Friday, February 11, 2011

Sa aking mga ...........

Hayyy.. natuwa ako sa tweets ni symps.. tagalog na tagalog daw ako... den nireplyan ko ng isang linya mula sa tulang "sa aking mga kababata ni gat. jose rizal"

hayyy naalala ko yung tulang yun.. nung grade 4 ako 5 yata.. saulong saulo ko yon.. at tinula tula...
plus napanuod ko din yun sa Bayani ung isang TV show sa channel 2..

Bigla ko tuloy namiss ang tulang to... sana bata na lang ulet ako lol....



Sa Aking Mga Kababata
ni José Rizal

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.


Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Habang binabasa ko yung tula di ko mapigilan ang mag-action hahaha.... peyburit ko talaga to... hayyy...

mapanuod nga ulet ang kabataan ni rizal... ang cute pa ni Marco Ballesteros noon... asan na kaya yun ngayon...




Tuesday, February 8, 2011

Diary 02/08/11 (Index Card)

Pagkabukas na pagkabukas ko ng twitter kaninang umaga.. my goley... trending si Angelo Reyes (former AFP Chief / Sec. of Defense) sempre nagbasa ako ng mga tweets... at nagpakamatay pala siya sa puntod ng nanay niya homaygoley.. so tragic!!! kinuwento din saken ng aking tita na ganon daw at kaninang umaga lang nanyari at dalang dala naman ako sa story... naloka pa ako sa mga ibang tweets katulad ng....

* Bus Bombing on Cory Aquino's Birthday. Angelo Reyes' death on Noynoy Aquino's Birthday. Sa Birthday kaya ni Kris Aquino anong mangyayari?

* One corrupt down

tas meron pang isa nakalimutan ko na haayyyy..... at habang nag eenjoy ako sa pagbabasa ng mga tweets may bumili... si kuya... (siguro mga 18-20 ang edad)...

Kuya: meron po kayung indi
EG: ha? ano po? (habang nagbabasa ng mga tweets)
Kuya: indiks
EG: ano po? (lumapit na ako sa kanya tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa inpernes ang panget ni kuya pero ganda ng katawan)
Kuya: indiks
EG: ano po ulet? (matching with innocent smile)
Kuya: indikkssss... (nakukuletan na si kuya)
EG: indi? ano yun? (matching kunot ang noo)
Kuya: ha? di mo alam yon???!!! (pasigaw na disappointed si kuya na me halong inis kasi ang engot nung kausap niya)
EG: ???? (blanko)
Kuya: (nag-elaborate gamit ang dalawang kamay at gumuhit ng parisukat sa ere ) indiks..
EG: ahhh index card.. (hay sa wakas umilaw din ang bombilya...)
Kuya: yon.. meron ka?
EG: wala po eh.. sorry po.. (ay siyet.... yun lang pala.. hay ang hirap maging bingengot.. NAPAHIYA AKO KAY KUYAA... MY GOLEEEYYY.... )
Kuya: ahh sige bio data na lang...
EG: ah eto po...

dahil sa sobrang pahiya ko eh.. wala lang.. dedma lang.. pero sa loob2x ko isa akong malaking engott... hayyy... ang tamad ko talaga maghearing aid...... di ko kasi suot ng mga oras na yon... tinatamad pa...

Moral Lesson: Always ng maghehearing aid.. hayyy ang tamad ko talagang magsuot ng hearing aid.. ampupu na yan.... pahiya ako kay kuya grabe...

anyway highway...

kay Former AFP Chief/ DND Sec. Angelo Reyes
May Rest You In Peace.....

Saturday, February 5, 2011

Diary 02/05/11 (RJ)

Feb. 5, 2011

Tumawag si Tita at sinabing na bago ako umuwi eh bumili muna ng buscopan sa farmacia sa kadahilanang sumasakit ang kanyang tiyan....

Mga 7PM nagsara na ako ng shop wala lang tomguts na eh... and then pagdaan ko sa may fishballan malapit sa tindahan nina Eva... my golleeeyyyyy...... nakita ko si RJ... as in.. gulat much lang ako.. after 6years ngayon ko lang siya nakita ulet... ang kisig at gwapo ng loko amp...

EG: uyy... (matching eek sa gulat den sabay titig sa katawan at sa mukha)
RJ: uyy musta?
EG: ayus lang... san ka work?
RJ: wu kong. ikaw? tambay?
EG: tambay.. hahaha...
RJ: san ka nakatira?
EG: ah sa sta.. ***** ikaw?
RJ: sa r******
EG: nyak ang layo..
RJ: hahaha
EG: me asawa ka na?
RJ: wala pa...
EG: ahh geh una na ko me bilhin pa ako eh.. (nahiya ako bigla)

haayyyy yun lang... pero at least after ng ilang taon nakita ko din siya kahit papano.. way back to college... 1st year.. 2004-2005... ayun hanggang sa pag-uwi eh nakangiti akong abot tenga...

hayy si siegmond kaya kelan ko kaya makikita.. almost 5years ko ng di nakikita ang mokong.. at di pa ako nagsosorry sa mga kabulastugan pinaggagawa ko sa kanya noon...



