February 15, 2012
Pureg0ld....
Me Jobfair kasi dito sa amin sa munisipyo lang naman... pero Puregold ang company kasi magtatayo ng puregold dito sa Manggahan. Ayun gorabels naman aketch... At sinuswerte nga naman me pogi... kamukha ni Paulo Avelino... nakakalowkahhhh.. ayun titig lang ng titig ang lola mo...
Tas me nakilala ako dito si Michelle at Nicole ayun kwentu-kwentuhan den ayun magkasama kame nagtanghalian dun sa taas... tas pagbalik ko ng lunch bigla kameng nagkausap ni Paulo Avelino ayun tuwang tuwa lang aketch that time.... tas dun ko nalaman na fresh grad din pala siya at walang mahanap na work tas taga La Salle Dasma pa sya nag-aral at ayun taga Rosario Cavite pa pala ang mokong.. ang nakakaloka.... sa St. John pa sya nag-aral ayuun... ang saya saya ko lang dat time.
Dun sa interview... ayun pinapapunta ako sa Puregold Tanza for interview.. buti na lang pinabalik ako...
---------------------------------------------
Feb. 18, 2011
Pureg0ld - Tanza
This time eh exam and interview sa puregold... ayun andun ako by 9AM tas pinaexam kame by 10:30 pa.. ayun chika chika ako dun sa di ko lam ang name pero trip ko sya.. me asawa na.... saka kay Arwind pero techsupport ang inaapplyan niya... tas yung isa naman eh Marketing Assistant... ayun time pressure ang exam... una abstract den yung verbal tas naglunch kame ni Arwind sa Mang Inasal.... tas nakipagchikahan dun sa nag-aapply na Management trainee na super daldal ipapangalan ko siyang ate PINK ang dami kong nalaman sa kanya yung basta
habang nabubuhay ka wag kang mawawalan ng pag-asa at ang buhay ay isang malaking pakikipagsapalaran basta kung san ka man pumaroon gow gow lang....kakatuwa ang araw na yun... dami kong nalaman na mga bagay bagay... Tas si Leonard na visual artist din ang inaapplyan eh na-late.. ayun chikahan lang kame ng chikahan ni leonard.... about sa corel, adobe photoshop at freehand drawing.
tas exam ulit... by 2:30 at natapos ng 4.. Nakakatuwa yung exam dahil kay Alexis.. na mejo kahawig kay Redbed ng PEX.... kasi patawa kasi siya.... nung wala pa kasi kameng test paper eh sabi niya eh lahat ng sasagutin niya eh sasagutin namin... nag-ala vice ganda... lolz... natawa ako dun....
tas yung interview na... ayun... isa isa na kame nalalagas pero ako kakwentuhan ko lang sina Leonard at Arwind... hanggang sa pag-uwi ayun magkasabay parin kame.... humiwalay na ako sa kanila nung sa tejero na....
----------------------------------------------------------------------------------------
Feb. 29, 2011
Pros3rve M@nworks Inc.
Dahil sa refer nina Dennis at Sharine (mga kapitbahay ko dito sa arnaldo) ayun apply daw ako sa Makati dun sa may Estrella... ayun binigay nila ang instruction... Last Feb. 27 ayun gora ako sa munisipyo para kumuha ng recommendation buti naman at binigyan ako...
Den nitong 29 gora akong mag isa sa Makati kahit sina tita eh galit na galit na saken kasi sa Makati pa raw ako nag-aapply eh ang layo2x at buwis buhay... ay grabe napakaUNSUPPORTIVE nila... kakainis... pero gumora pa rin aketch kasi pera ko naman gagamitin ko....
Pagdating ng baclaran ayun ang daming tao sa simbahan.. wednesday pala... ayun nagdasal ako na at huminge ng gabay at nagwish na sana walang mangyari saken na masama... den ayun nag-abang ako ng bus na ortigas ibabaw... den paaakk.. me aksidente dun sa Magallanes flyover.. kaya pala uber ang trapik.. pero ang saya saya ko lang that time.. dahil daming pasaherong nakabarong mga professionals ng makati.. ang saya saya lang.. den nung nakita ko na ang naglalakihang building ng ayala.. ayun kahit nakasimangot eh uber abot tenga ang ngiti ko sa loob2x ko... haaaayyy ang sarap mangarap.... ang daming naglalakad sa ayala.... pero di dun ang punta ko....
nang lumampas na ang buendia... at nagsabi ng estrella si manong konduktor... paaakk baba na ako... at nagoverpass... den napaderecho ako papuntang seminaary... den mali pala ang daan ko buti na lang eh maraming napagtatanungan pero ang sarap pagmasdan ang mga sasakyan ng EDSA kahit super init.. ang sarap makasalubong ng mga nakabarong na professionals... pero mag isa lang ako...
ayun nakarating din ako sa palm village... chuchaaallll... ang gaganda pala ng bahay dun... pero sa agency ako pupunta.... at pakk dami na palang aplikanteng naghihintay.... tas nung hudyat na ng apply ayun pang no. 26 ako.. tas yung pang no.25 eh nakachika ko.... ayun kwentu-kwentuhan kame about applyan.. buti na lang approchable si ate... ayun naging close kame ng saglit... palit-palitan ng knowledge and infos.... about paghahanap ng work... and chuva chuva..... at ayun.. nakakuha ako ng info sa kanya...
try ko daw yung agency na inapplyan niya yung
mirof inc. sa may salcedo village makati citeeeyyy!!!! kasi nga maraming open. blah blah blah.. so nacurious ako.. ayun nisulat ko sa kapirasong papel...
nung exam na nagkopyahan na lang kame... at sabay kame umuwi... at nagpalitan kame ng number kung sakaling isa sa min ang matatanggap para malaman lang...
den si Leonard andun din pala nagfofollow up.. ayun nagkumustahan kame 2... at sinabi ko na di na nagtext saken yung puregold....
so there..... magkasabay lang kame ni ate na lumabas ng palm village pero magkaiba ng bus na sinakyan....
hanggang sa nakauwi na ako.. grabe pagod na pagod ako.... ang ineet ba naman kasi.... pero natuwa ako dun sa Ayala avenue nung napadaan yung bus dun....
----------------------------
thanks kay ate dahil sa mifro inc.... tatry ko syaa sa may.... sa ngayon mag-ipon ipon muna aketch haaayyy mejo naubusan din ng budget....
so budget budget... dito muna ako sa aking mumunting shoooppp...
0 comments:
Post a Comment