko eh ang aga naman niya umuwi.. sabi nya eh ganun talaga.... tas tinanong ko kung taga saan sya. sabi nya eh taga dasma bayan lang pala siya.... tas sabay kame lumabas ng locker.. tas etong si tropa niloloko ako ng bongga.... ayun pero keber lang ako...

Day 68 (June 8) nung umaga.. nakita ko si calimlim ayun napatitig na lang ako sa kanya.. pero pagdating sa locker eh umuwi na siya.. den pasok na sa production... habang nagbabalat ayun pinatawag kame sa office.. ayun nagsermon si ser ayee... kasi late yung mga babae..... yung sina joanna, ate geovie, zai at paula.... saka si francis sinermunan din... sempre damay ako.. peeler ako eh.. den nakakaloka si ser philip lage nakakunot ang noo saken... den pinagbreak kame ng 12PM pero sina Bio ang kasabay ko.... tas balik ng production ng 1PM den ayun... nagcrbreak ako ng 3PM tas pagdating dun.. sakto andun si Limpo yung taga curing... ayun niyakap ko tas hinipo ko yung toot... tas yung isang taga stuffing... hinipo ko din ang toot basta mejo kalbo.... mga malalambot nga lang.. ayun sobra landi lang talaga... tas nung uwian na... si edgar nasa waiting shedddd.. waaaaaaa ayun sobra ko siyang namiss... ayun nakaktuwa kasi natanggap kasi agad sya dun sa inapplyan nya na work sa carmona... galing agad dahil nakahanap agad sya ng trabaho.... den kasabay kong umuwi si bicol.... nilibre ko ng pamasahe...

Day 69 (June 9) hotdog peeelinggggg.... nung una kumain ako sa canteen kasama si jojo at raymond almodal.... wala lang... den kasabay sina paula at sophie... den pasok sa prodn.. hotdog peeling vida. den me reliever... taga cold cuts... si nerbes.. babae siya.. anyway ayun mabilis ang oras... den nung lunch kame pa rin ang magkakasama.... den nagcrbreak ako ng bandang 3PM ayun napasubo ako kay ser javar nuggets ako sa sunday OT..... ayun.. pero saken okay lang naman.. kaya ko naman.. kaso wala nga rest... :( pero okay lang saken...

Day 70 (June 10) nugggeettssss.... kasama ko sina embon, buo, labasbas at yumul... mga reliever kame... si ser javar kasi eh pinilit akong magreliever.. kasama ko yung isang bakla na kabatch ko... ayun nung una dun ako sa gel.. na super lamig.. pero nilipat din ako sa autopack... ayun nakasama ko si kuya andro.... minsan ko lang kasi sya makasama.... tas ayun dun kasama ko si labasbas at buo dun. nakakaloka yung kabatch kong si loyola.... napakasungit.... kakaloka sya.... den ayun nung lunchbreak eh... lahat nakatutok kay pakyaw... kasi sa buong purefoods eh nakapage ang laban niya.. kakalowkah.. pero talo si pakyawwwww.... den back to autopack ulit... dun na ako sa taas. sorter.. ayun ang saya saya lang kasi parang nakapatay yung blower... kaya di gaano malamig.... tas petiks kame..... nung nagpack kame sa packing.. hanggang 5PM... tas balik ulit sa gel.. napakalamig.. pero at least 2hours lang kame nagpack dun... pero malamig pa din..... den uwiaaannn naaaaaaaa.. nakita ko sina perciana at escaro.. ayun kumustahan kame.... kakaloka.... *bow*

