Saturday, November 13, 2010

OUCH!!

November 13, 2010

Isa sa mga greatest fear ko ay ang magpabunot ng ngipen... oo takot ako sa dentista!!!! as in OKA TOKAT!!!! lolz...

No choice kelangan kong magpabunot ng ngipen kaya ayon... sa awa ng Diyos.. buhay pa ako ngayon...

Nagpabunot ako kanina umaga... haayyyy kakanerbyos na ewan... pero its my 3rd time to pabunot... yung 1st and 2nd eh last year.. di naman masaket... nakalimutan ko na kung ano ang pakiramdam...

Tugtugudug... basta ang bilis ng tibok ng puso ko.... at habang ginagalaw galaw ni Doc ang aking ngipen bigla akong napa OUCH...

EG: ouch...
Doc: oh bakit masakit ba?
EG: hindi... nabigla ako...
Doc: (tumawa...) malapit na matatanggal na...
EG: (pikit ulit)

at ayun success!!!! sa wakas nabunot din siya.... lintek na ngipen na yan.. ayoko ng magkangipen kahit kailan!!!!!

at nung nabunot grabe ang haba ng ugat.. ng ngipen kaya sabi ko kay Doc kung pwede akin na lang.... buti binigay naman...


Naaalala ko tuloy nung bata pa ako... sabi nila....

"Kapag nabunot ang ngipen mo... ihagis mo sa bubong!!!!!!! para tumubo ulet"

kaya ayon.. yun ang ginawa ko... pagkatapos kong picturan ang bolokz kong ipen.... nagdasal ako at hinagis iyon sa bubong ng bahay namen.. para magkangipen ulet ako!!!! sana... sana... sana.... :)

3 comments:

EngrMoks said...

Ouch...ako din takot sa dentista...at ang hirap kumain pag sariwa pa ang bunot....wahhh yoko nang magpabunot..kahit kelan...
Sabi naman sa akin dati, papakain daw sa daga yun gnginpin para tumubo ulit...hehehe

Ran said...

masakit ba talaga? takot din ako, haha

egG. said...

actually... hindi siya masakit... nakakanerbyos lang talaga nerbyoso ako eh lolz... mas masakit pang magpacleaning....

pagkabunot ko nga ng ipen ayun kumain ako ng ice cream... saka ang tanghalian ko oatmeal... pero ngayon ayos na.... nakakain na ako ng maayos...

kahit papano for d 3rd time around naharap ko din ang takot ko.. hehehe :)

About