Saturday, February 19, 2011

Diary 02/19/11 (Hayyy Kadepressed...)

Tutal blog ko naman to pwedeng pwede ako magwala dito at magdrama... eto na lang yung natatangi kong outlet or nipagsasabihan ng aking hinanaing para gumaan ang pakiramdam.... para tuluyan na siyang mawala.... isang malaking haaaaayyyyy... *sigh*

02/16/11 - binisita ako ni Bianca (my college friend) ayun nagpaprint ang hunghang pero nadetect ng PC ko na me virus yung flash drive at ayun nagpumilit... nung una ayoko pumayag at sinabi kong wala na siyang magagawa... pero wala.. nagmakaawa ang loka... grabe.. ayun. inoff ang Anti Virus den poof.. nagbukas ang virus pero naprint namin yung pinapaprint niya.. den damay lahat ng files ko... automatic deleted... ayun napaiyak na lang ako... wala na talaga akong nagawa... pero me halong tampo pa din... as in lahat ng files nawala.. ayun until now nagluluksa pa rin ako sa pagkawala ng mga files ko... masakit sobra... nalungkot na lang ako... pero kapag naiisip ko.. ang sakit talaga....

02/17/11 - ayun buti.. nakahiram ako ng OS den nireformat na lang ang PC.. back to basic na naman... malungkot... kasi nakakapagod pala mag-install ng mag-install... plus nawala pa yung iba kong mga files na importante.. wala rin di ko na rin naibalik... ansakit lang....

02/19/11 - Bumile ako ng Halo-Halo... dito lang sa tabi2x yung tig-15pesos... napansin ko yung sugar na ginamit eh light brown na parang rock.. grabe.... unang pumasok ko.. my goley.. baka magic sugar un... pero kinain ko pa din yung halo2x.. pero pramis di siya masarap di na tuloy ako bibili ng halo-halo everrrrr....

Den biglang tumawag si Tita ng by 4PM habang si Schanboi eh naglalaro ng counter na magmoMOA para manuod ng PYROLYMPICS yung mga fireworks... pero 6PM pa aalis.. eh di mega excited lang ako... kasi at last makakapunta na ako ng MOAAAA..... hay grabe lang.... last september 2010 pa kasi ang huli kong punta dun... sempre miss ko na ang seaside..... yun nga lang 6:15 na kame nakaalis ng bahay.. 2 kotse ang gamit... dun ako nakasakay sa isa kong Tita at pagdating ng coastal.. tadaaannn twaappeeekkk.... at pagdaan sa macapagal.. nag-uumpisa na ang Firework ni Katy Perry este fireworks pala... habang nasa kalagitnaan kame ng trapik... ayun sa window ng kotse na lang ako nanuod kahit malayo.... maganda tignan... hayyy pero iba pa rin kapag nasa seaside... haayyyy.. hanggang sa natapos yung unang set.. nasa trapik pa din kame.. jusmiyo lang... my goleyyy...

Den pinababa na kame para maghanap yung pinsan ko ng mapaparkingan... kasi yung isang kotse eh nakaparking na... at ayun.. chika chika.. kunyari excited... den maya maya.. BOOOMM yung 2nd set... nag uumpisa na... ayun di naman ako makatakbo ng seaside dahil mga JURASSIC PARK na tita ko ang kasama ko.. baka maya maya eh mag-iinet ang ulo... ayun.. kapirasong firework lang ang nakikita ko na me halong disappointment.....

sabi ng pinsan ko saken...

Pinsan: Hayyy kung di lang naten kasama ang mga majojonda nating jurassic na tita.. sana nakatakbo na tayo dun sa seaside..
EG: hayy wala eh.. ganun talaga.. (biglang natahimik den nalungkot)

Nag-ikot ikot ako sa parking lot hanggang sa napansin ko yung isang lalakeng naka V-neck tapos nakacheckered short na maputi na chinito na amboyish na anak mayaman ang dating.. my goolleeyyy... grabe lang.. ang gwaapo niya... ayun dumaan ako sa harap niya.. ay grabe.. my goleeyyyyy...