Day 71 (June 11) pagpunta ng purefoods. ayun kain to the max agad ako.. tas gulat ako sa locker andun si francia.... ayun magsstraight ang baklang loka loka.... kalowkaaahhhhh... ayun kameng 2 ang magkasama sa peelers kasama ang tropang bmeat. yung sina bio, nava, sison at ocampo.. ayun dun kame malapit sa may grinding pumuwesto... ayun peel lang ng peel.. den lage ako inookray ni francia.. kaloka ang bakla.... tas nung lunch andun si dichosa na taga forming.. natutulog sa may locker ko.. nakatayo ang etits hihipuan ko sana.. kaso baka magalit... kasabay kong maglunch sina ocampo, serad, francia, sison at ako... den back to peeling ulit... wala lang.. pero nung bandang 4PM nabasa kasi ang medyas ni francia.. ayun mejo me di nagkaunawaan sina ser ayee at francia dahil ang ang tagal niya sa locker... pero naayos din naman.... den nakakaloka pa dahil di makapaniwala si francia na bakla si cab... super kakaloka talaga!!!!!!!!!!! den kasabay kong umuwi sina bicol at furio...

Day 72 (June 12) ayun pagkakain... derecho agad sa production... tas hotdog peeling ulit as usual... kakaloka..kasi iniinspect kame ni ser mark yung supervisor ng mga P.E. pati din yung Q.A. dun sa ginagawa naming pagbabalat ng hotdog... so keribels lang.. tas me reliever kame taga cold cuts.... di ko alam ang name.... ayun balat balat to the max lang... den ang ganda ng apron namin.. kasi gawa sa plastic na transparent.. wala kasing apron... ayun ginawa kong evening gown matching with filipiana style.. yung katulad kay imelda marcos... tas nung 12PM ayun nilagay ako sa blader. ayun kaway lang ako ng kaway ala miss universe.. parang tanga lang.... den nagrampahan kame dun sa may grinding.. ala miss universe lang.. with mandy at sophie... tas nung breaktime. ang ganda pala nung kasama naming reliever.. ayun type tuloy ni ser joel... tas kinanchawan ng mga taga meatprep si serjoel dahil thumbs down dun sa q.a na si mam neri.... wala lang.... torpe torpe kasi si ser joel.... kakalowkah..... den nung uwian..... kasabay ko si bicol. binigay ko yung notes about fraction...

Day 73 (June 13) pagkapasok ayun kain lang ako to the max... den pasok sa production. hotdog peeling.... walang makuhang crates.. kasi sira na yung nasa may curing eh ayaw pagamit.. eh pano ba naman ayaw nilang ingatan ang mga crates. basta na lang sila tapon at balibag... kalowkah... den ayun... nagkamay ako para madali lang... den nung me dumating na mga bisita na nagtotour kasi me mga bagong deployed na P.E. ayun kakaloka... den nagblader ako nung nagbreaktime si mang danny.. sobrang nakakaboring.... tas breaktime.. ayun me nagpakita na naman saken ng angry bird yung negro na taga stuffing... kakaloka.. ayun di ko nga pinatulan.. pero ang lake kahit papano.... kaso kadiri ang pagmumukha nya chos!!!!! den balik ulit sa production ayun pinanuod kame ng bisor nina ser joel.. napagalitan ang lola nyo kasi ang bagal bagal ko.. kaloka siya.. at maarte.. ayun dinedma ko na lang siya.. leche sya.. chos!!!!! pero sinunod ko naman yung gusto nya.. siya ang boss eh.... so no choice.... ayun outbreak kame ng 20minutes.. na minsan lang namin matikman.. kakaloka.. ang saya saya... den ayun after magbihis sa locker.... ayun di ko akalaing makikita ko ulit si MIKEEEEEE..... ayun kinurot ko ang pisnge niya.... at ang saya saya ko..... gulat na gulat talaga ako. ayun nakangiti na naman ako ng bonggang bongga.... nakakainlab talaga siya ng bongga.. kaya umuwi na ako agad.. baka kung ano pa mangyari saken na kadramahan.. basta maging masaya na lang ako na nakita ko si mike....

