Monday, December 12, 2011

Diary 12/13/2011 D@sma F!esta 2011


Dec. 7, 2011

Dahil nasira ang aking salamin ayun plano ko sana ipagawa sa acebedo optical sa dasma.... eh sakto La Torre kasi bisperas ng pista ng dasma. eh di sempre me paradaaaaa......

ayun gumising ako ng maaga.. pero 6:30 na ako nakaalis ng bahay.. ayun super trapikkkkk... grabe.. nakakalowkaaaahhhhh.....

ayun tweet lang ako ng tweet.... gamit ang tweetitow...

Late n ko nakadating... buti na lang nakatigil yung parada nung dumating ako...

------------------------------

pero nakapagvideo naman ako panget nga lang yung pwesto...

at ang tumatak saken eh

BK77
St. Jude
at saka
Las Pinas Band

------

surprised ako sa BK77 kasi yung gala green ang suot nila... e di me bago silang uniform...

at ang nanalo ay..

2nd - Las Pinas Band

1st - Banda Kabataan 77

Dec. 8, 2011

Supposedly dapat si Katlin sana kasama ko kaso nagback out ang loka.. kaya sempre ako na lang mag-isa..

exact 12 ako nakarating ng dasma nilakad ko simula welcome hanggang bayan.. at nasalubong ko ang d original band... ang cbbd na nasurprise ako dahil bago ang uniform tas mfbd.. ayun nagtesting ako magvideooo... at bsj pero di ko na vinideohan

tas nagpunta ako ng simbahan nagdasal ng konti tas nag 7 eleven bumili ng pineapple juice den nagMCDO naiihi na kasi ako... tas bumili ng burger at kumaen.... tas maya maya naghanap na ako ng mapupwestuhan sakto nag-uumpisa na agad ang parada ang bilis!!!!!!

dahil jan comment comment na ulit....

CBBD jr. - ayos lang sila... ehehehe.. kahit mga bata.. mukhang OK...

CBBD - ang dami... super. onsean ata yon.. josko.... nakakalula lang......

MFBD - nakakalerkeyyy saka kainis si kuya na nasa unahan ko paharang harang.. tas kinagalitan pa ako.. eniwey.. nakakaloka.. tumigil ang mfbd at sabay sabay talaga ang majorette as in super mangha ako dahil sabay sabay sila... plus pakkk!!! trombone king ang tumugtog.. ang galing nila sa marching...

Anak Zapote Band - ayyy gusto ko style nila ngayon... yung sa majorette tas anim na majorette lang den animan.. super close 6 plus ang ganda ng tone quality plus ayun may dating... parang fresh na fresh....

Banda Kabataan 77 – wow bago ang uniform ng bailen pero so-so lang ang pagkakaparada nila nothing special… saka mejo panget yung kulay ng uniform yung yellow… di sya attractive

Ban da 46 Carmona – ok lang ang pagkakaparada nila.. mejo di nga lang disiplinado parang wala lang di sila competitive…..

Banda Kabataan 83 – wow.. gusto ko style nila… kahit mabagal… iba ang tugtog… and basta naamaze ako that time… parang nuon ko lang ulit sila nakita…. Kahit luma na uniform nadaan naman sa dating ng pagkakaparada…

Sta. Cruz Band – OK sila sa akin ngayon di sila bunge… at close 6 talaga except sa mga majorette panget lang yung saka anlakas ng tomtom

St. Jude Band - wowwww ang lakas ng dating saken ng bandang to… parang magigiba ang bawat haharang.. ganon ulit ang style nila yung maramihang majorette at grabe ang ganda ng uniform pati ng pagkakablending ng kulay malamig at maganda sa mata… sayang di ko lam yung tugtog.. bet ko sa marching

St. Augustine Band – ang konti nila ngayon… pero gusto ko style ng mga majorette yung maghahati tas itataas ang flag… so so nga lang ang pagkakamarcha. Pero ok na din…

Las Pinas Band – ayyy grabe namiss ko ang bandang itechh.. and yes… maganda pa rin sila. Yun lang bow. Infairness wala na silang tomtom ngayon… kaya maganda ang tunog…. Bet ko sa marching

D Original Band – so-so lang ang marching pero maayos. Parang anak zapote but walang charisma.. pero maganda yung boots at sapatos nila..

El Gobernador Band – so-so lang pagkakamarcha nila

Banda San Jose – ok din sila…. Pero mas nagustuhan ko LPB sa kanila.. guest lang kasi sila kaya petiks..

Pagkatapos ng parade ayun sumabay ako sa BSJ at ayun nakita ko si Miguel.. hehehe ang taray pala niya sa personal kalowkz… tas ayun sumuot ako sa may likod ng mcdo at nagstart magpicchur picchur.. hanggang sa kung saan saan ako makarating at sakto pagdating ng plaza CBBD pa lang ang papasok… ayun bumili muna ako ng mineral water. Tas nakikisiksik para makapunta sa gilid sa awa ng diyos nakasiksik ako nakarating sa gilid at sakto dahil BK77 na ang papasok na magdidrill ayun navideohan ko naman… at andun lang ako hanggang sa majorette exhibition nakakapagoddd nakita ko si Jonmark.. ang cute nya… hehehe crush ko na sya charrrr…

Tas namiyesta ako kina nanay say… at pagkauwi PAGOD. Den inuplod na kinagabihan…


0 comments:

About