Wednesday, December 29, 2010

HAPPY NEW YEAR!!!!! (mga pamahiin ko)


Bagong Taon na naman.... ang bilis ng panahon.... Lets welcome 2011!!!!!

--------------------------

Eto ang ilan sa aking nakaugalian sa tuwing sasapit ang bagong taon...

1. Maglagay ng pera sa bulsa papel at de barya... para swertihin at magkapera buong taon....

2. Maglagay ng mga 25cents sa sulok ng mga bintana para daw buong bahay eh me pera lol... at para buong taon eh di mawalan ng pera... sabi nga nila pag may itinabi may madudukot..

3. Dapat bukas ang mga bintana at pinto sa buong bahay para pumasok ang mga usok ng mga paputok at lumayas ang mga masasamang espiritu na ipinasok ng Year 2010... saka maeexpired na yung mga 2010 spirits kaya need another one naman....

4. Sa hapagkainan dapat may pagkain na mahahaba para LONG LIFE.... at dapat me pagkaing malalagkit para STRONG BOND... at dapat sempre minatamis para SWEET... at dapat 12 ang bilog na prutas na sumisimbolo sa buwan ng taon para HEALTHY every month and of course dapat me lechon, barbeque at piniritong kung ano ano para HIGH BLOOD.... oh di ba sosyal!!! kaya prepare na now na!!!! hahaha

5. Sempre pagsapit ng ganap na alas dose.. lets TALON TALON na para tumangkad!!! totoo yon pramis.. ang maniwala engot!!!! :D

6. Dapat bago salubungin ang taon dapat ihanda na ang mga speakers dahil Lets SHEMBUTAN na!!! she-shembot she-shembot....

7. Sa ganap na alas dose dapat naka MP3 ka at pinapatugtog ang THEME SONG ng magiging taon mo... sabay wish... dapat maraming wish... para marami ang matupad... totoo yan pramis... ilan sa mga wish ko eh nagkakatotoo, di ko nga ineexpect eh...

8. Wag ng magpaputok para iwas disgrasya.... magwala ka na lang para masaya.... dali sigaw lang ng sigaw yung malakas... HAAAPPPYYY NNEEEWWWW YYEEEAAARRRRRRRRRRRRRRR....


--------------------------------------

MY NEW YEAR RESOLUTION

1. Di na ako magpapalipas gutom para di na mahihilo...
2. Lalandi na ako kasi malapit na akong magtrenta... tama na ang patweetums lol...
3. Magpapakawalanghiya na ako this year... para di na maging boring lol
4. Lilimitahan na ang PagpePex
5. Magle-layout na ng madalas sa photoshop...
6. Explore ng mga ibat ibang makabuluhang bagay...
7. Titigilan na ang pakikipagchat at tweets...


----------------------------------------

MY NEW YEAR THEME SONG

1. Love Will Keep Us Alive - Eagles
2. All About Lovin You - Bon Jovi

-----------------------------------------


sa mga followers ko dito sa blog.. salamat ng marami sa inyo lalo na sa pagtitiyaga nyong pagbisita sa aking boring na blog.. salamat salamat talaga lalo na sa mga comments...

sa mga kaibigang kong pexers lalo na sa AP.. kahit di nyo alam ang blog ko.. HAPPY NEW YEAR sa inyo.. you made my 2010 super happy....

sa mga nanunuod sa youtube channel ko.. super salamat din sa mga views... at last nakaabot din ng 100K views ang account ko.... puro mga banda ba naman... lol

sa mga fb friends ko kahit super boring ang FB ko.... thanks pa din lol hahaha :D buti na lang di nyo alam ang blog ko lol...

-------------------------------------

HAPPY NEW YEAR SA LAHAT... sa lahat ng mga nakasalamuha ko cyberworld at real world....

sana maging masaya tayo sa 2011!!!!!!!!!!!



Tuesday, December 28, 2010

My Christmas 2010

Dec. 22, 2010

Christmas Party ng kuya ko... dun nga lang sa Barracks ang venue sa Camp Aguinaldo... at sa kadahilanang di pa ako nakakapunta.... ayun sumama ako.. wala lang... gala lang lol...

Inikot din namin ang grandstand kung saan doon idinadaos yung mga celebrations ng AFP... nakakatuwa kasi habang naglalakad kame ni Moneth with her baby at 2 kasama namin eh pakiramdam ko nasa malaking campus ako.. ma-puno kasi yung daraanan.. ang sarap maglakad... at maraming nagjojogging... tapos bawat Headquarters eh me mga basketball court.. haaayy kasarap sana magbasketball lol...

Nakakatuwa yung christmas party kasi ang theme eh Fiesta... tapos me nagrent sila ng clown at ice cream stand and cotton candy para sa mga bata.. parang ang dating saken eh CHRISTMAS PARTY NA FIESTA NA MAY BIRTHDAY.... lol...

at lalo akong nalerks sa clown dun sa....

BRING ME... BRING ME... WALLET NI DADDY NA ME PICTURE NI YAYA

ay josko.. akala ko me batang magbibigay kay paging clown... saka nakakatuwa din yung larong Face to Face... may 2 kasi batang lalake dun na cute.... ayun kinilig ako bromance na bromance lol... lalo na yung dikit ang ilong tapos ang kanang kamay ay nasa baywang ng kapartner habang nakataas ang isang paa....

at nung papauwi na kame.. sarap pagmasdan ang kahabaan ng EDSA ang traffic grabe.. pero namiss ko din ang mga sasakyan... kaya sarap tumunganga... nakita ang robinson galleria, ang sm megamall, ang edsa shangri-la at ang peyburit kong MRT!!!!! sarap magmuni-muni habang nasa biyahe...