Day 74 (June 14) pagkapasok ayun meeting agad.. di pa ako nakakain. buti me oras pa para kumain.. den pasok na sa production ayuuunn hotdoggg peeelng na namannnn hehe nung una chicken tasty.. den vida.... ayun nasita ako ni ser mark tinatanong kung nagbreakfast daw ba ako.. kaloka syang supervisor gusto akong paiyakin hehehehe.. manakot daw ba? hehehe... den ayun nagcrbreak ako... den ayun ginulo ako dun nina elison at balasbas... den lunchbreak ayun nilandi ko si calimlim niyakap ko sya ng bonggang bongga pero ang loko todo pigil at taboy saken kakaloka talaga.. pero inpernes ha kasi nakakabiruan ko na sya.... so boring kasama ko lang ang mga peelers... pero napansin ko na mejo humigpit na talaga ngayon dahil kay ser mark.. pati si ser ayee mahigpit na din.. kakaloka.. pero mejo nalungkot ako.. kasi dati nung may petiks na petiks kame.. yung kasama pa namin si edgar saka yung nasa likod kame.... namimiss ko ang moment na yun... den nung lunchbreak ang gugulo talaga ng mga taga stuffing. pero me bago akong crush.. yung si chenido... den hotdog peeling ulit..... kakaloka naboring lang ako at sumakit ang batok ko at likod ko.... ayun den nilandi ko si elison... ayun galit na galit.. kinurot ang utong ko... ayun ang landi landi ko lang sa production.... den kasabay kong umuwi sina bicol at furio..... yun lang...

Day 75 (June 15) pagkadating ng pyurpuds.. meeting na naman??? ayun magkakafire drill daw.. saka dapat before 9AM eh dapat nasa production na. dahil ang malelate eh ilalagay na sa 9:30.. kakaloka sila.. mejo parang humihigpit na ng bonggang bongga.... ayun pagkadating ayun tinawag agad ako ni ser keith.. ayun pinagflat ako ng mga kahon... naggrinding tuloy ako.. tas nabalitaan ko tuloy na pinauwi pala ang mga peelers... kalowkahhhh. pero ako eh naggrinding at nagbato kasama ang mga bakla... at sumama na din ako sa kanila kumaen ng lunch... at dun ko napagtanto na ang gwapo ni ser philip.. parang me kamukha siyang anime na cartooon... ganon siya kagwapo sayang nga lang dahil nasa 30's na sya pero mukhang gwapo sya nung kabataan niya.... den ayun.... back to production ulit at kinausap ako ni ser ayeeee na bakit daw andun ako at bakit di daw ako umuwi... ayun sinabihan nila si ser javar na naka-IN ako kahit si ser javar eh nagulat din... ayun napakamot tuloy siya ng ulo. pero buti di na rin ako pinauwi... ayun nagHOTDOG PEELING na lang ako.. buti na lang at me hotdog peeling talaga.. kaya ang saya saya.... TJ hotdog pa.. kaya mejo madali.... den nung pauwi na.. nagkayayaan kame 2 ni cab na magSM dasma eh sakto andun sina joanna, francis at edgar.. ayun gowrabels kame.. den kumain kame sa mang inasal kameng 5 tas nakita namin sina bio at nava.. after kumain.. naglaro kame sa arcade ng basketball.. tas kame nina cab at joanna sa hockey..... den bumile ako ng payong sinamahan ako ni cab... den ayun sabay sabay na kameng umuwing 5... ang saya saya. napangiti akong bonggang bongga.. kasi ang saya nilang kasama... :D

Day 76 (June 16) pagkapasok ayuuunnn.... 10AM pa daw ang pasok kaya ang ginawa namin ate geovie at joanna eh naglunch na kame ng bonggang bongga para me pondo sa production... and den hotdog peeling ulit... kasama ko ang mga bakla.. pero nainis ako sa kanila kasi kinuha nila yung mga crates ko... den ayun mga bandang 12PM ayun nagkausap kame nung bagong deployed na si julius di ko alam ang pilido.. mejo crushie ko siya.. kasi cutie cutie lang ng konti... ayun kinuwento ko kung pano ang tinatakbo ng planta.. at kung napapunta na ba siya sa nuggets, stuffing at curing.. den ayun.... nung breaktime ng 1PM ayun sumabay ako kina cabrillas, sison, serad, nava, bio, alinsunurin at ocampo mga naging BMEAT BOYS.. kakaloka.... ayun after non naghatian pa kame para bumile kame ng 1.5 coke... den back to production sina zai na kalinya ko.. ayun nakakapagod kasi hindi kame makapagpahinga... nasa unahan kasi kame.. wala na dun sa likod... na kadalasan eh pumepetiks kame ng bonggang bongga dun dati.. eh ngayon e hinde naaa.. ayun sagad kame hanggang 6PM kalowkahhh napagod ako ng bonggang bongga.... yun lang bow...

