Saturday, September 11, 2010

JOB FEST AND CAREER 2010 @ MOA



makasugod nga sa Job Fair na to. baka sakali me audition ng mga kung ano ano.. Kasi kasama ang ABS sa company. and then bahala na si batman.. basta makapasok ako ng SMX convention center aprub na.. di pa kasi ako nakakapasok don eh.. maihanda ko na lang ang aking maraming resume at plantsahin ang aking English.. panigurado magcocomedy na naman ako sa interview dahil sa bilis ba naman ng mga english ng mga HR assistants. pero bahala na pa rin.. basta enjoy ko to... sana magising ako ng maaga.... :)

Friday, September 10, 2010

Whats on my mind???

JOBLESS

yey.. hanggang ngayun. walang magandang work.. sayang talaga yung compshop... sana di na lang ako nag give up dat time.. pero it already happened.. kaya no regrets.. its my choice naman.. dito lang ako sa tindahan maghapon internet.. malungkot... pero ganun talaga siguro buhay... di ko rin alam kung san ako patutungo.. puro na lang bahala na.... pero Ok lang kasi kahit papanu naging masaya naman ako kahit wala gaanong pera....


LOVE NEVER LOVED ME

haayy buhay.. kelan ko ba mararamdaman to? kaya siguro ako tamad na tamad sa buhay eh walang inspiration... 2 times na rin ako naging sawi.. kay Siegmond at kay Ninyo... pero siguro part na yun ng buhay ko.. me natutunan naman ako doon... pero tanga talaga ako eh... sobrang nasaktan... sobrang paapekto... lately... ang dami kong nababasang mga BI-stories.. nakakaingget lalo na yung kay Sympaticko.... saka kay Justin.. hay buti pa sila... naranasan nila yon... kakaingget sobra... pero sa ngayon... di na ako umaasa na mararamdaman ko pa ang LOVE.. wala eh... 24 na ako.. tanda na... plus wala pang matinong trabaho... siguro pang mayaman lang ang LOVE... lalo na yung LOVE na gusto ko... haayy suko na ako.. kahit masakit sa part ko... ang sakit sakit... hanggang sa pangarap at panaginip na lang talaga siguro...


WHAT WILL HAPPEN NEXT?

Eto ang di ko alam... tuliro ang isip ko.. una, nasira ang phone ko.. tapos me jobfair sa SM Molino sa September 25 plano kong sumugod nakaready na naman ang aking resume. pinoproblema ko na lang talaga ang phone.. kung magwithdraw ba ako o hinde.. ayaw kasi nila ako ibili ng phone eh huhuhuhu :'( naalalala ko tuloy yung sinabi ni Justin sa story niya..

"If you can hurdle it by your strength you can face it with a winning smile, its a matter of survival"

na palage nakatanim sa utak ko...

"Wag na wag papaapekto sa ibang tao" na sinabi naman saken ni Kuya Lyts...

siguro baka sumugod na nga ako this time... pero lage na lang akong bahala na... kaya di ako umaasenso eh...

Dinelete ko pa si Pareng FB ko... dahil "wala lang".... oh well.. pero me isa pa naman ako FB.. siguro di bagay saken ang FB... nagiging usisero ako eh...

Thursday, September 9, 2010

T@nz@ Town Fiesta 2010

Tuwing August 27-28....

Ang Pagdiriwang ng Kapiyestahan ni Tata Usteng.. (San Agustin) sa Tanza, Cavite.



Nanuod ako ng parada dun kasama sina Katlin at Miko.. Nung una kame magkakasama... at dun nagkita kita na rin kame nina Kuya George at Justine.

ayos naman ang parada pero walang BK77.... pero ang maganda lang ay ang St. @ugustine at St@. Monica... nag enjoy ako manuod... at sa wakas narinig ko na din ang El Caballero March ng LIVE...

St. @ugustine Band Assn.


Banda St@. M0nica



enjoy naman ako... kahit walang BK77... siguro abangan ko na lang talaga yung parada sa Dasma sa December... panigurado mahigpit na labanan na naman don...


Tuesday, September 7, 2010

Justin (a story review)

isa sa mga da best na BI-serye na nabasa ko....

super boring ako nung August kung kaya't lage ako nagbabasa ng mga bi-serye.. isa na dun yung AKKCNB (Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan) na nirecommend saken ni White at ni Troy. tapos me nakachat ako na nirecommend yung kwento ni JUSTIN....

nung una... napapangitan ako sa writing style pero pinagtiyagaan ko talaga kasi nagkainteres agad ako sa kwento lalo na dun kay Uncle Hans.. hahahaha kala ko matandang uncle yun pala bata pa pala... hahahaha..

kaya ayun nahook na ako... ganda ng buhay niya.. nang dahil sa tita at lola niya.. ayun nakapasok siya ng college at dun niya nakilala si Mark.

Nako.... sa dami ng pinagdaanan nila ni Mark.. saludo ako sa mga experience niya lalo na sa lovelife nila ni mark... talagang dumaan sila sa matitinding pagsubok.. pero kahit ganon me halong comedy pa din... kaya ang sarap basahin nung kwento..

mga di ko makakalimutang eksena sa kwento....

yung namatay si Gw3n.. at talagang pinagbunyi talaga ni Just!n ang pagkamatay ng asawa ni M@rk.. at sinabi pa talaga niya na...

"sa wakas kumampi na saken ang earth ako na ang mother earth!!!!"

hagalpak ako ng tawa nung nabasa ko yon.....

yung nagbakasyon si Just!n sa Canada... yung convo nila ni JM yung anak ni Mark it makes my heart melts.. nakakaiyakkk.....

"Tito, im good boy in our school and in our house, but yaya push me when I play my toys in the garage"

"Tito dad….tito dad, where are you tito dad, ?"

"daddy daddy Justin, here is my drawing,, I got 5 star,, here is you daddy Justin, here is daddy mark and me here"

"Daddy Justin, I want you to stay here,, please, I want you to take care of me, both of you daddy,,,"


Sunday, August 22, 2010

Marit Larsen

ewan ko ba at bigla ko siyang naaalala..... way back to 2006....

si Marit Larsen.. a former M2M member... na favorite singer ko noon... pero naalala ko siya nung 2006 kasi namiss ko ang M2M that time.. at guess what.. nag SOLO na pala siya sa norway.. at ayun... naging favorite ko na ang under the surface noong 2006...

DONT SAVE ME


UNDER THE SURFACE



OUT OF MY HANDS

About