Tuesday, October 18, 2011

Diary 10/18/11 Mga kung ano anong pangyayari...


October 18, 2011

It supposed to be my walang kwentang random sana... pero happenings nga pala to... kaya diaryyy....

1. Inalok ako ng college frend ko na maglayout ayun 1K per album... nakakagawa na ako... pero nakaka10 palang out of 20 plus.. daming ginagawa minsan mga tanggap na work... plus istorbo pa ang twitter, fb, misso, pex at blog.. hahaha nakakalokaaaahhhhh....... ayun.. minsan nawawala ako sa concentration... nakaka2weeks n ko.. pero need ko siya matapos bago magSunday.... dahil for sure me polishing pa...

pero para sakin eto ang pinakagusto kong gawa...


2. Sumali ako sa pacontest ng star city... nasagot ko kasi yung tanong at first 2 comment eh merong 3 free RAYC Ticket plus meet and greet with imago and 6cyclemind... nakakalokaaa ako yung pangalawang winner.. tas me nagreklamo pa... hahaha kalerki.... yun nga lang sa october 29 lang available yung prizee.. at 4PM pa..so gagabihin ako ng uwi.. kaya kasama ko yung pinsan ko.... and hope sana walang mangyari sakeng masama sa araw na yon.....

3. Natutuwa ako dahil nagpaburn ng DVD saken sina Miko at Tito Angie ng parada ng banda.. dagdag kita... hehehehe.. kahit very amateuristic lang ang mga kuha ko nung fiesta... im happy....

4. binisita ako ng kaibigan ko nung hayskul sa dito sa aking mumunting tindahan ayun chika chika.... nagpapaalam na pala ang loka.. magwork kasi siya sa Qatar... pero ang pinagtaka ko bakit 2months lang?? samantalang yearly ang contract dun... heniwey ayun bonding.. chika chika nagkwentuhan about sa mga classmates namin nung hayskul.... natutuwa ako kasi kahit pano naalala niya ko.. at naisipan pa niyang dumalaw bago siya umalis.... ayun sana mag ingats siya sa pupuntahan niyang pagkalayo layo..... she's a nice friend..... i will miss her... kasi walang nagbago sa friendship namin simula pa nun hayskul kame kakatuwa....


5. Ginawa naming pulutan yung classmate namin nung hayskul na lalake before tas ngayon eh super ladlad.. grabe super gulat lang ako dahil nakadamit pambabae pa talaga.. grabeeeehhhh... ayun puro yuck lang ng yuck yung kaibigan ko... tas nagkaGF pa siya non.... hanep... mas bading pa saken.... kaya naiisip ko.. ang sagwa talagang tignan kung ang lalake magdadamit babae.. di maganda sa paningin.... ayun....

6. sana matapos ko na yung ginagawa kong layout.. sana di magloko computer ko....

7. excited naa ako sa fiesta ng dasma sa dec. 8, maytinis sa kawit sa dec. 24 at fiesta ng silang sa feb. 2...




Saturday, October 15, 2011

Para kay Koya Sean of Sean's Dirty Laundry





ang blog mo koya sean eh me malware..... nanggagaling ata yun sa blog ni iamlivingsaint blah blah blah for short blog ni PLUMA NI JEPOY....

so ang ginawa ko noon eh tinanggal ko na lang siya sa blogroll ko with these following steps....

sana magetching mo... wish kow lang.. kundi paturo ka kay ser fafa hard2get..... hihihihi :D


STEP ONE:


STEP TWO



STEP THREE



and after that hope maging mapayapa muli ang blogosphere... nga pala me bayad tong instruction na to.. OK na saken kahit kiss lang.. lolz... hahahaha dyuuukkkk :P


hope nakatulong ako fafa sean.... :) mwahhhhhh.. tsup tsup...


Friday, October 14, 2011

Barahang Marching Band




Category: Photoblog


"tan tan taran tan tan.. nananananna.. tunog ng musiko na nasa imahinasyon ko habang nilalaro ang mga barahang ito... isa sa mga barahang matagal ko ng tinatago siguro halos mga sampung taon na ang edad basta kapanahunan ni Mojacko... isa sa mga alaala ko nung kabataan ko na kapag wala akong magawa sa bahay.. eto naglalaro ng musiko-musikohan...."

isang pahabol na entry para sa Saranggola blog awards...

Tuesday, October 4, 2011

Diary 10/06/11 G3neral Tr!as Cav!t3 TOwn F!esta



October 4, 2011

Ang aga ko lang gumising.....

4:30AM.... nakatulog naman ako ng maayos..... pero nung nagising ako antok pa rin ako ayun natulog ulit ako sa salas ng 30minutes..... den nag ayos ayos na... naligo.... den pak... excited agad sa parada mukhang tanga lang.... haayy laypp...

pagdating ng 7AM.. ayun derecho ako sa plaza... ang katangahan nakalimutan ko pera ko.. huhuhu bali gusto kong bumili ng kalamay ba yun.. basta color brown na puto or kakanin....

ayun tiis na lang ng gutom... buti na lang sumunod sina tita ko kasama yung 2 anak nya ayun bumili sila ng dunkin donut... ayun naka2munchkins lang ako at dumating na ang parade....

ganda na sana ang pwesto ko pero panira ang jeep na itech... as in kabadddtrrriiipppppppppppppppp..... pramis... hay layppp....


ayun bumaba na lang ako haayy andun ako sa mga tinda tinda cheverlooo..... pero nababadtrip ako sa jeep na yun.... naghihintay pa siya ng pasahero hay buhaaayyy....

at eto ang mga nagustuhan ko para dito n lng me manunuod sa aking mumunting lungga....


di ko lam yung tinutugtog... :(


beautiful sundaayyy huwaaahhh dahil jan.. favorite ko na siya... NKKLK


maayos ang pagkakaparada nila and nice tone quality


sayang di sila naka OPEN.. huhuhu gusto ko pa naman yung sta. monica style ng joret...


love this CWE band ng mga pinsan ko... and yiheee bravuraaahhhhh... galing nila... :D love it..


grandioso naman.....


they growing on me.. mukhang makikita ko to sa mga piyestahan sa ibat ibang bayan.... di ko lang gusto uniform ng majorette..