Day 77 (June 17) pagkapasok ko ng PF. aba.. walang katao tao buti na lang nabasa ko sa issurance ng uniform ang mga pangalan ni joanna at zai... so derecho ako sa locker.. nilandi ko si jeric ng stuffing pati yung kalbo... wala lang.. trip ko lang... and then ayun kumain ako sa canteen kasama sina sison, serad at bio.. den pasok sa production... hotdog peeling ulit... 2 kabaong ang gamit namin... then maya maya nilagay ako sa blader. pero nasira... kaya hotdog peeling ulit.. tas nagkuwentuhan kame 2 ni zai...yung about sa pinagdaanan nya dito sa cavite.. yung naging ladyguard siya sa mandaluyong... yung kumuha sya ng board exam sa recto na sabi nya yun ang souvenier nya sa purefoods. kasi nakapasa sya.... saka yung hindi sya nakapasa sa neuro test na inapplyan niya sa laguna dahil magpupulis siya na di nya tinanggap.... tas ayun share din ako about my life.. and masasabi kong napakabait niya... at sabi din nya pag natapos na nya yung contract nya eh uuwi na sya sa samar.... dun ako nalungkot.... kasi ang bait bait nya.. haaayyyy :( tas after ng breaktime ayun nagset up ulit si ser joel sa blader... ayun dun na naman ako nilagay.. nakakalungkot.. tas nag cr ako.. eh sakto nag cr din si kalbo kaso sayang kasi nauna siya... ayun yayakapin ko sana... pero tumanggi ang loko..... ayaw pala... ayun binigyan ko na lang ng chocolate.... tas hanggang nag 3AM ayun pinag OT pa ako ni ser joel.... hanggang 4am tas hinipuan pa ako ni embon.. kakaloka siya.....

Day 78 (June 18) pagkapasok ng pyurpuds.. ayun sabi ni ser batistis saken eh babalik na daw si Mike... ayun... den ang gulo sa locker... ang daming tao.. mga taga stuffing... jusko ang gugulo nila.. kakainis... den sa production... hotdog peeling ulit... kame ulit ni zai ang kumuha ng mga crates... tas 2 kabaong ang ginamit namin.. pero ang mga kasama ko eh yung mga bago... den maya maya nilagay ako sa bader.. kaloka ang lungkot ko lang.. nakakaawa tuloy ako para akong robot... pero wala ako magagawa.. si ser ayeee ang naglagay saken dun.... den maya maya... ayun breaktime na.... pero ang dami kong inorder pero konti lang ang nakain ko ang dami tuloy nasayang.... pero okay lang.. tas pagbalik ng locker.... ayun after kong magsipilyo biglang nawala cp ko sa bulsa ko... yun pala eh... nasa pinakailaliman ng bag. bali ba naman napapanic ako at napalungkot ako dun.... ayun tas nakilagay muna ako kay francis ng bag sa locker niya... bali ba naman ayun todo comfort saken si zai.. jusko pagbalik ko ng production eh ayun muntik na akong maiyak.... ayun bader na naman ako ang lungkot lungkot ko lang.. pero halata saken ang worrying... ayun... inisip ko na lang ang mvp.. yung mga apserye na nababasa ko habang nasa machine ako.... tas binilisan ko ng bonggang bongga kasi naghahabol ako ng oras.... buti sakto lang ako..... tas kinilig ako kay ser joel kasi nung nagpunta ako sa office... ang cute nya kasi.. ayun inakbayan tuloy ako... at kinamusta... sabi ko ayos lang ako kahit nahihirapan ako ng bonggang bongga... ayun.. nung uwian na eh... umuwi na agad ako.. after namin tumambay nina zai at joanna sa may gate...

