pagdating ng baclaran.. dumaan muna ako sa simbahan at nagtirik ng kandila at pumunta na ng MOA.. pagdating sa MOA.. kumain muna ako sa jollibee bago pumunta sa SMX para sa wedding expo.. pero sina bianca at marcial nasa biyahe pa daw sila.. kaya nauna na akong pumasok...
at WWWOOOWWWW... ang gaganda ng mga layouts!!!!! saka yung MTV style na cinema ng wedding.. kaya picture dito picture doon.. pero sa totoo lang nakakahiya.... kaya naisip ko yung mga pangalan na lang ng shop/exhibitor ang picturan... para di naman ako maeskandalo... pero ang totoo talagang pakay ko eh maghanap ng mga layouts, new trends.. wala lang for enhancement lang..
basta ang sarap maglilibot sa mga booth.. basta kapag nakakita ako ng techniques eh pinipicturan ko agad gamit ang aking sirang cellphone... at ang higit na nagpamangha saken eh dun sa INVITATION SECTION... ang lulupet ng mga ideas. as in gulat ako @_@ ibang klase yung pagkakagawa nila... napakacreative.... muntik pa akong makita ni Sir Jo... yung dati kong boss na exhibitor din.. pero di ako nagpakita.. baka lokohin na naman ako... saka nakakahiya na din... naaalala ko yung pagiging pasaway ko nung nagwowork pa ako sa kanila...
after 2 hours... saka lang dumating sina bianca.. nagpapahinga ako noon sa may labas napagod kasi ako sa kakalakad....nung dumating sila.... ayun pumasok ulet ako sa loob kasama sila... kwento dito kwento doon.... ang laki na ng tiyan ni bianca... heheeheheh... pero napagod pa rin ako kaya nauna na akong lumabas... naupo at nagpahinga...
after sa exhibit gumala kame sa moa.. nagpunta ng national bookstore at nanuod ng fireworks.. first time ko lang makapanuod ng fireworks sa MOA.. at ang ganda.. todo ngiti ako at masaya ako nung panahon na yon... kumain kame sa mcdo... nagpicture picturan... at umuwi na...
bilig ng biyahe ko 45minutes lang... heheheheh.. ala kasing trapik.. saka sa FX ako sumakay buti meron pa... pagdating sa bahay.. tinignan ko yung mga pic.. at shinutdown ang mga website ng mga exhibitors baka sakaling magamit ko kapag me pagkakataon.... :)
heres da exhibitors site.... wish ko lang walang magalit lols...
www.bobnicolas.com
www.niceprintphoto.com
www.niceprint.blogspot.com
www.niceprintphotoUSA.com
www.youtube.com/niceprintphoto
www.niceprintphoto.multiply.com
capteme.multiply.com
www.chitovecina.net
www.pixrepublik.com.ph
www.ibarraspartyvenues.com.ph
www.vignettephotography.com
www.wallygonzalesphotography.com
www.luminosistudios.com
www.studioa.com.ph
photospree.multiply.com
contactivephotography.com
www.snapitphotos.com
www.poofphotobooth.com
0 comments:
Post a Comment