Asar... every 19th of the month lage na lang ako minamalas...
sumpa yata!!!! pero nitong september and october di tumalab ang kamalasan... pero nung nagdaang buwan eh sangkaterba talaga...
Hayyy... pagkatapos kong maglaba ay dumerecho na ako sa munti kong shop lolz.. ayun nag-internet saglit den poof!!! namatay ang monitor, nagbrownout ng isang segundo... den pagrestart ko.. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh.. restart na lang siya ng restart need to repair the PC.. wala naman akong CD ng Windows XP.. need ko pa ipagawa sa pinsan ko.. pero di ngayon... di bukas di next week kundi kung kelan siya abeylabol.. haaayyyy wala akong PC huhuhu :(
Kaya ayon nagpunta na lang ako sa pinsan ko para kuhanin na yung hiniram niyang DVD burner saken... den yung isa kong pinsan ayun ang daming kachat na pogi... samantala ako isa lang ang nagtitiyagang pogi na nakikipagchat saken.. sa totoo lang naingget ako... pero ganon talaga ang buhay... life is unfair.... so ayun pag uwi ko tulala ako... malungkot... siguro di talaga ibibigay hahayyy buhay......
Nagpunta ako sa kabilang bayan para magpaprint ng tarpaulin buti na lang di ako eengot engot kahit malungkot na malungkot at malalim ang iniisip.....
And den naggala ako sa SM... gusto ko sana manuod ng Harry Potter Deathly Hallows... kaso wala akong pera huhuhu :'( isa talaga akong poor boy huhuhuhu....... pero bahala na kapag nakadukot ako sa tita ko manunuod ako neto next week tutal 120 lang naman ang movie ticket kaya carry na lolz..... magbabaon na lang ako ng pagkain.. para ticket at pamasahe na lang gastusin ko lolz....
Den naattract ako sa bagong mini-store sa SM yung Fried Ice Cream... 25 pesos lang sana ang bilhin ko pero sabi nung nagtitinda 35 na lang daw. eh di pumayag ako... kasi naeenganyo ako kung paano ang paggawa ng fried ice cream.. piniprito kasi nila... tapos TENENEEN... ice cream na siya... pero DI SIYA MASARAP!!!!!!! sayang ang 35pesos ko... kung ICE CRAZE NG JOLLIBEE sana ang binili ko nag enjoy pa sana ako... hahahayyyyyzzz ang malas talaga :'(
Ngayon2x lang... kakatapos ko lang magdribble ng basketball ball... Libangan ko na kasi na bago matulog eh nagdidribble ako ng bola para wala lang... Physical activity lang... para gumalaw galaw ang katawan ko di yung nakaharap lang sa PC maghapon... ayun kahit mukhang tanga dribble dito dribble doon... kakatuwa kasi nagagawa ko na yung cross over dribble.... yun nga lang wala akong RING.. kaya shinushoot ko sa pader.... eng eng lang lolz... den maglay up sana ako den poof... tumalbog sa mukha ko ang bola at nakagat ko ang labi ko... POOF... instant dugo... nagdugo ang labi ko.... anssaakkeettt..... kaya ayon.... wala na... another kamalasan na naman...
i hate no. 19 talaga.... hay buhay.... ano bang meron sa numerong 19 kumbakit niyang ginagawang miserable ang buhay kow... haaaayyyyy.....
kalungkot.... :'( pero ayos lang.. lapit na december... lapit na ko magingmasaya... excited n ko manuod ng parada sa dasma yaaahhooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!