Day 79 (June 19) pagkapasok ko ng purefoods muntik na akong malate... kasi 7.45 na ako nakapirma ayun pandalas ako ng bihis... tas pasok na agad sa production.. hotdog peeling ulit.... den ayun andun lang ako.... tas nung breaktime nakipagkulitan ako kay jeric ng stuffing... yung maliit na me taling na galing ng nuggets dati.... ayun hipo hipo.. ayun nadakma ko putotoy nya lolz.. tawa tuloy ako ng tawa... tas pagbalik pinagbader ako.. asar si ser joel pinagod ako ng bonggang bongga.... den hotdog peeling ulit.... nakakaantok grabe.. lahat kame nagkaeyebags.... buti nakasurvive.. tas nung pauwi na.. nakipagkulitan ako sa mga taga curing.. yung nakasabay ko kagabi.... ayun kinulit ko ng kinulit... me crush ako dun kaso di ko alam ang name.... ayun... wala lang....

Day 80 (June 20) so eto ang nanyari kagabi... nagbabalat na kame ng hotdog mga 7:30pm so kakaumpisa pa lang..maya maya lumapit samin yung asst. supervisor namin ni si ser mj.. pinapapunta kame sa locker... ayun alam na namin ang ibig sabihin.. papauwiin kame.. kasi magbabawas ng tao.. wala kasing gaanong gawa sa meatprep (area namin) tas samantala yung mga trimmers ba naman eh pinaiwan sa area. kame at mga absent lang nung sunday ang pinatawag.. at nilagay sa alanganin.....

so ang sabi ng bisor namin ayun mega sermon ang lolo nyo... pinauwi ang mga absent nung linggo tas kameng naiwan eh... nilagay sa nuggets eh. 12hours ba naman yon.... tas ayun pagdating sa nuggets... ayun mejo mejo malamig ng konti.. kaso out of 5... 3 lang kameng natanggap sa nuggets.. yung 2 namin kasamahan pinauwi... ayun dun pa ako nilagay sa auto packing.. (machine) sobrang nakakaantok.. tas ang daming pinapagawa saken.. naghuhugas ng cheese na pack na nilalagay sa loob ng nuggets.. kalowkah.... ang dami pa naman nun.. tas nag iinspect ng mga pack kung sealed... jusko sobrang LAMIGGGGGGG... ang lamig sa paa... jusko.... halos habang nagchecheck ako inaantok ako...kulang na lang eh matulog na ako.... tas.. 30minutes lang ang breaktime.. lam nyo.. wala na akong pakealam nung kumain ako.. basta lunok na ako ng lunok pero madami ako kinain.. kasi nga wala ng breaktime... pero. nakaready naman ako kung sakali magugutom dahil me pagkain ako sa medyas.... lam nyo 15mins. lang ako nagbreaktime.. tas bihis agad.. pasok na agad sa production.. ganon sila kahigpit.... tas.. nung bandang madaling araw... jusko sobra akong inantok. as in bibigay na ako.. lam nyo pinetiks ko na lang yung inspection yung kung ano na lang ang mahablot ko.... di ko kamo kinaya ang antok.. buti na lang eh me mga lalake.. ayun nanggulo ako.. nilandi ko.. pero inaantok pa rin ako.. tas kala ko papauwiin na kame ng 6... aba!!! pinagpack pa kame ng mga nuggets sa kahon hanggang 8AM... ayun nakauwi ang lola nyo by 9AM. super tulog ako sa biyahe... tas pagdating sa bahay knockout... eto 5hours lang ang tulog ko haaayyyyy.. napagod talaga ako... gutom pa.. thank you dun sa candy talaga... nung nagcrbreak ako eh.. niyari ko talaga yun.... pero lam nyo di ko kaya magtrabaho ng ganon.... ang hirap.... lamig, antok, boring, mahabang oras, 30mins.breaktime... ayoko na magnuggets...