Photo Restoration



Hmm.. naaalala ko dati nung nagwowork pa ko. eto ang pinakaayoko sa lahat.... kulang kasi ako sa teknik.. tamad kasi ako magresearch hahaha :D...

anyway hi-way...

me nagpagawa saken ngayon... pero mura lang naman.. hahaha :D

eto siya...

before...



after kong iphotoshop sa pamamagitan ng pagkalikot ng mga kung ano anong teknik sa fotoshaapp.... den change background na din panggrade one style...


wish ko lang tanggapin to nung nagpapagawa saken.. hahaha... mura lang naman neh eh hahaha :D

hay nako... di ko talaga keri ang photo restoration.... wewew.... nuod na nga lang ako ng parada ng banda sa yoochoob.... lol.. ako na ang tamad... wew..

Wednesday, February 2, 2011

Silang Town Fiesta 2011

2011 na naman..... at sempre kapag buwan ng Pebrero... isa lang ang nasa isip ko. Fiesta ng Silang.... Ginaganap ito tuwing February 1,2 at 3 at ipinagdiriwang nila ang Kapistahan ni Nuestra Señora de Candelaria.. (actually di ko siya kilalang santa.. hihihi... pero happy fiesta sa kanya lol..)

Tuwing February 2.. mayroong parada ng mga musiko... ang isa sa mga hilig kong event dito sa Cavite... adik banda kasi ako... kung san me piyesta eh or marching band competition eh nanunuod ako... ehehehhe.... :D pero this time sina Jeje at Miko kasama ko.. buti naman at me kasama ako.. Pagdating ng Silang... HOOOMMAAYYYGGOOOLLEEYYY.. ang lamiggggg.... tae... pero ang dalawa nakajacket... may gaaawwwddd..... naingget mowd tuloy ako...

sempre picture picture ako.. kasi iba-blog ko nga... pumunta sa simbahan kahit sa labas lang.. para magdasal at bumili ng kandila kay lola at nagtirik...


Den nung me naririnig na kameng tugtog ng musiko ayun pumuwesto na kame.. kasi nga ivivideo ko pandagdag sa aking mga koleksyon...

At habang nagvivideo.. asar na asar ako.. ang daming epal una si Kuyang Kalbo na pa-smile smile pa sa harap ko.. ayun... nahaharangan tuloy ang mga banda kaya lumipat ako ng pwesto.. tapos si Ate naman na nakaDSLR paharang harang jusmiyo... as innn... gusto ko siyang batukan dat tym pero nahihiya ako baka mag-away kame sa gitna ng parada lol... den sempre lipat na naman.... Nung dumating na ang peyburit kong banda na Banda Kabataan 77 si Kuyang nagtitinda ng BALLOON na spongebob/dora ang paharang harang sa gilid... asar!!! sira lang ang aking pagvivideo... peyburit ko pa naman yung tugtog.. "Longest Day" pero ayus lang... ang mahalaga eh naivideo ko na lahat at nailagay ko sa youtube... para mashare ko sa iba at sempre koleksyon ko na din...


The Participating Marching Bands in the Parade...

1. PNP Band
2. Banda 93 - Silang, Cavite
3. San Roque Band - Silang, Cavite
4. Sta. Cruz Band - Tanza, Cavite
5. Banda 93 - Carmona, Cavite
6. Magdalene Band 17 - Silang, Cavite
7. Banda 12 - Alfonso, Cavite
8. Banda SVF - Cabuyao, Laguna
9. San Lorenzo Ruiz Band - Tanza, Cavite
10. Banda 94 - Carmona, Cavite
11. Banda Kabataan 77 - Gen. E. Aguinaldo, Cavite
12. Anak Zapote Band - Bacoor, Cavite
13. Sta. Maria Magdalena Band - Amadeo, Cavite
14. St. Jude Band - Maragondon, Cavite
15. Banda 46 - Carmona
16. Primero Uno Band - Maragondon, Cavite
17. Banda 8 - Alfonso, Cavite
18. Family Band - Bacoor, Cavite
19. St. Joseph Band 98 - Gen. E. Aguinaldo, Cavite

Pagkatapos ng parada ay agad kame nagpunta ng Silang Central School dun kasi magtatapos ang parada saka awarding na din... Sayang nga lang at di ko napicturan yung drummer ng Banda 12 na kausap ng mga pinsan ko ampogi kasi eh.. hahaha :D...

Anyway highway...

Best Marching
1st Banda Kabataan 77
2nd Banda 12
3rd Banda 46 Carmona

Best Band Leader
1st Banda Kabataan 77
2nd Banda 12
3rd St. Jude Band

Best Uniform
1st Banda 12
2nd Banda Kabataan 77
3rd ???



Kudos ako sa pamahalaang bayan ng Silang at sa komite at mga Barangay na nag-oorganize ng Kapistahan dahil sobrang matagumpay ang piyesta nila taon - taon at kaabang-abang talaga.. at ang sarap pa ng simoy ng hangin sa Silang malamig.. at maraming mga tinda2x na tinatawag na Baratillo.... at naramdaman ko talaga ang diwa ng kapistahan... super enjoy much lang... kaya KUDOS!!!! :D ang galing!!! balik-balikan ko to taon2x... :)

Happy me kasi pandagdag koleksyon sa aking mga DVD marching bands na pinapanuod ko kapag nalulungkot ako... kahit papano kasi kahit boring ang buhay ko eh.. isa to sa mga happiness ko... :)

About