Kahit kapirangot lang ng langit.. kahit disappointed ako.. kahit nakakadepressed.. kahit me nakaharang na ginagawang building sa harap ng parking lot... kahit ang lungkot ko nung gabing yun.. naappreciate ko yung SUNFLOWER FIREWORKS STYLE grabe.. napaWOW ako don.... pero mas maganda kung nasa seaaside... lalo na yung ending MY GOLEY lang... ang daming makikislap at napakaliwanag ng kalangitan na punong puno ng fireworks yun nga lang kapiranggot na liwanag lang ang aking nakikita.... dahil sa ginagawang building sa harap namin...

At ayun kung kelan natapos ang Fireworks nakahanap din ng mapaparkingan si Pinsan.. my goley lang... as in MYYYY GGGGOOOLLLEEEYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY.....

ayun. tapos na ang palabas dami ng nagsisiuwian.. malungkot ang aura ko ng gabing yon.. depressed. super depressed. di mo ko makakausap.. tulala... parang pasan ang daigdig... at naghanap ng CR ang mga tita ko sumama ako.. nagpunta muna sa 7 Eleven... ako nasa labas lang... lumabas yung isa kong Tita..

Tita: Hay EG sana eh di na lang ako sumama.. sabi ko na nga ba ganito ang mangyayari eh...
EG: Oo nga po eh... next tym di na ako sasama ever!!!! kahit kelan.....
Tita: Dati kasi 4PM kame umalis maaga aga pa...
EG: Ganon po ba?? hayyy.. malas ko naman... :( 6:15 na kasi tayo umalis ng bahay.. hayyy

Naglakad lakad kame para maghanap ng CR.. hanggang sa mapatingin ako dun sa chinitong kumakain sa Bacolod Chicken Inasal with his GF.. hayy napatitig ako sa kanya... ang gwapo ni kuya.. ganda ng mata... chinitong-chinito... macho pa... at nung mapadaan kame sa Fitness First ay grabe me macho.. lake ng muscle... wala lang.. noon lang ako nakakita ng lalakeng naggygym na gwapo... hahahah...

Hanggang sa ayun nakauwi kame... sumakay ulet ng kotse.. bakas pa rin sa mukha ko ang disappointment at lungkot....

Hanggang sa pagtulog ko.. malungkot pa din..

Di na ako sasama sa mga lakad nila.. magbabloghop at twitter na lang ako... magiging masaya pa ako.....

haayyyy buti at nailabas ko din....


fireworks....

Monday, February 14, 2011

Diary 02/14/11 (Walang Wentang Balemtayms)

Pagkagising.. wala lang ordinaryong araw lang...

Den pumunta ng tindahan... paksyeeettt.. beki pa ang una kong customer.. tingin ng tingin saken... nung una bwiset na bwiset ako... pero kinontrol ko lang sarili ko.. pakenkoy mode... di pa makapaniwala na 24 na ako.. mukha daw akong dose anyos... wew siya... pero kalma lang sempre....

Den umuwi ako ng bahay para kumain habang naglalakad tadaaannnn... napigtal (nasira) ang aking isang taong islander na tsinelas... huhuhu... ayun naglakad akong nakayapak..... kapag sinuswerte nga naman....

Den bago bumalik ng tindahan... nagbihis at nagsapatos ako mukhang tanga lang...

Tita: mukhang anak mayaman ah...
EG: nako.. isa akong HAMPASLUPA okie??? baka gusto mo maawa saken? pambili lang ng Islander tsinelas..
Tita: *dedma*
EG: basta di muna ako uuwi mmaya mag SM ako...
Tita: ok oh ayan ok na yan...
EG: nye.. 200 lang? hmm geh pede na....

Pagbalik ng tindahan andun lang ako nakatunganga habang si Schan Boy (my 6 yr. old cousin) eh busyng busy sa kakacounter strike... hay adik talaga ang loko sa counter strike...