Day 81 (June 21) pagkapasok ko ng pyurpuds ayun matamlay ako kasi ba naman 5hours lang ang tulog ko... tas nakapasok pa ako sa first 30 para sa shift na to.... ayun nung una.. kameng mga peelers pero maya maya pinalabas ang mga babae... ayun nagdabog sina ate geovie at joanna pati si zai nabadtrip din.... ayun ako ang naiwan.. tas nung natapos na ang mga hotdog eh ayun..... nagdebox ako.. kasama ko si cab.. 3 lang kasi sila dun.. si serad, prado at siya.. kaya ayun nakiextra na din ako.. at nagbuhat buhat ng bmeat... tawa nga ako ng tawa nung andun ako... kahit mahirap eh okay lang.. pinetiks petiks ko na lang.... tas nung breaktime ng grinding eh ayun nagmicro kame... den breaktime.. ayun nahiga ako sa locker... tas balik ulit... ayun debox debox ulit.... pinetiks ko na lang sya ng bonggang bongga..... buti anjan si cab.... nagpakacomedy comedy na lang ako.... pero paglabas ko ng 3AM ay grabe naramdaman ko ang pagod ng bonggang bongga..... ayun inantok ako agad.....

Day 82 (June 22) pumasok ako sa pyurpuds.. nakapasok kasi ako sa first 30... ayun sempre hotdog peeling.. me hotdog kase.... yung una 3 lang kame.. kame ni julius at ni buo.. den dumating sina ate geovie.. tas mga bandang 8:30 ayun naLBM ako. biglang sumakit ang tiyan ko akala ko kasi okay na ako.. di pa pala... ayun labas agad ako ng production.... tas ayun sinermunan pa ako ni ser batistis kung bakit ngayon ko lang daw sinabi na naLLBM ako eh nung tanghali pa daw yun ayun pa akong pauwiin.. pero nagwala ako dun saka umiyak ng bonggang bongga.....

absent kinabukasan.. june 23...

Day 83 (June 24) sunday ngayon.... ayun habang papunta sa purefoods.. nagkita kame ni junard.. yung kabatch ko... ayun kwentuhan kame.. and nagulat ako kasi ang lake na ng pinayat niya... ayun kwento kwento tungkol sa mga kabatch namin na ang dami daw sumuko.... ayun magkasabay kame pumunta ni cab sa pyurfuds... tas sabi ni cab na dapat eh sa miyerkules pa ako.... ayun pero nakapasok ang lola nyo.. pinapirma kasi ako ni ser javar.... ayun bongga.... tas nalungkot ako kasi last day na nina ate geovs at ni nava..... ayun sa production HOTDOG PEELINGGGGG... ulit.... wala alng boring much lang.. nung breyktime.. bingyan ko ng biogesic si sison kasi nilalagnat... den ayun nagkwentuhan kame sa locker... wala lang.. tas nung pauwi na kame.. hinug ko si ate geovs.. sabi nya wag ko daw papabayaan sina zai at joanna.... ayun bigla akong nalungkot.. kasi isa isa na silang mawawala...... pero kaya ko na to.. anjan naman si bio na kahit pano eh naging kaclose ko na.....

Day 84 (June 25) pagkapasok sa purefoods ayun malelate na aketch at gulat ko dahil changeshift na pala.... ayun si ser javar na ang aming bisor... so ayun hotdog peeling. daming bagong deployed.. kaso nakakalungkot... endo na sina nava at jojo... pero mas nalungkot ako kay nava. sya kasi yung nagbigay saken ng opera mini.. pero ngayon di na gumagana... :( naapektuhan talaga ako saka isa si nava sa mga nakasama ko sa bmeat.. sempre di ko yun makakalimutan...... ayun sa hotdog peeling... kame nina joanna, zai, jayjay, tan at saka yung bago na si dinglasan... ayun... wala lang... nung una nagflat ako ng mga karton sa grinding.. sira kasi yung staggard... tas back to hotdog peeling.. ayun me taga buhat kame... yung bagong deployed... sosyaaaalllll..... nakakaloka..... tas mejo me ichura si kuya yun nga lang... panget ang ipen... kaya di ko na type... and den ayun 3 hours na lang.. inantok ako ng bandang alas dos. kasi mag alas tres na.. ayun... umuwe na ako.. pero tumambay muna sa labas kasama sina cab at bio.... tas hinatid ko si joanna.. kasi pupuntahan nya si edgar....