----------------------------------------------------

pumunta ako sa kanto... which is 200 meters away from plaza ayun super takbo ang palaka sa kalsada.. mukhang tanga lang.. eh pano ba naman hinahabol ko yung banda.. ako na ang adik.... NKKLK.. eksena kung eksena.. pero oks lang.. di naman ako kilala hir.... ayun.. super haggard lang aketch sa kakatakbo...

at nag umpisa ulit manuod... at nakakita ako ng picchur isang blog na extra ako na nagvivideo... buti likod ko lang ang kita ko... pero di ko kinaya si kuya na walang madaanan sa gitna
ng banda dumaan...



after sa kanto.. balik ulit sa plaza and video ulit....

den after non.. sumabay na ako dun sa bandang peborit ko yung BK77 sabay uwi.. sayang di nila tinugtog yung Capt. Villamor or Beautiful Sunday... :( huhuhu much....

pero BITIN siyaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! waley lang....

at pagbukas ko ng FB... nakita pala ako nung kausap ko na magpicchur sana ng parada... eh di ko siya nakita.... saka nahihiya din ako heheheh... di ko kakayanin makipagmeet lolz :D

ayun tapos na... haayyy layypppp...

sa december 8 naman ako sunod na watch.... :D






Sunday, October 2, 2011

MCDO Happy Meal


Category: Freestyle

----------------------------------------------------------------------------------

Taong 1996...

Madalas kame nagpupunta sa Harrison nina Tita yun lang kasi ang pinakamalapit na SM dito sa Cavite.... wala pang SM Bacoor, SM Dasmarinas at SM Rosario nung panahon na yun...

At dahil konti din ang MCDO nun panahon na yun.. ayun sa Harrison Plaza rin kame nagmcMCDO basta dun siya sa labas tas ang katabi niyang restaurant eh KFC.. tas me sinehan sa loob... nakalimutan ko na kung ano tawag dun.. den ilang walk lang nasa Harrison Plaza ka na....

-----------------

at nun nauso ang Happy Meal... sempre pabili agad ako kay tita ang pinakauna kong happy meal ay isang "airplane ride" 39 pesos yon at me kasamang burger mcdo value meal.. tuwang tuwa ako noon...

hanggang.....

hanggang sa tuwing nagma-Mcdo kame ni Tita di kame umuuwi ng walang happy meal kasi collection ko yon nung bata pa ako.. hanggang sa dumami sila ng dumami... at binigyan ko sila ng pangalan isa isa.. depende kung sa ano ang ichura nila tas mag-iimbento ng pangalan...

for example:

Airplane Ride Festival
Rocket Ride Festival
Doggie Dalmatian
Snoopy Cowboy
Meju d'Barbie
Alice In Wonderland
Robin da Hood
Pochacco Liit
Grimace Violet

yan lang mga natatandaan ko....

-------------

pag bakasyon at walang pasok sa skul.. nasa kwarto lang ako naglalaro ng happy meal ginagawa ko silang tau-tauhan kunyari skul-skulan... tas minsan ginagawa ko silang marching bands... yung mga babae eh mga majorette.... tapos magdidrill exhibition.... me mga klasrum din sila tas gegreydan din tas in d end me mga top ten...

--------------------------

madalas ang bahay nila eh sa ilalim ng kama ko.. dun sila nakatago nasa isang malaking kahon.. ayoko kasi idisplay sa sala kasi baka kunin ng mga bata ganon ko sila ka-"love" gusto ko akin lang sila.....

---------------------------------

di naglaon naghighschool ako at maraming nagbago sa aking buhay unti unti kong kinalimutan ang pagiging bata at nag-explore dahil nasa puberty stage na ko kung san nauso ang mga crush crush at chika chika sa school... nawalan ako ng time sa mga happy meal toys ko...

-----------------------------------------

at nabalitaan ko na lang na nilagay na pala sa likodbahay namin yung mga laruan ko... pinakealaman ni Lola... di na ako nakapalag kasi high school na ako non di ko na rin sila naiisip....


-----------

at nun dumating si Milenyo... nawala na sila.... siguro naitapon na ni Lola....

pero dito sa aking puso at isip mananatili pa rin sila.... isa sila sa mga di ko makakalimutan.. kahit mga materyal lamang silang mga bagay eh pinasaya nila ko.. at tinuring ko silang mga kalaro.... kahit wala man lang akong remembrance sa kanila kahit pictures man lang.. mahal na mahal ko sila at habang buhay silang nasa isipan ko.... kahit mejo nakalimutan ko na ang pangalan nung ilan sa kanila... haayyyyy pati mga records ko sa kanila waleyyy na din ahuhuhuhu :(

hayyy kung asan man sila ngayon.. mahal na mahal ko sila..... sana OK lang sila....

sana masaya sila sa langit...... haayyyyyyyzzzzzzzzzzzzzz


inaalay ko tong entry na to sa kanila....... sa pagsali ko sa Saranggola Blog Awards

ok lang kahit di manalo ang mahalaga naalala ko mga laruan ko sa pakontest na iteyyy.. :D



About