----------------------------------------------------------
Hay ewan ko ba kung anong klaseng pag-iisip meron ako noon... Nung panahon na nagwowork ako 5years ago... pero isang business establishment lang naman yon... photo studio... layout artist ako... 2 kameng OJT noon.. pero ako.. wala sa sarili palage... ayun di nagfocus... hanggang sa nagtuloy-tuloy ako don... lahat ng layouts ko reject... masakit... pero kinakaya ko kahit mabigat sa pakiramdam ika nga my favorite hobby is to be depressed.... Yun nga lang naka 2 buwan lang ako.. di ko na kinaya... stress daw ang tawag don... noon ko lang nalaman..
Nagtry ng panibago ganon pa din... nakatagal kahit papano.... kaso mahina pa din ako.. isang sumbat pa lang iyak na.... ah ewan ko ba bakit ako ganon... palaging malungkot... pero tinitiis... naka-ilang buwan lang den ayawan na.... ako pa rin yung taong madamdamin at super sensitive... Ang hirap ng ganito yung naiiba ka sa lahat... buti pa yung iba normal lang sila.. pero ako normal nga ba? hmp! sakit isipin na me diperensya din....
-----------------------------------
Ang tanga tanga ko.. nagpauto pa ako... ayun naging taga bantay ng compshop for 2years... :( siguro naawa sila saken.. kaya yun na lang ang binigay ng mga tita ko... ako naman uto-uto sige lang... siguro dahil sa matinding lungkot kamamatay lang kasi ni lola dat time and malungkot din sa work... kaya ayun computer shop na lang...
Nung una masaya... bagong mundo.... bagong mukha... bagong mga kakilala at bagong mga discoveries... masaya pala sa internet world.. maraming magagawa.... pero ayun kapag sinisiraan naman ako napipikon agad masyadong paapekto... hanggang sa nagdamdam... tinamad... ayawan na naman.... in da end im a LOSER!
Hayyss ang hina ko talagang tao...
---------------------------------
Isang taon tumambay sa bahay... wala ng tumanggap... amp... hirap pala mabuhay dito sa earth... inubos ang mga ipon.... waldas waldas waldas... amp
--------------------------------
Pero si Tita mabait pa rin saken... binigyan ako ng bago... at hanggang ngayon sa awa ng diyos... steady pa.. OK pa... pero malungkot pa rin ako minsan... umaasa na lang ako sa internet na nagpapasaya saken.. sa internet at computer na bestfriend ko...
sinayang ko talaga... kung di sana ako nagpakahina, kung di sana ako nagpakaduwag, kung lumaban sana ako..... siguro iba takbo ng buhay ko....
naiinggit ako sa mga kaibigan ko magaganda mga kinabukasan nila... maganda mga buhay nila.. pero wala eh.. ako ang may gawa nito eh... kaya tanggapin na lang...
amp... ang emo ko sa post na to... naaalala ko lang... basta i-enjoy ko na lang kung ano ang meron ko ngayon.. kung ano ang nagpapasaya saken....
pero sana balang araw.... balang araw... makamit ko din ang tagumpay....