June 26 absent ulit

Day 85 (June 27) pagkapasok ko sa pureffoooddssss... ayun sabi ni zai first 30 daw ulet o kaya pili lang yung mga papasok... kaya ayun di na ako kumuha ng uniform.... tas nagrequest na lang ako kay ser javar na uuwi na lang ako..... ayun umuwi na lang kame ni cab.. at nagkwentuhan kame sa may labasan.... 2 oras kame nagkwentuhan ng mga kung ano ano.. grabe... kaloka..... tas mali pa ako ng nasakyan.. kasi sunny brooke lang pala... kaya ayun bumile na lang ako sa mini stop.. tas sumakay ulit..

Day 86 (June 28) ayun buti nakapirma ako agad.. at sosyaall me mga off off na.. pero ako wala kasi umuwi na ako kahapon.. kame ni cabrillas kaya me pasok kame hanggang sabado. pero keri keri lang yan.... nung una kala ko walang hotdoggggg..... kaya ayun nagbmeat ako ng bonggang bongga.... nabasa pa ang aking short.. tas maya maya tinawag ako ni ser ayee na magmanual peeling na lang... ayun naghotdog na ako ng bonggang bongga... tas kasama ko magbreaktime si ate joy maestre... tas back to manual peeling.. tas pinagbader ako pero saglit na saglit lang.. kasi gusto daw subukan ni H2... ayun hanggang nawili na si H2... tas nagmanual peeling na lang ako ng bonggang bongga...... hanggang mag alas3... tas sa labasan nakipagchikahan ako kina sison at serad... ayun nakakaloka silang 2... nawili ako sa kakachika... at grabe.. crush na crush ko talaga tong si sammy sison.... haaaayyyyy....

Day 87 (June 29) pagkapirma eh ayun derecho ako sa canteen kumain kasama sina joanna at zai... at ang tawag ni zai kay joanna eh budar.. kalowkah... tas pumasok na sa production... den manual peeling ulit... ayun wala lang... boring much lang... pero mejo masama pakiramdam ko kasi giniginaw ako dahil ala ako sweater at nakadouble tshirt lang... saka napapatae... kahit andami beses ko ng tumae sa bahay kaloka.... ayun nung kumain kame sa canteen nung breaktime eh ayun nakatitig lang ako kay jabaan na taga stuffing.. kaloka magkapangalan kame.. omigad... tas ayun nilandi ko sya sa locker... tas bumalik na ulit... ayun manual peeling hanggang sa natapos namin ng alas dos..pero nagkukwentuhan kame nina francis, joanna, zai at ako about sex.. kasi si francis eh nakabuntis hindi pinanagutan kalokang francis.... tas nagBMEAT kame... tinulungan namen sina bio... at ayun sabay kame umuwi ni ocampo.....

Day 88 (June 30) jusko.. muntikan na ako malate.. grabe NKKLK.. kasi me handaan kina ate joyce sa ilaya.. tas umalis ako dun eh 7PM na... tas ang bagal ng jeep at pahinto hinto pero buti nakaabot ako at nakapirma.... ayun sa jeep na lang ako kumain ng stiko at pagdating sa locker dun ko niyari ang enervon c.. tas pasok agad sa production ayun hotdog peeling 5 lang kame... si francis, zai, joanna at anthony dinglasan (bagong deployed na sa bader nakalagay) ayun nakakainis kasi 11PM pa rin kame nagbreaktime.. tas hours pa.. ayun super antok na antok lang ang peg ko.. pero tiniis ko na lang.. wala naman ako magagawa..... kaya ayun nung uwian na... derecho uwi ako at natulog sa jeep at natulog agad....

About