At dahil sa sobrang gutom umuwi muna ako ng bahay para kumain ng dinner bago mag SM.. at pagsakay ng jeep... wew... sa unahan ako ng jeep sumakay den.. napansin ko sa glass rear (salamin sa gilid) na cute pala yung katabi ko chinito.... ay grabe... ayun nakakatitig lang ako... pero pag nagtatama ang mga mata namin sa salamin umiiwas ako.. at ginaya ko yung sa entry ni fox pero wa epek!!!! hanggang sa bumaba ako... wala talaga epek!!!! di ata alam lol hahaha.... pero ganda ng mata niya hayy chinitong chinito...

Malungkot akong pumasok ng SM daming pogi kasama mga GF nila at derecho sa Men shoes section para bumile ng Islander slipper paksyet pag nga naman minamalas ka.. walang size 8 huhuhuhu :'( pero inpernes kay Kuyang Chinitong Salesman.. ang cute cute niya... nakasmile pa habang nag-aassist... kulang na lang eh picturan ko na pero di ko kayang gawin lol... hayyy Kuyang Chinitong Salesman thank you sayow..... napa-smile ako don... kaya ayun size 7 na lang binili ko kahit biten.... nainlab sa charm ni Kuyang Chinitong Salesman lol... hayyy

Den umuwi na ako pagsakay ko ng jeep.. mejo cutie cutie yung nasa katapat ko sa jeep.. haayyyy nakatitig lang ako na suplado mode... buti pa siya masaya kasama niya barkada niya... buong commute pasulyap sulyap lang ako... hayyy.. at ginagawa yung entry ni fox... pero wala epek talaga...

siguro sa Manila lang abeylabol yung teknik na yun..

hanggang tingin na lang talaga ako.. pero OK lang.. at least nakagala lol...

pero lungkot pa din :'(

bago matulog... naglakad lakad sa labas.. super ilusyon mode... sarap pagmasdan ang mga bituin na kumikislap sa kalangitan... parang mas masarap siyang pagmasdan kung may kasama ka... hayy siguro ganito na lang buhay ko... hayyy enjoy ko na nga lang.... :'(

---------------------------------------

pero masaya ako kasi kasama ko sa twittahworld ang mga MVPers!!!!! mabasa ko lang mga tweets ni dfdsffds happy na ako.... :D plus pagala gala dito sa blogosphere....

ilusyon mode na lang ako foreverrrrrr......


Sunday, February 13, 2011

All For Love (GMA-7) 2005 - Kung Mababalik by 604 Philippine OST



Hayyy grabe.... nung mabasa ko ang tweet ni Sep... about sa kantang "Kung Maibabalik Ko Lang" ayun napasearch na ako sa youtube ng kantang yon.. hinanap ko yung sa theme song ng All For Love Koreanovela Drama na pinalabas sa GMA 7 last 2005 na kung saan bida si Rain...

pero walang lumabas sa youtube.. ang nalabas lang eh.. kay Regine Velasquez, Jay-R Siaboc at Gagong Rapper... wala sa kanila ang hinahanap ko....

wala din sa youtube ung ALL FOR LOVE ay grabe... den napa-wikipedia ako.... dun ko nalaman na SANG DOO LETS GO TO SCHOOL ang original pamagat ng koreanovela na yun... den umilaw ang bombilya ko...

sa PEX ako sa nagsearch about sa koreanovela na to... anyway.. nakalimutan ko ang story niya... kaya one of these days eh papanuodin ko ulet siya.. buti na lang meron sa youtube.... at dun sa forums ko nalaman ang kanta... at ayun derecho na sa youtube....

Hayyy after 5 years... ngayon ko lang siya napakinggan ulet.. grabeh...


KUNG MABABALIK by 604 ( All For Love) OST

Di ko na kaya ito
Magkunwaring wala lang ang lahat
Kung nagsabi lang ako sayo
Di ka na sana nalito
Sana lang ay nalaman mo
Ang damdamin kong ito

Chorus:
Aking hiling mapasakin
dating matamis na pagtingin
Nananalig, nananabik sa tamis ng iyong halik
Ngayon ay nag-iisa't nangungulila, sinta
Ang suyuan, ang ibigan, nakaraan
Kung mababalik ko lang

Meron ba kong karapatan? oh
Di maintindihan ang selosan
Kung nagsabi lang ako sayo
Di ka na sana nalito
Sana lang ay nalaman mo
Ang damdamin kong ito..