DEC. 23, 2010

Habang naglalaba ako, nagulat ako kasi biglang dumating yung mga step brothers ko from Batangas magbakasyon kasi sila dito sa Cavite... ayun kwentuhan... habang naglalaba eh inaasikaso sila... haayyy ang kukulit pa rin nila.... Dito kasi sila magspend ng christmas...


DEC. 24, 2010

Nanuod ako ng Maytinis Marching Band Parade 2010 sa Kawit, Cavite... kaya meron akong picture sa harap ni Aguinaldo sa previous post ko... Ang ganda ng parada 11 ang banda tapos lahat magaganda at magagaling kung kaya't ganadong ganado ako sa aking pagvivideo para me bago akong collection na pang-DVD... at grabe first time ko makapanuod ng Dance Majorette na nakabackless my gaawwddd nakakalerks.. ang kikinis ng mga balat... at ang puputi pa.... at ang gagaling pa nila sumayaw... enjoy much ako..


DEC. 25, 2010

Christmas Time!!!! Sama sama kame magkakapamilya na magspend ng christmas.. Dun kame nagsimba sa Little Sisters Church sa Tagaytay City... yun nga lang biglang buhos naman ng ulan kaya di rin kame gaano nakapakinig sa misa... kaya ayun sumilong na lang kame magkakapatid sa ilalim ng pinetrees puro harutan at kulitan... at nung natapos ang misa eh picture picture at anga ganda ng view.... wew....

Pagkatapos ng misa ay dumerecho na kame sa may picnic grove para puntahan yung nirentahan naming bahay for one day... pagkadating... super mega kain lahat.. as in lahat gutom den picture2x den nag-exchange gift na rin... Nung kinahapunan, nagpunta kame sa Picnic Grove pasyal pasyal... hayy ang daming tao... naglaro sa playground with my cousins... At nung kinagabihan pumasyal kame sa Robinsons sa may Ridge... inuman... picture2x... at bago matulog nagtwitter ako at grabe.. online sina Donnie, Adrius, Symps, MQ at iba pa.. ayun nakipagkulitan ako... sempre matching greetings ng merry christmas....

Kahit papano masaya rin ang Pasko ko....

:D

Friday, December 24, 2010

Happy Birthday Papa Jesus...


Ilang oras na lamang at Pasko na... ang araw ng kapanganakan ng ating Mahal na Papa Jesus...
kung kaya't kaliwa't kanan ang mga nochebuena.. hihihihi.... marami ang mamasko bukas.. pero kame nakapag-impake na.. ayon magtatago sa tagaytay bukas.. yahooo.... wish ko lang malamig sa tagaytay heheheh...

-------------------------

Pero kaninang hapon, galing kame ng pinsan ko sa Kawit.. nanuod ng parada ng banda... enjoy ako... kasi magaganda mga banda at first time ko lang makakita ng mga majorettes na nakasexy outfit habang nagsasayaw... kalerks ang mga katawan nila ang sesexy... liit ng bewang at nakakasilaw ang mga legs... grabeeehhh lerks na lerks ako lol..... kaso di ko pa nauupload ang mga vids.... saka na lang... lol...

--------------------

MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!!!!!! AT MALIGAYANG KAARAWAN SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO.... nawa'y maging mapayapa ang ating Kapaskuhan... enjoy everyone!!!! lets go gala...

GOD BE THE GLORY....

---------------------------------------------------






Monday, December 20, 2010

wala lang na post...

haayyy...

bago ako umuwi mejo nalulungkot ako kasi parang di ko na feel ang AP..
parang di na ako masaya sa AP/PEx na naging tambayan ko for 10months.

na di katulad ng dati nung bandang April up to September.. na sobra kong saya
na maraming nakilala...

-------------------------------------------------------------------------

Kaya ayun nasumpungan kong gumawa ng PDF ng MVP Original Thread... at nakakakalahati pa lang ako grabe.... super kinileg akong mabute.. nakangiting abot tenga... nakakagago....

sarap balikan yung mga post/comments ko... at mga post ni symps at ibang pexers... nakangiti.. kilig na kilig at ramdam ko pa rin ang excitement...

ang saya ko lang.... pag nalulungkot talaga ako... at binabasa ko ang MVP... walang humpay ang aking kasiyahan... sobra sobra.. kulang na lang eh atakihin na... sarap balikan ang nakaraan... sarap maging masaya at maging excited na katulad ng dati....

sana kiligin na lang ako forever....

sana nakangiting abot tenga ako forever....

sana lage kong binabasa ang MVP forever....

haaayyyy ang saya lang.....

nakakagago... nakakagagooo.... nakakaGAGGGGOOOOOOOOO.....



Saturday, December 18, 2010

drama mode # 4

amp... nalipasan na naman ako ng gutom ngayong araw na to... ayun inatake na naman ng matinding hilo... napagalitan pa ako.... bakit daw ba ako nagpapakamatay sa gutom eh me pagkain naman... at adek na adek daw ako sa internet....

hay buhay.. sakit din ng ulo ko... matamlay... walang kagana-gana ngayong araw na to... nakahiga lang lol..

nagdribble dribble sa labas pero hiningal din kaagad.. bilis ng tibok ng puso ko... amp lang...

pinagbawalan pa ako mag-internet... pero eto nag-iinternet... load nga lang :(

---------

hay buhay.. kamalas ko lang na tao.. di ko gusto ang araw ngayon...


lolovenatin ata ako :(


About