(Chorus)

BRIDGE:
Bakit pa ba ako napaasa mo?
Akala ko lang pala ikay kilala ko
Ngayon ay nanlalamig ang iyong tinig
Hindi ko makita sayong mata
Ang dating pagsinta...... aHh

(chorus}

haayyyy mapanuod nga ulet ito.. namimiss ko sina Sidney at Eula... sayang talaga walang TAGALOGGGGG.... haayyy


HAPPY V-DAY!!!!! :D


HAPPY BALEMTAYMS!!!!!!

sana i-greet nyo ko... pls... nagmamakaawa ako!!!! hahaha :D

dali comment na... para paggising ko bukas ng umaga

nakangiti ako ng abot-tenga... LOL


Friday, February 11, 2011

Diary 02/12/11 (Jogging)


Kagabi... habang busyng busy ako sa paglalakad sa labas (exercise) niyaya ako ng pinsan kong si Te Jovs na magjogging kame sa OVAL sa may Santiago which is 15minutes ride on jeep... pero 5AM kame aalis...

Nung madaling araw nagising ako sa text ni Te Jovs naka LOUD kasi ang profile ng cp ko... para sureball na magigising... at ayun nga buti nagising ako... 5hours lang ang tulog ko lintek!!! Suot ko yung luma kong rubber shoes na pang-schooling ko pa.. siguro last 2007 ang huling suot ko non... Nagising na din si Tita at niyaya ko na din na sumama para libre pamasahe...

Ayun natuloy din kame den pagdating sa venue.. wew!!! sarado ang gate.. kundi dahil kay manong na nasa tabi ng waiting shed eh tinulungan pa kameng makapasok at kinausap yung guard.. Ang dilim pa that time... pero marami na palang tao sa loob.. amp lang..

Pagkasalang... sempre warm up warm up muna... sempre ako.. MARCHA!!!! ala BSJ style and STA. MONICA style hahaha... pa-feeling lang lol siguro mga 2 ikot... saka nakakahilo tumakbo super dilim kasi...


Nung mejo lumiwanag na... sumubok na ako ng takbo pero syeeettt.. kalahati lang ng oval ang kaya kong takbuhin.. sobra akong hinihingal grabe lang.... as in... 200 meters lakad.. 200 meters takbo... tapos after mga 2 or 3 ikot pahinga ng konti... sabi kasi ni Tita na wag pupwersahin basta yung kaya lang.... at nga baka daw mahimatay ng wala sa oras lol...




enjoy lang ako ng enjoy sa kakatakbo at kakamarcha.... yes yes yes.... sarap ng hangin ang lamig... parang nasa heaven lang... lol



den maya maya.....

napatigil ako... isang malaking SHOCKS!!!! waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh

EG: Te Jovie.... we need to go home!!!!! ( at english talaga!!!)
Te Jovie: Oh bakit???
EG: yung sapatos ko nasira!!!! huhuhuhu :'(
Te Jovie: wahahahahahah... (tawa ng tawa ang loka) teka hintayin naten ang lola mo... ayun oh tumatakbo pa...
EG: hahaha...

Nang dumating si Tita....

Tita: oh bakit?
EG: uwi na tayo.... nasira sapatos ko...
Tita: hahahaha....



at ayun eksena kung eksena... kakahiya sa mga tumatakbo alam ko napapatawa din sila sa loob ko... hay buhay!!!! ayun habang naglalakad ako kunyari eh na-sprain ako... parang tanga lang...

Hanggang sa pagsakay ng jeep... me mga pasaherong tawa ng tawa.. ayun tawa na din ako.. alam ko kasing ibablog ko hahahaha.... :D hmm... at least me nangyari din sa aking boring na buhay.. yipeee!!!!!


nakuha pang magpapicture kahit super disaster ang mga pangyayari.. pero nag-enjoy ako ng sobra!!!!! sarap sa pakiramdam.... :D kakapagod nga lang lol

About